You are on page 1of 31

Asian Learning Center (Main Campus)

Poblacion, Lapu – Lapu City

S.Y. 2019

Mga Mananaliksik:

Solasco, Trisha

Meriales, Princess Jhia

Dulce, Mary Mitchrael

Pulvera, Cathy

Keh, Ma. Mayumi

Segarino, Arjake

Saraum, Kyle

Silao, kyle
Kabanata 1

Ang Rasyonal ng Pag-aaaral

Ang panitikan, pinakamapagbigay, ay anumang katawan ng mga nakasulat na gawa.

Ang panitikan ay tumutukoy sa pagsusulat na itinuturing na isang form ng sining o

anumang sinulat na itinuring na may artistikong halaga o pang-intelektwal, madalas

dahil sa pag-aalis ng wika sa mga paraan na naiiba sa karaniwang paggamit. Ang

panitikan din ay nagsasalaysay sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga

karanasang may kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamin kagaya ng pag-ibig,

kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihigante, pagkasulam, sindak at

pangamba.

Ayon kay Arrogante, noong 1983 na isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan

nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng

buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa

pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

Sa pahayag na ito ni Arrogante 1983, ang panitikan ay isang likha na gawa ng isang

tao upang mailahad ang mga bagay-bagay na nais niyang isawalat. Ito rin ay isang

listahan ng mga pangyayari na mula sa produkto ng imahinasyon o tunay na buhay.

Ayon naman kay Salazar, noong 1995 na ang panitikan bilang isang lakas na

nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan

na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa

kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.


Ayon kay Salazar, Ang panitikan ay isang paraan upang maipapahayag mo ang iyong

saloobin o damdamin. Ito ay isang paraan upang mailalahad mo ang iyong ideya. Ang

panitikan ay maaaring alay kung kanino man o gawa lamang sa imahenasyon. Isa ito sa

humuhubog sa ating isipan lalong lalo na kapag ang panitikan ay nakabase sa totoong

buhay na talagang makapagbibigay ng leksyon sa bawat mambabasa.

Inilarawan naman ni Miguel Bernard, S.J. (1954:146) na ang panitikan ay kaisipan at

pagpapahayag: si-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag.

Ayon kay Bernard, S.J. (1954:146) na ang panitan ay kaispan ng mga manunulat

kapag sila ay gumagawa ng isang likhain. Sa pahayag na ito ang panitikan umano ay

kapay nakakaisip ang manunulat ng isang work ay sinusulat ito upang mabahagi ang

kanyang kaisipan. Sa pamamagitan nito ay tatatak sa mga tao kahit ito ay matagal nang

na published.

Ang pinili naming panitikan ay tula, ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng

taludtod. Ito ay nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga

saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga

taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng

damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita. Ang tula ay isang pampanitikang

nagbibigay diin sa ritmo, nagpapahayag ng damdamin at nagbibigay kahulugan sa mga

salita.

Ayon kay Alejandro, mula kay Villafuerte, Panunuring Pampanitikan, 2000. Ang tula

ay isang pagbabagong hugis sa buhay na ipinararating sa ating damdamin at


ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa

mga may sukat at taludtod.

Sa pahayag na ito ni Alejandro mula kay Villafuerte, ang tula ay nangangahulugang

pagbabagong ginamit para sa buhay na nais ipararating sa ating damdamin at

naipahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga

sukat at taludtod nito.

Ang tulang napili namin ay ang mga tula ni Gat Jose Rizal na nagbibigay inspirasyon sa

mga kabataan, ani nga ni rizal na “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Ang napili

naming tula na isinulat ni Gat Jose Rizal ay ang “Sa Aking Mga Kabata” at ang tulang “Sa

Kabataang Pilipino”.

Ang dalawang tulang napili namin ay nagsasaad sa kabataaan, wika at bayan. Ang nais

ipahatid ng awtor sa atin ay ang mailigtas ang sariling bayan at ipagmalaki ang sariling

wika bilang isa sa mga kabataan ngayon.

