You are on page 1of 1

Ayon sa teoryang interaktibo, ang pagbasa ay isang proseso at hindi isang produkto (Bernales, et a.

,
2006). Ang isang interaktibong mambabasa, kung gayon, ay pumapaloob sa proseso ng interaksyon sa
awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Sabihin pa, kung siya ay interaktib sa kanyang pagbabasa,
malamang na nagiging epektibo siyang mambabasa. Sa madaling sabi, madali niyang ,matataglay ang
mga kasanayan sa limang dimensyon ng pagbasa.

Ang teoryang pananaw ukol sa pagbasa ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na
kasangkot at may kaugnay sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito
(Singer at Ruddell, 1985).

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel
o tabulaza raza. Ayon kay Smith 1994, ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa
teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit
na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

You might also like