You are on page 1of 25

KABANATA :1

Kaligiran at Pag-aaral ng Nobelang Tagalog: Panimulang-suri

Ang unang kabanata ay nakatuon sa pagsulat at pagbasa ng isang nobela.


Tinatalakay din dito ang dalawang pangunahing bukas ng Nobelang Tagalog: ang
bukal ng katutubo at ang bukal na kanluranin. Sa kabuuan nito ay ilalahad ang iba’t-
ibang kaisipan, kasaysayan, at mga manunulat ng Nobela.

SUBOK-DUNONG:

Tanglaw Gabay
1. Ano ang Nobela ipaliwang ito ayon sa iyong sariling pagpapakahulugan?
2. Magbigay Ng isang halimbawa ng Nobela na pumukaw sa iyong damdamin?
3. Ano ang naging mahalagang papel ng Nobela sa ating kasaysayan?

MITHING-LAYON

Sa araling ito, mababatid mo ang ilang mga iportanteng bagay na makakapagbukas ng


iyong kaalaman at makakatulong sayo bilang guro ng panitikan.Inaasahang magagamit mo
ang mga kabatirang ito upang:
 Malaman ang kaparaanan ng pagsulat ng isang Nobela Tagalog kaibahan sa ibang
akdang pampanitikan.
 Maipakita ang kagustuhan sa pagbasa ng isang Nobelang Tagalog mula sa
dalawang batayang nabangggit.
 Mapahalgahan ang pagsulat ng Nobelang Tagalog bilang isang bahagi ng
Panitikang Filipino.

ALAY-ARAL

BBasahin at unawain…

 Kung Mag-aaral ng Nobela…


Dalawang bagay ang tuminag sa damdamin ng may akda upang dali-daling
tipunin ang mga naisulat niyang pagsusuri sa mga Nobela. Una ay ang ipinalabas na
patnubay ng DepEd na hinngil sa pagbasa at pagpapahalaga ng Panitikan alinsunod sa
Kanluraning “teoryang pampanitikan”. Ikalawa, ang isang liham ng magulang na may
anak na nahihirapan bumasa ng panitikan sa Filipinas. Lumabas noong Mayo 2008
liham ito ni Gng. Connie Veneracion, hinngil sa ipinababasang uri ng panitikan sa
paaralan. Bakit daw ipinababasa ang uri ng mga babasahing mahirap intindihin gaya ng
Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez at hindi ang mga babasahing madaling
maintindihan.

 Wastong Pagtuturo ng Panitikan

Ang wastong pagbasa ng panitikan sa mataas na paraalan ay bahagi ng


pagpapatikim at pagpapamalay sa mga estudyante sa aliw at halaga ng panitikan at ng
pagbabasa sa kanilang buhay. Hinding-hindi sila dapat magkaroon ng pakiramdam na
isang malaking parusa ang pagbabasa ng panitikan. Sa gayon, hinding-hindi sila dapat
parusahang bumasa ng mga akdang totoong mahirap basahin dahil ibang-iba ang wika
nito sa wika nila, lubhang masalimuot ang pangyayari para sa kanilang pang-unawa, at
tumatalakay sa mga kaisipang lubhang banyaga sa kanilang karanasan.

 Pagbabalik sa Dangal ng Lahi

Ang pagbuo sa isang pambansa at makabansang kasaysayang pampanitikan ay


noon pa sana dapat ginawa ng ating mga iskolar. Ngunit hindi naging pambansa ang
mga pagsisikap simula nitong ikalawang hati ng ika-20 siglo dahil patikim-tikim.
Pinakamasigasig ang Nobelang Tagalog noong 1905-1975 Tradisyon at Modernismo ni
Soledad S. Reyes, na bukod sa sinaklaw na napakalaking bilang ng nobelang binasa
ng may-akda ay nagdulot ng isang balalangkas ng kasaysayan ng Nobelang Tagalog.
Ngunit nasupil ito dahil sa pag-ral ng mga natutuhang Kanluraning metodolohiya ng
pagbasa. Biktima ang mga kritiko’t iskolar ng kasalukuyang edukasyong Kanluranin,
lalo na’t nakapag-aral sa Estados Unidos, at sansiglo nilang inungusan, mimaliit, kung
hindi man tahasang nilalapastangan ang nobela dahil sa kanilang saloobing Kanluranin.

 Pagsinop sa Kasaysayan ng Nobela

Matutukoy ang masinop na kasysayang pampanitikan ang mga bukal at batis ng


pagsulong ng nobelang Filipino. Sa ganito magliliwanag ang salimuot ng ksaysayan ng
nobela at ng panitkan sa pangkalahatan. Bawat batis ay may sari-sariling daloy at
paraan ng pag-unlad, bagamat dapat ipagpaunang hindi ganap na nasasarili bagkus
dumadaloy nang kaalinsabay ang ibang batis at may mga pagkakataon ng pagsanib o
pakikisanib saibang batis. Sa liwang ng ganitong kasaysayang pampanitikan higit na
mabibigyan ng angkop na pagpapahalaga ang mga nobela, halimbawa nga’y ang Mga
Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Ito’y maaaring maging batis ng Realismo at
sa sangay ng mga tinatawag na nobela ng pagtutol. Isang mayamang sangay ito mula
sa Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos, Bulalakaw ng Pag-asa (1909) ni Ismael A.
Amado, at Isa Pang Bayani (1915) ni Juan Arsciwalts. Panimulang listahan lamang ito
at hindi kompleto. Ang mga nobelistang sina Lazaro Francisco, Macario Pineda,
Edgardo M. Reyes, Rosario de Guzman Lingat, at Liwayway Arceo ay nangangailangan
ng iba pa nilang nobela upang higit na maipakilala ang kanilang talino bilang mga
pangunahing nobelista ng ika-20 siglo.

 Mga Bukal at Batis ng Nobelang Tagalog: Panimulang-suri

Nakagugulat ang pagsilang ng nobela bilang sangay ng panitikang Tagalog.


Sukat nang nailathala nang de-serye sapahyag Ang Kaliwanagan ang nobelang
Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos sa taong 1900,at ang nobelang taglog ay
dagliang nalinang sa loob lamang ng ilang dekada. Marahil sa rubdob ng kasiglahan
kaya pagkaraan lamamg ng dalawang dekada ay iwinagayway kaagad ni Inigo Ed.
Regalado ang diumano’y “gintong panahon” ng Nobelang Tagalog.

Bilang isang natatanging anyo ng panitikan,ang nobela ay tiyakang isinilang sa


unang bahagi ng ika-20 dantaon kasabay ng paglalatag ng impluwensiya ng Estados
Unidos sa Filipinas. Gayunman, maipaliliwag na ang nobela ay bahagi ng ebolusyon
ng panitikang pambansa. Taglay nito ang mga katutubong sangkap ng panitikang-
bayan na patuloy na nakabuod sa panitikan ng panahon ng kolonyalismong Espanyol,
at ang mga elementong banyagang bunga ng ating kasaysayang kolonyal.

