You are on page 1of 7

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA

(University of the City of Manila)


INTRAMUROS, MANILA

Course Title: Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat sa mga Diskurso ng Pagpapahayag


Course Code: FIL 0012
Propesor: Eleonor C. Celestiano
Paksa: Teoretikal na Modelo sa Pagbasa at Pagsulat
Pangkat: 1
Miyembro: Aconga, Reynalynn P.
Bravo, Thomas Miguel S.
Cervancia, Ana Mae M.

Mga Teorya sa Pagbasa


Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag ang
mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng
pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan ang dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang


matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na
maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.

A. Teoryang Iskema
B. Teoryang Interaktibo
a. Paraang Itaas-Pababa (Top-Down)
b. Paraang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
I. Teoryang Iskema (Schema)
 Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya.
Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang
malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
 Iskemata (Schemata)
o ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at
Pearson, 1984).
 Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.
 Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
 Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa
teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang
nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin.
Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa
ay tama, wasto, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa
isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto
mismo. Dahil dito, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito
ang nilalaman ng kanyang isipan.
II. Teoryang Interaktibo

Mga Proponent ng Teoryang


Interaktibo
 David E. Rumelhart (1985)
 Rebecca Barr, Marilyn Sadow,
Camille Blachowicz (1990)
 Robert Ruddell, Robert
Speaker (1985)

 Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng


komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
 Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang
interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman
at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
 Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang
mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang
paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.
a. Paraang Itaas-Pababa (Top-Down)

Mga Proponent ng Paraang


Itaas-Pababa (Top-Down)
 Kenneth S. Goodman (1985)
 Frank Smith (1994)

 Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng


mambabasa na mayroon nang dating kaalaman at karanasan.
 Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top)
patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa
kabuuang kahulugan ng teksto.
 Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo
sa teksto (Smith, 1994). Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating
kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
 Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong
pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay
nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at
ipotesis kaugnay ng tekstong binasa.
 Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model,
at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
b. Paraang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)

Mga Proponent ng Paraang


Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
 Rudolf Flesch (1955)
 Philip B. Gough (1985)
 David La Berge & S. Jay
Samuels (1985)

 Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa


mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang
simbolo.
 Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang
pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto
(reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
 Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay
isang blangkong papel o tabula raza.
 Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa
kundi sa teksto.
 Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig
sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Teorya sa Pagsulat

Walang pag-aalinlangang masasabi na ang pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi


basta na lamang nangyayari.

Nasasangkot ito sa marubdob na partisipasyon at imersyon na proseso.

A. Solitari at Kolaboratib,
B. Pisikal at Mental, at
C. Konsyus at Sabkonsyus
I. Solitari at Kolaboratib
 Solitari
o Ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-isahan sapagkat maraming
bagay ang maaaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay dapat na
maging mapag-isa, walang sagabal at walang aspeto na makagugulo sa
kanyang pag-iisip upang matapos niya ang isinusulat.
 Kolaboratib
o Ang kolaboratib na pagsulat ay tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa
halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga
manunulat.Hal. Editorial Team
II. Pisikal at Mental
 Pisikal
o Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng
manunulat.
 Mental
o Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at
patern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga
tuntunin ng wikang ginagamit.
III. Konsyus at Sabkonsyus
 Konsyus
o Ito at ang malayang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay patuloy-tuloy
na sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, gramatiko, o paksa ng
kanyang isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang paraan
upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang paksa. Ito ay
tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.
 Sabkonsyus
o Sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring nanggaling mula sa konsyus na
kaisipan. Gayunpaman, sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring patuloy na
lumalabas mula sa iyong kaisipan ngunit sa isang pagkakataon ay daglian
itong mahihinto o ang tinatawag ng Writer's Block.
o Isang screenwriting instructor ang nagsabing, "Ang pagkamalikhain ay
nagmumula sa sabkonsyus na kaisipan." Ano ang ibig niyang sabihin sa
pamamagitan nito? Kung ikaw ay magninilay-nilay, maaari kang mabigla sa
kung ano ang iyong masisilip sa iyong isip. Maaaring maisalarawan mo ang
mga ito ng higit na malinaw.
o Ang hindi alam ng karamihan ay halos lahat ng proseso sa pagiisip ay
ginagawa ng ating sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisipan ay
ang tumatanggap ng mga stimulus sa pamamagitan ng paningin, panlasa,
pandinig, pang-amoy, at pandama. Pagkatapos ay sisimuan ang proseso sa
pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa sabkonsyus na kaisipan.
o Kapag ang isang manunulat ay nagsimulang sumulat, maaaring iniisip niya na
ang lahat ng mga salitang kanyang isinusulat ay nagmumula sa konsyus na
kaisipan. Ngunit ang totoo, nagmumula ang mga ito sa sabkonsyus na
kaisipan.
Sanggunian:

 Website
o https://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-mga-teorya-at-
kasanayan-sa.html?m=1
o https://prezi.com/m/mdewkibakroa/mga-teorya-sa-pagsulat/

You might also like