You are on page 1of 26

ANG

PAGBASA
Ang
Kahulugan ng
Pagbasa
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong
nakalimbag sa pahina.

• Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika, kasama


nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.

• Ang pagbabasa’y mahalaga sapagkat makatutulong ito sa


pagtuklas ng karunungan sa iba’t-ibang larangan.

• Naghahasa ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng


kaalaman, nagpapalwak ng pananaw, nagbibigay ng kasiyahan,
at nakapagdadala sa isang tao sa iba’t-ibang lugar.

• Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa iba’t-ibang


disiplina katulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Humanidades, Mga
Likas na Agham, Agham Panlipunan, Kasaysayan, Matematika,
Panitikan at iba pa.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA MABISANG PAGBASA
• Dapat pag-ukulan ng pansin ang mga bagay na may kinalaman sa mabisang pagbasa
• .
• Tiyaking nasa kundisyon ang mga paningin. Ang mga matang nanlalabo ay sagaba sa
mabisang pagbabasa.

• Kailangan isaalang-alang ang pang pisikal na kondisyon at pangkapaligiran.

• Kailangan may tyak na layunin sa pagbabasa. (bakit ka nagbabasa?) Ang pagbasa


nanag walang direksiyon ay pagsasayang lamang ng panahon.
• Ang isang matalinong mambabasa ay marunong kumilala ng uri ng babasahin ayon sa
kanyang layunin.

• Pagsisiyasat ng mga material na babasahin.


• Paglilinang ng interes sa pagbasa ng mga aklat na naayon sa interes at hilig.
• Isang malaking tulong sa isang babasa ang malawak na talasalitaan.
● Mahalaga rin sa isang babasa ang lubos na kaalaman sa mga
bantas upang malaman niya kung anong uri ng mga
pangungusap ang kanyang binabasa, kung kalian siya hihinga
at kung kailan naman siya hihinto.

● Ang kaalaman sa wastong bantas ay mahalaga sa pagbasa nang


tahimik at pagbasa nang malakas.
Mga Katuturan at
Kahalagahan ng
Pagbasa at
Pagbabasa
● Ang masining, maayos, at tamang pagbabasa ay nagiging kapaki-
pakinabang sa mga bumabasa at mga nakikinig.

● Ito ay nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim ng pag-unawa.

● Ang pagbabasa ay isang paraan din ng paglalakbay ng diwa,


kaisipan, at maging ng imahinasyon ng tao.

● Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles, “ Reading makes a man,”


ang pagbabasa ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao.

● Dito nabubuo ang kanyang pagkatao.

● Kailangang pag-ukulan ng maraming panahon ang pagbabasa


sapagkat mahalaga ito sa pagtatamo ng karungan.
Narito ang katuturan ng pagbasa ayon sa ilang mga eksperto:

Leo James English

● Isang awtor ng English-Tagalog Dictionary.


● Ayon sa kanya, ang pagbasa/pagbabasa ay pagbibigay ng
kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita.

Kenneth Goodman
● Ang pagbasa ay isang saykolingguwistiks na panghuhula kung
saan ang nagbabasa ay bumbuong muli ng isang mensahe o
kaisipang hango sa tekstong binasa.
● Isang prosesong paulit-ulit buhat sa teksto, sariling
panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagreresiba,
pagbibigay pa ng ibang pagpapakahulugan o prediksyon.
James Dee Valentin

● Ang pagbasa ang pinagkapagkain ng ating utak at sa maraming


pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga
nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa.

James Coady
● Ang kaisipang ibinibigay ni Goodman na nagwikang ang dating
kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiuugnay niya sa
kanyang binabasang konsepto o kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.
Mga Pananaw
sa Proseso ng
Pagbasa
Teoryang Top-Down
● Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa
(top) patungo sa teksto (down).
● Naimpluwensihan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na
nagsabing ang pagbabasa ay isang prosesong holistiko
(holistic process)
● Itinaguyod din ni Kenneth Goodman ang paniniwalang ito, sa
kanyang kaalaman, ang mahusay na pagbasa ay gumagamit
lamang ng kaunting panahon at oras sa pagpili ng
makahulugang hudyat (clues) sa pag-unawa at pagbibigay-
kahulugan sa teksto sa pamamagitan ng impormasyong
sintaktik, at impormasyong grapho-phonic.
● Tinatawag ding inside-out o conceptually driven ang
teoaryang ito sa dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Bottom-up

● Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na


simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.

● Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong


pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at
sa buong teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan dito.

● Tinawag ito ni Smith (1983) na outside-in o data driven


sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o
nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.
Teoryang Iskema
● Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili.
● Ito ay nagbibigay lamang ng direksiyon sa nakikinig o nagbabasa
kung paanong gagamitin at mabibigyan ng pagpapakahulugan
mula sa kanilang dating kaalaman.
● Ang dti nang kaalaman ang siyang saligang lalaman at kayariang
balangkas ng dating kaalaman ang iskema.

