You are on page 1of 51

Kabanata I

Ang Suliranin at Sanligan Nito

Rasyunal at Kaligiran ng Pag-aaral

Nang dahil sa sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay na identidad na hindi
hiram sa iba, sapagkat ang wika ay nanggagaling sa ating kulturang kinabihasnan (Peña 3).
Kaya naman, mahalaga ang naging papel ng wikang Filipino upang higit na mapatunayan
ang ating katatagan at pagkakakilanlan (Correa 1). Maituturing na sa kasalukuyan ay lubos
ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating kamalayan kung lubos din nating natatanggap
ang ating sariling wika (Peña 3).

Samantala, kaalinsabay naman ng lubos na pagtanggap sa sariling wika sa ngayon ay ang


pagsasalin din dito. Sabi ni Buban (117), ngayon ang panahon ng pagsalin. Bunga ito ng
mabilisang pagbabagong ibinunsod ng industriyalisasyon nang ika-20 siglo na lalong
umigting sa paglakas ng globalisasyon noong ika-21 siglo.

Tulad sa gawaing pampanitikan, wika ang pangunahing kasangkapan sa pagsasalin.


Maski mapa-Ingles man ito o mapa-Tagalog, ang wikang isinasalin ay nangangailangan ng
pagpakadalubhasa ng tagasalin upang maging mabisa ang pagsalin dito (Almario, 1).

Sa kabila ng kahusayan na maaaring taglay ng mga tagasalin, pangunahing problema pa


rin nila ang paghanap ng angkop na pantumbas sa isinasaling salita, kaya hindi parating
epektibo ang kanilang pagsasa-Ingles o pagsasa-Filipino (Almario 81).

Ayon kay Burton Raffel: ―Walang perpektong salin.‖ Suporta rito ni Bubon (125) na
lahat ng salin ay pawang mga aproksimasyon lamang. Ngunit, mayroong mga batayang
maaaring gamitin upang higit na mapanghahawakan ang salin— halimbawa na rito ang
dalawang pamamaraan ni Newmark at ang mga pamantayan ni Miaomiao.

1
Ang pagsasaling-wika ayon kay Newmark (3) ay may dalawang pamamaraan: semantiko
at komunikatibo. Ayon naman kay Miaomiao (29), ang semantiko ay mas nagbibigay-halaga
sa orihinal na wika habang ang komunikatibo ay mas nagbibigay-halaga sa layunin ng
isinasalin. Dagdag ni Miaomiao, mayroong mga pamantayang sinusunod sa pagsusuri ng
salin upang malaman kung ito ba ay semantiko o komunikatibo. Sa semantikong mga salin,
isinasaalang-alang ang mga sumusunod: literal na pagsalin sa mga salita nang hindi
ipinapalagay ang tamang gramatika, at pagbalewala sa pagtutugma. Samantala, sa
komunikatibong mga salin ay isinasaalang-alang ang mga sumusunod: paggamit ng mga
talinhaga sa halip ng orihinal na parirala, at ang pagiging matapat sa pokus ng teksto sa
kabila ng wika nito.

Para sa pag-aaral, susuriin ng grupo ang pagsasa-Ingles ng mga awiting bayan sa


Pilipinas sa pamamagitan ng mga pamamaraang nabanggit upang makita kung ano ang
nagbago sa layunin, estruktura, paksa, at ginamit na mga salita ng kanta. Ang pag-aaral ay
para rin malaman kung anong pamamaraan ni Newmark ang pinakaginamit sa pagsasa-Ingles
ng mga awiting bayan, at kung nanatili ba ang orihinal na mensahe‘t estruktura ng mga
nasaling kanta.

Sa kurikulum ng K-12 ng De La Salle University (DLSU) – Laguna Campus, isa sa mga


pinag-aaralan ng mga Senior High School Students ay ang pagsasaling-wika. Kaya naman,
nais pag-aralan ng grupo ang pagsasa-Ingles ng mga awiting bayan sa Pilipinas dahil
pinaniniwalaan nila na ang kaalamang makukuha mula rito ay higit na magagamit ng mga
estudyante‘t guro sa mga asignatura ng pananaliksik.

Kinakailangang pag-aralan ito sapagkat ayon kay Peña (7), isang isyu sa bansa ngayon
ay ang kakulangan sa sanggunian at nasasaling karunungan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na
ito, mapupunan ang kakulangang ito at makikinabang ang mga guro‘t estudyante ng paaralan
dahil mababatid pa nila ang mga pamamaraan sa pagsasaling-wika.