Taglay ang ganitong panukala, ang panimulang-suring ito ay tatalakay sa


ipinalalagay na dalawang pangunahing bukal ng nobelang Tagalog: ang bukal na
katutubo, at ang bukal na kanluranin. Maraming salik ang pangkalahatang bukal ng
Kanluranin ngunit bibigyang-diin ang pagsusuri bukal na Kristiyano at bukal na Realista.
Isa-isang susuriin ang mga nangingibabaw na katangian ng mga nabanggit na bukal na
numatis sa nabuong ilog ng nobela.Totoong may higit na matandang bukal ang bukal
na katutubo kaysa dalawang bukal na Kanluranin, subalit sa Panahon ng Espanyol ay
ginamit ito at napatambal sa akdang maka-Kristiyanismo at dumating ang panahon na
mahirap nang ihiwalay nang ganap sa huli.

I. Bukal na Katutubo

Malaki ang kaugnayan ng nobela sa matandang panitikan pasalaysay, gaya ng


alamat at kuwentong bayan. Ang payak na balangkas ng maraming maikling nobelang
nailimbag sa mga unang dekada ng ika-20 dantaon ay naayon na mala-alamat na
pamamaraan ng paghawak sa paksain. Ang mahabang, maligoy, at waring pinagtagni-
tagning pangyayari naman sa ibang nobela aya waring hango sa pakikipagsapalaran
ng maalamatmna bayani sa awiting pasalaysay, isang pamamaraang nalinang pa at
naipagpatuloy sa mga awit at korido sa Panahaon ng Espanyol
 De-kahong Tagpo

Isang de-kahaong tagpo sa nobela ang iskematikong pagtatanghal sa


tunggalian ng dalawang ideya. Kadalasan ang sisnasadulang tunggalian ng ideya
ay ito: makaluma kontra makabago, puso kontra utak, puhunang materyal kontra
lakas na pisikal, kayamanan kontra kahirapan, karanasan kontra kasibulan,
kahinahunan kontra karahasan, at iba pang magkakasalungat na pilosopiya at
pananaw sa buhay. At ang karaniwang kasukdulan ng buong balangkas ay isang
mahaba at mainit na debate ng dalawang tauhang kumakatawan sa magkasalungat
na ideya, gaya ng magulang kontra anak, mayaman (manedyer o asendero) kontra
mahirap (manggagawa o magsasaka), pari o isang makaranasang tao (gaya ni
Padre Florentino o ni Pilosopo Tasyo sa nobela ni Rizal). Malaki ang posibilidad na
ang ganitong de-kahong tagpo ay may huwarang Kanluranin, lalo na sa mga dulang
pampananampalaya nitong Edad Medya Sa Europa. Ito sa gayon ang maaring
naging bukal ng mga ganitong pagtatalo sa awit at korido at sa mga dulang
pansimbahan nitong Panahon ng Espanyol. Subalit kung isasaalang-alang ang
matandang panitikang katutubo, makikita na ang naturang taktika sa moro-moro ay
nalalakipan ng sangkap na Silanganin. Ang paligsahan ng talino ay nasa mga
larong-patula, noon pa nagbibigay-anyo sa karagatan at bugtungan.

 Tauhan Bilang (Arke)Tipo


Ang malimit na pansin hinggil sa depekto ng paglalarawang-tauhan ay
bunga una ng lubhang pagpapairal ng panunuri na nahasa sa panitikan ng
Realismo ng Kanluran kaakibat ng ikalawa namang mababaw o paimbabaw na
pagkaunawa sa lipunan at kasaysayang nagsilang sa nobela. Ang depekto
diumano sa paglalarawang-tauhan ay may kaugnayan sa salgang panlipunan na
nakamulatan ng mga nobelista nitóng mga unang dekada ng ika-20 dantaon na
hindi naman gaanong naiba sa kaligirang agrikultural ng mga alamat at tulang
pasalaysay. Sa isang lipunang agrikultural, ang bawat kasapi ay mahigpit na
kaugnay ng kalahatan, at ang kilos at pag-uugali ng bawat isa ay sinusukat ayon sa
idinudulot na kagalingan o kapinsalaan sa buong kapisanan. Ang pag-iisip ng tao
ay nábabása lámang ayon sa hayagang ginagawa sa lipunan at sa
pakikipagkapuwa-tao.
Kung sa bagay, may mangilan-ngilang nobelang maituturing na
matagumpay sa paghubog ng tauhan sang-ayon sa pamantayan ng Realismo mula sa
Europa. Makatatagpo ng ilan sa Banaag at Sikat (1905- 1906) ni Lope K. Santos. Si
Rojalde sa Pinaglahuan (1907) ni Faustino S. Aguilar ay magandang halimbawa ng
mahusay na paglalarawang-tauhan. Marami ring mapupulot na halimbawa sa mga nobela
nina lhigo Ed. Regalado, Servando de los Angeles, at Lazaro Francisco, at lalo na sa
ikalawang bugso ng manunulat na kinabibilángan nina Macario Pineda, Agustin Fabian,
Brigido Batungbakal, Andres Cristobal ruz, at mga sumunod pang manunulat. Karamihan
sa mga tauhan sa nobela ay hindi nalalayô sa mga tipo sa matandang panitikan. Anupa't
hinuhugot silá mula sa matandang gunita ng lahi na mistulang mga sinaunang arketipo.
Ang mga
pangunahing tauhan ay kumakatawan sa mga tungkuling alegoriko, historikal o simboliko,
sa halip na itanghal bílang isang indibidwal na siyáng oryentasyon ng nobelang Europeo
kahit sa panimulang akda nina Defoe, Richardson, at Fielding. Maging ang paraan ng
pagbibinyag sa mga tauhan ay nagpapahiwatig na kaagad ng kinakatawang katangiang
moral o sagisag na pangkasaysayan. Ang makabayan at mapanghimagsik na tauhan ay
maaaring magkapangalan ng Juan Galit. Ang mahinhing dalagang nayon ay Nena, Ninay, o
Neneng. Ang
kontrabida ay Dislaw, Donya Leona, Don Kintin, Kapitan Memo, Padre Pascual, John Stag,
Gervacio Sarili, at iba pang pangalang nagpapahiwatig kaagad ng negatibong katauhan at
uring kinabibilangan Ang makabago ay maaaring Sunny, Joe, Nenet, Mary, at iba pang
palayaw na hango sa modelong Amerikano.

