You are on page 1of 13

PAGBASA

PAGBASA
Ang pagbasa ay isang kognitibong proseso ng
pagkuha, pagkilala, pagunawa sa mga nakaimbak,
nakasulat sa impormasyon o ideya.
Ang mga ideyang ito ay representasyon ng wika
bilang simbolo na maeeksamen ng mata o
mahahawakan.
PAGBASA
Halimbawa:
BRAILLE pagbabasa ng
mga bulag
Ang iba pang uri ng pagbasa ay
maaring hindi nakabase sa
lengguwahe tulad ng mga notasyon
o pictogram (mga signs o simbolo).
Halimbawa:
Goodman (1967,1971,1973)
• Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung
saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe
o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.

Coady (1979)
• Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang
maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto, kasanayan, kaisipan
mula sa mga naiporosesong impormasyon sa binasa.
G. James Lee Valentine (2000)
• Ang ating ating ginagawang pagbasa ang nagiging pagkain
ng ating utak (mental food).

Hank (1983)
• Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng
nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon
dito.
Bond at Tinker (1967)
• Pinaunlad nila ang pagbibigay kahulugan ni
Hank, at sinabing ang pagbasa ay rekognisyon ng
anumang nakasulat o nakalimbag na mga
simbolo na nagiging “stimuli” upang maalala ang
kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o
karunungan mula sa karanasan ng mambabasa.
KATANGIAN NG PAGBASA
Pinaniniwalaang ang pagbasa ay ang mga
sumusunod;
• Kakayahang mabasa ng indibidwal ang bawat
titik at salitang nakalimbag.
• Mahalaga ang hagod ng mata sa pagbasa.
• Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa
mensahe ng teksto.
KATANGIAN NG PAGBASA
Pinaniniwalaang ang pagbasa ay ang mga
sumusunod;
• Ang pag-unawa sa teksto ay matatamo kung
nauunawaan ang wikang ginamit sa teksto.
• Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip
• Ang pagbasa ay isang intelektwal na proseso.
KATANGIAN NG PAGBASA
Pinaniniwalaang ang pagbasa ay ang mga
sumusunod;
• Isang interaktibong proseso sa pagitan ng
manunulat at mambabasa.
• Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating
alam at pag-ugnay nito sa bagong kaalaman.
Mga Teorya sa Pag-basa
• Teoryang Bottom-Up
Tinatawag din “pagkilala sa salita” ang teoryang ito, kung
saan ang teksto ang pinaka pokus ng pag-basa. Sa teksto
(bottom) patungo sa tagabasa (up) nagsisimula ang pag-
unawa. Tinawag ito ni Smith 1993 na “outside-in” o “data
driven” dahil nagmumula sa teksto ang impormasyon sa pag
unawa at hindi pagbasa.
• Teoryang Top-Down
Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip
ng mambabasa (top) bilang aktibong participant sa proseso ng
pagbasa na may dati nang kaalaman na nakaimbak sa kanyang
isipan patungo sa teksto. Ang mga nakaimbak na kaalaman ng
mambabasa ang ginagamit niya sa pagpapakahulugan sa teksto.

“Inside-out” o “Conceptually driven” ang isa pang katawagan sa


teoryang ito sapagkat nagmumula sa mambabasa ang pag-
unawa sa teksto gamit ang kanyang mga dating kaalaman na
iniuugnay sa konsepto ng awtor.

You might also like