You are on page 1of 5

Ang Proseso ng Pagbasa may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa

at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).


Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga
simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga
kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa proseso ng
Pagbasa”: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring
at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
Resuma at Semorlan, 2002).
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o
Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang mga paniniwala
simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog. tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart:
(A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-
Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang
simbolo o salita. iskema.

Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng


kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at


paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong
karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat


maraming kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito
upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at
epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong
binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa,
nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at
iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa:
ang kahulugan ng binabasang teksto.
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula
Mga Teorya sa Pagbasa sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at
karanasan.
Ano ang teorya sa pagbasa?
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa
nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng
mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior


knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang
isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya
sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang


saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba – Pataas:
game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung
saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay Ito ay salungat sa teoryang top-down.
ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro
ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa
mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap,
tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa larawan, diyagram o iba pang simbolo.
ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa. Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na
nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept- uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
driven model, at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
1994). maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Mga Proponent ng Teoryang Itaas – Pababa: Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa
paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.
Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)
Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa
mambabasa kundi sa teksto.
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to
whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa
mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at


S. Jay Samuels (1985)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating
Teoryang Interaktibo isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon


sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa


sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.


Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:
Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang
ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
(McCormick, 1998). kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang
teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng
Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin.
nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang
mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil
mambabasa sa pag-unawa sa teksto. ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa
sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.
Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto
kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa Metakognisyon sa Pagbasa
estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng
dating kaalaman (schema) at mga pananaw. Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa sariling
Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo: proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga
David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
Blachowicz (1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker (1985) mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang
kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na
Teoryang Iskema (Schema) estratehiya sa pagbasa.

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema: Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon


dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa ang may
kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at
pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito.
Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa -          Paglilinang ng talasalitaan
mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain. -          Pag-unawa ng talata
-          Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong -          Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
uri (Schunk at Zimmerman, 1998). -          Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Prosesong Metakognisyon Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng
mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang
Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may
kalakasan sa pagbasa Kaalaman  ng mambabasa kung aling katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang
estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat
sitwasyon  Kaalaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay
kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay
dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong ng binabasa.
mambabasa ay itinatanong sa sarili ang sumusunod: naunawaan
ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi
naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang
upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa.
magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang
teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa
gamitin kaugnay ng teksto? pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang
isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90% na
Mga Kasanayan sa Pagbasa pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang
antas.
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang
malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B) Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung
Kasanayan sa Pang-unawa. bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag
may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding
Kasanayan sa Bilis magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng
kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang
-          Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika,
-          Pagtingin sa higit na maraming salita pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin.
-          Pagbasa nang higit na mabilis Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo,
-          Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan
ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Kasanayan sa Pang-unawa
Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga


salita. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin ng
mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting
buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap
at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang


paningin sa unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit;
pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng
pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga
pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang
pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng
mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang
pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng
isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga anino o imahe ay
Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

You might also like