 Matandang Karanasan
Kailangang maimbestigahan pa ang sinaunang karanasan ng lahi upang lalong
mapatingkad ang ganitong pagsuysoy sa batis na katutubo sa
panitikan. Ang sumusugid na pagbalangkas sa pinagdaanan ng sinaunang
lipunan, pagkahilig ng mga iskolar sa pagtitipon at pagsusuri ng
panitikang-bayan, ang pagtuklas at rekonstruksiyon ng mga unang
komunidad sa pamamagitan ng arkeolohiya at kaugnay na sangay ng pag-aaral, ay
tiyakang makatutulong sa layuning ito. Kahit na ang
pagsisiyasat sa mga limót na pamahiin at paniniwala at sa mga ugat na panlipunan at
pangkabuhayan nitó ay makadaragdag sa saligang bukal na katutubo ng nobela.
Malaki ang maiaambag ng mga antropologo't folklorista sa
gampaning ito. Bukod sa masinop na mga saliksik, maaaring sundan ng mga manunulat
ang Kanilang panimulang mga ulat, himaton, at
interpretasyon sa mga natipon nilang materyales at impormasyon. igit
ding magiging kapaki-pakinabang ang kanilang ulat kung sa halip na
manatiling nakatitig sa mga motif at katangiang unibersal ay higit niláng
aasikasuhin ang hambingang nagdudulot ng mga nagkakaisa't
nagsasalungatang katangian ng panitikang-bayan, wika, at talinghaga ng mga katutubong
pangkatin sa Filipinas.
Ang pangyayaring ito ang katwiran kung bakit higit na kailangang maging malikhain
ang panunuring pampanitikan sa pagpasok at
pagsusuri ng panitikang pambansa sa kalahatan. Hindi sapat ang mga metodolohiya't
paraan ng pagbása mulang Kanluran sapagkat pangunahing nilikha ang mga ito upang
magpahalaga sa panitikang Kanluranin at sa gayo'y higit na magiging epektibo sa
pagtatanghal ng impluwensiyang Kanluranin sa ating panitikan subalit magkukulang sa
pagpapaliwanag ng katutubo't naiibang karanasan at eksperimentong mula sa pansariling
dinamismo ng ating panitikan. Ang pagtuklas sa katutubo't sinauna, sa gayon, ay isang
pangunahin ngunit
pangmatagalang misyon ng panunuring pampanitikan, lalo na upang angkop na masipat
ang mga ito sa mga siwang ng pagsasaanyo ng isang hiram na anyong tulad ng nobela.

II. Bukal na Kristiyano


Ang karanasan ng Filipinas bílang kolonya ng Espanya ay lubhang makabuluhan sa
naging pasimula ng nobelang Tagalog. Bukod sa
naiugnay nito ang kamalayang pambansa sa karanasang Europeo ay
nagkaroon pa ng pagkakataong mapayaman ang mga anyo at paksain sa literatura. Ang
yugto ng kolonyalismong Espanyol ay naging mayamang bukal ng materyales para sa iba't
ibang akda hanggang ngayon. Halimbawa, ang mga tema at pananaw na Kristiyano sa
maraming nobela ay bahagi ng matagal at malawakang pananakop na pangkultura na
kaalinsabay ng pagkakatatag ng Simbahang Katoliko Sa dakong ito ng daigdig.
Mahalagang sagisag para sa malakas na Kristiyanong daloy ng nobela ang
pagkakalimbag ng aklat na Aral na Tunay na Totoong Pag aacay sa tauo, nang manga
cabanalang gaua nang manga, maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat (1712)
bilang unang aklat na pasalaysay sa Filipinas. Bagaman isang salin, at naglaláyong gamitin
ang buhay nina Barlaan at Josaphat bilang huwarang Kristiyano, pinasimulan ng naturang
aklat ar g landas na tinahak ng pagkatha sa anumang wikain sa Kristiyanong Filipinas sa
loob ng mahabàng panahon. Ang landas na ito ang pinamulaklakan ng awit at korido, at
nagbulaos sa pagkatha
nitong sumapit ang ika-20 dantaon.

 Tagapagpauna ng Nobela
Noong ika-19 dantaon ay dalawang mahalagang orihinal na akda ang maihahanay
na tigapagpauna ng nobela. Una ang Pagsusulatan nang
Dalawang Binibini na si Urbana at ni Feliza na Nagtuturo ng Mabuting Kaugalian (1854) ni
Presbitero D. Modesto de Castro. Ang akda ay higit na isang aklat hin ggil sa wastong pag-
uugali at pakikipagkapuwa-tao na idinaan sa ságútan ng liham ng magkapatid na Urbana at
Feliza. Gayunman, bukod sa katangi-tanging paggamit ng wika, na maranil ay
naging modelo sa oananalita at pagkatha nitóng mga unang dekada ng
ika-20 dantaon, ang naturang akda ay may manipis na balangkas na nagpapakilala ng
malikhaing imahinasyon ni Presbitero D. Modesto de Castro. Samantalang nangangaral
siyá hinggil sa ibat ibang sitwasyon sa búhay ng tao, ang aral ay nakasalig sa personal na
karanasan at problema ng pamilya ni Urbana Bawat tauhab sa akda ay kumakatawan sa
mga katangian sa
mabuting pakikipagkapuwa-tao. Si Urbana, ang nakatatanda sa magkapatid at nag aaral sa
Maynila, ay larawan ng higit na pagkaunawa sa búhay at ng "urbanidad". Si Feliza, ang
nakababata at kasama ng kaniyang mga magulang sa lalawigan, ay sagisag ng malinis at
masayahing kabutihan. Si Donya Prudencia, ang maestra ni Urbana, ay may marangal at
mahinahong pag-uugali, laglay rin ng mga pangalan nina Honesto, kapatid na bunso ni
Feliza, at Amadeo, manliligaw ni Feliza at nitóng
hulfy asawa, ang ani-kanilang katangiang moral. Dahil sa ang Urbana at Feliza ang unang
gumamit ng pamamaraang epistolaryo sa akda, maaaring ikompara ito sa Pamela ni
Richardson sa nobelang Ingles. Maaari pa ring tarukin ang impluwens iya nitó sa maraming
kuwento at nobela nitóng ika-20 dantaon na gumamit ng pagsusulatan upang mapatakbo
ang salaysay o kayäy ng liham upang mailunsad o malutas ang isang suliranin.

 Kaayusang Pandaigdig
Mula sa mga bukal na Kristiyano, ang konsepto ng kaayusang pandaigdig ay isang
makapangyarihang daloy na umuugit sa nobelang Tagalog. Ito ang buod ng paniniwala
nina landang Basio, Urbana at Feliza, at maging
Sa ganitong pananaludtod ni Balagtas sa Florante at Laura:

Datapuwat sino ang tatarok


kaya sa mahal rnong lihim, Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang iyong ninanasa.

Magmula sa kauna-unahang nobelang isinaaklat, ang Ang


Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng (1903) ni Valeriano
Hernandez-Pena, hanggang sa mga akda nina Rosalia L. Aguinaldo, Fausto Galauran,
usana C. de Guzman, Nemesio Caravana, at marami pang popular na nobelista, ang mga
banghay at balangkas ng nobela ay naaayon sa pormularyo ng kaayusang pandaigdig. Sa
gayon, karaniwan na ang ganitong pagkukuro sa mga nobela:
Datapuwa't Elino, ang palad ng tao'y hindi siya ang nakagagawa kunui ang
tadhana at Katalagahan. Ako’y umaasang patatawarin mo ako, yamang batid mo
nang katungkulan kong talaga ang ako'y maging kapootpoot at kasuklamsuklam sa
iyo, upang akoy iyong limutin at isumpa Lubhang napakapait, giliw, ang inuming
katungkulang inumin ko alang-alang sa iyong kapakanan. Dapat mong malamang
sa buhay ng tao'y may mga ibang taong dapat makapangyari sa kanilang kapwa.
Tayo'y kabilang sa mga dapat tumalima, ay tularan mo ako, magtis at magbigay
kang paris ko?

