You are on page 1of 23

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o
gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka
upang mabuhay.”
- Gustave Flaubert

- Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of


Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa
mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon
- Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in
Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
- Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas
sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng
kahulugan.

Intensibo at Ekstensibong
Pagbasa

Intensibo
- Kinapapalooban ng malalimang
pagsusuri sa pagkakaugnay-
ugnay, estruktura, at uri ng
diskurso sa loob ng teksto,
pagtukoy sa mahahalagang
bokabularyong ginamit ng
manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.
- Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o
paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag-
aaral ang isang teksto.

Ekstensibo
- Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong
pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang
hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
- Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay
upang makuha lamang ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng
binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o
hindi alam ang kahulugan.

Scanning at Skimming sa Pagbasa

Scanning
- Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban
ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng
mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
- Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo,
larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na
paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-
alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay
matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang
sanggunian.

Skimming
- Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
- Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito
ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng
mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang
upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.

Antas ng Pagbasa

Primarya
- Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang
makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa
tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.
- Itinuturing na magkakahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap
para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-
unawa sa teksto.
- Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na
antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-
ugnay ng mga nito

Mapagsiyasat
- Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
- Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang
mas malaliman.
- Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas
na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang
malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang
ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto.

Analitikal
- Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-
iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat.
- Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at
kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
- Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos
ang layunin ng pagbasa.

Sintopikal
- Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw
sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang
inunawa.
- Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa
isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng
kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang
mga aklat na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan
mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar.
- Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga
impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman
upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig
sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili
bilang isa sa mga eksperto ng iyong binasa.

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa


Bago Magbasa
- Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang
tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung
kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.
- Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
- Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at
kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto
ang babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon
kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.

Habang Nagbabasa
- Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2)
Biswalisasyon ng binabasa; 3) Pagbuo ng koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5)
Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6) Muling pagbasa; 7) Pagkuha ng
kahulugan mula sa konteksto.
- Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng
impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon,
organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. Ang elaborasyon ay
ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong
natutuhan mula sa teksto. Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon
sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at
larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.

Pagkatapos Magbasa
- Nakapaloob sa bahaging ito ang:
Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol
sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa
binasa.
Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat
ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa
pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng
pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang
pag-unawa.
Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng
mga impormasyong nabasa sa teksto.

Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o


mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik,
o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o


ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring
kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para
sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin ko.”

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto

Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa


teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa
pagpapahayag.
- Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang
tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya
naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o
paninindigan niya.
- Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda
na nais solusyonan ng may-akda.

Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng


manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya
niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa paglalahad, o
kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong
pananaw at paglalahad sa paksa?
- Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng
mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.

Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng


manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa,
galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
- Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito
rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa
katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.

Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu

Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng


may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at
palinawin ito para sa mambabasa.
- Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang
pinagmulan ng isang ideya o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na
makatutulong sa pananaliksik.

Ang abstrak naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala


ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
- Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang
mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga
layunin at kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon, tinatawag din itong
precis o synopsis.

Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang


layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng
pagkakasulat nito.
- Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Ang mga
nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay gumagamit ng
panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta o
kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat.
- Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang
magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.
Tekstong Impormatibo:
Para sa Iyong Kaalaman

Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo


- Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding
ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa
mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.
- Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya,
mga impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o
almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga
balita sa diyaryo.
- Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng impormasyon.
- Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo,
kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang
gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang
impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo
para sa mahahalagang bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon,
kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph, at
talahanayan.

Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo

Sanhi at Bunga
- Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnayugnay
ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta
ng mga naunang pangyayari.
- Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga
bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
Paghahambing
- Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita
ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,
konsepto, o pangyayari.

Pagbibigay-depinisyon
- Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o
konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay
gaya ng uri ng isang hayop, puno, o kaya naman ay mas abstraktong mga
bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig.
- Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang
mga kahulugang denotatibo o konotatibo.