2
Habang ang mga estudyante‘y magkakaroon ng karagdagang sanggunian para sa mga
araling-pambahay, ang mga guro naman ay maaaring gamitin ang pag-aaral bilang materyal
sa pagtuturo.

Higit pa sa mga nabanggit, ang pag-aaral ay makabubuti sa mga mag-aaral ng DLSU –


Laguna Campus sapagkat pinapatibay nito ang bansag ng paaralan bilang isang institusyon
ng pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Ang panimulang haka ng mga mananaliksik sa kanilang pagsusuri sa mga isinaling


awiting bayan ay mas mangingibabaw ang pagsasaling-wika gamit ang komunikatibong
pamamaraan sa metodo ni Newmark, kung saan mas binibigyang-halaga ang pananatili ng
layunin ng tekstong isinasalin, sa halip na mas bigyang-halaga ang pananatili ng orihinal na
wika ng teksto. Kaya naman, sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Sa pagsasa-Ingles ng mga awiting bayan, ano ang nagbago sa mga kanta pagdating sa
mga sumusunod:
1.1 Paksa?
1.2 Layunin?
1.3 Mensahe?
1.4 Estruktura ng kanta?
2. Ano-ano ang mga salitang ginamit sa pagsasalin ng mga piling awiting bayan ang
hindi angkop sa tamang paggamit ng salita?
3. Alin sa dalawang pamamaraan ni Newmark ang mas ginamit sa pagsasaling-wika ng
mga piling awiting bayan?

3
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Pinakalayunin ng pag-aaral ng grupo ay ang mabatid kung alin sa dalawang


pamamaraang nabanggit ni Newmark ang mas ginamit sa pagsasaling-wika ng mga piling
awiting bayan, upang matukoy na rin kung ang nangungunang pamamaraan ba ay naging
mabisa sa pagpapanatili ng mensahe ng kanta. Layunin din ng pag-aaral na alamin kung ano
ang mga nagbago sa mga paksa, layunin, mensahe, estruktura, at mga salitang ginamit sa
mga napiling awiting bayan na sinalin sa Ingles.

Importante ang pag-aaral ng grupo dahil sa pamamagitan nito ay higit na makikinabang


ang mga mag-aaral ng Senior High School na tinatalakay ang pagsasaling-wika. Ito rin ay
mapapakinabangan ng mga estudyanteng mananaliksik na naglalayong magkaroon ng
karagdagang kaalaman ukol sa pagsasaling-wika.

Gayundin, maaari rin itong gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng pagsasaling-wika upang
pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa paaralan.

Isa pang kahalagahan ng pag-aaral ay ang pakinabang nito sa hinaharap pang mga
mananaliksik na naghahanap ng impormasyon ukol sa pagsasaling-wika.

4
Teoretikal na Gabay at Konseptwal na Balangkas

Ang teorya na gagamitin ng grupo ay nakabase sa Dual Theory of Semantic and


Communicative Methods of Translation ni Newmark at sa mga pamantayan ni Miaomiao na
tumatalakay sa dalawang paraan ng pagsasalin. Sa teorya ni Newmark, ang pagsalin ng wika
ay nahahati sa dalawa: komunikatibo at semantiko. Habang ang semantiko ay mas
binibigyang-pansin ang orihinal na wika ng isinasalin, ang komunikatibo naman ay mas
binibigyang-diin ang layunin. Samantala, ayon naman sa mga pamantayan ni Miaomiao (29),
mayroong mga sinusunod sa pagsususri ng teksto sa mga paraang semantiko at
komunikatibo. Sa pagsasalin gamit ang paraang semantiko, sabi ni Miaomiao (29) na
isinasalin ang mga salita nang hindi ipinapalagay ang tamang gramatika at tamang
pagtutugma nito. Para naman sa komunikatibong paraan, mas pinapanatili ang talinhaga at
pokus ng isinasalin.

