You are on page 1of 11

Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

Ang karunungan sa pagbasa ay napakahalaga para sa mabilis na


pagkatuto. Makatutulong ito sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan o
disiplina katulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Agham, Humanidades, Matematika, Agham
Panlipunan, Panitikan, Kasaysayan, at iba pa.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, mahahasa ang kaisipan ng tao, madaragdagan


ang kaalaman at higit na mapalalawak ang kanilang pananaw sa buhay.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Makilala ang mga uri, teorya at dimensyon ng pagbasa.


 Maibahagi ang kahalagahan ng paggamit ng pang-unawa sa binabasa.
 Maisagawa nang buong husay ang pagbabasa.

Kahulugan, proseso, teorya, at dimensyon ng pagbasa

Ang pagbasa ay interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga nakasulat na


kaisipan. Pag-unawa ito sa mga nakalimbag na simbolo ng mga kaisipang ipinahayag ng
sumulat.
Narito ang katuturan ng pagbasa ayon sa ilang eksperto:

 Goodman. Ayon sa kanya, ang pagbabasa ay isang saykolinggwistik na


panghuhula, kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang
mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isa itong sariling
panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa, at pagbibigay pa ng iba
pang pakahulugan o prediksyon.
 Coady. Ang kaisipang ibinigay ni Goodman na nagwikang ang dating
kaalaman ng mambabasa ay kailangang kanyang maiugnay sa binabasa
niyang konsepto o kaisipan, at kasanayan sa pagpoproseso ng mga
impormasyong masasalamin sa teksto.
 Leo James English. Ayon sa isang awtor ng English-Tagalog Dictionary,
ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag
na mga salita.
 James Dee Valentine. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa
maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga
nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


1
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

Mga Layunin ng Pagbasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.


2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa ating kaisipan.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4. Mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap nating
marating.
5. Mapag-aralan natin ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad
at pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagisnan.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Si William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, ay naglahad ng apat (4) na


hakbang sa pagbasa, gaya ng mga sumusunod:

1. Pagkilala. Tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga


salitang tinutunghan at makilala ang mga sagisag ng isipang nakalimbag.

2. Pag-unawa. Ang kakayahang bigyang kahulugan at interpretasyon ang


kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag.

3. Reaksyon. Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may


kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy rin ito sa
pagpapahalaga at pagdama na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng
kanyang binasang teksto.

4. Asimilasyon at Integrasyon. Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang


natutuhang kaisipan sa binasa. Naiuugnay niya ang kasalukuyang karanasan
sa nakaraan na tinalakay sa binasa.

Teorya ng Pagbasa

A. Teoryang Bottom-up. Nagmumula ang pagkatuto sa mga titik, salita,


parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng binabasa.
Tinatawag din itong “outside-in” o “data driven” sapagkat ang impormasyon
sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa bumabasa kundi sa teksto.

B. Teoryang Top-down. Ang pang-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng


mambabasa (top) bilang aktibong partisipant sa proseso ng pagbasa na may
dati ng kaalaman na nakaimbak sa kanyang isipan patungo sa teksto (down).
Tinatawag ding “inside-out” o “conceptually driven” ang teoryang ito sa
dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
2
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

C. Teoryang Interaktib. Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-


down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon.

(McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-


down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa.
Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa
sa teksto.

D. Teoryang Iskema. Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak


sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Malaki ang impluwensya nito sa pag-unawa kung ano ang alam
na o hindi alam ng mambabasa.

Ayon kina Barlett (1972) at Rumelhart (1980), ang ginagampanan ng dating


kaalaman sa pag-unawa ang pangunahing batayan ng teoryang iskema. Simulain ng
teoryang ito ang paniniwala na ang teksto, pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang
taglay sa kanyang sarili. Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mga
mambabasa kung paano sila bubuo ng pakahulugan mula sa mga dati na nilang kaalaman.
Tinatawag ang dating kaalaman na sanligang kaalaman (o background knowledge) at ang
kayariang balangkas na dating kaalaman ay tinatawag na iskemata (pangmaramihan ng
iskema).
Paglilinaw sa organisasyon at ang pag-iimbak ng dating kaalaman at mga
karanasan ang tuon ng teoryang iskema sapagkat ang lahat ng dating natutuhan at
naranasan ay nakalagak sa isipan.
Ayon kina Pearson at Spiro (1982), patuloy na nadaragdagan, nalilinang,
napauunlad, nababago, nagagamit ang mga iskemang ito sa pag-uugnay sa anumang
bagong karanasan.

Mga Suliranin sa Pagbabasa:

1. Malabong paningin
2. Kakulangan sa kaalamang panglinggwistika
3. Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita o malalim na
salita na ginagamit sa isang parirala, sugnay, pangungusap,, talata, kwento, at
sanaysay.
4. Kakulangan sa impormasyon at karanasan na may kaugnayan sa impluwensyang
pampisikal, pangkapaligiran, at kaalamang pangwika.

