You are on page 1of 11

“ISANG PAGSUSURI SA NILALAMAN AT ISTRUKTURA NG MGA AWITING BAYAN

NG TRIBUNG B’LAAN SA FLALOK”

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Balangkas Teoretikal at Riserts Gap

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura na

mahalaga sa pananaliksik ito.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Parumon (2020), ang mga awiting bayan ay tula muna na

nilalapatan ng tono bago maging awit. Ang mga awiting bayan, na kinatha ng mga

katutubong bihasa sa pagtula ay totoong mapaglarawan ng ugali ng Pilipino. Ang mga

awiting bayan ay mahalaga at sumasalamin sa kultura at kaugalian noong panahon ng

ating mga ninuno. Bagama’t kadalasan sa mga ito ay maiikli lamang ay mayroong itong

kakaibang katangian na tila hindi maikukumpara sa iba.

Lumabas naman sa pag-aaral naman ni Gappi (n.d.) na madalas ay napapanatili

ng mga pagsasalin ang pokus ng mga orihinal na teksto sapagkat kapag hindi ay

mawawalan ng saysay ang salin. Pinaka-iiba ang estruktura ng mga salin, partikular na

ang kanilang mga sukat at tugmaan, sapagkat hindi parating mayroong tiyak na

katumbas ang paghahalaw ng mga salita.

Sa kabilang banda, ang pag-aaral na ginawa naman ni Vegafria at Calibayan (2016)

ay nagpapakita na ang mga pagpapahalagang kultural na nakapaloob sa sinuring mga

awiting bayan kagaya ng pagpapahalagang panlipunan na nauugnay sa pagkakaibigan,


kahalagahan ng magulang at kahalagahan ng edukasyon; pagpapahalagang

panrelihiyon/ispiritwal na may kaugnayan sa pagsunod o pagsabuhay sa mga utos at

aral ng Diyos; pagpapahalagang ekonomikal na nagbibigay –diin sa pagbibigay halaga

sa trabaho/ kabuhayan at paghahayupan; pagpapahalagang moral na may kaugnayan

sa pagmamahal ng anak sa magulang, pagkamatiisin, pagkamatatag, pagibig,

pagpaparaya , paggawa nang mabuti sa kapwa at pagmamahal ng magulang sa anak.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang awiting bayan o tinatawag ding kantahing-bayan, isang matandang uri ng

panitikang Filipino, ay awit ng mga sinaunang Pilipino na maging sa panahon ngayon

ay inaawit pa rin. Ito ay isang nilikhang tula na inaawit at siyang nagpapahayag ng

kaugalian, damdamin, pananampalataya, karanasan, hanap buhay o kaya naman ay

naglalarawan ng mga gawain ng isang taong naninirahan sa isang pook. Karaniwan

itong naglalarawan sa mga nakaligtaang panahon at nagpapahayag sa mga karanasan

sa buhay kung saan nagpapakilala sa likas na pagpapahalaga ng mga Pilipino.

(Parumog, 2020)

Samantala, ayon naman kay Vegafria at Calibayan (76) ang awiting bayan ay isang

tulang inaawit na tinataguriang pinakamatandang sining sa Pilipinas na nagpapahayag

ng kaugalian, karanasan, damdamin, gawain, o hanapbuhay at pananampalataya ng

mga tao sa isang pook. Sa kasalukuyan, ang mga awiting bayan ay hindi lamang

kinakanta sa pamamagitan ng wikang Filipino, sapagkat nagiging malawakang praktis

na pangkultura na rin ang pagsasalin sa mga ito (Coroza, 22). Ang pagsasaling
nagaganap ay itinatawag na pagsasaling-wika, o maaari rin namang pagsasaling-awit.

Inilarawan ni Coroza (22) ang pagsasaling-awit.

Ayon kay Parumog (2020), ang awiting bayan o tinatawag ding kantahing-bayan,

isang matandang uri ng panitikang Filipino, ay awit ng mga sinaunang Pilipino na

maging sa panahon ngayon ay inaawit pa rin. Ito ay isang nilikhang tula na inaawit at

siyang nagpapahayag ng kaugalian, damdamin, pananampalataya, karanasan, hanap

buhay o kaya naman ay naglalarawan ng mga gawain ng isang taong naninirahan sa

isang pook. Karaniwan itong naglalarawan sa mga nakaligtaang panahon at

nagpapahayag sa mga karanasan sa buhay kung saan nagpapakilala sa likas na

pagpapahalaga ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Mahilom (2010), sa lahat ng tula ang awiting bayan ang

naglalaman ng pinakamalawak na paksa at uri sapagkat ito ay nagbibigay hayag sa

damdamin, karanasan, kaugalian, relihiyon at kabuhayan. Isa pa ay naglalaman ito ng

pilosopiyang ginagamit ng matatanda upang pagpapaalala sa kabataan. Ito ay tuloy-

tinig ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa ibat’ibang teorya kagaya ng: Teoryang

Romantisismo, Eksistensiyalismo, at Formalistiko.

A. Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito na ipahayag ang uri ng tao o sumasagisag sa tao sa

pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa bansa at sa mundo kinalakhan. Ayon kay


Marasigan (2004), ang teoryang romantisismo ay nagpapairal ng sentimentasyon,

inspirasyon o masidhing damdamin gaya ng pag-ibig.

Minumungkahi ng mananaliksik na maaring ang mga awiting bayan ng mga

B’laan ay mayroong mga tema na nakatuon sa pag-aalay ng nararamdaman ng isang

tao para sa isang tao o mga awiting may kinalaman sa anumang topiko na may

kinalaman sa pag-ibig.

Paliwanag naman ni Dazo (2018), sumibol ang romantisismo noong huling bahagi

ng siglo 1800 at pagpasok ng 1900 Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa

kasaysayan at paghanga sa kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago

na naganap sa panitikan. Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang

pag- ibig, mga awit at korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at

prinsipe. Tumatalakay rin ito sa mga katutubong buhay sa malalayong nayon. Lagi itong

nagbibigay aral at itinatanim sa isipan na ang mga nagkakasala at masama ay

parurusahan.

B. Teoryang Eksistensiyalismo

Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang konkretong

buhay at pakikihamok ng indibidwal gayundin, ang usapan ng indibidwal sa kalayaan at

pagpili. Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o tendensiya ay

nakainpluwensya sa maraming mga manunulat noong ika-19 at ika- 20 siglo. Ayon sa

mga eksistensyalistiko, dahil sa bawat isa ay may kalayaang pumili, kailangangn niyang

tanggapin ang mga panganib at responsibilidad na pasunod sa kaniyang naisin saan

man ito patungo.(Donamay;imbo, 2015)


Ayon naman kay ang teorya ng eksistensyalismo ay maaaring maging pilosopikal

na gabay at nakainpluwensya sa maraming mga manunulat. Ayon sa mga teoryang ito,

ang lahat ng tao ay mayroong kakayahang pumili ng kanilang sariling kinabukasan.

Ngunit, dapat nilang tanggapin ang mga hamon, panganib, at responsibilidad ng

kanilang mga desisyon. (NewsFeed, 2020)

Ipinaliwanang din ni Lewis (2013) na ang teorya ng eksistensyalismo ay

maaaring maging pilosopikal na gabay at nakainpluwensya sa maraming mga

manunulat. Ayon sa mga teoryang ito, ang lahat ng tao ay mayroong kakayahang pumili

ng kanilang sariling kinabukasan. Ngunit, dapat nilang tanggapin ang mga hamon,

panganib, at responsibilidad ng kanilang mga desisyon.

C. Teoryang Formalistiko

Pinagtutuunan ng teoryang formalistiko o formalismo ang pagkakabuo nito. Sa

pamamagitan nito ay naipaparating sa mga tagapakinig ang mensahe ng kanta gamit

ang tuwirang pagkakasulat nito. Samakatuwid, kung ano ang pyesa nito, ito rin ang nais

iparating, walang labis at walang kulang. Ang awiting-bayan na ito ay nasa payak na

anyo at walang kalakip na malalalim na simbolismo. Isinasalaysay at ipinaparating

lamang nito ang istorya ng awit, kung saan nakapokus sa dalawang magkasintahan.

Hindi na ito nangangailangan nga malalimang pagsusuri at pag-aanalisa. (Parumog,

2020)

Sa kasaysayan, ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong

1910 at yumabong noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang

akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang

kagandahan ng akda. Layunin ng pagsusuring Formalistiko o Formalismo ang


pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang

pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag ang pananaw na ito sa panunuring

pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pananaw.

(Panitik at Pisara, n.d.)

Riserts Gap

Lumalabas na base sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa mga awiting bayan,

wala pang pag-aaral na ang pokus ay ang mga awiting-bayan ng mga B’laan lalong-lalo

na sa mga nilalaman nito at maging sa tema at estruktura. Ang mga pag-aaral na

ginawa sa mga awiting-bayan sa Pilipinas ay nakatuon din sa mga nakasanayang

awiting bayan nating mga Pilipino. Limitado lamang ang pag-aaral sa mga awiting

bayan ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas at ito ang nagiging dahilan at nag-udyok sa

mananaliksik na gawing pokus ng kasalakuytung pag-aaral ang mag awiting-bayan ng

mga B’laan sa Alabel, Sarangani Province.


Kabanata 3

PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay maglalahad ng metodolohiya o pamamaraang ginamit

upang maisagawa ang pag-aaral.Nagsimula ang kabanata sa pagtalakay sa ginamit na

disenyo ng pananaliksik, gayundin ang pagdulog sa ginamit. Ang mga informant sa

panananaliksik ay inilalarawan din, diniskas ang paraan ng pangangalap at pagtitipon

ng mga datos. Sa huli, ipinakilala ang pag-aanalisa ng mga datos, ang tiwala at

kredibilidad, at mga etikal na kosiderasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang uri ng qualitative-penomenolohikal na pag-aaral na

may pamagat na “Isang Pagsusuri sa Nilalaman at Istruktura ng mga Awiting Bayan ng

Tribung B'laan sa F'lalok” bilang gabay na materyal sa pagtuturo ng panitikan sa

Probinsya ng Sarangani.

