You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Don Alfaro St. Tetuan, Zamboanga City

Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

February 21, 2024 – Miyerkules


I- Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang punto ng kasanayan sa mapanuring pagbasa – habang nagbabasa.
b. Nakapagbibigay ng iba’t ibang gawain habang nagbabasa.

II- Nilalaman
a. Paksa: Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa – Habang Nagbabasa
b. Sanggunian: De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Pah. 19-20. Manila: Rex Book Store, Inc.
c. Mga Kagamitan: Notebook, Panulat, Laptop, TV/Projector

III- Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati sa klase.
 Pagtsek ng Atendans
 Pagtala ng Liban/Huli sa klase
 Pagpuna sa kaayusan/Kalinisan sa klase

B. Aktibity
 BRAINSTORMING
 Ano-ano ang mga gawain na ginagawa niyo habang nagbabasa?
 Epektibo ba ang mga ito upang maunawaan niyo ang mga binabasa niyo?
 Paano niyo mapapaunlad ang inyong kakayahan habang nagbabasa?

C. Analisis
 PANGKATAN
 Ipamalas sa klase sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon ang iba’t ibang gawain sa
pagbasa – habang nagbabasa.
 UNANG PANGKAT
(Pagbabalita) – Pagtantiya sa bilis ng pagbasa, Biswalisasyon ng binabasa
 IKALAWANG PANGKAT (Rap)
Pagbuo ng koneksiyon, Paghihinuha
 IKATLONG PANGKAT (Variety Show)
Paghihinuha, Pagsubaybay sa Komprehensiyon

Pamantayan:
Nilalaman (mensahe at angkop na panghihikayat) - 10 puntos
Presentasyon (Kalinawan at kaayusan) - 10 puntos
KABUUAN - 20 puntos

D. Abstraksyon
 INDIBIDWAL NA PAGBASA
 Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa bahaging ito,
sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang
maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa aktibong pang-unawa sa binabasa. Sa
bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa. Narito ang ilan pang
pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa:
 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa
batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
 Biswalisasyon ng binabasa. Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na
kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa.
 Pagbuo ng koneksiyon. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman
upang matiyak ang komprehensiyon.
 Paghihinuhan. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang buo
ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
 Pagsubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto
at paggawa ng mga hakbang upang masolusyunan ito. Halimbawa, kung may isang salitang
mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang
mambabasa.
 Muling pagbasa. Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan
kapag hindi ito naunawaan.
 Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin
ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
 Mababaw ang komprehensyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa ang natutuhan nila.
Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang
memoryan sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen.
 Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong
natutuhan mula sa teksto.
 Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon
na nakuha sa teksto.
 Ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglika ng mga imahen at larawan sa isipan ng
mambabasa habang nagbabasa.

E. Aplikasyon
 Magbigay ng (5) lima pang gawain habang nagbabasa.

1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________

IV- Takdang Aralin


 Pag-aralan at basahin ang kasunod na paksa – Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa –
Pagkatapos Magbasa.

Inihanda ni:
Sandralyn P. Martinez
SST – III

You might also like