Dimensyon ng Pagbasa:

Ang pagpapabasa ng guro sa mga mag-aaral ng mga aklat, magasin, pahayagan, at


iba’t ibang akdang pampanitikan katulad ng kwento, nobela, sanaysay, talumpati, tula at
iba pa ay may layuning hindi lamang upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
3
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa
sa pagbasa kundi upang magkaroon sila ng kaalamang may kaugnayan sa pagmamahal sa
Diyos, sa bayan, kapwa tao at kalikasan, kagandahang-asal, kahalagahang pantao,
mabuting saloobin, pagiging mabuting mamamayan, at mga karanasang maiuugnay nila
sa katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimensyon sa pagbasa na
makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na kakayahan.

1. Unang Dimensyon- Pag-unawang literal

A. Kahulugan (Meaning)

1. Pagpokus ng atensyon sa mga ideya o impormasyong maliwanag na nais


ibahagi ng babasahin.

2. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha


ng kahulugan nito ayon sa pagkakagamit sa loob ng pangungusap.

3. Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling pagkaunawa ng bumabasa.

B. Mga Kasanayang Napapaloob

1. Pagkilala (Recognizing)
Mahanap o makilala ang mga impormasyon o ideyang malinaw na
isinasaad ng binasa.

a. Mga Detalye (Details)

Mahanap o makilala ang mga nilalaman, halimbawa, sa kwento,


ang mga detalyeng hinahanap ay ang:

1. Pangalan ng mga tauhan


2. Panahon ng pangyayari
3. Pook na pinangyarihan

b. Mga Pangunahing Kaisipan

Mahanap o makilala nang malinaw ang mga sinasabi sa loob ng


pangungusap sa seleksyon na maaaring:

1. Pangunahing kaisipan ng talata


2. Malaking bahagi ng kwento

c. Paghahambing o Pagtutulad (Comparisons)

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


4
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

Mahanap o makilala ang pagkakapareho o pagkakaiba ng:

1. Mga tauhan
2. Panahon
3. Pook

d. Sanhi at Bunga (Cause and Effect)

Mahanap o makilala nang malinaw ang sinasabing dahilan ng:

1. Mga tiyak na pangyayari


2. Kilos sa loob ng seleksyon

e. Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)

Mahanap o makilala nang malinaw sa mga pangungusap ang


makatutulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao, anong uri
siya ng tao.

2. Paggunita (Recalling)

Kinakailangang masabi sa sariling pangungusap at maipaliwanag na


mabuti ang nilalaman ng kwentong binasa.

a. Detalye (Details)

Isasaulo ang mga pangyayari tulad ng:

1. Pamagat ng kwento
2. Panahon kung kailan naganap ang kwento
3. Pook na pinangyarihan ng kwento

b. Pangunahing Kaisipan ng Kwento (Main Idea)

Masabi at matalakay ang pangunahing kaisipan ng isang talata o


ang malaking bahagi ng kwento na nagsasaad nang maliwanag sa
pangunahing kaisipan ng kwento.

c. Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari

Maibigay nang malinaw ang pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari o nagaganap sa kwento.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


5
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa
d. Paghahambing (Comparisons)

e. Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga

f. Mga katangian ng Tauhan

3. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)

Pag-aanalisa, pasasagawa, at pagbubuo ng mga kaisipan o impormasyong


malinaw na isinasaad sa kwento. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:

a. Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)

1. Tao
2. Bagay
3. Pook
4. Pangyayari

b. Pagbabalangkas (Outlining)

Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:

1. Tuwirang pahayag
2. Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda

c. Paglalagom (Summarizing)

Pagbubuod ng binasang akda sa pamamagitan ng


pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.

d. Pagsasama-sama (Synthesizing)

Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang nanggaling sa


iba’t ibang pananaliksik.

2. Ikalawang Dimensyon- Pagbibigay-interpretasyon (Interpretation)

A. Kahulugan

1. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita.

2. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama ang mga implikasyon at


karagdagang kahulugan ng mga ito.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


6
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

3. Pagkuha ng malalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na


kahulugan.

B. Mga Kasanayang Napapaloob

1. Paghihinuha (Inferring)

a. Pagpapatunay o pagtataguyod sa detalye

Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring


naisama ng may-akda na nakatutulong upang ito’y maging kawili-
wili at makatawag ng pansin.

2. Mga pangunahing Kaisipan

Maibigay ang mga sumusunod na hindi gaanong naipahayag nang


malinaw sa akda:

1. Pangunahing kaisipan
2. Ang ibig ipakahulugan
3. Paksa
4. Mga aral sa kwento

C. Pagkakasunud-sunod (Sequence)

1. Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang


maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag
na mga kilos o mga pangyayari.

2. Pagbibigay ng haka-haka sa kung ano ang maaaring susunod na


mangyayari.

D. Paghahambing (Comparison)

Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o maibigay ang pagkakaiba ng:

1. Mga tauhan
2. Panahon
3. Pook

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


7
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

E. Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga

1. Paghahaka-haka sa mga motibo ng mga tauhan at sa kanilang


ikinikilos ayon sa takbo ng panahon at pook.

2. Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa


kanyang panulat ang:

a. Mga kaisipan
b. Katauhan ng mga tauhan
c. Mga ikinikilos ng tauhan

F. Katangian ng Tauhan

Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa likas na ugali ng mga tauhan


batay sa malinaw na palatandaang ipinahayag sa akda.

3. Ikatlong Dimensyon - Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)

A. Kahulugan

1. Pagbibigay-halaga sa katumpakan ng pagbabasa.

2. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan sa


akdang binasa.

3. Paghatol at pagbibigay ng pansin sa katangian ng materyal na ginamit sa


akda.

B. Mga Kasanayang Napapaloob

1. Pagpapasya kung ito’y maaaring tunay na nangyari o pantasya lamang


batay sa karanasan ng bumabasa.
2. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinyon lamang
3. Pagpapasya ayon sa kasapatan at kaangkupan
4. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral

4. Ikaapat na Dimensyon - Aplikasyon o paglalapat ng mga Kaisipang Nakuha


sa Pagbasa

A. Kahulugan

1. Malaman at maunawaan ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa


karanasan ng nagbabasa.
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
8
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa

2. Maunawaan ang sarili.

3. Matutunang pahalagahan ang ibang tao at maintindihan ang mga bagay sa


mundo na nag-uudyok sa tao upang mag-isip, makadama, at umasal nang
wasto.

B. Mga Kasanayang Napapaloob

1. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na mga karanasan


2. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga
problema
3. Pagsamahin ang mga kaisipang natutuhan sa binasa at ilapat sa sarili

5. Ikalimang Dimensyon - Pagpapahalaga (Appreciation)

A. Kahulugan

1. Pagdama sa kagandahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento


2. Madama ang mga damdamin o kaisipan ng mga tauhan sa kanilang
pagpupunyagi, pakikipagtunggali, at paghihirap.
3. Maipahayag ang mga damdamin ayon sa pamamaraan ng may-akda
sa kanyang:

a. Mabisang pagpapahayag
b. Pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan

B. Mga Kasanayang Napapaloob

Madama ang nilalaman ng seleksyong binasa. Masabi ang mga


damdaming napapaloob dito gaya ng:

a. Interes e. Pagkayamot
b. Kagalakan f. Pagkagalit
c. Pagkainip g. Pagkasuklam
d. Pagkatakot h. Kalungkutan at iba pa

A. Uri ng Pagbasa Ayon sa Pamamaraan

Ayon sa mga mananaliksik, may limang uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan. Ito ay
ang mga sumusunod:

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


9
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa
1. Pahapyaw na pagbasa (scanning). Ang uring ito ay pagtingin o pagpansin
nang bahagya sa mga impormasyong natatagpuan habang nagbabasa.
Paghahanap ito ng mga tiyak na datos sa isang pahina ng aklat o anumang
babasahin. Tandaan na sa pamamaraang ito, hindi na binabasa ang kabuuan ng
materyal. Layunin lamang ng bumabasa na makitang madali ang anumang
datos na kanyang hinahanap. Halimbawa nito ang mga sumusunod:

a. Numero ng telepono
b. Bilang ng tirahan sa isang direktoryo
c. Paghahanap ng trabaho sa pahinang klasipikado sa mga pahayagan
d. Paghahanap ng kahulugan ng mga salita sa diksyunaryo
e. Paghahanap ng mga pangalan ng mga nakapasa sa isang pagsusulit
f. Mga numerong nanalo sa isang loterya

2. Mabilis na pagbasa (skimming). Isang pinaraanang pagbasa sapagkat


isinasagawa ng taong nagmamadali sa pagbasa. Layunin ng pamamaraang ito
na mabatid ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa isang materyal na
binabasa.

3. Paaral na pagbasa (Study reading). Ginagawa ito upang makuha ang


mahahalagang detalye o pinagsasama–sama ang maliit na kaisipan upang
magkaroon ng mahusay at wastong pagkaunawa sa pangunahing kaisipan ng
isang teksto.

4. Pagsusuring pagbasa (Analytical reading). Nangangailangan ito ng


matalino at malalim na pag-iisip upang hasain ang kagalingan ng mag-aaral sa
mapanuring pag-iisip.

5. Pamumunang pagbasa (Critical reading). Binibigyang pansin dito ang


wastong gamit ng balarila upang maging ganap at malinaw ang mga ideyang
tinatalakay sa akdang binabasa. Hindi lamang ang nilalaman ang marapat
bigyan ng pansin kundi ang loob at labas ng teksto mula sa pamagat, simula,
katawan, at wakas ng akda.

KATEGORYA NG MAMBABASA BILANG NG SALITA SA BAWAT


MINUTO (SBM)
Mabagal na Mambabasa 99- papaba na SBM
Katamtamang Mambabasa 100- 175 na SBM
Mabilis na Mambabasa 176- pataas na SBM

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


10
Yunit 2 Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa
Hindi na marapat isipin na sukatan ng katalinuhan ang bilis o bagal sa pagbasa ng
isang tao. Dapat na isaalang-alang dito kung pag-intindi o pagkaunawa sa kaniyang
binasa.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


11

You might also like