Umiikot ang naturang konsepto sa mga paniwalang ang lahat ng bagay at


pangyayari ay "talaga ng Diyos, ang bawat tao ay may sinusunod na 'guhit ng palad,' kayâ
ang balana ay dapat tumupad sa kani-kaniyarng "tadhana" Sa ganitong pananaw-sa-
daigdig, ang búhay ng tao ay naiwawangis sa gulóng ng kapalaran': minsang mapaibabaw,
minsang mapailalim ayon sa suwerte ng tao. Sa gayon, mahigpit na itinatagubilin ng
ganitong paniniwala ang taimtim na pag-uukol ng búhay para sa Diyos upang kung sakalit
dumanas man ng pasakit sa lupa ay magkamit naman ng gantimpalang espiritwal sa
kablāng-búhay. ltinuturò nitó ang kahinahunan, pagsunod sa "agos ng buhay nang di
malunod, at paggalang sa matatanda at anuman8 itinatag na institusyong panlipunan.
ldinidiin din nitó na ang tao ay dapat masiyahan sa anumang kasadlakan. Sa nobela, ang
mga tauhang marunong magtiis at magbigay ang nagkakamit sa wakas ng kaligayahan. Sa
kabilâng dako, kung "nása Diyos ang pag-asa" ay "nása Diyos din ang parusa Ang
sumuway sa tadhana ay nakatakdang "tikisin ng tadhana" o abútin ng "signos." Sa nobela,
ito ang tanglaw sa makatarungang kasawian ng mga palalo, mararahas, at tauhang
lumabag sa alituntunin ng mabuting pakikipagkapuwa-tao.

 Nakikialam na Tagapagsalaysay
Samantala, ang pag-unawa sa naturang konsepto ay
makapagpapaliwanag sa ilang malaking karakteristiko at manerismo sa pagsasalaysay.
Halimbawa, ito ang umuugit sa pamamayani ng mga sumusunod sa nobela: labis na
paggamit ng maálam-sa-lahat na
tagapagsalaysay, di-kapani-paniwalang "aksidente" sa búhay ng mga
tauhan, mababaw at manipis na pag-aaral sa tauhan, at sakdal-timyas
na larawan ng daigdig Ang maálam-sa-lahat na tagapagsalaysay ay isang kasangkapan
upang matularan ng may-akda ang kapangyarihang panlahat ng Maykapal sa santinakpan.
Sa pamamagitan ng naturang taktika ay nagkakaroon
Siya ng ganap na kontrol sa mga pangyayari sa loob ng nobela, at higit pa, nagagawa
niyang 'makialam" sa takbo ng mga pangyayari at sa búhay- búhay ng mga tauhan.
Mahalaga ito, lalo na't ang layunin ay hayagang maisiwalat ang aral o moraleja ng bawat
insidente sa nobela. Karaniwan nang sa pagnanais na maibigay ang pansariling
obserbasyon, ang may-akda ay pumapasok sa pagsasalaysay-maitulad sa ginagawang
pagbubuod ng pangyayari sa mga Pasion, o kayay sa mapaglagom na hulíng pangungusap
sa bawat kuwentong-bayan. Sa Si
Tandang Basio Macunat, nalunasan ni P. Miguel Lucio Bustamante ang
lantarang pangangaral at pakikialam ng may-akda sa pamamagitan ng paggamit ng
salaysay-sa-loob-ng-isang-salaysay. Isang tauhan, si Tandang
Basio, ang nagsilbing tagapangaral para sa may-akda, Ito rin ang
taktikang pampanitikan ni Balagtas sa Florante at Laura; sa pamamagitan ng pagsusuri ni
Florante sa kaniyang karanasan ay naisasatinig niya ang mga puna ni Balagtas sa bagay-
bagay sa daigdig. Matagumpay ring taktika ang sulatán sa Urbana at Feliza upang maitago
ang tinig ni P. Modesto de Castro. Humigit-kumulang, ang paglikha ng isang matalino at
makaranasang tauhan upang maging tagapagsalita ng may-akda sa nobela ay
nakasangkapan din ni Rizal, kayâ sina Pilosopong Tasio at Padre Florentino ay naging
prototipo ng mga palaisip at malawak ang karanasang tauhan sa mga nobela nitóng ika-20
dantaon.
Kung sa bagay, ang pakikialam ng tagapagsalaysay ay maaaring ituring na sintomas
ng pangingibabaw sa nobela ng tradisyong pabigkas sa pagsasalaysay. Hindi pa
napupugto ang mahigpit at personal na ugnayan ng tagapagsalays ay at ng publiko, gaya
sa naganap sa pagpapalaganap noon ng matandang epiko at kuwentong-bayan, Dito rin
nakasalalay ang halina ng mga tipong kuwento ni Lola Basiang hanggang sa malapit na
kasalukuyan. Ang ilusyon ng nakalimbag na babasahin ay malabo pa sa hinagapng
manunulat at maging ng gumigiliw
na mambabasá.

 Biro ng Tadhana
Kaugnay ng pakikialam ng tagapagsalaysay ay ang pagkakaroon ng mga aksidente"
sa takbo ng istorya: mga pangyayaring pilít o kayây
pasiya ng tauhan na kulang sa motibasyon, Maraming nagaganap sa
istorya na mahirap paniwalaan at kulang sa kapani-paniwalang paliwanag ng nobelista.
Sukat nang ipaliwanag ang lahat sa tinatawag na "biro ng tadhana"o yaong iinuturing na
deus ex machina. Ito ang buod ng puna ni Dionisio San Agustin sa isang katha ni Rosalia L.
Aguinalco nang kaniyang turulin na:"

May kahirapan din yatang mangyari na ang isang matandang lkang na kilala
sa katigasan ng puso at "hindi
sinagian ng kaunting habag sa puso ng kanilang anak na
nagdurusa, hindi man pinagtapatan ng sanhi ng pagkakasakit ni Elino, ay
matalos pagkatapos na itoy sa kaniyang pagkakamali at kasalanan at humingi
ng kapatawaran sa anak? At totoong madali rin ang pagkakabago ng loob ni
Puring na dating mapagmatigas,
nakasasagot ng pabalang sa asawa at may ina pang
nagpapayo ng halos pagsusuwail, upang magdili-dili sa
pagkakaiwan sa kaniya, sa pagmamalas sa mga kagamitan
ng asawa at sa pagkakita sa isang larawan nito. langi sa
pag-iiwan ng asawa, ang pagpapalasap man yata ng lalong kapaitan sa
pagkatalo ng kaniyang kayamanan sa ripa at
pangging, na aywan kung saan natutuhan, ay kulang pa
upang makapagpalubag sa kaniyang kalooban, ayon sa
unang pagkapakilala ng kumatha sa ugali ni Puring

Sa pananaw ng mga unang nobelista, kung parang pinagtiyap-tiyap


man ang mga insidente, kung maging kataká-takå ang kilos ng mga
tauhan, kung parang palusot" lámang ang kalutasan ng problema, ay
talagang ganoon ang "biro ng tadhana. Ang hiwaga at lihim ng "Diyos na dakila" ay
talagang mahirap matarok!

