You are on page 1of 7

KATUTURAN AT KATANGIAN NG PAGBASA

Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng


impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang tingnan at suriin
upang maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang nagsisilbing instrumento upang mabigyang-
kahulugan ang mga kaisipang gustong ipahayag, Maaari ring unawain ang mga simbolong ito
sa pamamagitan ng pandama katulad ng braille na ginagamit ng mga bulag. Ang ibang paraan
ng pagbasa ay maaaring hindi language based, tulad ng mga nota sa musika, pictograms,
pagkuha ng mga datos mula sa kompyuter.

Ang kakayahan sa pagbabasa ay isa sa mga pinakamahalagang kasanayang dapat matamo ng


isang bata sa mga unang taon pa lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito nakasalalay
ang kanyang tagumpay at kaunlaran sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay
nahahawan ang landas ng karunungan sa iba't ibang larangan-sining, agham, teknolohiya,
kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa. Namumulat ang mambabasa sa katotohanan at
nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha para sa kanyang ibayong kapakinabangan.

Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong kasanayang pangwika na mahalaga sa


pakikipagtalastasan. Maituturing na 90% ng kaalaman ng tao ay mula sa kanyang pagbabasa.
Maaaring libutin ang buong daigdig sa pamamagitan lamang nito. Matatarok natin ang lalim ng
kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa. Sa kaganapan ng pagbabasa nakikita ng bumabasa
ang buhay. o malinaw na simbolo na binibigyang-interpretasyon matapos ang pag unawa. Ang
mga titik na sumasagisag bilang simbolo ay paraan lamang ng kaisipang inihahatid ng teksto.

Pisikal na Bahagi sa Pagbasa

Ang ating mga mata ang pinakamalahagang kailangan sa pagbabasa. Nagsisilbi itong kamera
na kung saan ang imahe o simbolo ay kinukuhanan, matapos ay babaybay ito sa utak upang
kilalanin at bigyang-kahulugan. Sa proseso ng pagtutok sa simbolo o teksto ay nagaganap ang
bahagyang pagtigil upang kilalanin at intindihin ang teksto. Ang pagtigil na ito ay tinatawag na
fixation. Ang isang magaling na mambabasa ay nagkakaroon lamang ng tatlo hanggang limang
fixation kada linya, samantala ang mabagal magbasa ay mayroong 10 at mahigit pang fixation.

ANG PROSESO NG PAGBASA

Ayon kay William S. Gray, may apat na hakbang ang pagbabasa:

1. Persepsyon Kinikilala sa hakbang na ito ang mga simbolong nakalimbag.

2. Komprehensyon - Inuunawa ang mga kaisipang inihahatid ng mga nakalimbag na simbolo.

3. Aplikasyon - Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng teksto.


4. Integrasyon-Pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay-
kahulugan sa teksto.

Paano isinasagawa ang proseso ng pagbabasa?

Narito ang kailangang gawin:

Bago Bumasa

1. Pahapyaw na Pagtingin (scan). Tingnan ang mga larawan, pamagat at caption, sulyapan ang
mga grap, tsart, mapa, at ang pangalan ng mga tao at lugar. Tukuyin ang mga salitang di
naunawaan.

2. Pag-usapan. Magbahaginan ng karanasan na may kaugnayan sa artikulo at magtala ng mga


tanong na maaaring masagot ng artikulo.

Bakit kailangang gawin mo ito?


● Upang mabigyan ng buod ang nilalaman ng babasahin Upang makahanap ng artikulong
kapaki-kapakinabang sa mambabasa
● Upang malinang ang pag-uugnay ng dating kaalaman
● Upang ipakilala ang talasalitaang may kaugnayan sa binasa
● Upang maiugnay ang binasa sa artikulo sa iba pang binasa
● Upang maitakda ang dahilan ng pagbasa

Habang Nagbabasa

3. Magbasa nang malakas

a. Basahin nang malakas ang bawat bahagi ng artikulo.


b. Isagawa ang proseso ng pag-iisip:

● Magtanong
● Bumuo ng hinuha
● Alamin ang pag-unawa

c. Magtala ng mga makabuluhan at bagong talasalitaan.

4. Magbasa nang tahimik


a. Basahin nang tahimik ang bawat bahagi ng artikulo.
b. Sundin ang proseso ng pag-iisip:
● Magtanong
● Bumuo ng hinuha B
5. Alamin ang pag-unawa
● Talakayin ang bawat bahagi.

Bakit kailangang gawin mo ito?