Paglilista ng Klasipikasyon
- Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahatihati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang
magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
- Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya
at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo

- Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may kinalaman sa pag-


alala ng mga salita at konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto
upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.
Halimbawa, kung nagbabasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang
uri ng pamumuno, maaari niyang balikan ang nauna na niyang
nalalaman tungkol sa presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno
upang iugnay sa mga bagong matutuklasang impormasyon. Ang pag-
alala at pagbuo ng ugnayan ay makatutulong upang mabilis na
maunawaan ang isang teksto.
- Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman sa pagbasa ng mga
bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-
uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong paghula
ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang sanayin ng isang mambabasa ang
kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang hindi maantala ang
pagbasa sa kabuuan ng teksto.
- Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa
ng iba’t ibang teksto at pagdanas sa mga ito. Halimbawa, kung ang isang
mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang
uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga
kategorya at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito batay sa mga
katangiang kaniya nang nasaksihan. Sa ganitong pagkakataon, mas
nagiging konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral dahil alam nila kung
ano ang tinutukoy sa teksto.

Tekstong Deskriptibo:
Makulay na Paglalarawan
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo

- Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay,


tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng
isang partikular na karanasan.
- Sa isang tekstong naratibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan
ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento. Ipinakikilala
nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan.
- Sa isang prosidyural na teksto, natitiyak din ng mambabasa ang hitsura,
katangian, at kalikasan ng yaring produkto sa pamamagitan ng
deskripsyon. Pinatatatag ng paglalarawan ang anomang porma ng
sulatin kung mahusay at angkop ang pagkagamit nito. Samakatuwid,
mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng
mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing
akda.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

- Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing


impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
- Ang tekstong naratibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at
maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng
iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan. Ang obhetibong
paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang
makatotohanan at ‘di mapasusubalian. Ang subhetibong deskripsyon
naman ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at
naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman
ng manunulat sa inilalarawan.
- Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at
maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay
ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan.

Tekstong Persuweysib:
Paano Kita Mahihikayat
Kahulugan ng Tekstong Persuweysib
- Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil
sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon
at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang
argumentatibong estilo ng pagsulat.

Layunin ng Tekstong Persuweysib


- Nakaasa sa argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong
persuweysib, ngunit sa halip na magpakita lamang ng mga argumento,
layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at mapakilos ito tungo sa
isang layunin.
- Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng manunulat ang mga impormasyon
sa dalawang panig ng argumento. Ginagawa ito upang bigyan ng
pagkakataon ang mga mambabasa na pag-isipan ang dalawang panig, at
upang agad na masagot ng manunulat ang mga posibleng argumento na
lilitaw sa isip ng mambabasa habang inuunawa ang teksto.
- Nakaasa sa argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong
persuweysib, ngunit sa halip na magpakita lamang ng mga argumento,
layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at mapakilos ito tungo sa
isang layunin.
Halimbawa, sa panghihikayat ng mga gumagawa ng iskrip sa patalastas,
layunin nilang bilhin ng mamimili ang produkto o serbisyong ibinibenta.
Layunin naman ng mga politikal na kampanya na iboto ang isang tiyak na
partido o kandidato.
Nilalaman ng Tekstong Persuweysib

Malalim na pananaliksik
- Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung
tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na
sabihing tama ang isang paninindigan kung walang tiyak na mga datos na
susuporta rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal na panghihikayat ang
pagsusulat ng tekstong persuweysib. Bagama’t maaaring isalaysay ng
manunulat ang isang personal at empirikal na karanasan, mahalaga pa
ring magpakita ng pananaliksik na maiuugnay at maaaring magpaliwanag
nito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng paglalahad
nito ang pinaka-esensya ng isang tekstong persuweysib.

