You are on page 1of 2

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa

Bago Magbasa

 Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.


 Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto.
 Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon

Habang Nagbabasa

 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa – Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa


batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.

 Biswalisasyon ng binabasa – Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na


kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa.

 Pagbuo ng koneksyon- Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teskto at imbak na kaalaman


upang matiyak ang komprehensiyon.

Paghihinuha – Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga
pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
Pagsusubaybay sa komprehensiyon- Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at
paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito.
Muling Pagbasa- Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng tekto kung kinakailangan kapag hindi ito
naunawaan.
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto - Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang
kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.

Pagkatapos Magbasa

Pagtatasa ng komprehensiyon – Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang
kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.

Pagbubuod – Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at


detalye sa binasa.

Pagbuo ng sintesis – Kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa


kaniyang pag-unawa.
Ebalwasyon – Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa
teksto.

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto


Layunin- Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
Pananaw - Pagtukoy kung ano ang preperensya ng manunulat sa teksto.
Damdamin- Ang ipinapahiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.

You might also like