You are on page 1of 7

Introduksyon

Ang pagsusulat ay isa sa limang kasanayan na taglay ng tao. Ang bawat nilalang
ay maaaring magkaroon ng kaalaman sa pagsusulat ngunit hindi lahat ng tao sa
mundo ay may kakayahan at kasanayan sa epektibong pagsusulat.

Ang pagsusulat ay naisasagawa sa pamamagitan ng aktibong pagiisip at masining


na paraan ng pagpapahayang ng damdamin at kaisipan ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng mga sagisag o simbulo. Ang isang epetibong pagsusulat ay
nagtataglay ng katangiang may kaisahan, kakipilan, diin, at komprehensib.

Wika ang pangunahing instrumento na ginagamit sa paglilimbag ng mga kaisipan


at damdamin ng tao na nagiging tulay sa pakikipagkomunikasyon at
pagkaunawaan. Ang wika ay simbulo ng letra o titik na karaniwang ginagamit ng
tao sa paraang pasulat na pagpapahayag at maituturing isang paraan ng
komunikasyong personal at interpersonal.

Samakatwid, nilikha ng tao ang mga titik, binuo ang mga salita,pinagsama-sama
at isinaayos ang mga salita na naging pangungusap,isinaayos ang mga ideya ng
pangugusap na naging talata hanggang makabuo makalikha ng isang pahayag.

Depinisyon ng Pagsulat

Ayon kay Badayos (1999), “ ang pagsusulat ay isang kontinwum ng mga gawain sa
pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsusulat sa isang banda at nang
mas kompleks na gawain ng paglikha.”

Ayon kay Hugney, et al (1983), “nakatutulong ang pagsusulat sa paglinang ng


kakayahan ng mga estyudantesa lohikal ng pag-iisip at paglutas ng suliranin.”
Napaunlad din ng pagsusulat ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbasa,
pagtatala, pagtutukoy ng detalye, pagsusuri at pagbibigay pakahulugan ng mga
datos. Dahil dito napatutunayang malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa
paghubog ng damdamin at isipan ng isang tao.

Ayon naman kay Rivers (1975), “ ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa
pagtamo ng kasanayan (skill – getting) hanggang ang mga kasanayang ito ay
aktwal na magagamit (skill-using).”
Ayon kay Belvez (2004), “ ang pagsusulat ay ang pagsasatitik ng ating mga ideya
at kaisipan upang mabasa at pakinabangan ng iba.” Ang wika ay isang sistema ng
mga sagisag at ang pagsulat ay ang mga nakaugaliang marka o senyas na
kumakatawan sa wikang sinasalita. Kung ang wikang pasalita ay binibigkas at
pinakikinggan, ang wikang pasulat naman a binabasa at isinusulat.

Proseso ng Pagsulat

Ang pagsulat ay may proseso ng pagkakasunod-sunod upang maging matagumpay


at epektibo ang isang gawang pagsulat.

Pinal na
Bago Sumulat
Kopya

Aktwal na
Pag-edit
Pagsulat

Pagrebisa
AKTWAL NA PAGSULAT
(WRITING STAGE)
BAGO SUMULAT
Ito ay ang pagbuo ng burador or draft. Sa
(PRE-WRITING) hakbang na ito isinasalina ng manunulat ang
Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa paghahanda kanyang mga ideya sa mga pangugusapat talata.
sa sarili, sa paksa at mga impormasyon o ideya Nag eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo
para sa paksang susulatin. Dito isinasagawa ang ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng
pagplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, iba’t ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng
pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito,
ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa malayaniyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos
manunulat bago niya buuin ang kanyang burador muli ang detalye. Gayun paman, hindi pa rin niya
binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa
na susulatin.
mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at
sa mekaniks.

MULING PAGSULAT
(REWRITING)
PANGHULING PAGSULAT
May dalawang bahagi ang muling pagsulat.
1: ang pangrevisa, ang pangunahing layunin ay ang pagpapalinaw sa
Pagkatapos ang ang pag-edit at pangrebisa ng
mga ideya. Ginagawa ito upang maiwasto ang mga inaakalang teksto ay babasahin itong muli. Magaganao
nagawang mali. Maingat na sinusuri ang teksto at nilalaman para dito ang “Profread” na isinasagawa sa proseso
matiyak ang kawastuan, kalinawan at kayarian ng akda na madaling habang binabasa ay nagaganap ang muling
maunawaan ng babasa. Sa bawat pagbasa iniwawastoang kamalian sa pagwawasto ng maling gramatika at gamit ng
pamamagitan ng pagbabago, pagpapalit,pagdaragdag o pagkakaltas
ng mga salita, parirala o mga pangungusap muling isaayos ang
mga salita, pagmamalaking titik sa mga
buong sulatin. ngalan tanging tao, mga bantas at baybay
2: ay ang pag-eedit ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, istraktura
upang mas maging epektibo ang kalidad ng
ng mga pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa nilalman ng akda. Ang resulta nito ang
pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na tatawaging final na kopya.
ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang
kahulugan.(Leyson, 2008)
Mga katangian ng Pagsulat

 Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay


kailangang may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga salik na mahalaga
sa pagbuo ng isang sulatin.
 Ang pagsulat ay nakatatalas ng isipan at nalilinang ang kakayahang
lumikha ng masining ng mga pahayag.
 Ang pagsulat ay pagsasatitik ng mga kaisipan. Inililipay niya sa papel ang
kanyang mga ideya, itinatala ang mga makasaysayang pangyayari na nais
ipabatid sa madla.
 Ang pagsulat ay isang sining.

