You are on page 1of 32

Ang Pag-unawa/

Komprehensyon
 Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan
habang nagaganap ang interaksyon sa teksto

Ang pag-unawa/komprehensyon ay isang masalimuot


na prosesong pangkaisipan

 Kapag tayo’y nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa


pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin upang
maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan sa mga
impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang
pagpapakahulugan

 Ang pag-unawa sa teksto ay nakakaapekto


TAKSONOMIYA NG
PAG-UNAWA SA
PAGBASA (Barrett 1968)
Apat na antas ng Taksonomiya ni Barrett:

 pag-unawang literal
 paghihinuha
 ebalwasyon
 pagpapahalaga
Nila Banton Smith (1969)
Apat na antas ng kategorya sa pag-unawa
ni Smith:

1) pag-unawang literal
2) interpretasyon
3) kritikal o mapanuring pagbasa
4) malikhaing pagbasa
Pag-unawang Literal
 nakapokus sa mga ideya at impormasyong
tuwirang nakalahad sa teksto

 ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang


simpleng pag-alaala sa mga impormasyon at
detalyeng nakapaloob sa babasahin
Halimbawa na mga tanong sa Pag-
unawang Literal
1. Kailan at saan naganap ang kwento?

2. Anong uri ng paglalakbay ang kanilang


isasagawa?
Interpretasyon
 nangangailangan ng mas mataas na antas ng
pag-iisip

 ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang


ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto
ngunit nakapahiwatig lamang

 upang masagot ang mga katanungan


kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan
sa paglutas ng mga suliranin at marunong siya
sa paghalaw ng mga kaisipan
Ilan sa mga kasanayan sa pagbasa sa
kategoryang ito ay ang sumusunod:
 Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig
 Pagkuha ng pangunahing ideya
 Paghihinuha
 Pagbibigay ng kongklusyon
 Pagbibigay ng paglalahat
 Pagkilala sa sanhi at bunga
 Pagkilala ng pagkakatulad/pagkakaiba
Halimbawa na mga tanong sa
Interpretasyon
1. Sa iyong palagay, anong oras sila
nagdesisyon na ihinto na ang paglalakbay?

2. Mag ilang tao ang kasangkot sa


pagsisimula ng paglalakbay?

3. Humigit-kumulang anong oras nila narating


ang tuktok ng bundok?
Mapanuring Pagbasa
Ilan sa mga kasanayan sa kategoryang ito ay ang
mga sumusunod:

 Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at


pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto

 Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa


kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-siya
ng akda

 Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa


tulong ng pamantayang pansarili, pamantayang galing sa
guro, sa ibang tao, at sa ibang babasahin
Halimbawa na mga tanong sa
Mapanuring Pagbasa
1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng
pangunahing tauhan nang marating nila ang
tuktok ng bundok?

2. Masasabi mo bang makatarungan ang


desisyon na ginagawa ng ibang tauhan?
Ipaliwanag.
Malikhaing Pagbasa
 gumagamit ang tagabasa ng kakaibang
kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-
unawang literal, interpretasyon at mapanuring
pagbasa

 sinisikap ng tagabasa na makabuo ng bago o


pamalit na solusyon sa inihain ng awtor
Halimbawa na mga tanong sa
Malikhaing Pagbasa

1. Ano sa palagay mo ang naramdaman at


sinabi ng mga tauhang nakarating sa tuktok ng
bundok nang makita nila ang mga kasamahang
nagpasiyang umuwi na lamang?
Mga Prosesong
Kasangkot sa
Pag-unawa
Anderson at Pearson,1984; Spiro, 1980
 ang pagbasa ay tinatanaw na ngayon bilang isang aktibong
proseso sa pagbuo ng kahulugan

 iskemata – tawag sa dating kaalaman


- mga teoryang o sariling pananaw sa mga pangyayari,
bagay at mga sitwasyon na nakalagak sa isipan at
maayos na nakasalansan ayon sa kategorya