 Matimyas na Larawan
Pati ang matimyas na paglalarawan ng daigdig ay bahagi ng pananalig
Sa Kaayusang pandaigdig. Ang bawat bagay ay "sinadyang magkagayon
ng Maykapal at ang tungkulin ng manunulat ay "pahalagahan ang kagandahan ng
sangkalupaan." Kahit na ang kahirapan o anumang masasabing kapangitan ay bahagi ng
buong disenyo ng Maykapal na dapat tanggapin ng lahat sapagkat "pagsikat ng araw ay
laganap ang awa ng Diyos. Natuparan ng ganitong pananaw ang romantikong
pagbalangkas sa daigdig ng nobela, Ang daigdig ay tinitingnan sa wiIka nga sa Ingles ay
"kulay rosas na salamin. Kung mabahiran man ng lungkot at lagim, nakatitiyak na ito'y
magwawakas sa isang magandang tagpo. Ang nagdusang mangingibig ay tiyak na
gagantimpalaan. Ang binusabos na magsasaká ay tiyak na aabutin ng magandang
kapalaran. Ang nagkawatak-watak na mag-anak ay tiyak na magkakasundong muli at
mamumuhay nang maligaya. Sa ganito'y madaling mahulaan ang magiging takbo ng
pangyayari. Sa loob ng isang tiyak na pormula at daigdig sa nobela, ang birtud ng
manunulat ay nasusukat sa kaniyang ilikhaing makinar ya upang magkaroon ng
namumukod na paraan ng paglutas ng tunggalian ang kaniyang nobela., Mangyari pa, sa
kasaysayan ng nobelang Tagalog, ang paghahari ng ganitong kaisipan ay nakasagabal sa
pag-unlad ng naturang larangan. Umikot lámang nang umikot sa isang paksain at modelo
ng pagsasalaysay ang mga nobelang popular. Kayat hindi rin aksidente na itoy mabaog at
paghimagsikan ig mga bagong sibol na manunulat nitóng ikalawang hati ng ika-20 siglo na
may higit na malawak na kamalayan sa salimuot ng realidad.

 Konsepto ng Pag-ibig

Maiuugnay rin sa konsepto ng kaayusang pandaigdig ang panuntunang feudal sa pag-ibig.


Namutiktik ang nobela sa mga istorya ng pag-ibig,
lalo na ang mga de seryeng nobelang popular Itoy malinaw na pagkiläla
ng nobela sa awit at korido bilang bukal na pampanitikan.
Tulad ng alam na, ibinabandila ng mga awit at korido ang caballeria,
ang kodigo ng pagkamaginoo na pinalaganap sa panahon ng mga prinsipe at prinsesa sa
Europa. Buháy pa hanggang ngayon ang mga halaw sa
mga romance hinggl sa mga kabalyero nina Haring Arthur at Emperador Carlomagno, o
kayäy sa mga pag-ibigang ala-Romeo at Julieta. Mahalaga sa uring ito ng literatura ang
pagtanaw sa pag-ibig bílang makapangyarihang lakas na nakapagpapakilos sa bawat
nilikha. Sa tawag ng pag-ibig, anuman ay magagawa ng isang tao. Si Balagtas na rin ang
nagsabing:

O pagsintang labis ng kapangyarihan,


sampung mag-aamay iyong nasasaklawi
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamakin lahat masunod ka lamang.

At yuyurakan na ang lalong dakila,


Bait, katuwira’y ipinanganganyaya,
Buong katungkula’y wawaling-bahala,
Sampu ng hininga’y ipauubaya.

Upang lalong maunawaan ang pananaw na umuugit sa ganitong akda,


makabuluhang basahin ang mga aklat na lumabas nitóng
nagsisimula ang ika-20 dantaon na naglalamán ng mga panuntunan at paniniwalang
pampag-ibig. Ang mga aklat na ito ang maihahawig sa kodigo ng courtly love sa
Europa noong Edad Medya. Halimbawa, sa Patnubay ng Pagsinta (1922) ni Pascual
Poblete ay matatagpuan an8 "Sampong Palatuntunan nang Binata't Dalaga" at
ganito ang ipinangangaral sa lahat ng magsing-ibig:

1. Ang pagsang-ayon sa sariling palad ang Siyang pumapatnubay sa pagkakamit ng ligaya.


2. Ang pagpupuri sa harapan ay katulad ng salaping kulro, na ang mga haling lámang ang
tumatanggap
3. Ang kasakima'y "verdugo" ng mga damdaming mahal.
4. Magalíng ang kaligayahan pagka nasasang-ayon sa mahusay at magandang kaasalan.
5. Ang kaparangalanan ay galak lamáng ng napakaliit na mga puso.
6. Ang "vicio" ay pangit kahi't sa isang "reina, at ang kalinisan ng asal ay maganda kahi't sa
isang alipin.
7. Lalo pang mabuti ang tumungo sa ikarurukha ng pamumuhay ng katawan, kay sa
ikapanguinguipuspos ng kaluluwa.
8. Matimyas na gawa ang iginaganti ng mga kaluluwang dakila sa tinatanggap ng
duwahagui’t upasala.
9. Ang mga luha’y lunas na umaaliw at lumilihis sa lahat ng mga sugat, nagpapahupa ng
pighati at dumadalisay ng mga damdamin.
10. Mithi ng salaping siya ang maghari sa daigdig, datapwa’t sa mga taong marunong
magdamdam, ang kaniyang kapangyariha’y hindi lumalagpas sa tanging na guhit ng
matuwd. Nakabibigay lugod sa mga mata ang salapi, datapwa’t sa may wagas na puso’y
hindi nakapagpapalihis sa paglakad sa landas ng mahal na asal.