5
Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Limang awiting bayan lamang na isinalin sa Ingles ang gagamitin ng pangkat sa kanilang
pag-aaral. Ang mga gagamiting awiting bayan ay ang mga sumusunod: Ang lobo ko, Tong
tong tong tong, Sitsiritsit Alibangbang, Pen Pen de Sarapen at ang Magtanim ay ‗di biro. Ang
mga isina-Ingles na mga awiting bayan ay nanggagaling sa website na MamaLisa.com. Pag-
aaralan ang mga nagbago sa paksa, layunin, mensahe, estruktura, at angkop na gamit na salita
ng mga piling awiting bayan. Susuriin din kung ang isinaalang-alang ba sa mga salin ay ang
komunikatibo o semantikong pamamaraan. Walang ibang magiging kalahok ang pag-aaral
kung hindi ang mga mananaliksik mismo.

6
Kabanata II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay may layuning ibahagi ang mga akademiko at propesyonal na mga
akdang may kinalaman sa ginagawang pag-aaral ng grupo. Sa pamamagitan ng mga
ibabahaging kaugnay na literatura, nais maipaliwanag ng grupo ang mga pagkukulang sa
larangan ng kanilang pananaliksik, at ang nais nilang mabatid na mga bagong kaalaman.

Awiting bayan bilang panitikan

Para kina Paz at Sebastian (1) ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang
bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi. Ito raw ay
ihinahayag sa mga masisining na paraan, halimbawa na sa pamamagitan ng mga piling salita.
Samantala, ayon naman kay Vegafria at Calibayan (76) ang awiting bayan ay isang tulang
inaawit na tinataguriang pinakamatandang sining sa Pilipinas na nagpapahayag ng kaugalian,
karanasan, damdamin, gawain, o hanapbuhay at pananampalataya ng mga tao sa isang pook.

Samakatuwid, ang awiting bayan ay isang mahalagang uri ng panitikan. Importanteng


patuloy na bigyan ng halaga at pansin ang mga awiting bayan sapagkat ang mga ito ay
pumapatungkol sa panitikan na siya namang sumasalamin sa kultura at pamumuhay ng isang
nayon.

Sa kasalukuyan, ang mga awiting bayan ay hindi lamang kinakanta sa pamamagitan ng


wikang Filipino, sapagkat nagiging malawakang praktis na pangkultura na rin ang pagsasalin
sa mga ito (Coroza, 22). Ang pagsasaling nagaganap ay itinatawag na pagsasaling-wika, o
maaari rin namang pagsasaling-awit.

Inilarawan ni Coroza (22) ang pagsasaling-awit bilang isang paghalaw o paglilipat na


kinasasangkutan ng pagpapalit upang umakma sa pinaglilipatan. Isa na ang sikolohistang si
Dra. Lisa M. Yannucci sa mga nangunguna sa pagsasaling-wika ng mga awiting bayan ng
Pilipinas. Sa kaniyang website na MamaLisa.com, ibinabahagi niya ang mga isina-Ingles na

7
mga kanta tulad na ng Ang lobo ko, Tong tong tong tong, Sitsiritsit Alibangbang, Pen Pen de
Sarapen at ang Magtanim ay ‗di biro.

Mga kinakailangan sa komprehensibong pagsasaling-wika

Sa pagsasaling-awit, at sa pangkalahatang pagsasalin, mayroong mga kinakailangan para


sa isang komprehensibong gawa. Ayon kay Almario (1), sa pagsasaling-wika,
kinakailangang dalubhasa ang tagasalin sa dalawang wika sa isang ordinaryong sitwasyon.
Pahayag ni Almario (1) na dapat may kahusayan ang tagasalin sa Simulaang Lengguwahe
(SL), o ang wikang isinasalin, at sa Tunguhang Lengguwahe (TL), o ang wikang
pinagsasalinan.

Sabi naman ni Coroza (1) na kung sino man ang ibig na maging tagasalin ng panitikan ay
kailangang maging eksperto sa pagbabasa. Dagdag pa rito, kinakailangan din daw ng
tagasalin ng mataas na lebel ng kasanayan sa pagpapahalaga sa teksto, bukod pa sa pagiging
pamilyar dito. Uliran ding magkaroon ang indibidwal ng malawak na saklaw na kaalaman sa
kasaysayang pampanitikan, sa pagsusuri, at sa malikhaing pagsulat.

Para naman kina Savory at Nida (119), dapat mayroong sapat na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin ang isang manghahalaw ng wika. Kinakailangan
din ng sapat na kaalaman sa gramatika sa pagitan ng dalawang wika.