Teoryang Interaktiv
● Binibigyan-diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi
bilang isang produkto.
● Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan ng mag-aaral.
● Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na
nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa
angking kasanayan ng mambabasa.
Pangkalahatang
Uri ng Pagbasa
May tatlong pangkalahatang uri ng pagbasa ayon kay Emett Albert
Betts na isang awtor.
1. Pahapyaw na pagbabasa (skimming)
2. Mabilisang pagbasa (rapid reading)
3. Paaral na pagbasa (study reading)

Ayon naman kina Mildred Dawson at Henry


Bamman, ang pagbasa ay nahahati sa apat na uri:
1. Malakas at tahimik na pagbasa (oral and silent)
2. Mapanuring pagbabasa (critical reading)
3. Panlibang na pagbasa (recreational)
4. Paaral na pagbasa (work-type reading)

Mildred Dawson Henry Bamman


Limang
Dimensiyon sa
Pagbasa
Unang Dimensiyon – (Pang-unawang Literal)
A. Kahulugan (Meaning)
1. Pagtuon ng atensiyon sa mga ideya at impormasyong
maliwanag na sinasabi ng babasahin.
2. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan
ng salita, o pagkuha ng kahulugan nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
3. Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling
pagkaunawa ng bumabasa.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
1. Pagkilala (Recognizing)
Mahanap o makilala ang mga impormasyon o ideyang malinaw na
isinasaad ng binasa.
a. Mga Detalye (Details) b. Mga Pangunahing Kaisipan
Mahanap o makilala ang mga Mahanap o makilala nang malinaw
nilalaman kung kuwento katulad ng: ang mga sinasabi sa loob ng pangungusap sa
1. pangalan ng mga tauhan seleksyon na maaaring:
2. panahon ng pangyayari 1. pangunahing kaisipan ng talata
3. pook na pinagyarihan 2. malaking bahagi ng kuwento.

c. Paghahambing o Pagtutulad d. Sanhi at Bunga (Cause and Effect)


(Comparisons) Mahanap o makilala ang malinaw na
Mahanap o makilala ang sinasabing dahilan ng:
pagkakapareho o pagkakaiba ng: 1. mga tiyak na pangyayari
1. mga tauhan 2. kilos sa loob ng seleksyon
2. panahon
3. pook
e. Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)
Mahanap o makilala ang malinaw sa mga pangungusap ang makatulong sa
paglalarawan sa katauhan ng isang tao, anong uring tao siya.

2. Paggunita ( Recalling)
Masabi sa sariling pangungusap at
maipaliwanag na mabuti ang mga sinasabi sa loob ng
kuwento:

a. Detalye (Details)
Isasaulo ang mga pangyayari tulad ng:
1. pamagat ng kuwento
2. panahon ng kuwento
3. pook ng kuwento
b. Pangunahing Kaisipan ng Kuwento ( Main Idea)
Masabi at matalakay ang pangunahing kaisipan ng isang talata o ang malaking
bahagi ng kuwento na nagsasaad nang maliwanag ng pangunahin kaisipan ng kuwento.

c. Pagkakasunud-sunod ng Pangyayari (Sequence)


Masabi at matalakay ang pangunahing kaisipan ng isang talata o ang malaking
bahagi ng kuwento na nagsasaad nang maliwanag ng pangunahin kaisipan ng kuwento.

3. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)


Pag-aanalisa, pagsasagawa, pagbubuo ng mga katangian o impormasyong
malinaw na isinasaad ng kuwento. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:
● Paggamit ayon sa talagang sinabi ng may-akda
● Pagbibigay ng kahulugan o pagpapakahulugan
● Pagsasalin
a. Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya b. Pagbabalangkas (Outlining)
(Classifying) Pagsasaayos ng akda sa
1. tao balangkas ng:
2. bagay 1. Tuwirang pagpapahayag
3. pook 2. Pagpapakahulugan sa mga pahayag
4. pangyayari sa loob ng akda.

c. Paglalagom ( Summarizing)
Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa
mga pahayag sa loob ng akda.

d. Pagsasama-sama (Synthesizing)
Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang nanggaling sa iba’t-ibang pananaliksik.
Ikalawang Dimensiyon – (Interpretasyon)

a. Ganap na pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng


may-akda.
1. Pagkilatis o pagdama sa katangian ng tauhan.

2. Pagbibigay ng sariling kuro-kuro o opinion.

3. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan.

4. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan.

5. Pagbibigay ng iba pang pamagat na akma sa kuwento o talata.


Ikatlong Dimensiyon – (Mapanuring Pagbabasa) o
Critical Thinking
c. Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan

1. Pagbibigay ng reaksiyon

2. Pagpapalawak ng sariling kaisipan

3. Paghahambing at pagbibigay at kaisipan ng may-akda

4. Pagdama sa pananaw at kaisipan ng may-akda

5. Pagtatalakay ukol sa iba pang katangian o kapinatasang ng


kuwento.
Ika-apat na Dimensiyon – (Aplikasyon ng mga Kaisipang
Nakuha sa Pagbabasa)

d. Pagsasanib ng kaisipang nabasa at


karanasan upang magbunga ng bagong
pananaw at pag-unawa
1. Pagbibigay ng sariling pananaw

2. Pag-uugnay ng sariling karanasan sa totoong buhay

3. Pagbibigay ng katotohanan upang dagdagan ang


kaisipan at kaalaman sa bagong pananaw at pag-
unawa.
Ikalimang Dimensiyon – (Pagpapahalaga o Appreciation)

e. Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa kasanayang


ibig bigyan ng diin sa binasang at pag-unawa
1. Pagbibigay ng pokus ng paniniwala sa talata, sanaysay, at
kuwento.

2. Pagbabago ng pamagat ng sanaysay o kuwento

3. Pagbabago ng tunggalian at katangian ng tauhan

4. Pagbabago ng kasukdulan at wakas

5. Paglikha o pagsulat ng sariling kuwento


Ang pagbasa ay karungan. Ang malalim na
pagkatuto sa masining na pagbasa ay
mabisang instrument sa pangangalap at
pagtuklas ng iba’t-ibang uri ng
karunungan. Anumang mabuting aklat-
sanggunian ay baul ng bagong kaalaman.

You might also like