Ang “Sa Aking Mga Kabata” ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa

pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa

ito ni Jose Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong

1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal. Bagaman, may ilang mga

dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng

tula at panlilinlang ito. Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco

o Herminigildo Cruz ang tunay na may- akda.

Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” ay salin ng tulang “A La Juventud Filipina” na

sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1879 sa gulang na labingwalong


taon. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak sa pagsulat ng

tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig

sa panitikan at sa sining. Mga Kastila’t katutubo ang lumahok na sa paligsahan nguni’t

ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at

ipinagkaloob dito ang unang gantimpala. Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang

pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang

kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na

katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y

isang pariralang malimit banggitin. Makikita kaagad sa unang taludtod ang ipinaparating

na mensahe ni Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga

salitang “kabataan ng aking pangarap” at “pag-asa ng bayan”. Isinaad din nya na

hinihintay niyang mangibabaw ang katalinuhan ng mga kabataan upang magtulong-

tulong sa pagunlad ng bayan. Pinapayuhan din niya, sa ikatlong talata, na gamitin ng

kabataan ang karunungan sa agham at sining upang makawala sa gapos na nagsisiil sa

damdamin ng mamamayan. Ipinahahayag din sa tulang ito na ang Pilipinas ay bayan ng

mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga

katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas na siyang gamit

ng salitang ito.

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonte ay pinanganak sa isang mayamang angkan

sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio

Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya

sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-


aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang

kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng

Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-

aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ipaalam sa mga kabataan ngayon na dapat

nating isalba ang ating bayan dahil ito ay ang tanging magagamit natin sa ating

kinabukasan at hindi lang sa mga tayo ngayon kung hindi pati narin sa mga tao sa

sumusunod na henerasyon.
Kaligirang Teoritikal – Konseptwal ng Pag-aaral

Pinapalagay sa dalawang piling tula ni Gat Jose Rizal na " Sa Aking Mga Kabata " at "Sa

Kabataang Pilipino" masasalamin ang mga mahahalagang mensahe na tiyak na

nakakaimpluwensiya sa mga kabataang bumabasa.

Sa pag-aaral ng dalawang piling akda, sinusuportanhan ito ng Teoryang Pormalistiko.

Ang teoryang pormalistiko ay ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang

nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang

sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa

mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng

higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Sa teoryang ito tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na

ito. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan

ng pagkakasulat ng akda. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang

sensibilidad at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at

iba pang elemento ng akda. Ang pinag-ugatan ng teoryang ito ay masugid na tinalunton

ng mga kilalang kritiko, kabilang ang sinulat ni Coleridge na itinuturing niyang "buhay"

dahil sa kaisahang nakapaloob dito. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang

nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

Ang suliranin namin ay kunin ang persona, mensahe at imahe sa tulang aming napili.

Ang persona ay ang imaheng ipinapakita ng isang tao sa publiko. Ito ay ang aspeto ng

kanyang karakter na nakikita ng ibang tao. Ang mensahe naman ay ang mga natutunan
mo sa kwento at ibig ipahiwatig nito. Samantalang ang imahe naman ay ang mga salita

na ginamit sa tula o kwento na makabubuo ng imahe sa utak mo.

Sa karagdagan, ang suliranin ng nasabing tula ay ang pagimpluwenya sa mga tao lalo

na sa mga kabataan para may makukuha silang magandang aral sa tulang aming pinag-

aralan. Gayunpaman, ang solusyon sa aming ginawang pag-aaral ay mag impluwensya sa

mga kabataan na bumasa ng tula o kahit anong panitikan na kinunan ng magandang aral

para sa ikabubuti nila. Ang tanging makukuha nila sa pananaliksik na ito ay ang aral ng

dalawang napili naming tula na nagtutungkol sa mga kabataan na maging pag-asa ng

ating bayan.

