You are on page 1of 32

PAGBASA

Ano ang Pagbasa?


Ang pagbasa ay sistematikong proseso ng
pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na
titik o simbolo. Sa gawaing ito, ang mensaheng
nais iparating ng manunulat ay inuunawa at
binibigyan ng interpretasyon ng mga
mambabasa. Sa pagbasa, kumukuha tayo ng
impormasyon at ng kahulugan mula sa mga
sagisag na nakikita ng ating mga mata.
IBA PANG KAHULUGAN

-Ito ay matuturing bilang isang tiyak at maayos na


pag-uugnay ng mga salita upang makabuo ng isang ediya
o kaisapan.

-Ayon sa Webster Dictionary, ang pagbasa ay gawain ng


isang taong bumabasa ng aklat at iba pang mga sulatin. Ito
ay kinakailangan ng pag-unawa sa binabasang aklat o
mga sulatin, maging sa nakasulat sa mga bagay.
PROSESO NG
PAGBASA
Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray
(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)aplikasyon, at (4)integrasyon (Belvez, et
al.,1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002).

Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na


simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

Komprehensyon - Ito ay kakayahang maunawaan ang


nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng isang konsepto.
Aplikasyon - Ito ay ang paglalapat at pagpapahalaga sa
kaisipang ibinabahagi ng teksto.

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at


paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa
tunay na buhay.
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa
sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at kailangang
malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa
kang mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo
ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga
estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o
hula sa susunod napangyayari at iniuugnay ang dating
kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng
binabasang teksto.
MODELO NG
PAGBASA
TEORYANG ITAAS-PABABA (TOP-DOWN)

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa


ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nang dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay


nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down)
na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa
kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng
mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior


knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang
isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya
sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong
pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay
nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis
kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng
proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang
may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito,
ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole
to part model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa


teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na


nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay
nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa
paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula


sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to


whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa
mga impormasyong nasa teksto.
Teoryang Interaktibo
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang
proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick,
1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap


ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo
mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa
teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag


ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika
at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at
mga pananaw.
Teoryang Iskema (Schema)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o
hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak


ng tao (Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa


upang maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.


ISTILO NG PAGBASA
ISKIMING

- Ito ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na


pagbasang magagawa ng isang tao. Ang gumagamit ng
kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang
kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi
kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
ISKANING

- Mabilis pinadadaan ang mga mata sa mga teksto


habang naghahanap ng susing salita o key idea.
Ginagamit kung may tiyak na katanungan o kaisipan ang
nais mahanap ng mambabasa.

- Halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin


kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin
ng winning number ng lotto.
PREBYUWING

-Ang unlaping pre ay nangangahulugang bago gawin. Sa


uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o
chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at
register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa
babasa.
KASWAL

- Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.


Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng
oras.
IMPORMATIBO

- Tulad ng katawagan, ang layunin ay maragdagan pa ang


kaalaman.

KRITIKAL

- Istilong dapat gamitin kung ang layon ay makagawa ng


isang komprehensibong report, riserts, at iba pang
dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan.
RE-READING O MULING PAGBASA

- Paulit
na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling
pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan
ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
PAGTATALA

-Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng


mga mahalagang kaisipan o ideya bilang
pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang
paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
haylayt ang bahaging mahalaga sa binabasa
lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
MASINING NA
PAGBASA
- ay yaong umalinsunod sa mga
alituntunin ng maayos, tama, at
mabisang pagbabasa na nagiging
kapaki-pakinabang sa mga bumasa o
mga makikinig.
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG
MASINING NA PAGBASA

- ito ay isang mabuting pagpapalawak ng


kaalaman ng tao.

- ang taong nagbabasa ay nakapaglalakbay ang


diwa at isipan.
MGA URI NG PAGBASA

1. Malakas na Pagbasa – ito ay ang pagbabasa


na ginagawa sa harap ng mga tagapakinig.

-Layunin nito ay mabigyan ng impormasyon o


kaalaman, umaliw at magbigay ng aral sa mga
tagapakinig at mambabasa.
MGA PATNUBAY SA PAGBASA NANG MALAKAS

Tindig- ito ay makakatulong sa maginhawang paghinga at


pagbigkas ng mga salitang binabasa.

Lakas ng Tinig – angkop ang lakas ng tinig sa dami ng


tagapakinig.

Paraan ng Pagbigkas – isaalang-alang din ang tuldok at kuwit


kung bumabasa.

Paghawak sa aklat o ano mang babasahin – ang aklat ay


dapat hawak ng kaliwang kamay at ang kanang kamay ay
ginagamit sa pagbuklat ng mga pahina ng binabasa.
2. TAHIMIK NA PAGBASA

-Ginagampanan nito ang pagiging mambabasa at bilang


taga unawa ng kanyang binabasa.

-Isaalang-alang ang lugar kung saan gagawin ang


pagbabasa nang tahimik.

- Lubos na konsentrasyon sa pag-unawa ang kailangan


sa ganitong pagbasa.
MGA PATNUBAY SA PAGBASA NANG TAHIMIK

-Isaalang- alang ang tamang posisyon

-Bumasa lamang sa pamamagitan ng mata

-Iwasan ang paggamit ng daliri bilang pantulong sa


pagbabasa nang tahimik

-Ang pagsunod ng iyong ulo sa pagbabasa

-Sikaping bumasa nang matulin ngunit may pang unawa


THANK YOU !

You might also like