You are on page 1of 8

MGA KASANAYAN

SA MAPANURING
PAGBASA
Sa nakaraang aralin, isa-isang tinalakay ang iba’t
ibang antas ng pagbabasa. Lahat ng antas ay
pagdadaanan ng mambabasa upang makamit ang
pinakamataas na uri ng pagbasa, ang sintopikal
na pagbasa. Iba’t iba ang kasanayan na dapat
paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa.
Sa kabuuan, mahahati ang mga kasanayan sa
tatlong bahagi: Bago Magbasa, Habang
Nagbabasa, at Pagkatapos Magbasa.
BAGO MAGBASA
• Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong
babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto
ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa
pagbasa batay sa uri ng genre ng teksto o kung kinakailangan
ba ito ayon sa itinakdang layuin ng pagbasa. Kinapapalooban
ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan
ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Nakabubuo g mga
tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang iyong
teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula
ng kognitibong proseso.
HABANG NAGBABASA
• Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng
kognisyon habang nagbabasa. Sa bahaging ito,
sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang
iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan
ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at
prediksyon bago magbasa ay pinanghahawakan niya
upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa
sa binabasa.
PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGBASA

• Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang


bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na
kakayahan sa pagbasa.
• Biswalisasyon ng binabasa. Gamit ang mga impormasyon mula sa
teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga
imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa.
• Pagbuo ng koneksiyon. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng
teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
• Paghihinuha. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak
na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa
kalalabasan ng teksto.
• Pagsubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga
posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga
hakbang upang masolusyonan ito. Halimbawa, kung may
isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong
teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang
mambabasa.
• Muling pagbasa. Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan
ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
• Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Paggamit ng
iba’t ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga
di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa
teksto.
ELABORASYON
- Ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya
sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
ORGANISASYON
- Ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang
bahagi ng impromasyon na nakuha sa teksto.

PAGBUO NG BISWAL NA IMAHEN


- Ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng
mambabasa habang nagbabasa.
PAGKATAPOS MAGBASA

Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit


natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa
ang sumusunod:
• Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa
binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
• Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang
pangunahing ideya at detalye sa binasa.
• Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa
pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng
pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-
unawa.
• Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpukan at kaangkupan ng
mga impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin
kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.

You might also like