Rumelhart (1980)
 ang bawat iskema ay nahahawan ng landas tungo sa pag-
unawa ng bagong impormasyon

 ang ating iskema ang tumitiyak kung paano papakahulugan ang


bagong impormasyon
 Kaalaman sa paksa (topic knowledge)

 Kaalaman sa interaksyong sosyal ( social


interaction knowledge

 Kaalaman sa kayarian ng teksto (text


structure)

 Kasanayang metakognitib sa pagmomonitor ng


komprehensyon
Ang Paglinang ng
Komprehensyon
 ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng
komprehensyon ay ang debelopment ng mga
kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa

 paglinang ng mataas na lebel ng proseso pag-


iisip at hindi lamang iyong simpleng paggunita ng
mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto
Mga Tampok na
Katangian ng
Komprehensyon
Ang mga tampok na katangian na nagbibigay
liwanag sa proseso ng komprehensyon sa
konteksto ng klasrum ay ang mga sumusunod:

1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga


layuning malinaw na inilahad;

2. Paggising ng mga dating kaalaman na may kaugnayan


sa nilalaman/paksa ng kwento;

3. Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng


mga dating kaalaman angkop sa layuning itinakda sa
pagbasa;

4. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at ang mga


pagpapahalaga na may kaugnayan sa nilalaman ng
teksto;
5. Paggising ng istratehiyang sa pagmomonitor na
siyang magkokontrol sa pagbuo ng pagpapakahulugan;
at

6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong


binabanggit upang makamit ang layuning inilahad sa
pagbasa.
Ang Tungkulin ng
Guro sa Paglinang ng
Komprehensyon
Ang tungkulin ng guro sa paglinang ng komprehensyon
ay napakaloob sa sumusunod:

1. Pagpapaunawa ng layunin sa pagbasa at ng inaasahang


paggamit ng karanasang matatamo sa pagbasa;

2. Paggising ng mga dating kaalaman at pagtulong kung paano


gagamitin at maiugnay ang mga kaalamang ito sa nilalaman ng
teksto;

3. Paglinang ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng teksto at


pagpapaunawa kung kailan gagamitin ang mga istratehiyang
ito batay sa layunin sa pagbasa at ang uri ng tekstong
babasahin;
4. Pagtulong sa mga bata na maiugnay ang kanilang mga
saloobin at pagpapahalaga sa nilalaman ng teksto;

5. Paglinang ng kamalayan ng mga bata sa kahalagahan ng


pagmomonitor ng mga nabuong pagpapakahulugan sa
pagitan ng dating kaalaman at impormasyon sa teksto; at

6. Pagtatanim sa isipan ng mga bata na sapagtatamo ng


epektibong komprehensyon, kailangang may magandang
pag-uugnay ang layunin, dating kaalaman mga istratehiya
saloobin para sa nilalaman, at pagmomonitor ng
pagpapakahulugang bubuuin.
Uri ng mga Tanong ng Guro
Ruddell at Williams,1972; Durkin,
1978-1979; Guszak, 1967
 nagpapatunay na humigit-kumulang 70% ng mga
tanong ng guro ay nasa literal lebel lamang ng pag-
unawa

 Open-ended

 Oo o Hindi
Ang mga Lebel ng
Pag-iisip at mga
Kasanayan sa
Komprehensyon
Mga Kasanayan sa
Paktwal Interpretatib Aplikatib Transaktib
Komprehensyon

1. Pagtukoy sa mga detalye X X

Pagkasunod-sunod ng
2. X X
mga pangyayari

3. Sanhi at bunga X X X X

4. Pangunahing diwa X X X X

Paghula sa maaaring
5. X X X X
maganap

6. Pagpapahalaga X X X X

7. Paglutas ng suliranin X X X X

Isang Balangkas na Pampagtuturo para sa Debelopment ng Komprehensyon


Ang Apat na
Lebel/Antas ng
Pag-iisip
Paktwal Lebel
Interpretatib lebel
o
Pagpapakahulugan
Aplikatib Lebel
o
Paglalapat
Transaktib
Lebel

You might also like