 Kababalaghan at Katotohanan
Ang salitang “romansa” ay nagkaroon ng pakahulugang Filipino batay sa mga
kathang nagpayabong nito. Una’y kasingkahulugan ito sa salaysay ng pagmamahalan,
yaong tipo ng pag-ibig na sa simula’y nagdaranas ng hindi matingkalang, hapis upang sa
wakas ay basbasan ng mgandang kapalaran. Malimit na ito’y “bawal na pag-ibig”, kalimita’y
pag-irog ng isang mahirap sa isang mayaman, ng isang mangmang sa isang nakapag- aral,
ng isang tulisán, puta o ninumang may bátik panlipunan sa isang iginagálang o kinikilála sa
lipunan-na nagtatagumpay rin sa wakas pagkaraang bumatis ang katakot-takot na luha sa
bawat kabanata. Kung ang bawal na pag-ibig ay may kahirapang lutasin, lalo na yaong
pumapasok sa isyu ng pakikiapid o adulteryo at iba pang delikadong paksaing
pangmoralidad, nakatitiyak na makikialam sa kapalaran ng
mga tauhan ang maykatha. Ikinakapit din ang "romansa" sa matamis, matimyas, at lipos
luwalhating pagtatanghal ng búhay. Sa ganitong idealistikong
presentasyon ng daigdig, mauulit natin ang nasabi nang katiyakan ng
Sasapiting Kapalaran ng mga tauhan: ang mabait at matiisin ay nagkakamit ng gantimpala
at ang masamâ at suwail ay tatanggap ng parusa. Bukod pa, nagiging mahalaga sa
maykatha ang layuning "umaliw sa mambabasá kayå iniwasan ang mga detalyeng sukat
"makasakít sa matá o "makasugat sa damdamin" ng lahat. Ang kahirapan ay naitatanghal
sa isang paraang higit na naididiin ang luwalhati at mumunting kaligayahan ng mahihirap.
Kung minsan pa nga, at itoy malimit idaing ng mga manunulat na partisano, ang nadadalirot
ng ganitong nobela ay ang katamaran ng mga dukha o kayāy ang kanilang kawalang-isip
sa paraang ang nabibigy ang-katarungan ay ang pagkakamal pa ng kayamanan ng iilan
Ang nayon ay "pook ng ligaya," sagana sa biyaya ng kalikasan, mabuting pagtitinginan ng
mga tao, at magagandang dalaga; sa halip na maging lunan ng karalitaan, taggutom, at
mga problemang agraryo. Pati ang mga dalaga ay kayumangging kaligatan, makikinis ang
kutis, may samyo ng mabangong bulaklak, at kung ano-anong de-kahong bulaklak-ng-dila
na hindi nalalayô sa mga modelo ng pintura ni Fernando Amorsolo, sa halip na mga
kabataang nahuhukot sa maghapong paggawa, may namamalikaskas na bisig, malilitid na
binti, naglilipak na talampakan, at niluyang daliri. Ang kasukdulan ng "romansa" ay ang mga
katha ng kababalaghan. Malinaw na ito y nakaengkanto pa sa mga sinaunang pormula ng
alamat, kuwentong-bayan, awit at korido, at lumilinang sa sinaunang pag-unawa Sa bagay-
bagay sa mundo. Sagana ang kulturang pambansa sa mga materyales ng kathang
kababalaghan, mula sa mga anting-anting, diwata, aswang, kapre, tiyanak, tikbalang, muto,
nuno-sa-punso, at samot-saring pamahiin. Dadagdagan pa ito ng mga engkantada,
duwende, bruha, nimpa, Cinderella, Sleeping Beauty, magic carpet, Dragon, mahiwagang
lampara, at iba pang bungang-isip mula sa ibang bansa. Kahit na ang maraming kuwento
ng pag-ibig ay maituturing na kababalaghan hindi lamang sa paggamit ng kataka-takang
pangyayari kundi maging sa saligang romantiko nito.

Sa nobelang Tagalog, ang mga unang nobela ng kababalaghan ay


mga hango at halaw sa alamat at babasahín noong Panahon ng Espanyol.
Pagkaraan, nailathala ang ilang nobelang ang tagpuan ay sa kasalukuyan, tulad ng mala-
Jelyll-at-Hyde na nobelang Dr. Satan (1945) ni Mateo Cruz Cornelio. Marami rin sa mga
nobela ng kababalaghan ang naglalamán ng nga mensaheng pampananampalataya,
Walang tumatalakay sa mga pangyayaring panghinaharap, gaya ng mga nobelang
pansiyensiya sa Kanluran-liban na lang sa Pagkamulat ni Magdalena 1958) nina Alejandro
G. Abadilla at Elpidio Kapulong na nauukol namang higit sa isang pilo sopiya ng malayang
pag-ibig bagaman ang tagpuan ay 1980 nang "sakupin ang Filipinas ng mga Komunistang
Tsino.
May mga nobela namang nagtangkang gamitin ang elemento ng kababalaghan
upang ipaliwanag ang katotohanan ng kasalukuyang panahon. Sa ganitong nobela, ang
pagtakas ay kinakasangkapan upang maganyak ang mambabasáng magsuri sa realidad.
Ito ang makabuluhang sangkap ng maraming nakaaaliw na katha ni Macario G. Pineda. Sa
kaniyang marikit na Ang Ginto sa Makiling (1947), halimbawa, ay ginamit niya ang kilaláng
alamat hinggil kay Mariang Makiling, dinagdagan ng realistikong detalye, at isinudlong ang
mga dimensiyong simboliko hinggil sa kasaysayan ng bansa at sa pagpapahalaga sa
búhay ng tao. Sa kaniya ring Mutyang Taga-llog (1947-1948), sa ilalim ng istorya ng
reengkarnasyon ni Dakila ay nakapabuod ang pagmamahal sa bayan at ang pagkalinga sa
lumipas na kasaysayan.
Marahil, ang isang higit na maagang modelo ng masinop na paglalangkap ng
kababalaghan at katotohanan ay ang Lihim ng Isang Pulo (1927) ni Faustino S. Aguilar
Mahirap mapantayan ang naturang nobela sa ginamit na kilates ng lengguwahe sa
pagsasalaysay. Bukod pa, kahit na naganap ang nobela sa panahong bago dumating ang
mga Espanyol, ito ay naglalamán ng mga aral na panlipunan at pampolitika
para sa kasalukuyan. Sa nobelang Tulay na Buhangin (1965) ay humabi si Agapito M.
Joaquin ng isang alamat upang maging sandigan ng isang alegorya hinggil sa lipunang
Filipino, sa relasyon ng mayaman at mahirap, at sa moralidad ng pagnanasàng makatakas
sa dukhang kalagayan ng pangunahing tauhan sukdang itakwil ang lahat ng
responsabilidad sa nilalayuang lipunan. Kaipala, nása masining na halimbawa ng mga
manunulat na tulad ni Macario G. Pineda ang pag-asang mapayabong ang mga katha ng
kababalaghan túngo sa higit na makabuluhang karanasang panlipunan. Hindi sa dalisay na
eskapismong ibinebenta ng mga mahiwagang sandalyas, kabayong lumilipad, at samot-
saring salamangka sa nobela nina Nemesio Caravana, Jose Domingo Karasig, at mga
batikang mang aaliw sa panitikang Filipino.

 BUKAL NA REALISTA
Sa bahaging ito'y mahalagang talakaying Ang mga nobelang higit na nakakawili sa
makabuluhang karanasan ng mga Filipino.Salungat sa palasak sa kuro-kuro na Ang
Nobela ay hitik lamang sa mga akdang pampag-ibig at kabahalaghan Ang Nobela Tagalog
at sagana rin sa mga humubog sa kasalukuyan ng ating Bansa, madalas na ang mga ito'y
nakaliligtaan lamang at naisasaisang-tabi, sanhi na rin ng mga prehuwisyo at interes ng
mga naunang nag suri sa larangan ito.

 NOBELANG MAGPAGPALAYA

Nitong mga unang dekada ng ika-20 dantaon ,sa ilalim ng pananakopng Estados Unidos
inilahok ng maraming manunulat Ang kanilang panulat tungo sa. Isang panitikang
mapagpalaya . Halimbawa nito Ang mga dula Nina Autello Tolentino ,Juan Abad ,Juan
Matapang Cruz,nariyan din Ang satiriko at makabayang panulat Nina Benigno
Ramos,Lopez K.Santos ,Faustino Aguilar ,Pedro Gatmaitan at marami pang iba.