● Upang mapagbuti ang pag-unawa
● Upang magkaroon ng huwaran at mahusay na pagbasa
● Upang magkaroon ng mga estratehiya sa pagsubaybay ng pagbasa
● Upang lumawak ang kaalaman sa pagtugon sa mga katanungan
● Upang maipagpatuloy ang pagpapalaganap ng mga ugnayan

Pagkatapos Bumasa

6. Magbalik-aral at talakayin

a. Pag-usapan ang iba pang tanong at mga ideya mula sa artikulo.


b. Talakayin ang mga impormasyon na maaaring galing sa iyo at sa kapwa estudyante na
nakabasa ng artikulo.
c. Humanap ng paraan kung paano maiuugnay ang artikulo sa mga estudyante.

Bakit kailangang gawin ito?


● Upang mapalawak ang pag-unawa
● Upang maipakita sa mga estudyante kung gaano ang natutuhan
● Upang maibahagi ang impormasyon at opinyon niya
● Upang makapagbigay ng iba pang bagong katanungan na magagamit sa darating na
panahon
● Upang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng ugnayan

A. PROSESONG SIKOLOHIKAL NG PAGBASA

Ang pagbasa ay isang sikolohikal na proseso. Ang mga mata ang nagsisilbing ekstensyon ng
utak upang makilala ang mga tekstong kailangang basahin.

1.Ang pagkilala sa materyal/teksto

Sa mga terminolohiya sa iba't ibang disiplina, may kahulugan ang mga panlaping ikinakabit sa
salitang-ugat. Kadalasan ang mga panlaping ito ang nagbibigay ng kahulugan sa mismong
salita.

Halimbawa:

hyper - sobra, lagpas = hyperthyroidism


gyn-babae OB gyne (doktor ng mga babaeng buntis) micro- maliit = microbusiness (maliit na
negosyo)
2.Pag-unawa ng materyal

Magiging madali ang pag-unawa kapag may nalalaman na tungkol sa iyong binasa.

3.Ang layunin sa pagbasa ng teksto

Ano ang layunin mo sa pagbabasa? Ang mambabasang may layunin o hangarin ay madaling
makapagpoproseso ng kaalaman. Halimbawa, kung ikaw ay isang estudyante ng medisina at
layunin mong basahin ang isang pamamaraan (halimbawa ay sa panganganak), higit na mabilis
ang pagpoproseso ng kaalaman dahil maliban sa may pangunang kaalaman ka na tungkol sa
binasa, may layunin ka pa na kailangang matugunan.

B. INTERAKTIBONG PROSESO NG PAGBASA

Ang interaktibong pagbabasa ay isang proseso na gumagamit ng iba't ibang pamamaraan


upang lubusang maunawaan ang teksto.

Ayon kay Dechant (1991) ang pag-unawa ay batayan ng pagbibigay ng kahulugan; at ang
kahulugan ay inihahatid sa pamamagitan ng mga nakalimbag na titik at hindi mula sa mismong
teksto. Ibig sabihin, ang pagkaunawa sa teksto ay nakabatay sa kung paano nauunawaan ng
mambabasa ang mga salita, at hindi sa kung ano lamang ang nakasulat. Samakatwid, ito ay
interaksyon ng teksto at ng mambabasa.

Sinasang-ayunan din ito ni McCormick (1998). Ayon sa kanya, ang pagbabasa ay pagbibigay
ng kahulugan sa teksto at hindi pagpiga ng kahulugan mula sa teksto. Nangangahulugan
lamang ito na sa interaktibong proseso ng pagbabasa, ang mga mambabasa ay bumubuo ng
kahulugan gamit ang mga impormasyon mula sa ponema, morpema, palaugnayan, at
semantiko, at mula sa mga kahulugang dala ng mga ito, ang teksto at ang mambabasa ay
nagkakaroon ng interaksyon upang mabigyan ng kahulugan ang akda.

Ang pagbasa ay isang transaksyon at interaksyon ng teksto at mambabasa. Habang


isinasagawa ang prosesong ito, ang mambabasa ay naghahanap at bumubuo ng kahulugan
batay sa pag-unawa niya sa teksto. Narito ang isang ilustrasyon:

insert screenshot

C. METAKOGNITIB NA PAGBASA

Ang kakayahang kilalanin ang isang nakasulat na salita ay isang pangangailangan sa


pagbabasa. Kung ang mambabasa ay may kakayahang bigkasin ang salita, nangangahulugang
nakikilala at nauunawaan niya ang binigkas. Ang pag-unawa sa salita/mga salita ay nakapaloob
sa dalawang mahahalagang kasanayan: ang una ay ang decoding, kung saan sa prosesong ito
ay kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan; at ang ikalawa
ay ang encoding, kung saan ang tekstong binasa at inuunawa ay inayos at binibigyang anyo.