Sa kabuuan, ang dalawang piling tula na kapupulutan ng mga mahahalagang aral. Ito

ay natitiyak dahil sa isinagawa naming masusing pagsusuri sa mga pag persona,

mensahe at imahe na binigayang solusyon. Dito, ay mababago ang persperktibo o

pananaw ng isang kabataan at makakatulong upang maging mas bukas ang kaisipan ng

isang indibidwal.

Pinapalagay sa dalawang piling tula ni Gat Jose Rizal na " Sa Aking Mga Kabata " at

"Sa Kabataang Pilipino" masasalamin ang mga mahahalagang mensahe na tiyak

na nakakaimpluwensiya sa mga kabataang bumabasa.


Teoryang Pormalistiko

Sa Aking Mga Kabata Sa Kabataang Pilipino

 Persona
 Mensahe
 Imahe

Sa ang dalawang piling tula na kapupulutan ng mga mahahalagang aral. Ito

ay natitiyak dahil sa isinagawa naming masusing pagsusuri sa mga pag

persona, mensahe at imahe na binigayang solusyon. Dito, ay mababago ang

persperktibo o pananaw ng isang kabataan at makakatulong upang maging

mas bukas ang kaisipan ng isang indibidwal.

Figyur1. Iskematikong dayagram ng kaligirang teoritikal-konseptwal ng pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang komprehensibong Paghahambing sa tulang "Sa Aking mga Kabata" at " Sa

kabataang pilipino" ni Gat Jose Rizal ay may makukuha tayong aral tungkol sa
pagmamalaki natin sa ating bayan at wika at matuto tayo kung paano natin mahalin ang

ating bayan. Dahil sa pag aaral na ito makakaimpluwensya ito sa mga kabataan ngayon.

Ang pokus lamang ng mga kabataan ngayon ay ang pag-ibig sa mga taong mahal nila at

hindi sa bayan at sariling wika. Tinitiyak ang mga sumusunod:

1. Persona;

2. Mensahe;

3. Imahe.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik ay upang mapag-aralan at mapalaganap ang

impormasyon at malinang ang pananaw ng mga kabataan. Ang layunin ng pag-aaral ay


upang makatulong at mapahiwatig ang kaalaman na isinagawa. Ang pag-aaral nito ay

isinagawa at ipinapaabot sa mga guro, magulang, kabataan at sa mga mananaliksik. Para

sa mga guro mapapahalagahan nila ang diwa upang ma impluwesiyahan ang kanilang

mag-aaral. Para sa mga magulang ipinapaabot ang mga moral sa kani-kanilang mga anak

upang maging mabuti at mahubog ang kanilang kakayahan. Para sa kabataan

matutulungan sila na gumawa ng mga mabuti sa lipunan na ginagalawan. At para sa

mananaliksik, ipinapaabot ang pag-aaral upang maging gabay sa kanilang ginagawang

pananaliksik.

Katuturan ng Pag-aaral
Upang lubos na maiintindihan ang mga ideyang inilahad at tinatalakay namin sa

aming pananaliksik na ito, binigyan namin ng katuturan ang aming isinasaliksik sa mga

sumusunod na terminolohiya:

Imahe - Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak

na larawan sa isipan ng mambabasa.

Mensahe – ito ay tawag sa ideya at damdaming nais iparating ng kabuuan ng ano mang

sasabihin, teksto o akda tulad ng balagtasan.

Komprehensibo – ay isa ito sa Uri o Antas Ng Pakikinig, pag unawa sa mensahe mula sa

tagapagsalita.

Panitikan –Ito ay mainam na pagsulat na mayanyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng

matagal na pagkawili at gana. May hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng

interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.

Persona – ay ang imaheng ipinapakita ng isang tao sa publiko. Ito ay ang aspeto ng

kanyang karakter na nakikita ng ibang tao.