 IMPLUWENSIYANG BANYAGA

Kapag sinuysoy Ang bukal na pampanitikan ng makalipunang pagsusulat walang gaanong


mababaggit na akdang Filipino sa mga nakaraang daan taon Maaring ituring na mohon
Ang espiritung makalipunan ng Florante at Laura,tulad ng inspirasyon nakuha rito ng mga
Propagandista.Nariyan din Ang costumbrismo ng Ninay (1885)ni Pedro A. Paterno at
marahil ,Ang pinakathang-tubig ng makatotohanang pagsulat at diwaing makalipunan ay
Ang Noli Me tangere (1886) at El Filibusterismo (1891) ni Jose Rizal bukod sa
pamamaraan ng pagsulat at pagtistis sa lipunan ,Ang balangkas ,Tauhan,tagpo at detalye
at Nobela hanggang sa kasalukuyan .

 PAkSAING MAKABANSA

Maaring uriin Ang mga nobelang makalipunan ayon sa mga pangunahing paksaing
panlipunan NG mga it.

Sa bagay na ito ,isang nangungunang paksa sa nonbela Ang pagbabalikwas ng mga


Filipino Laban sa dayuhang mananakop.kayakap nito Ang kaisipang Makabansa
,pagmamahal sa minanang kultura at pagnanais sa ganap at walang -pasubaling
pagsasarili ,Ang paksaing it ay nangingibabaw sa trilohiya no Gabriel Beato Fransisco na
Fulgencia Galbillo (1907)Capitan Bensio(1907),at Alfaro (1909 inilalarawan din ito sa anino
ng Kahapon(1907)ni Francisco Laksamana (1909).Madaling Araw (1909 ni Ed Regalado at
Pusong walang Pag -ibig(1910) ni Ramon Reyes .

Mapapansin kaagad na sa paggamit ng kasausayan,higit na mahilig Ang mga nobelista


sa paggunira sa mga karanasan sa ilalim ng mga Espanol ng mga guardia civil ,Ang
kasakiman ng mga fraile,at Ang ginawang pag aalsa ng mga kayumanggi, Paboritong
imahen ng pagmamalabis Ang mga tauhang tila hango sa Alferez,Donya Victorina ,Padre
Damaso at Padre Salvi ni Rizal malakas din Ang mga pahayag na kontra-Simbahan na
kauri ng mga akdang kontra-Simbahan hanggang nitong malapit na kasalukuyan.

 PAKSAING AGRARYO AT PANG -OBRERO

Nitong dekada 60,Ang sa mga kuko NG liwanag (1965)ni Edgardo M.Reyes ay maaring
ituring ihanay Ang mga piyon sa konstruksiyon ng gusali mahalaga ring ihanay Ang mga
halik sa alabok (1965) ni Dominador Mirasol na nagtanghal ng marawal na buhay sa
sawmill sa tradisyon Nina Frank Norris at Theodore Dreiser sa Estados Unidos .

May mga nobela namang nag-uukol ng higit na malawak na pananaw napangkasaysayan


at panlipunan,alalaong baga'y higit na maraming problemang dinadaliri sa Isang Nobela at
higit na malawak Ang perspektibang pangkasaysayan,sa tradisyon ng pagsulat ni Rizal.

Mabibilang dito Ang Banaag at Sikat at Huling TImawa at maldadagdag pa Ang ilaw sa
halaga (1947) ni Lazaro Francisco at Mga ibong mandaragit(1969) ni Amanda V.Hernandez
Ang mga naturang Nobela at Hindi nagkakasiya sa pagtalakay sa Isang pangunahing
problemang panlipunan lamang Manapa ,inaadhika ng naturang Nobela na ilarawan sa
kabuuan Ang mga sakit at kakulangan ng buong sistemang pampolitika ,pang
edukasyon ,pangkabuhayan at panrelihiyon ,at salaminin Ang mga pangunahing isyu at
pangyayari sa kasalukuyan.

 PAKSAING SOSYAL

Noon ngang unang dekada ng ika-20 siglo ay naging tampulan ng puna Ang pagsipot ng
maraming kabaret ,kaalinsabay ng pagbabagong bihis ng lungsod .ito'y Hindi nakaligtas sa
matalas na panulat na makalipunan ng mga nobelista .at Ang buhay ng mga puta
,paglulustay ng salapi ng mga kohemyo ,pagkabulid sa bahay -aliwan ng mga dalagang
dahop sa kalaparan ,pagkasira ng mga tahanan dahil sa" kabit"o "kerida" na hostess at
pagkalimot sa propesyon at tungkulin dahil sa pagbubumabad sa mga klab at bahay na pull
ay naging sangkap ng mga nobelang tulad ng Palad (1909)ni F.S Aguilar at Ang Bulaklak
ng kabaret (1920)ni Ruperto Cristobal hanggang nitong dekada 70 lamang ay nagiging
paksa ng Nobela Ang pakikisama sa mga babaeng may batik sa lipunan ,Gaya sa
Santana's sa Lupa (1970)ni Celso Al Carunungan Ang sa kagubatan ng Lungsod (1964 )ni
Edgardo M.Reyes ay isa sa pinakamatagumpay na pagsasadula ng ganitong ugnayan.

 IMAHE NG PAGBABAGO

May mga Nobela namang idinadaan lamang sa pahiwatig Ang inaasam na pagbabago
.Mapapansin pa na Ang pinakapaboritong imahen ng pagbabago ay liwanag at tubig .Ang
imaheng liwanag ay nakaugnay sa pagdatal ng imaheng umaga na kaipala at kinuha
Naman sa kabanata ng pakamatay ni Elias sa Noli Me tangere Ang sunog sa pinaglahuan
ay siya namang pinakamatandang ehemplo ng imaheng apoy na mapagbago Maaari pang
Ang imaheng liwanag ay mag-anyong pagsabog ng bulkan ,kidlat ,o putik ng baril Ang
putok mg baril,pagdatal NG umaga at parada ng mga sulo at pinagkambal-kambal sa dugo
sa Bukang liwayway Mapapansin pa ng Ang pamagat mismo ng Nobela ay
nagpapahiwatig na NG paggamit NG imaheng liwanag bilang sagisag ng pagbabago.

 TATSULOK NG PAG-IBIG

Mapapansin pa rin na kahit ang mga nobela makalipunan ay gumagamit ng sangkap ng


pag -ibig sabi nga ,alisin ang makapal na komentaryong panlipunan sa banaag at sikat at
pinaglahuan , at ang mga ito ay maaaring basahin bilang nobela ng matimyas na pag
mamahalan. ang tatsulok ng pag-ibig, tulad tulad ng karaniwang tatsulok sa mga popular na
katha, ay maaaring buuin ng isang babae at dalawang lalaki na ang isa ay mahirap at ang
pangalawa ay mayaman, gaya sa pinaglahuan maaari namang ang katatsulok ng dalawang
magsing-ibig ay ang nag babawal na magulang o batas ng lipunan, gaya sa banaag at
sikat, kaipala, modelo pa rin dito ang pag-ibig nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa mga
akda ni Rizal.

