You are on page 1of 6

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK 11
Ikalawang Semestre– Unang Linggo
Modyul 1

Prepared by:
MELANIE JANE O. DAAN
Subject Teacher
Less

LEKSYON 1:

PAGBASA

EXPECTATIONS

At the end of the lesson, the learners are expected to:


1. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa Pagbasa
2. Nasusuri ang kalikasan, anyo at katangian ng “Pagbasa”.
Talakayan

Pagbasa:
 Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag
na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.
 Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong
nakalimbag.
(Austero,et.al.,1999)
 Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. Ang isang mambabasa ay
bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa.
-Goodman
Proseso ng Pagbasa:
1. Persepsyon- Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolong binasa.
2. Komprehensyon- Pagpoproseso at pag-unawa sa binasa.
3. Reaksyon- Paghatol at pagpasya ng kawastuhan, kahusayan at aral ng teksto.
4. Asimilasyon- Iniuugnay ang kaalamang nabasa sa dating kaalaman o karanasan.

Katangian ng Pagbasa:
 Isang proseso ng pag-iisip.
 Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa.
 Maraming hadlang sa pag-unawa.
 Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa.
Pananaw at teorya ng pagbasa:

1. Teoryang Bottom-up- Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Proseso: Nagsisimula sa teksto
(bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga bottom- up.
2. Teoryang Top-down - Proseso: Nagsisimula sa mambabasa (top) tungo sa teksto
(down). Ang mambabasa ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na
nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language
proficiency).
3. Teoryang Interaktib Kombinasyon ng Teoryang Bottom-up at Top-down. Bi-
directional
4. Teoryang Iskima - Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima. Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay
may taglay na siyang ideya sa nilalaman ng teksto.

Mga kasanayan sa epektibong pagbasa:

 Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye


 Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
 Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto
 Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan
 Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw
 Paghinuha at Paghula
 Pagbuo ng Lagom at konklusyon
 Pagbibigay-Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye:


1. Paksang Pangungusap –sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya.
2. Suportang Detalye-tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang
pangungusap.

Suportang Detalye

Suportang Detalye
Pangunahing
Ideya

Suportang Detalye

Suportang Detalye
Note: Submit the answer sheet only.(Don’t forget to write your name)

Gawain

Pangalan: _______________________________________________________________

Gawain A. Direksyon: Punan ng tamang sago ang patlang sa bawat pangungusap.

1. Ang pagbasa ay isang proseso ng .


2. Ang , ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo.
3. Ayon sa teoryang , ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa.
4. Ang interaksyon sa teoryang , ay bi- directional.
5. Sa hakbang na , hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
6. Ang epektibna mambabasa ay isang na mambabasa.
7. Sa mga bulag, ang ginagamit nila sa pagbabasa sa
braille.
8. Ayon ky Goodman, ang pagbasa ay isang .
9. Ang pag-unawa sa tekstong binasa ay nagaganap sa hakbang na .
10. Mahalaga ang ginagampanang papel ng sa paghahasa ng
talino at isipan.

Gawain B.
Direksyon: Pumili ng isang tekstong babasahin tungkol sa Covid-19 pandemic. Basahin ang tekstong
iyong napili at sagutan ang mga sumusunod.

1. Pamagat:__________________________________________________________________
2. Teoryang ginamit sa pagbasa (Bottom-up, Top down, Interaktib o Teoryang Iskema:
__________________________________________________________________________

3. Gumawa ng buod sa akdang binasa.

You might also like