Bukod pa sa mga nabanggit, upang maging isang mahusay na tagasalin, dapat ay literal
na isalin muna ang isang bagay bago isaalang-alang ang mensahe nito (Panganiban, 120). Ito
ay upang makita at maituwid ang mga pagkakaiba sa grawmatika ng dalawang lenggwaheng
ginagamit sa pagsasalin. Ito ay isang masinsinang paraan upang makita ang mga ugnayan sa
dalawang isinasalin.

8
Ayon naman kay Dolet (120), upang hindi masira ang orihinal na kagandahan ng
pahayag, dapat iwasan ang pagsasalin ng salita bawat salita. Dapat din na ang panananalitang
gamitin ay ang karaniwan na pananalita na ginagamit ng nakararami. Para naman sa mga
salitang banyaga na walang direktang salin, ulat ni Pineda (121) na maaring hiramin ang
buong anyo ng banyagang salita o parirala nang hindi binabago ang baybay nito.

Sa isang mahusay na salin, kinakailangang kaparehong-kapareho ang orihinal na layunin


ng isinasalin sa nasaling gawa (Nida, 123) at dapat kaakibat nito ang pagpapanatili rin ng
estilo at paraan ng pagsulat ng orihinal na isinasalin; ang mga ―luwag‖ at ―dulas‖ ng
ekspresyon (Santiago, 123). Buod ni Nida (123) na sa isang naisaling akda, dapat naihahayag
pa rin ang sensibilidad, madulas o natural na exspresyon, at nilalaman ng orihinal na akda.

Pag-aaral ng awiting bayan at pagsasaling-wika sa Pilipinas

Ang mga awiting bayan ng Pilipinas ay pumapaksa ng iba‘t ibang pamumuhay at pag-
uugali ng mga tao, ng mga kaisipan at damdamin ng bayan. Ipinahahayag din dito ang mga
katangian at kasiglahan sa buhay ng mga ninuno ng isang pook (Vegafria at Calibayan, 77).

Para kay Griffith (26), nagtataglay pa rin ang Pilipinas ng mga awiting bayang halos
hindi pa nagagalaw o napapag-aralan ng mga mananaliksik. Bunsod nito, sa pagsasalin ng
mga awiting bayan, maaaring maligtaan ang mga tunay na mensahe ng mga kanta sapagkat
walang patuloy na taga-usisa ng mga ito.

Samantala, ngayon ang panahon ng pagsasalin (Buban, 117) at mayroong mga pag-aaral
na tungkol sa pagsasatitik ng iba‘t ibang genre ng panitikan mula sa iba‘t ibang
etnolongguwistikong pangkat sa bansa (Vegafriya at Calibayan, 77). Ngunit, walang pag-
aaral ukol sa pagsasaling-wika ng mga awiting bayan ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Kroulek sa isang blog post na mahalaga ang pagsasaling-wika sapagkat isa
na rin itong paraan upang maiugnay ang bansa sa global na ekonomiya, kung kaya‘t
maraming translation services ang umuusbong. Ito raw ay dahil sa pamamagitan ng

9
pagsasaling-wika ay nagkakaintindihan ang mga tao gamit ang isang lengguwahe.
Ipinapahiwatig nito na sa kakulangan ng pag-aaral sa pagsasaling-wika, sa konteksto na rin
ng mga awiting bayan, hindi makauunlad ang kultura pati na rin ang ekonomiya ng isang
bansa.

Teorya nina Newmark at Miaomiao

Batay sa obitwaryo ng website na The Guardian, si Peter Newmark ang nanguna sa pag-
aaral ng pagsasaling-wika sa daigdig. Bumuo siya ng mga teorya sa pagsasalin at inilarawan
niya ang pagsasalin bilang isang sining at agham, at isa na rito ang Dual Theory of Semantic
and Communicative Methods of Translation.

Sa kaniyang librong may pamagat na ―A Translation Book,‖ iminungkahi ni Newmark


(186) na ang dalawang metodo ng pagsasalin ay nahahati sa semantiko at komunikatibo.
Paliwanag ni Newmark na habang ang semantiko ay tiyak o literal na pagsasalin, ang
komunikatibo naman ay itinumbas na kahulugan lamang.

Samantala, base naman sa website na IBM Research, si Wang Miaomiao ay isang


mananaliksik ng IBM Research Division, ang pinakamalaking organisasyong umuukol sa
pang-industriyang pananaliksik sa buong mundo.