Tatlong elemento ang isinasaalang-alang dito:

1. Kaalaman sa kahulugan ng mga salita

Isang napakahalagang salik sa pagkatuto sa pagbasa ay ang lawak ng kaalaman sa


talasalitaan. Kadalasan, kapag hindi maunawaan ang kahulugan ng salita, may mga
pagkakataong hinahayaan na lamang ng bumabasa ang bahaging iyon na nagiging dahilan ng
kakulangan ng pag-unawa. Maaaring sa kadahilanang ang salita ay bago sa paningin o ngayon
lamang nabasa. Kailangang sanayin ang sarili na tingnan sa diksyonaryo ang kahulugan at
katumbas ng salita. Maaari ring gumawa ng journal entry na kung saan ang mga mambabasa
ay magtatala ng 5 hanggang 10 salita araw-araw upang lumawak ang kanilang talasalitaan.
Makatutulong din ang palagian at paulit-ulit na pagbabasa upang higit na maunawaan ang
binabasa.

2.Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa palaugnayan/gramatika

Ang palaugnayan (syntax) ay isang sangay ng disiplina na sumusuri kung paanong ang mga
salitang nakapaloob sa isang pahayag ay nagkakaugnay-ugnay. Kung ang morpolohiya ay pag
a aral ng pinakamaliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema, ang syntax ay sumusuri
kung paanong mapag-uugnay-ugnay ang mga salitang ito upang makabuo ng isang wasto at
angkop na pangungusap. Isang pinakamahalagang aspeto ng syntax ay kung paanong
nagkakaugnay-ugnay ang bawat ng bahagi pananalita. Bawat wika ay may kani-kanyang
estruktura:
Halimbawa sa wikang Filipino, ang tamang ayos ng pangungusap ay panaguri + simuno,
samakatwid ang unang parirala ay masasabi nating bahagi ng buong panaguri at ang ikalawang
parirala ay bahagi ng buong simuno.

Halimbawa:

Sinipa ng bata ang bola.


P S

Kung sa syntax naman ng wikang Ingles, iba ang ayos ng pangungusap.

Halimbawa:

The ball was kicked by the boy o ang N+ V agreement


S P

3. Pag-unawa sa kabuuan ng pahayag


Nakapaloob sa larangang ito ang tinatawag na metacognition na kung saan ang isang
mambabasa ay may kakayahang suriin ang sariling pagpoproseso ng impormasyon.
Halimbawa, kung sa pagbabasa ay nakitang walang kabuluhan ang mga salitang dumaan sa
paningin, balikan itong muli at tukuyin ang angkop na salitang dapat gamitin.

Halimbawa:

Umaanot na sa 100 ang kasaping paaralan mula sa iba't ibang rehiyon.

Maaaring balikan muli ang binasang pangungusap sapagkat hindi wasto ang naunang salitang
ginamit sa bungad ng pangungusap.

Ang kakayahan nating magproseso ng tamang impormasyon ang magsasabi sa atin na


umaabot ang angkop na salita at hindi umaanot

IBA'T IBANG PARAAN NG PAGBASA

1. Scanning

Pagbasa nang mabilisan nang di gaanong binibigyang-pansin ang mahahalagang salita.


Karaniwang ginagalugad lamang ang mga susing salita at mga subtitles. Halimbawa ay ang
paghahanap ng trabaho sa classified ads, nakapasa sa pagsusulit sa board, at ang mga
pangunahing balita.

2. Skimming

Ito ay pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon.
Maaari ding gamitin ito sa pagpili ng mga materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghahanap sa mahahalagang impormasyon na maaaring magamit sa term papers o mga
pananaliksik.

3. Previewing

Sa uring ito, hindi agad nakatuon ang pansin sa nilalaman ng akdang babasahin. Bagkus,
sinusuri muna ang kalahatang kaanyuan ng akda. May iba't ibang antas ang previewing:

a. Pagtingin sa pamagat, heading, at subheading na karaniwang nakahilig.


b. Pagbasa ng heading na nakasulat sa blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, grap at tsart, ito ay sinusuri.
e. Pagbasa ng talaan ng nilalaman.
4. Kaswal

Ito ay pagbasa ng pansamantala. Magaan ang pagbabasang ito tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas-oras.

5. Pagbasang pang-impormasyon

Ang layunin ng pagbasang ito ay upang kumalap ng mahahalagang impormasyon na


magagamit sa pang- araw-araw na pangangailangan tulad ng pag-alam sa kalagayan ng
ekonomiya at panahon, o upang masagot ang takdang-aralin.

6. Matiim na pagbasa

Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang mabuti ang


binabasa para matugunan ang pangangailangan sa pananaliksik, ulat, at iba pa.

7. Muling pagbasa

Pag-uulit sa pagbasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mga di-pamilyar na
talasalitaan o nakalilitong pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag unawa sa kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. Pagtatala

Ito ay pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o datos na


kailangan. Kasama rito ang paggamit ng marker o highlighter upang mabigyang-pansin ang
mga bahaging mahalaga sa binabasa. Tandaan na maaari lamang itong gawin kapag pag-aari
ang aklat na mamarkahan.

You might also like