Professional Documents
Culture Documents
Sapulin
Kahulugan ng Pagbasa
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ito ay isang kompleks ng kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon (Anderson
et al. (1985),)
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng:
Lakbayin
Kahulugan ng Mapanuring Pagbasa
Ito ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin
Nangangailangan ng maingat, aktibo,replektibo at mapamaraang
pagbasa.
Estratehiya sa Pagbasa:
Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap
hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang
impormasyon.
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo,
larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop
na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang
pag-alam o pagka-unawa na sa hinahanap na impormasyon at ang
layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o
iba pang sanggunian.
Skimming
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
Nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang
teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito.
Contextualizing
Pagsasaayos ng teskto sa paraang historikal, biograpikal at
nakabatay sa kontekstong kultural.
PANGALAN: PUNTOS:
SEKSYON:
Galugarin
Ilagay ang alaala sa tamang lalagyan, dito ang nabubulok at dito ang di
nabubulok
Munting alaala ibulsa muna
Alaalang itinapon mo babalik at babalik sa iyo
May pera sa alaala
PAGKAKAIBA
AT
PAGKAKATULA
D
BASURA ALAALA
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
Palalimin
SARILI PAMILYA
PAMAYANAN LIPUNAN
Aralin Mga Kasanayan ng Mapanuring
1.2 Pagbasa
Muli kitang binabati dahil malayo na ang iyong narating sa ating pag-aaral.
Sa bahaging ito, panibagong aralin pa ang iyong matutunghayan. Mahalaga ito
upang mas lalo pang malinang ang iyong pag-unawa sa ating aralin.
Pagkilala sa Katotohanan at
Opinyon Katotohanan
mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan
ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o
impormasyon
Opinyon
mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na
paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang
diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin
ko.”
Abstrak
Isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
Ito ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang
kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at
kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon, tinatawag din itong precis o
sinopsis.
May Tatlong Uri ng Pagsulat ng Abstrak
1. Abstrak para sa isang Pananaliksik
2. Abstrak para sa isang Modyul o Aklat
3. Abstrak para sa Pelikula
Rebyu
Ito ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin
ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat
nito.
Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Ang mga
nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay gumagamit
ng panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na
sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat.
Maaaring ito ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang
magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.
SAGUTANG PAPEL SA PAGBASA – 2ND SEM
MODYUL 1.2
PANGALAN: PUNTOS:
SEKSYON:
Palalimin
BANGKANG PAPEL
ni: Genoveva Edroza-Matute
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay
magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi
masisira ng tubig.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng
kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng
baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng
kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at
pabulong na nagsalita:
“Siya, matulog ka na.”
Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng
malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala
niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa
kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.Sinipat niya ang mukha upang alamin
kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw
ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang
tapat...
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap
ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay
na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-
uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay
dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan.
Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng
paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang
ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si
Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng
tao.
Nahihintakutang mga batang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon
nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang
kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na
hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati.
Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong.
“Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi
pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap
nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang ang lahat.
Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang
ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.Sa pagitan ng mga hikbi,
siya’y patuloy sa pagtatanong...“Bakit po? Ano po iyon?” Walang sumasagot sa
kanya.
Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang
balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
“Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na
kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man.
Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito...
Kaya’t walang maaaring maiwan.”
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang
maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang
bagay.
Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa
labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga
paa sa paghakbang.
“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”
A. Panuto: Magtala ng limang salita mula sa tekstong binasa.Isulat ang mga ito sa unang hanay.
Sa ikalawang hanay ibigay mo ang kahulugan, at sa ikatlong hanay naman ay gamitin ang mga
salita sa makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.