Saklaw at limitasyon – ay isang parte ng pananaliksik o thesis kung saan nilalagay ng

manananaliksik ang isang maikling testamento na naglalaman ng pangunahing gamit o

dahilan ng sinasagawang pag-aaral. Naglalaman rin ito ng mga usapin, lugar ng

pananaliksik, bilang at demograpiya ng pag-aaral, at ang kabuuang haba ng ginawa o

gagawing pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon
Sa aming pananaliksik ay may dalawa piling tula na ipupuna Ito ay ang tula ni Gat Jose

Rizal na "Sa Aking mga Kabata" na inilathala noong 1869 at ang tulang “Sa Kabataang

Pilipino” na inilathala noong 1879. Ang dalawang tulang ito ay may kinakakakitaan ng

mga aral o mensahe na nakakaimpluwensya ng mga mambabasa.

Pinagtutuunan namin ng pansin ang pananaliksik na ito upang malaman ng mga tao

lalo a sa mga kabataan na kung ano ang mga mahalagan gawin para sa ating byn at ito

ay dapat nating mahalin sapagkat tayo iang tunay na Pilipino, ang aral na makuha mo sa

pagbasa ng mga tulang ito ay nakakabuti sa lahat sa bayan at sa mga to at kung ano ang

maidudulot nito sa iyong pagkatao.

Kabanata 2
Pagbabalik – Tanaw ng mga Basahing Kaugnay

Matutunghayan sa kabanatang ito ang mga literaturang kaugnay at pag-aaral na

muling sinuring pananaliksik na makatutulong sa mabisang pag-aaral.

Mga Muling-Sinuri na Literaturang Kaugnay

Ayon kay Gian Carlo O. Dela Cruz, sa paghahambing ng panitikan sa pagitan ng isang

Maikling Kwento at isang tula panitikan. Ang anyo na ito ng libangan ay nasa loob ng

maraming mga edad, maging sa isang anyo ng isang tula, isang drama o isang maikling

kwento. Ang uri ng panitikan na ito ay ginamit ng mga makata at may-akda upang

maiparating ang kanilang pinakamalalim na hangarin, damdamin, mga ideya, kamangha-

manghang mga haka-haka na gumagawa sa atin, sinumang nais natin at makatakas sa

pang-araw-araw na normal na buhay at sa paggawa nito nakakatawa at masigla. Tiyak

na nalantad ang bawat isa sa isang genre ng panitikan sa kanilang buhay sa isang punto.

Nagmula ito sa wikang Pranses at ginagamit upang makilala ang mga uri o kategorya ng

panitikan. (sinipi kay Clugston, 2010).

Ang panitikan ay nagsisilbing instrumento upang pansamantalang makatakas sa

realidad. Sa pahayag na ito ni Gian Carlo O. Dela Cruz, pinapahiwatig dito na ang

panitikan ay sentro ng paglalahad ng damdamin, emosyon, kaisipan et al. Ito ang siyang

sandata upang maipamalas ang mga nakatagong malikhaing kaisipan na hindi lang ang

makapagbigay-aliw ang layunin. Ang pokus nito ay magbigay aral sa isang indibidwal.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig” o isang

heightened consciousness. (sinipi kay Edith Sitwell)


Sa pahayag na ito ni Alejandro G. Abadilla, ang tula ay isang “heightened

consciousness” na nangangahulugang ang matataas na kamalayan ay isang bagay na

higit sa ating ordinaryong pag-iisip. Ito ay isang bagay na kaya nating lahat na makamit,

kung matututunan nating ilipat ang ating kamalayan.

Sa kabuuan, ang tula ay instrumento ng may-akda upang makatakas sa realidad ng

buhay. Ito ay isang anyong panitikan na nakakapukaw ng damdamin ng mga

mambabasa. Nakadaragdag ang tema at mensahe ng akda upang maimpluwensiyahan

ang isang indibidwal at malinang ang kanilang mga sariling pananaw sa buhay.

Mga Muling-Sinuri na Pag-aaral na Kaugnay


Sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik ay may mga pag-aaral na kaugnay sa dalawang

piling tula. Pinapahalagahan ng mga mananaliksik ang mgakaugnay na pag-aaral na

makatutulong nang malaki sa kasalukuyang pag-aaral.

