You are on page 1of 8

7

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin na may

kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973) ang pagbasa ay isang "saykolinggwistiks na

paghinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuong ng isang mensahe o

kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teksto na

nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon."

Pinaunlad ni Coady (1979) ang kaisipang inihayag ni Goodman at sinabing ang dating

kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binubuong konsepto/kaisipan at

kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyon na mababasa sa teksto.

Binaggit din niya na ang kakayahang pangkaisipan ay panlahat na kakayahang

intelektwal ng isang mambabasa.

Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng impormasyon ayon kay Badayos (1999) ay

iyong mga impormasyong nasa isipan ng mambabasa (kaalamang semantika, kaalamang

sintaktika, kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pagpapantig, pagbaybay, atbp.)).

Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng

tagabasa na pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa.

Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni James Dee Valentine
8

(2000). Sa maraming pagkakataon ay napatunayan na natin na marami sa mga matatagumpay na

tao ang mahilig sa pagbabasa.

Ang pagkahilig sa pagbabasa ay nadedebelop kung nagbibigay ang tao ng humigit-

kumulang na tatlumpung minuto araw-araw para sa gawaing pagbasa.

Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakukuha ng mga ideya at mga salitang iniimbak sa

utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di natin batid. Ang pagiging ignorante

natin sa maraming bagy ay nabibigyang katugunan ng maraming aklat at babasahin.

Sa aklat nina Austero, Banadril at De Castro na Filipino sa Iba't Ibang Disiplina (1999)

binanggit ang ilang rason kung bakit tayo nagbabasa.

Nagbababasa Tayo:

Upang ◦ makakuha ng impormasyon

◦ mapag-isipan nang malalim ukol sa pansariling

ideya at karanasan

◦ mapagkuro ang ideya at karanasan ng iba

◦ makatiyak sa pansariling paniniwala

Para sa ◦ kasiyahan ng sarili

◦ pampalipas-oras at maiwasan ang pagkainip

◦ lalong paghahasa ng kaisipan


9

◦ pagsusuri ng emosyon

Sapagkat gusto nating ◦ lumikha ng mga ideya

◦makapaghambing at magsuri ng iba't ibang

pananaw

◦ 

makapaghambing at magsuri ng iba't ibang pananaw

Sapagkat tayo ay ◦ isang partikular na sabjek/paksa

interesado sa ◦ isang partikular na istilo at ideya ng awtor

Sa aklat naman ni Austero na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, inilahad ang mga

benepisyo ng pagbabasa at ito ay ang mga sumusunod:

✔ Kaalaman/Karunungan

✔ Pagpapaunlad ng kmprehensyon

✔ Pagpapagaling ng memorya o pag-alala

✔ Pagpaparami ng bokabularyo/talasalitaan

✔ Paghuhusay ng pakikipag-usap

✔ Pagbibigay ng kompiyansa sa sarili (self-confidence)

✔ Pagtataas ng pagtingin s sarili (self-esteem)

✔ Kaunlaran at tagumpay sa buhay


10

Samantala, sa aklat nina Cardenas, Austero, Mangonon et. Al (2002) na Sining ng

Komunikasyong Panlipunan ay binanggit ang ilang teorya sa pagbasa.

Teoryang Bottom-Up

Sinasabi sa teoryang ito na ang pagbabasa ay angpagkilala ng mga serye ng mga

nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).

Ayon pa sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng

mga titik, salita, parirala, at pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag na "pagkilala sa salita" at ang teksto ang tinatayang

pinakamahalagang elemento sa pagbasa.

Teoryang Iskema

Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa

sarili. Ito (teksto) ay nagbibigay lamang ng direkson sa nakikinig o mambabasa kung paano

gagamitin at magpapakahulugan mula sa dating kaalaman. Ang "bakgrawnd knowledge" ang

saligang kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang iskemata.

Sinasabi sa teoryang ito na ang lahat ng ating natutuhan at naranasan ay

nakalagak sa isipan at maayos na naihanay ayon sa kategorya. Ang mga iskemang ito a patuloy

na nadaragdagan, nalilinang, nadedebelop, nagbabago at ginagamit natin sa pag-uugnay ng

anumang bagong karanasan. Ang mga iskema ay "kaha ng impormasyon" na nabuo dahil sa ating

mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang mga iskema ay maaaring buuin ng iba't

ibang balangkas ng kaalaman.

Ang teksto ang pinakpokus para maunawaan ang binasa. Sa teksto (bottom) patungo sa
11

tagabasa (up) nagsisimula ang pag-unawa.

Tinawag itong "outside-in" o "data driven" ni Smith (1983) sapagkat ang impormasyon sa

pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kung di sa teksto.

Teoryang Top-Down

Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa

(top) tungo sa teksto (down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na

nagsasabing ang pagbasa ay isang "holistic process."