Ayon kay Husserl (cited 2018), isang paraan ng pagsasaliksik

ang Penomenolohiya, na nakaugat sa palagay na binubuo ng mga bagay at mga

pangyayari ang katotohanan. Ipinapalagay din na batay sa karanasan at pang-unawa

ng ating kamalayan bilang tao ang katotohanan at walang katotohanan kung hindi ito

nakaugnay sa kamalayan. Kasama rin sa pag-aral nito ang mga pangitain (phenomena)
na nagpapakita sa mga gawain ng kamalayan, mga pinatutungkulan ng masugid na

pag-iisip at pagsasaliksik.

Isang Pagsusuri sa Nilalaman at Istruktura ng mga Awiting Bayan ng Tribung


B'laan sa F'lalok

Variables ng Pag-aaral Pamamaraan

Respondente:
Nilalaman ng mga awiting bayan
Kasapi ng Tribung B’laan
ng Tribung B'laan batay sa mga
sumusunod:

Tema Lokal ng Pag-aaral:


Damdamin
Alabal, Sarangai Province

Isruktura ng mga awiting bayan ng


tribung B'laan batay sa mga Instrumentong
sumusunod Pangpananaliksik:

Semi-structured Interview Guide

Sukat
Tugma Pag-aanalisa ng Datos:
Talinghaga
Simbolismo Content Analysis/Colaizzi’s
Method

Isang Pagsusuri sa Nilalaman at Istruktura ng mga Awiting Bayan


ng Tribung B'laan sa F'lalok
Figure 2. Istruktura ng Pag-aaral

Mga Respondente

Ang mga respondente o mga informant sa pananaliksik na ito ay ang mga kasapi

ng tribung B’laan na naninirahan sa Munisipyo ng Alabel, Sarangani Province. Dagdag

pa dito, ang nga nasabing Purposib ang paraan ng pagkalap ng mga respondent at

mayroon lamang walang (8) kasapi ng tribung B’laan ang kasali sa interbyu.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa Alabel, Sarangani Province kung saan

kasalukuyang may naninirahan na tribung B’laan. Ang Alabel ay isang first class

munisipyo ng Sarangani Province na ayon sa sensus noong 2015 ay may kabuuang

populasyon na 80,359.
Ang Mapa ng Munisipyo ng Alabel

Instrumentong Pampananaliksik

Sa pagkuha ng mga datos sa mga respondent, ang mananaliksik ay gagamit ng

interview guide (semi-structured) na naglalaman ng mga katanungan na patungkol sa

mga awiting-bayan ng mga B’laan.Gagamitin ang interview guide na ito sa pagtatanong

o panayam (interview) sa mga kasapi ng tribung B’laan at ang mga impormasyon na

malilikom mula sa transcript ng panayam ang siyang magiging pangunahing datos para

sa pag-aaral na ito.

Paraan ng Pagkalap ng mga Datos

Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagkalap ng datos ng mananaliksik:

1. Ang mananaliksik ay hihingi ng permiso mula sa kakapanayamin na mga

ksapi ng tribung B’laan at para makapag pa-iskedyul ng isang panayam;

2. Magkakaroon ng panayam depende sa napiling iskedyul ng mga

respondent;

3. Lahat ng impormasyon mula sa transcript ng panayam ay ipoproseso

gamit nag paraan ng pag-aanalisa ng mga datos;

4. Lahat ng datos ay irepresenta sa susunod na kabanata ng pag-aaral na

ito.
5. Upang madagdagan ang datos, gagawin ng tagapanaliksik na magbasa

ng mga halimbawa ng mga awiting-bayan ng B’laan sa pampublikong

aklatan ng Heneral Santos City.

6. Pag-aaralan at paghahambingin ng tagapanaliksik ang mga datos na

nakuha sa interbyu at sa mga nakasulat na dokumento.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mananaliksik ay gagawa ng transcript ng panayam upang makuha ang mga

sagot sa bawat katanungan na nasa semi-structured interview guide na siyang

instrument ng pag-aaral. Upang mabigyan ng tamang pag-aanalisa ang mga datos, ang

mananaliksik ay gagamit ng pamamaraang Colaizzi (1978) sapagkat ang pag-aaral na

ito ay isang uri ng penomenolohikal.

Ang pamamaraang Colaizzi (1978) ay ginagamit upang ianalisa ang mga datos

at upang maipaliwanag ang phenomenon ng pag-aaral. Kasabay ng pamamaraang ito

ang pagbubuo ng mga pahayag (significant statements) at pagbubuo-buo ng mga

kahulugan (fomalized meaning).

You might also like