Ayon sa pag-aaraal ni Julian Cruz Balmaceda, ang tula ay isang likha at ang makata ay

tinatawag na manlilikha.

Sa pag-aaral na ito ni Julian Cruz Balmaceda, kanyang ipinapahiwatig na ang tula ay

isang gawa ng manunulat na kakikitaan ng anyo, kariktan at kahusayan. Ito ay isang

anyong panitikan na lubhang masining at matalinghaga.

Ayon naman kay Ruffino Alejandro, ang guni-guni ay kapangyarihan ng isip na

maglarawan, magturo at lumikha. Ang guniguni ay tinatawag namalikhaing pagmumuni-

muni o ang tinatawag na “creative imagination."

Sa pahayag na ito ni Ruffino Alejandro, inilalarawan niya ang guni-guni bilang isang

mataas na antas ng kaisipan na may kakayahang gumawa ng mga bagong ideya,

nakapagbibigay ng malinaw na paglalarawan at nakabubuo ng bagong kaisipan. Sa

pagbasa ng tula, ito ay paraan ng pagsasatitik ng marubdob na nararamdam upang kahit

papano ay maibsan ang pagdadalamhati,kalungkutan at kasiyahang walang

mapagsidlan.

Sa pag-aaral ng dalawang piling tula, dito mauunawaan ng kabataan ang kahalagahan

ng panitikan. Ang pag-aaral na ito ang nagsisilbing gabay upang mas malinang ang

pananaw ng isang indibidwal. Masasalamin sa dalawang piling tula ang mga

napakahalagang aral na dapat mabatid ng kabataan. Sa pamamagitan ng dalawang piling

akdang ito, malalaman, madarama, at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at


namuhayang ating mga ninuno. Samakatuwid, nararapat lamang itong linangin at

paunlarin sapagakat ito ay hindi lang naglalaman ng mga mahahalagang aral o

kapupulutan ng mga makabuluhang pag-uugali at kaisipan kundi pati narin ito ay bahagi

ng ating kultura na dapat pagyamanin.

Kabanata 3
Pampanitikang Pamamaraan ng Pagsusuri

Sa pagpapalalim ng pag-aaral kinakailangang maging mapanuri. Ang kabanatang ito

ay pumapaloob sa mga pamamaraan na ginawa at ginamit sa pagsusuri.

Pamamaraan ng Pampanitikang Pananaliskik

Ang aming pag-aaral ay nabibigay-tuon sa pagsusuri sa dalawang piling tula ni Gat

Jose Rizal na "Sa Aking Mga Kabata" at "Sa Kabataang Pilipino". Ang dalawang piling

akdang pampanitikang ito ay kapupulutan ng mga mahahalagang aral na makaka-

impluwensiya sa mga kabataan. Ang pananaliksik ay ginamitan ng Kwalitatibong

Pamamaraan ng Pananaliksik ay kaiba sa kwantitatibong pananaliksik sa dahilan na ang

qualitative research ay nakabase sa mga opinyon, at iba pang relatibong impormasyon

na maaaring mag-iba iba sa iba’t ibang tao sa isang partikular na panahon. Kalimitang

sinasagot nito ang mga katanungang “bakit” at “paano.”, natitiyak ang mga sumunod na

konsepto:

Persona, Imahe, at Mensahe.

Ang teoryang ginamit sa pag-aaral ay Teoryang Pormalistiko ay ang pagbibigay

pansin sa anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng

pagdulog na ito. Naging tanyag ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil

na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pananaw. Sa teoryang ito

pinagtutuunan ng pansin ang mga elementong nakapaloob sa dalawang piling tula.