Kaalaman sa posibleng paniniwala ng mambabasa


- Kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib
sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
Sinisimulan ng isang manunulat ang argumento mula sa mga
paniniwalang ito. Kung mahusay na masasagot ang mga maling
persepsiyon na ito, matitiyak ang pagpayag at pagpanig ng mambabasa
sa paniniwala ng manunulat.

Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu


- Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga
mambabasa. Kailangang makitang nauunawaan ng manunulat ang
kabuuang konteksto at pinagmumulan ng isyu.

Tekstong Naratibo:
Mahusay na Pagkukuwento
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo

- Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa


isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay
personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari
o kathang-isip lamang. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay
sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
- Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari
na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon
(memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit
ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang
maging malikhain ang katha.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

Paksa
- Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa
personal na karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring
maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga
kahalagahan nito
Estruktura
- Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.
Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang
estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay
nagsisimula sa dulo papuntang unahan ang kuwento, kung minsan
naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang
pagkakasunodsunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang
narasyon.
Oryentasyon
- Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag
ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na
sino, saan, at kailan. Ang mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito
ang magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat ang
realidad sa kaniyang akda.
Pamamaraan ng Narasyon
- Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo
sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang
magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi
lumihis ang daloy. May iba’t ibang paraan ng narasyon na maaaring
gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.
Komplikasyon o Tunggalian
- Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang
mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin
ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.
Resolusyon
- Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang
resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.

PAMAMARAAN NG NARASYON

Diyalogo
- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ngpag-uusap ng mga
tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
Foreshadowing
- nagbibigay ng mga pahiwatig o hintshinggil sa kung ano ang
kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
Plot Twist
- tahasang pagbabago sa direksiyon oinaasahang kalalabasan ng isang
kuwento.
Ellipsis
- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwentokung saan hinahayaan
ang mambabasa na magpuno sanaratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg
Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
Comic Book Death
- isang teknik kung saan pinapatayang mahahalagang karakter ngunit
kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.
Reverse Chronology
- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
In medias res
- nagsisimula ang narasyon sakalagitnaan ng kuwento. Kadalasang
ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng
mga flashback.
Deus ex machina (God from the machine)
- isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang ”ArsPoetica”
kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sapamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isangabsolutong kamay.

Uri ng tekstong naratibo

pormal at di pormal.
- Pormal-may seleksiyon at organisasyon
- Di-pormal- simpleng kuwentuhang pang araw-araw
Porma ng Tekstong Naratibo
- Pagsalaysay na nagpapabatid- kasaysayan,pakikipag-sapalaran,
anekdota, kathang salaysay
- Masining na pagsasalaysay- Alamat, parabula, maiklingkuwento, dula,
nobela

Pananaw
- Unang panauhan-personal ang tono
- Ikatlong Tauhan-may distansiya

Mga Katangian ng Mabisang Tekstong Naratibo (Nagsasalaysay)

Nakakapukaw-pansin na pamagat
- Taglay nito ang pagigingmaikli, kawili-wili,kapana-panabik; may
misteryo;orihinal;hindi katawa-tawa.

Ginagamitan ng Sanhi at Bunga.


- Angkop gamitin dito ang sanhiat bunga dahil sa pamamagitan nito ay
mapagdudugtong-dugtong angmga pangyayari.

Tempo - Mainam rin na makita ang tempo (bagal o bilis) ng takbo ng


mga pangyayari. Kailangang habaan ang pagsasalaysay para magbigay ng
mas malinaw na paksa,kung hindi gaanong mahalaga,hindi na dapat
habaan pa.

