You are on page 1of 13

MGA BATAYANG

KAALAMAN SA PAGBASA

DEPINISYON
Ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.

Ito rin ang pag-unawa sa wika ng awtor sa


pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo
Paraan din ito ng bahagi ng pagkikilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbulong nakalimbag Austero :1999

Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang


psycholinguistic guessing game. Sa pagbasa
kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli
ng kaisapan hango sa textong kanyang binasa

4 NA HAKBANG SA PAGBASA
Ang pagbaba ay isang gawaing mental. Ang apat
n ahakbang ng pagbasa ayon kay WILLAM S.
GRAY ay ang mga sumusunod:
1. PERSEPSYON O PAGKILALA Ito ay
kakayahan sa pagbigkas ng salita at pagkilala
ng mga nakalimbag na simbolo.
2.

PAG-UNAWA Pag-intindi sa mga kaisipang


ipinahahayag ng mga simbulo.

4 NA HAKBANG SA PAGBASA
3.

4.

REAKSYON Pagpapasiya sa kawastuhan,


kahalagahan at kahusayan ng teksto.
ASIMILASYON Pagsasama-sama at paguugnay-ugnay ng binasang konteksto sa
karanasan ng mambabasa.

Upang mailarawan pa nang higit ang presesong ito,


pansinin natin ang ilan sa mga paglalarawan sa
pagbasa na inilahad ni badayos.
a)

b)

c)

Ang pagbasa ay walng kahingiang imposible


para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa
Ito ay proseso ang pag-iisip. Utak ang
ginagamit dito hindi ang mga mata na
tagahatid ng mensahe or imahen sa utak.
Ang epektib na mambabasa ay isang interaktiv
na mambabasa. Sa pagbabasa, ang isang
mambabasa ay nakakagawa ng interaksyon sa
awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo.

d.

e.

f.

Maraming ibat ibang hadlang sa pag-unawa,


bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa. Hindi
dapat ipagkamali ang isat isa.
Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa
kayariang balangkas ng tekstong binasa.
Ang mabilis na pagunawa sa teksto ay
nakapagpapabilis sa pagbasa.

MGA PANANAW sa PROSESO NG PAGBASA


Upang lalong matugunan ang kahalagahan ng
pagbabasa kailangang magkaroon ng isang
matatag na pag-unawa sa proseso ng
pagbasa ang isang mambabasa. Merong
tayong tatlong (3) teoryang makakatulong para
magkaroon ng matatag na pag-unawa sa
pagbasa.
Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-up)
Teoryang Pataas-Pababa(Top-Down)
Teoryang Interaktiv

TEORYANG IBABA-PATAAS
(BOTTOM-UP)
Ayon sa teoryang ito, ang pagbabasa ay
ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat
na simbulo upang maibigay ang katumbas
nitong tunog. Ang pagkatuto ng pagbasa ay
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng
mga titik sa salita, parirala, pangungusap ng
buong teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa teksto. Ang
imformasyon sa pag-unawa ay hindi
nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

TEORYANG PATAAS-PABABA (TOPDOWN)


Ang teoryang ito ay bunga ng pag-aaral ng
mga mananaliksik noong 1920. naipapakita sa
kanilang mga pag-aaral na lalong nauunawaan
ang isang teksto kung naiuugnay niya ito sa
kanyang dating kaalaman.
Sa teoryang ito ang pag-unawa ay
nagsisimula sa isip ng mambabasa tungo sa
teksto. Ang pananaw na ito ay impluwensya ng
sikolohingy Gestalt na naniniwalang ang
pagbabasa ay holistik.

TEORYANG INTERAKTIV
Ito ay kumbinasyon ng ibaba-pataas at itaaspababang proseso ng pagbasa.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang teksto
ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at pag-unawa nito, ginagamit ng
mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika
at kaisipan ng awtor at pag-unawa nito,
ginagamit ng mambabasa ang kanyang
kaalama sa wika at sariling kaisipan. Ito ay
nagbibigay diin sa pagunawa bilang isang
proseso.

TEORYANG ISKIMA
Mahalagang ang tungkuling ginagampanan sa
pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Ito ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima.
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dating nang
iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid,
bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima
sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang
ang teksto upang patunayan kung ang hinuha

MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like