Pinagmulan ng Datos

Sinusuri ang dalawang piling tula ni Gat Jose Rizal na nagsisilbing gabay sa pagsusuri sa

tulong ng teoryang pormalistiko . Ang pag-aaral ay umikot sa tatlong emento na

kakikitaan ng kahalagahang aral na nakakaimpluwensiya sa mga kabataan. Natutukoy sa

pamamagitan 1. Persona, 2. Imahe, 3. Mensahe.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Sinusuri ang dalawang piling tula ni Gat Jose Rizal sa tulong teoryang pormalistiko. Ito

ay nagsisilbing daan upang maisagawa ang ginawang pag-aaral. Binibigyang-pansin din

ang mga elemento nito. Ang pag-aaral ay binubuo ng tatlong hakbang 1. Persona, 2.

Imahe, 3. Mensahe.

Unang Hakbang: Pagsusuri sa Persona


Nakapaloob ito ang unang suliraning kinakaharap ng mga mananaliksik na makikita sa

dalawang piling tula na kakakitaan ng aral na nakakaimpuwensiya sa mga kabataan.

Tula Pagsusuri sa persona Pagtitiyak

Sa Aking mga Kababata

Sa Kabataang Pilipino

Ikalawang Hakbang: Pagsusuri sa Imahe

Sa bahaging ito malalaman ng mga kabataang Pilipino ang larawang-diwa na nais

iparating ng dalawang piling tula. Nakapaloob dito ang ang mga malinaw at tiyak na

larawan na mag-iiwan sa isipan ng mga kabataan.

Tula Pagsusuri sa Imahe Pagtitiyak

Sa Aking mga Kababata

Sa Kabataang Pilipino
Ikatlong Hakbang: Pagsusuri sa Mensahe

Sa bahaging ito ay tiyak na kapupulutan ng mga mahahalagang aral na

makakaimpluwensiya sa pananaw ng mga kabataan.

Tula Pagsusuri sa Mensahe Pagtitiyak

Sa Aking mga Kababata

Sa Kabataang Pilipino

Sa kabuuan, ang talahanayang ito ay nakakatulong sa ginawang pag-aaral upang

lubos na maunawaan ang suliraning kinakaharap ng mananaliksik. Natitiyak ng dalawang

piling tula ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa mga kabataan na makatutulong sa

paglinang sa pananaw ng kabataan.

Kabanata 4
Paglalahad, Pagsusuri at Pagkakahulugan ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng pagtatalakay, pa-aanalisa at pag-iisa-isa sa

mga datos na nalikom. Bunga ng malalim na pagsusuri, inilalahad ng mga datos na may

kinalaman sa mga

tiyak na suliranin.

Talahanayan 1. Persona

Tula Pagsusuri sa Persona Pagtitiyak

Nagpapatungkol sa “Kapagka ang baya'y


pagmamahal mo sa inyong sadyang umiibig
sariling wika, na dapat Sa kanyang salitang kaloob
Sa Aking mga Kabata respetuhin at gamitin ng ng langit, sanlang kalayaan
maayos at ipagmalaki. nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa
himpapawid. “

Tula Pagsusuri sa Persona Pagtitiyak

Nagsaad ng hamin sa mga "Itaas ang iyong malinis na


kabataang pilipino na noo sa araw na ito,
Sa Kabataang Pilipino gumising na sa pagiging Kabataang Pilipino! Igilaa
manhid at imulat ang mga mo na rin ang kumikinang
sarili sa mga nagaganap sa mong mayamang sanghaya
paligid. Ang tula ay magandang pag-asa ng
nagpapabatid din sa mga Bayan Kong Mutya!
kabataan ng magkakaroon
ng adhikaing matulungan
ang inang bayan.
Sa pagsusuri ng Persona ng tula na " Sa aking ng Kabata" gustong ipahiwatig ng

persona na kong ikaw ay ipinanganak sa isang bansa ay dapat mong mahalin ang inyong

sariling wika at ipagmalaki ito. Dapat mo rin itong respetuhin at gamitin sa mabuti at

ipahiwatig sa ibang lugar sa mundo kong gaano ka ganda ang inyong bansa.