Punto ng Pagsasalaysay
- Mainam ang pagbabalangkas sa pinupunto ng isasalaysay.
Ayos ng Pagsasalaysay
- Hindi palaging kronolohiko o nakaayosng magkakasunod sunod ang
pagsasalaysay. Nagiging malikhain at mapaglaro sa mga panahon ng
paksang isinasalaysay sa pamamagitan ng pagsisimula sa gitna o sa
hulihan o anumang estratehiyangmakakatutulong para maunawaan ang
pagsasalaysay.
Kaisahan
- Taglay rin ng pagsasalaysay ang kaisahan ng mgakatangian ng tauhan,
pook, at pagkakasunod-sunod ng mgapangyayari.
Kakintalan
- Nagtataglay ng kakintalan ng tauhan angpagsasalaysay. Mga
kapanipaniwala silang tauhan na maymotibasyon at kasaysayan upang
maging buhay sa isip ngmga mambabasa at tagapakinig.
Kasukdulan
- Pinakamataas ang kaigtingan ng pagsasalaysay angkasukdulan,
ibinibitin ang pananabik ng mga mambabasa at mgatagapakinig bago
tuluyang wakasan ang pagsasalaysay.
Wakas
- Marapat ding maihanda ang mga mambabasa o mgatagapakinig sa
magiginng wakas ng salaysay. Nakasalalay rito kungmagiging kapani-
paniwala ba ang isinasalaysay.

Ang Creative Non-Fiction

Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o


narrative nonfi ction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat
na gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng
makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. Iba ito sa peryodismo
o teknikal na pagsulat dahil kahit naghahayag ito ng katotohanan,
mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng akda.

Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of Fact,” ang apat na katangian
ng CNF ay:
• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng
narasyon;
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon ng
karanasan; at
• Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.
Tekstong Argumentatibo:
Ipaglaban ang Katuwiran
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo

- Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na


nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang
tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
- Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa
maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-
aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto
de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na
ebidensiya.

Mga Elemento ng Pangangatuwiran

Proposisyon
- Ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan.
- Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng
dalawang panig.
- Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
Argumento
- Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
- Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahon ang paksa


- Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t ibang
napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
Makatutulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit hindi ito sapat.
Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata


ng teksto
- Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa
bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang
makialam sa isyu ang mga mambabasa.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
- Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang
lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa
sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo ang kabuuang
teksto sa layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang ibuod ang
ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksiyon sa
susunod na bahagi.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento
- Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang
ideya lamang. Ito ang magbibigay-linaw at direksiyon sa buong teksto.
Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng bawat talata upang maging mas
madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan ding isaalang-alang ang
lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto at
maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis.
Matibay na ebidensiya para sa argumento
- Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado,
tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na
susuporta sa kabuuang tesis

Tekstong Prosidyural
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Prosidyural

- Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang


nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa
ang isang tiyak na bagay. Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong
prosidyural sa halos lahat ng larangan ng pagkatuto.
- Halimbawa nito ang recipe ng pagluluto sa Home Economics, paggawa
ng eksperimento sa agham at medisina, pagbuo ng aparato at
pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya, o pagsunod sa mga
patakaran sa buong paaralan. Halimbawa rin nito ang mga patakaran sa
paglalaro ng isang bagay, mga paalala sa kaligtasan sa kalsada, at mga
manuwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na pagsasagawa ng iba’t
ibang bagay. Kabilang din dito ang mga tekstong nagtuturo kung paano
gagamitin ang isang uri ng makina, kagamitan sa bahay, kompyuter, at
iba pa.
- Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa
pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manuwal upang
panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung
paanong pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng
maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga
protokol. Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na
nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi nakaayos nang
magkakasunod.
- Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa
maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-
aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto
de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na
ebidensiya.

Mga Nilalaman ng Tekstong Prosidyural

Layunin o Target na Awtput


- Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan
ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian
ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling
inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga
gabay.
Kagamitan
- Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin
upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa
pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin.
Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit ng anomang kasangkapan.
Metodo
- Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
Ebalwasyon
- Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng
mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina o di kaya ay
mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.

Katangian ng Tekstong Prosidyural

- Nasusulat sa kasalukuyang panahunan (gawin ito);


- Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao
lamang;
- Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip;
- Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon;
- Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang
ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto; at
- Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at
dami).

Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga


partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa iba’t ibang paksa at penomenon
dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sa
kaniyang paligid.

Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino


at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang
mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
- Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na
nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may
pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan
pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakinabangan.
- Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at
halaga ng gagawing pananaliksik.

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang


pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
- Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang
mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok
nito o pinatutungkulan ng pananaliksik.
- Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente
ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok
ang pagpili ng paksang sasaliksikin.

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.


- Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang
mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang
tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito.
- Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga
guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng
maka-Pilipinong pananaliksik.
- Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad,
nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral
mula sa masa.

Kalagayan at mga Hamon sa


Maka-Pilipinong Pananaliksik

Patakarang Pangwika sa Edukasyon


- Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon kaugnay ng
pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa sistema
ng edukasyon at pamamahala.
- Gayunpaman, tila tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang
pambansa lalong-lalo na sa edukasyon.

Ingles Bilang Lehitimong Wika


- Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema ng edukasyon at lakas-
paggawa. Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong
kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon,
komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik.
- Wikang Ingles ang namamayaning midyum ng pagtuturo at pagkatuto
sa mga unibersidad.
- Dagdag pa riyan, ang katatasan sa Ingles ay nagiging batayan sa
pagkakaroon ng disenteng trabaho.

Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
- Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging ang pamantayan sa
pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin sa
istandard ng internasyonal na pananaliksik.
- Gayundin, maliwanag ang mababang pagtingin sa mga journal ng
pananaliksik na nailalathala sa pambansang antas na kadalasang
tumatalakay sa wika, kultura, at kabihasnang Pilipino.

Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba’t ibang Larang at Disiplina


- Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamit ng wika
kaya halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya,
matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa.
- Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at
maganit pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa
humanidades, panitikan, at agham panlipunan

Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa at Pagbuo ng Suliranin sa Pananaliksik

- May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?


- Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?
- Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa
pipiliing paksa?
- Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang
tanong?
Ang Anapora ay mga panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap.
Halimbawa:

 Sina Bonifacio at Sulayman ang mga bayaning Pilipino.


Sila ay mga dakilang Manileño.
 Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas
Resort sa Palawan dahil sila'y totoong nagagandahan
dito.
 Si Chloe Verhinks ay isa sa mga dayuhang turista na
pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya,
paborito niya itong pasyalan.

Ang Katapora naman ay mga panghalip na ginagamit


sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
hulihan.
Halimbawa:

 Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may


makulay na kasaysayan.
 Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil ang mga turista'y totoong nagagandahan
dito.
 Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na
pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil
ayon kay Chloe Verhinks paborito niya itong pasyalan.

Kahulugan ng Panghalip
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay
ang salitang pamalit o panghalili sa ngalan o
pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o
sa kasunod na pangungusap, kasama din ito sa bahagi
ng pananalita o Parts of Speech.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao ay mula ito sa salitang “tao”, kaya’t
nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay
kilala rin sa Ingles bilang personal pronoun. Panghalili
ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang halimbawa
ng panghalip panao ay ang ako (me), ko, akin (mine),
amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you),
siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).
2. Panghalip Pamatlig o demonstrative pronoun ay
humahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan. Halimbawa ng salitang
pamatlig: ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito,
ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at
naroon.
3. Panghalip Pananong o interrogative pronoun sa wikang
Ingles. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na
pananong o patanong ay ang mga salitang ano (what),
anu-ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.
4. Panghalip Panaklaw o Indefinite Pronoun ay mga
panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o
kalahatan ng kinatawang pangngalan. Ilan sa mga
halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman, alinman,
anuman, pawang, saanman, ilan.
5. Panghalip Pamanggit o Relative Pronoun ang panghalip
pamanggit ay mula sa salitang banggit na may
pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o
parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o
pananalita tulad ng daw, raw, umano, diumano, ani, sa
ganang akin/iyo.
6. Panghalip Patulad nagpapakilala ito ng pagkakawangis
ng dalawang bagay.

You might also like