Sinasabi sa teoryang ito na ang tagabasa ay isang aktibong paartisipant sa proseso

ng pagbasa na may dati ng kaalaman na nakatanim/nakaimbak sa kanyang isipan at siya'y may

sariling kakayahan na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa

pamamagitan ng teksto. Ang prosesong ito ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo

sa teksto (down) sapagkat ang dati niyang kaalaman ang nagpapasimula ng kanyang pagkilala sa

teksto at kung wala ito, ang anumang babasahin niya ay hindi mabibigyang-kahulugan.

"Inside-out o conceptually driven" din kung tawagin ang teorang ito sa dahilang

ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto kung saan ang mga dating alam

ng mambabasa ay iniuugnay sa mga binanggit na ideya sa teksto ng awtor.

Teoryang Interaktib

Binigyang-diin o empasis ng teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at hindi

bilang isang produkto. Paano mararating ng mag-aaral ang gayong sagot (tama man o mali).

Sinusuri natin ang mga proseso sa kasagutan ng mag-aaral. Sa interaktibong prosesong ito,

matutulungan ng guro ang mambabasa upang lubos niyang maunawaan ang teksto.
12

Sa Teoryang ito ay mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa

kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman, gayon din sa angking kasanayan at ang

paghahatid sa mga kasanayang ito.

May dalawang paraan naman ng pagbasa ayon sa aklat na Komunikasyon sa

Akademikong Filipino ni Austero. Ito ay ang malakas at tahimik na pagbasa.

Malakas - kung ang mga inihanda o hinalaw na diskurso ay binabasa sa harapan ng mga

tagapakinig. Sa pagbasa ng malakas ay dapat na isaalang-alang ng nagbabasa ang mga

sumusunod: ang tindig, tamang pagbigkas ng mga salita, kontak sa mga tagapakinig, at tamang

paghawak ng aklat o anumang babasahin.

Tahimik - ito ang anyo ng pagbasa na ang tuon ay sa sarili lamang. Mata lamang ang

ginagamit. Sa ganitong paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang mga sumusunod:

tamang posisyon ng katawan at ang pook kung saan isinagawa ang pagbasa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Leo Fay, isang edukador mula sa Reading Center ng

Indiana University ay mayroong anim na bahagdan ang kasanayan sa pagbasa, ngunit ang huling

dalawa ay maaaring pangalawang bahagdan.

1. Pagkilala o (Perception) – Ito’y nangangailangan ng pagkilala sa salita kasama ang

kahulugan nito. Mahalagang nabibigkas, nababasa at nauunawaan ang mga salita para

masabing may persepsyon.


13

2. Pag-unawa o (Comprehension) – Ito ay higit pa sa pag-unawa ng salita, pangungusap o

talata, nangangahulugan ito ng pagkilala sa pagkakaugnay ng salita sa kapwa salita sa

isang pangungusap, mga pangungusap sa talata at ng talata sa isang pahayag, kasama rito

ang pagkuha ng larawang diwa hindi lamang literal kundi ang implied o realidad.
3. Reaksyon (Reaction) – Maisasagawa ito sa dalawang paraan. Una ay sa intelektwal, kung

saan ang bumabasa ay nagpapasiya sa kawastuhan at lohika ng binabasa. Ang ikalawa ay

emosyonal, kung saan ang mababasa ay humahanga sa istilo at nilalaman ng nabasa.


4. Asimilasyon (Assimilation) – Sa hakbanging ito, ang nakuhang kaalaman ay iniuugnay o

isinasama sa katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa kanyang kapakinabangan o

paggamit.
5. Panahon/Reyt sa pagbasa (Rate in Reading) – Ito ay may kinalaman sa panahon o oras sa

pagbasa: kabagalan o kabilisan batay sa dahilan at layunin, material na babasahin,

kahirapan o kadalian ng babasahin, lengguwahe at kasanayan, kalagayan at lawak ng

kaalaman ng babasa. Mabilis o iskiming ng pahayagan, katamtamang bilis sa mga

diksyon at kabagalan sa mga mathematical problem.


6. Kasanayan at Kaugalian sa Pagbasa (Reading habit and skills) – Ang mambabasa na may

mabuting sistema ng pag-aaral at consistent, mahihinuha natin na ang limang hakbangin

ay mahabang panahong nag-ugat sa tahanan, sa kanyang mga naririnig sa kasambahay na

kanyang ginagamit sa pagsasalita.

Sa kabuuan, ang daloy ng bahagdan ay nakasalalay sa kasanayan, kaugalian at panahon ng

bumabasa.

14
Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni William S. Gray binanggit ang mga hakbang sa

pagbasa at ito ay ang mga sumusunod:

1. Persepsyon o Pagkilala – Ito ay ang pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at

kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makahulugang yunit.


2. Pag-unawa – Ito ay ang pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinahahayag ng mga

simbolo o salitang nakalimbag.


3. Reaksyon – Ito ay ang pagpapasya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga

isinulat ng awtor.
4. Integrasyon – Ito ay ang paguugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga nakaraan at

bagong karanasan.

You might also like