You are on page 1of 16

Ikatlong Grupo

Pagbasa
Ang pagbasa ay isang porma ng pagkuha ng
impormasyon at pagbibigay ng impormasyon sa iba at
sa sarili.
Presentasyon ng wika bilang simbolo na na-eeksamin
ng mata o mahahawakan.
Ang pagbasa ay proseso ng pagko-konstrak ng
kahulugan mula sa mga tekstong nakasulat.
Mga Kasanayan sa
Akademikong
Pagbasa
Teorya ng Pagbasa
Ang mga teorya sa pagbasa ay nagpapaliwanag kung paano
matamo ang pag unawa sa binasa. Nagpapaliwanag kung
anong taglay na kakayahan ang mambabasa, anong mayroon
sa tekstong binabasa tungo sa pagbabasa at higit sa lahat
tinitingnan ang pagbasa bilang proseso. Ang mga kaisipang
pinanghawakan, kaisipan ng bawat teorya ito ay nagsisilbing
gabay upang mapamahalaan ang sarili sa gawaing pagbasa,
lalong-lalo ang sinumang kolehiyo.
• TEORYANG ISKEMA
• Sa panulat ni John Locke(1690) na An Essay Concerning Human
Understanding (Incarta Premium 2009) , ipinapalagay na sa
pagsilang, ang isipan ng tao ay tabula raza o blank states.
Ang bawat natutunan ng tao ay maging iskema sa isipan. Sa teoryang
ito, bawat bagong impormasyong makukuha sa pagbasa ay naidagdag sa
dati nang iskema.
Kaalaman Patungkol sa Pagbasa

Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa


paghahasa ng talino at isipan. Kailangan ang masidhi at
malawakang pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan
ng lahat ng karunungan at disiplina tulad ng Agham,
Siyensiya, Matematika, Pilosopiya, Sining at iba pa.
Bernales, et al. 2001
Kahulugan ng Pagbasa
Ang Pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag
na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng
pagkilala ,pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
Austero, et al. 1999
Ayon kay Goodman( Sa badayos 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo ulit ng
kaisipan o mensahe hango sa tekstong kaniyang binasa sa depenisyon na ito ni
Goodman binigyang diin ang mga kasanayan sa paghula, paghahahaka, paghihinuha,
at paggawa ng prediksyon sa pagpapakahulugan ng tekstong binasa.
Mga Kasanayan
Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye
Pagtukoy sa layunin ng Teksto
Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto
Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan
Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw
Paghihinuha at Paghula
Pagbuo ng Lagom at Konklusyon
Pagbibigay-Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at
Talahanayan.
Layunin
Ang layunin ng pagbasa ay upang ituon ang pansin sa mga
impormasyon na nilalaman ng isang babasahin. Ito din ay
upang maibigay at maintindihan ng klaro ang bawat teksto
at salitang binabasa.
Ito ay naglalayon na makapagdagdag ng kaalaman at
mahalagang impormasyon at ideya sa mga mambabasa.
Layunin din nitong paunlarin ang ating bokabularyo,
talasalitaan, imahinasyon, at pag-iisip.
Mga tao sa topiko:
• Bernales- siya ang nagbigay kahulugan sa ginagampanang kahulugan ng
pagbasa, at ikinumpara din niya ito bilang daan ng karunungan at
disiplina sa mga aspetong may kinalamn sa Agham, Siyensiya,
Matematika, Pilosopiya, Sining at iba pa. (2001).
• Austero- siya naman ang nagbigay ng pagpapakahulugan sa katangian
at kahalagahan ng ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-
unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
Paraan din ito ng pagkilala ,pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbolong nakalimbag. (1999).
• Goodman- Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang
mambabasa ay bumubuo ulit ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong
kaniyang binasa sa depenisyon na ito ni Goodman binigyang diin ang
mga kasanayan sa paghula, paghahahaka, paghihinuha, at paggawa ng
prediksyon sa pagpapakahulugan ng tekstong binasa. (2000).
Pagbubuod:
Ang pagbasa ay napakaimportante bilang hakbang ng ating
pagkatuto. Isa itong komplikadong kasanayan na
nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng
impormasyon. Ang Pagbasa ay pagkuha ng kahulugan mula sa
mga nakatalang titik o simbolo. Ang Pagbasa ay isang
malawak na proseso na may kinalaman sa kakayahang
pangkaisipan ng isang tao. Ito ay isa ring pagkatuto ng wika,
pakikipagtalastasan at ng pagbahagian ng mga impormasyon
at ideya. Ito rin ay pagbibigay kahulugan sa nakalimbag na
kaisipan upang makabuo ng diwa ang pagbabasa.
Konklusyon:
Ang mahusay na naglalagom o pagbuo ng konklusyon sa
binabasa ay tanda rin ng mahusay na kasanayan sa pagiging
hindi handa. Kung maikling kwento ang ginagawa ng lagom,
kailangang maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
at hinsi padamput-dampot. Katumbas nito ang tanong na “
Ano ang masasabi mo tungkol sa seleksyong iyong binabasa?
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like