Ipinapahiwatig ng persona sa unang taludtod na gusto niyang mahalin natin ang ating

sariling wika ay dahil bigay ito ng maykapal para sa atin, na ito ay isang pagpapala tulad

ng anumang nasyonalidad na binigyan kami ng regalo ng poong maykapal. Gusto ng

persona na ibigin natin ang ating sariling wika sapagkat ito ang hakbang patungo sa

kalayaan. Ngunit kong ang ibon na ito ay isang lawin na katulad natin, mga pilipino, na

hindi makalipad para sa kong ano ang tama, at hindi tayo makakaranas ng kalayaan.

"Kapagka ang baya'y sadyang umiibig sa kanyang salitang kaloob ng langit, sanlang

kalayaan nasa ring masapit katulad ng ibong nasa himpapawid"

Sa pagsusuri ng Persona ng tula na "Sa Kabataang Pilipino" gustong ipahiwatig ng

persona na dapat gumising na ang mga kabataan sa mga masasamang bagay at imulat

na ang kanilang mga sarili sa mga katotohanang nagyayari sa ating paligid, ay maging

mapagmasid. At ipinahihiwatig din ng persona na ang mga kabataan ay sadyang mataas


ang lipad upang maabot lamang ang kanilang mga pangarap. At ang kanilang mga

talento ay gamitin sa mabuti at ipagmalaki dahil ito ay bigau ng maukapal.

Sabi nga ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ang

ipinahihiwatig ng unang talutod na dapat maging malinis ang mga kabataan at hindi

gagawa ng masama sa kanilang kapwa, At hindi gumawa ng masasamang bagay na

makakasama sa inang bayan. Bagkos ay dapat ipakita nila ang pagkapilipino at

ipagmalaki ito. Mulasa pagiging mangmang na ina-api-api lamang patungo sa kabataan

bilang pag-asa ng ating inang bayan.

"Itaas ang Iyong malinis na noo sa araw na ito, Kabataang Pilipino! Igilas mo na rin ang

kumikinang mong mayamang sanghaya magandang pag-asa ng Bayan Kong Mutya!”

Talahanayan 2. Imahe
Tula Pagsusuri sa Imahe Pagtitiyak

Sa Aking mga Kabata Watawat “Wika ang tatak nitong


ating lahi at larawan ng
ating lipi”

Tula Pagsusuri sa Imahe Pagtitiyak

“Itaas ang iyong malinis na


noo sa araw na ito,
kabataang Pilipino! Iligas
Sa Kabataang Pilipino Watawat mo na rin ang kumikinang
mong mayamang sanghay.
Magandang pag-asa bayan
kong mutya!”

Sa pagsusuri sa imahe ng tulang “Sa Aking mga Kabataan“ nais ni Jose Rizal na

ipaalala sa atin na ang wikang Filipino ay bukod tanging yaman nating mga Pilipino, kaya

dapat natin itong pagyamanin at mahalin. Huwag talikuran ang sariling wika dahil ang

hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang isda.

“Wika ang tatak nitong ating lahi at larawan ng ating lipi”


Sa pagsusuri sa imahe ng tulang “Sa Kabataang Filipino”. Nais iparating ni Jose

Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda sa atin na mahalin natin ang sariling bayan

dahil ito ang ating lupang kinagisnan. Pahalagahan natin ang Bansang Pilipinas dahil pag

hindi paran narin nating inaapak-apakan aang mga sakripisyong ginawa ng ating mga

magigiting na bayani.

“Itaas ang iyong malinis na noo sa araw na ito, kabataang Pilipino! Iligas mo na rin ang

kumikinang mong mayamang sanghay. Magandang pag-asa bayan kong mutya!”


Talahanayan 3. Mensahe

Tula Pagsusuri sa Imahe Pagtitiyak

“kaya marapat pagyamanin

Ang Aking mga Kabataan Pagpapahalaga sa sariling kusa na tulad sa inang

wika tunay na pagpala ang

wikang tagalog tulad din sa

latin”

Tula Pagsusuri sa Imahe Pagtitiyak

“Itaas ang iyong malinis na

noo sa araw na ito,

kabataang Pilipino! Iligas

Sa Kabataang Pilipino Ipagmalaki ang sarilng mo na rin ang kumikinang

bansa mong mayamang sanghay.