 NAIIBANG BAYANI

Sa bandang katapusan ng unang hati ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan ay


nagkaroon ng bagong uri ng tauhang-bayani .Unang kapansin -pansin ito sa mga akda ni
Agustin Fabian sa kanyang nobelang TImawa,nilikha Nita Ang bayaninh si Andres Talon na
matatandaan dahil sa kaniyang nalibang ugali at paninindigan ito Ang simula marahil ng
tipo ng bayaning indibiwalista at gumawa ng sariling pamantayan ng moralidad Hindin ng
mga Unang bayaning makalipunanna uliran sa mga katanggap -tanggap na katangian at
asal may mga kilos si Andres na maari lamang bigyang-katarunhan nang ayon sa kanilang
layunin kahit na nga lumitaw sa huli sa ito'y katugma NG kapakanang panlahat

 DAGDAG NA ADYENDA SA PAGSUSURI


Marami pang dapat pag-ukulan ng pagsusuri upang ganap na maunawaan ang mabilis na
pag-ulad ng nobelang Tagalog sa loob lamang ng pitong dekada kailangan ang higit pang
pag-aaral upang masakop ang marami pang salimuot ng mga daloy nito.

una, kailangan pang siyasatin ang kaugnayan ng nobela sa mga higit na nakatatandang
anyong pampanitikan , lalo na sa dula at tulang pasalaysay. Ang pag-aaral na ito'y
bumanggit lamang sa ilang daloy ng ugnayan ng nobela at comeddia, zarzuela, at tulang
romance.

Ikalawa, kailangan pang kilatisin ang pagbabagong naganap sa loob ng nakaraang siglo sa
nobela, kapag tinanaw ang nobela bilang papaunlad pa lamang na larangan, hndi
sinasadyang matalimuwang ang nakagawiang paghahati-hati sa panahong 1900 hanggang
ngayon sa iba't ibang yugto na nagsisimula sa tinatawag na "gintong panahon".

Ikatlo,bukas din Ang larangan sa pagsusuri ng buhay ng mga nobelista bilang telling ng
kanilang pananaw na panlipunan Nariyan Ang mapapait na karanasan ng pamilya Nina L.K.
Santos at F.S Aguilar karanasan ng bansa.

Ikapat,Ang paggamit ng wika ay Isa mayamang bahagi ng Nobela Maaring suriin Ang wika
bilang lagusan pananaw sa daigdig ng manunulat.

Ikalima, kailangan malitis mabuti NG pagsusuri Ang ginagawa ngayong pangbubukod ng


"nobelang pampanitikan"sa "nobelang popular" at Ang nakagawiang higit na pagtatangi ng
mga guro't iskolar sa Unang kaysa ikalawa malaki Ang aking hinala na bunga ito ng
kasaysayan.
TALAS-ISIP

Tanglaw-Gabay: Sagutin nang komprehensibo ang mgasumusunod na kahingian.

1. Gawan ng Acrostic ang Bukal ng Katutubo, batay sa isinalaysay na kahulugan


nito.
2. Pumili ng isang nobela at may akda nito at itala sa concept map ang buod nito.

B-
U-
K-
A-
L

N-
G-

K-
A-
T-
U-
T-
U-
B-
O-
ARAL-BUHAY

Batay sa mga Bukal na nabanggit sa itaas ay subukang sumulat ng isang


panimula ng isang nobela, na kaaangkupan ng mabuting asal at pakikipagkapwa tao.

SANGGUNIAN…

1. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, ang Cababalaghan ni P. Bravo (1899) ni


Gabriel Beato brancisco ang unang nalimbag na nobela. Diumano, Ito'y isinerye sa
Ang Kapatid ng Bayan. Mahalagang mapatibayan ito, sapagkat unang-una'y
matatalimuwang nitó ang teorya na walang nobelang nailathala bago maitatag ang
kapangyarihang Amerikano.
2.1. Ed. Regalado, Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog (Maynila: Surian ng
Wikang Pambansa, 1949)
3.Ang orihinal na aklat ay isinulat sa Griyego ni San Juan Damaseno. Ito ay isinalin
sa Latin ng isang nagngangalang Jacobo Bibilio at ito ang isina-Tagalog ni P.
Antonio de Borja. Ang unang edisyon ay pinagtibay limbagin noong 11 Setyembre
1708at nalimbag noong 1712. May nátitirá pa ring siping edisyong limbag sa
imprenta niD. Jose Maria Dayot noong 1837
4. Walang tiyak na petsa ang pagkakalimbag ng Urbana at Feliza. Ang 1854 ay
ibinatay lámang sa talababā sa pahina 7 ng bahaging Paunaua sa Babasa ng
edisyong limbag ng Imprenta y Libreria de J. Martinez nitóng ika-20 dantaon.
Maraming naging edisyon ang aklat sanhi ng popularidad nitó. Nabanggit pa sa Ang
Ating Panitikan nina Rufino Alejandro at Juliana C. Pineda na mayedisyon ang
Urbana at Feliza nitóng 1938 na diumano y may paunawang salita pa nij.C.
Balmaseda. Sinasabi ing may kopya si lldetonso Santos na limbag noong 1864.
5. Nabanggit ni lhigo Ed. Regalado sa Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog, op.
cit, p. 9. Ayon kay Regalado, ang Ang Bagong Robinson ay halaw sa libro ni Tomas de
Iriarte na isang salin sa Espanyol ng original ni Campe.
6.Basahin ang puna hinggil sa ganitong pananaw na pumatnubay sa Nena at
Neneng na isinulat ni Emelina B. Soriano sa kaniyang rebyu ng edisyong 1971 ng
aklat, ang
Ang Pamana ng Nena at Neneng, Katipunan taon I, blg.3 at 4 (Hulyo at Oktubre
1971, pp. 232-237
7. Bahagi ng sulat ni Consuelo Salvi kay Elino Palma sa nobelang Mutyang Itimapon
ni Rosalia L. Aguinaldo (Maynila: 1922), p. 27
8. Lope K. Santos. Hindi Talaga ng Diyos (Maynila: Limbagan at Litograpiya ni Juan
Fajardo, 1912)
9. Ruperto S. Cris tobal. Ang Bulaklak ng Kabaret (Maynila: Imprenta Manila, 1920)
P. 112,
SUBOK-DUNONG:

Tanglaw-Gabay:

ARALIN 6: MGA URI NG DIIN AT TULDIK; AT ANG


PAGPAPANTIG

MITHING-LAYON
ALAY-ARAL
Basahin at unawain…

TALAS-ISIP

ARAL-BUHAY

SANGGUNIAN…

SUBOK-DUNONG:
Tanglaw-Gabay:

ARALIN 6: MGA URI NG DIIN AT TULDIK; AT ANG


PAGPAPANTIG

MITHING-LAYON

ALAY-ARAL
Basahin at unawain…

TALAS-ISIP

ARAL-BUHAY

SANGGUNIAN…
SUBOK-DUNONG:

Tanglaw-Gabay:

ARALIN 6: MGA URI NG DIIN AT TULDIK; AT ANG


PAGPAPANTIG

MITHING-LAYON

ALAY-ARAL
Basahin at unawain…
TALAS-ISIP

ARAL-BUHAY

SANGGUNIAN…

You might also like