You are on page 1of 5

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto Tungo sa


Pannaliksik
Ipinasa ni: Kyla L. Cabauatan

I. KAHULUGAN

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo osagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan


ointerpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gustong manunulat nailipat sa kaisipan ngmambabasa
Ito ay nangangailangan ng kakayahangpangkaispan dashil alam ang tunog(ponema) ngnaisulat
na letra.

Sa Webster's Dictionary, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng
aklat,sulatin at iba pa.
Carmelita S. Lorenzo, et. al., ang pagbasa ay ang tiyak at madaling pagkilala ng ayos at
pagkakasunod-sunod ng mga salitaupang makabuo ng mga ideya at kahulugan.
Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip, damdamin at kaasal
(Belvez et al., 2004)
McCarthy (1999) , ay may isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa mga titik na bumubuo
sa mga salita na nakalimbag sa bawat pahina.
Ang editor-in-chief ng The American Heritage at awtor Your Heritage Dictionary of Words na si
William Morris, ay nagbigay ng kahulugan sa pagbasa bilang pagkilala sa mga nakasulat sa
salita.
Ipinaliwanag naman ni Lapp at Flood (1978) na lahat ng pakahulugan sa pagbasa ay
patungo sa dalawang kategorya.

(1) ang pagbibigy-kahulugn sa mga kodigo/simbulo; at

(2) ang pagbibigay-kahulugan sa nabasa.

Ang pagbasa ay tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang


makabuo ng kahulugan at kaisipan (Angeles, Feliciana S.)
Ayon kina Angelita Romero et. al. ilang iskolar sa pagbasa ang nagbigay ng katangian sa
proseso ng pagbasa.

II. KAHALAGAHAN

1. Ang pagbasa ay nagsisilbing komunikasyon ng manunulat sa mambabasa Pinipilit ng isang


mambabasa na makuha ang kaisipang nais iparating ng manunulat.

2. Ang pagbasa ay prosesong biswal sapagkat, malaki ang kinalaman ng maayos na paningin sa
pagbabasa.

3. Ang pagbasa ay aktibong proseso, prosesong pagiisip. dahil ang mambabasa ay nagbibigay ng
kanyang reaksyon sa paraang pisikal ,emosyonal at intelektwal batay sa kanyang nabasa.
III. MGA HAKBANG:Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso,
ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray (1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”:
(1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al.,
1994; Resuma at Semorlan, 2002).

Persepsyon – Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa


pagbigkas ng mga tunog.

Komprehensyon – Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

Reaksyon – Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga


at pagdama sa teksto.

Integrasyon – Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa


kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

IV. MGA TEORYA

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa


pagbasa. Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga
modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang
ibaba-pataas(bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.

Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa


mayroon nang dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down)
na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith,


1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na
inilahad ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan
siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito,
ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa
ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito,
ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang
binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part
model (Goodman, 1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas – Pababa:


Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba – Pataas:
Ito ay salungat sa teoryang top-down.
Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay
batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba
pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang


ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o
isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong
papel o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na
umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo
Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso


ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang


interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag


ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo
kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:


David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert
Ruddell, Robert Speaker (1985)
Teoryang Iskema (Schema)
Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at
Pearson, 1984).
Metakognisyon sa Pagbasa
Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at
kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa
pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang
kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong


malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at
pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng
metakognisyon ang malawakang control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o
gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa Kaalaman ng


mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon Kaalaman ng
mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko
naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang
sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?;
anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

V. MGA URI NG PAGBASA


1. ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-
titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong
pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito
ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination,
pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang
pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa
isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng
mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng
isang taong nais makausap.

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa
mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term
paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng
isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang
pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa
sandaling iyon.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang
kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan
ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o
basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang
may inaantay o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin
ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may
hangarin na mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang
binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang
pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

You might also like