Pangunahung Layunin ng Pagsulat

Ang layunun ng pagsulat ay makikita sa daloy ng paghahanay ng mga ideya


o kaisipan sa isang teksto. May tatlong pangunahing na uri ng layunin ang
teksto, ito ay ang mga sumusunod:

Uri ng Layunin Kahulugan Halimbawa

a.) Pagsulat na Ang layunin ng pagsulat ay Pang-akademikong aklat,


impormatibo maglahad,magbigay impormasyon teksbuk, ulat pangnegosyo
(expository at magbigay linaw o paliwanag sa pamphlet, dyaryo, polyeto,
writing) paksa sa isang teksto. diksunaryo,ensayklopidya,
magazine at iba pa.
b.) Pagsulat na Ang layunin ng pagsulat ay Sulating pampananaliksik,
Mapanghikaya makaakit, mapaniwala at editorial, kolum, lathalain,
t (persuasive mapasang-ayon ang mambabasa sanaysay, proposal na sulatin
writing) batay sa ideya na ipinahayag sa at iba pa.
teksto.

c.) Pagsulat na Ang layunin ng pagsulat ay Maikling kwento, nobela,


Malikhain magpahayag ng maguni-guni, tula, awit, pabula, parabula,
(creative makulay, matayutay, dula, epiko, kwentong bayan,
writing) matalinghaga masimbulo na mga mitolohiya at iba pa.
pangyayari na batay sa mayamang
imahinasyon ng may-akda.

Uri ng Pagsulat Ayon sa Anyo

 Pormal na Pagusulat

Ito ay ang pagsusulat na pinaghahandaan. Ito ay nababatay o


sumusunod sa mga tamang hakbangin sa pagsulat. Naglalayong makapaglahad ng
mga ideya sa maayos at malinaw na kaparaanan. Ang paksa nito’y hindi karaniwan
at kailangan ang matiyagang pag-aaral at pananaliksik ng susulat.

 Di- Pormal na Pagusulat

Ito ay bigla-biglang pagsusulat, walang paghahanda. Hindi


pinapatnubayan pagkat ginagawa nang madalian ngunit may mga ideya ring
inilalahad. Kadalasan ang mga paksa ay hugot sa karanasan ng sumulat o di kaya
bunga ng kanyang obserbasyon o pananaw.

Mga uri ng Sulatin

1. Personal na Sulatin: ito ay may katangiang impormal, walang tiyak na


balangkas, at pansarili. Ito ay pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bawat
indibidwal dahil nagagawa nila na iugnay ang anumang paniniwala, damdamin,
pag-iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.

2. Transaksyunal na Sulatin: Ito ay mga katangiang pormal, maayos ang


pagkakabuo, may tiyak na balangkas at binibigyang pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid dahil sa komunikasyon ito ang pangunahing layunin ng
ganitong sulatin.

Ang Apat na Uri ng Pagpapahayag sa Pagbuo ng Sulatin

Ang apat na paraan ng pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa


pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin. Sa bawat pagsulat hindi lamang isang
pagpapahayag ang ginagamit bagkus sabay na nagagamit ito upang mas maging
epektibo ang paraan ng pagpapahayag sa larangan ng pagsulat\:

1. Pagsasalaysay (Narativ)

Pagsalaysay na naglalayong magpahayag nang sunod-sunod na pangyayari,


may tauhan tagpuan at isang kakintalan. (maikling kwento, jornal, talambuhay,
atbp.)

2. Paglalahad (Expositori)

Pagpaphayag ng paglalahad may layuning magpaliwanag ng pangyayari,


maglahad ng opinyon, kabatiran at mga kaisipan.

3. Paglalarawan (Descriptive)

Pagpapahayag ng paglalarawan ay may layuning maglarawan ng kabuuan ng


isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-
bagay, pook, tao, o pangyayari.

4. Pangangatwiran ( Argumentativ)

Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong


mapaniwala ang kausap sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng
sumulat.

Mga Salik sa Pagbuo ngIisang Sulatin


1. Paksa/ Tapik (Topic)

Ang paksa ang pokus ng pagsulat. Kailangan sa paksa ay may sapat


na kaalaman o impormasyon upang maging epektibo ang gagawing sulatin.
Maaaring ang mga makakuha ng mga paksa, kaalaman o impormasyon sa mga
sangguniang aklat, newspaper, dyornal, o mga impormasyong nakalap buhat sa
mga pagmamasid o personal na mga karanasan.

2. Layunin (Objective)

Ang layunin ang dahilan kung bakit naisagawa ang isang pagsulat.
Nakabatay sa layunin kung ani ang maaring nilalaman at patutunguhang kaisipan
o siwa ng pagsulat. Masasalamin dito ang ang nais ipahayag ng manunulat sa
kanyang agsulat.

3. Wika (Language)

Ang wika ang instrumento sa pagpapahayag. Kailangan may sapat na


kaalaman at kasanayan sa wikang gagamitin upang maging epektibo ang pagsulat.

4. Kaisahan (Unity)

Dapat may isang paksang tatalakayin sa kabuuan ng pagsulatat may isang


diwa na sinasaad upang maging malinaw at mabisa ang isang sulatin.

5. Kakipilan (Coherence)

Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap at mahusay na


pagkakahanay ng mga ideya o pangyayari sa isang sulatin. Mahalaga ang kakipilan
sa isang pagsulat ng sulatin upang maging malinaw ang diwa ng isang sulatin.

6. Diin (Emphasis)

Ang diin ay ang pagbibigay ng higit na pokus sa pinakamahalagang kaisipan


sa loob ng isang sulatin.

You might also like