Magandang pag-asa bayan

kong mutya!”
Ang pagsusuri sa imahe ng tulang “Sa Aking mga Kabata” ay para sa ating kabataan na

naninirahan sa bansa, dapat nating pahalagahan at mahalin an gating sariling wika.

Dapat natin itong bigyan ng halaga dahil ito ay pag aari natin at dapat natin itong

ipagmalaki. Nararapat din natin itong linangin upang mas makita hindi lamang ng

kabataan ngunit ng buong Pilipino ang halaga nito.

“kaya marapat pagyamanin kusa na tulad sa inang tunay na pagpala ang wikang

tagalog tulad din sa latin”

Sa pagsusuri ng imahe ng tulang “Sa Kabataang Pilipino” ay para sa ating kabataan na

mahalin at ipagmalaki ang bansa na ating sinilangan. Dapat natin iukit sa ating puso ang

pangalan ng ating bansa, dapat natin ipalaganap ang sariling atin.

“Itaas ang iyong malinis na noo sa araw na ito, kabataang Pilipino! Iligas mo na rin ang

kumikinang mong mayamang sanghay. Magandang pag-asa bayan kong mutya!”


Kabanata 5

Mga Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng pasalita na nagbibigay tugon sa suliraning pinag-

usapan kung kaya nagdudulot na mabigyan ng mga natuklasan,pangkalahatang pagtala

ng mga maaring gawin na kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral.

Mga Natuklasan

Bunga ng isinagawang pag-aaral sa dalawang piling tula na kinapapalooban ng

persona, imahe at mensahe

1. Persona

Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula na maaarimg una, ikalawa o ikatlong panauhan.

Pinagsama ng may-akda ang kanyang sariling pagkatao at ang karakter-ang

tagapagsalaysay. Ito ay sapagkat ang bawat salitang isinulat ay dapat na bahagi ng

sining ng isang likha.Nakadaragdag ng kagandaham ang paggamit sa ang papel ng

tagapagsalaysay upang higit na aliwin at paliwanagan ang mambabasa.

2. Imahe

Ang imahe ang ginagamit ng mga makata upang bigyang buhay ang isang tula. Ito ay

nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang mga salitan ito

ang magpapamalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at ibang pang persepsyon ng

mambabasa. Bukod pa rito, ang pakikipag-ugnay sa mga mambabasa ay nagbibigay sa

tula ng agarang pagiging totoo.


3. Mensahe

Ang mensahe ay ang pinakamahalagang sangkap ng tula. Ito ay ang nilalaman ng kwento

o kung saan tungkol o hango ang kwento. Ito din ang pangkalahatang kaisipan na nais

palutangin ng may-akda ng kwento upang mas maintindihan ng manunuod o

mambabasa. Nakatutulong ang mensahe sa paglinang sa pananaw ng mga kabataan at

nakakaimpluwensiya sa pagbuo ng bagong kaisipan ng isang indibidwal.

Kongklusyon

Nakaploob sa dalawang piling tula ni Gat Jose Rizal ang mga mahahalagang aral na

tiyak na makakaimpluwensya sa mga kabataan.

Rekomendasyon

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na makatulong sa pamamagitan ng sumsusunod na

rekomendasyon:

1.Linangin ang pananaw ng mga kabataan sa dalawang piling akdang pampanitikan.

2.Palakin ang kaalaman ng mga kabataan sa moralidadang damdamin.

3.Pukawin ang damdamin ng mga kabataan at hubugin ang kabataan sa mga

magagandang aral.
Mga Karagdagang Rekomendasyon

1.Isang kwalitatibong pag-aaral sa dalawang piling akdang pampanitikan.

2.Pagsusuri sa kahalagang-aral sa dalawang piling akdang pampanitikan.

3.Pagsusuri sa tatlong elemento na kakikitaan ng kahalagahang aral.

You might also like