Ginamit ni Miaomiao sa kaniyang pag-aaral na may pamagat na ―A Study on Semantic


and Communicative Translation of Magical Things in Harry Potter‖ ang teorya ni Newmark,
at mula rito ay bumuo siya ng ilang pamantayang masusunod sa pagsusuri ng semantiko at
komunikatibong pagsasaling-wika.

Ayon kay Miaomiao (29), sa pagsasalin gamit ang paraang semantiko, isinasalin ang mga
salita nang hindi ipinapalagay ang tamang gramatika at tamang pagtutugma nito. Para naman
sa paraang komunikatibo, mas pinapanatili ang talinhaga at pokus ng isinasalin.

10
Sintesis

Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala,
pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi (Paz at Sebastian,1). Ang awiting bayan ang
tinataguriang pinakamatandang sining sa Pilipinas na nagpapahayag ng kaugalian, karanasan,
damdamin, gawain, o hanapbuhay at pananampalataya ng mga tao sa isang pook (Vegafriya
at Calibayan, 76). Samakatuwid, ang awiting bayan ay isang mahalagang uri ng panitikan.

Samantala, ngayon naman ang panahon ng pagsasalin (Buban, 117) o ang paghahalaw ng
mga salita tungo sa iba pang lengguwahe. Tulad ng awiting bayan, ayon kay Kroulek sa
isang blog post na kasalukuyang mahalaga rin ang pagsasaling-wika sapagkat nakaaambag
ito hindi lang sa kultura ng bansa, kung hindi pati na rin sa ekonomiya nito sa tuwing
nakakapag-ugnay ito ng mga tao.

Sa komprehensibong pagsasaling-wika, mayroong mga kinakailangan para masiguradong


komprehensibo ang isang salin. Ayon kay Almario (1), isa na rito ang pangangailangang
dalubhasa ang tagasalin sa dalawang wika sa isang ordinaryong sitwasyon. Nangangahulugan
ito na dapat, may kahusayang ang tagasalin sa Simulang Lengguwahe (SL), o ang wikang
isinasalin, at sa Tunguhing Lengguwahe (TL), o ang wikang pinagsasalinan.

Nasuportahan naman nina Savory at Nida (119) ang pahayag ni Almario nang itinala
nilang mayroon dapat sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin ang isang paghahalaw ng wika. Kinakailangan din daw na sapat ang kaalaman ng
isang tagasalin sa gramatika sa pagitan gn dalawang wika.

Isa pang halimbawa ng pangangailangan para sa komprehensibong pagsasalin ay ang


paghiram ng buong anyo ng banyagang salitang walang direktang salin (Pineda, 121).

Pagdating naman sa pagsasaling-wika ng mga awiting bayan sa bansa, masasabing


nangunguna na sa larangan si Dra. Lisa M. Yannuci, isang sikolohistang may website na
nagngangalang MamaLisa.com. Dito, isinasa-Ingles niya ang mga kanta tulad na ng Ang

11
lobo ko, Tong tong tong tong, Sitsiritsit Alibangbang, Pen Pen de Sarapen at ang Magtanim
ay ‗di biro.

Mayroon na ring mga pag-aaral ukol sa pagsasatitik ng iba't ibang genre ng panitikan
(Vegafriya at Calibayan, 77), ngunit bahagya pa rin ang mga pag-aaral na para lamang sa
pagsasaling-wika ng panitikang awiting bayan. Ayon pa kay Griffith (26), nagtataglay pa rin
ang Pilipinas ng mga awiting bayang halos hindi pa nagagalaw o napag-aaralan. Kaya
naman, nais pag-aralan at suriin ng mga mananaliksik ang pagsasa-Ingles ng ilan sa mga
awiting bayan ng Pilipinas, sa pamamagitan na ng MamaLisa.com, ng mga teorya ni
Newmark, at ng mga pamantayan ni Miaomiao.

Habang si Peter Newmark ay isa sa mga kinikilalang nagtaguyod ng pag-aaral ng


pagsasaling-wika sa daigdig, si Wang Miaomiao naman ay isang mananaliksik ng IBM
Research Foundation, ang pinakamalaking organisasyong umuukol sa pang-industriyang
pananaliksik sa buong mundo.

Iminungkahi ni Newmark (186) na ang dalawang metodo ng pagsasalin ay nahahati sa


semantiko at komunikatibo. Paliwanag ni Newmark na habang ang semantiko ay tiyak o
literal na pagsasalin, ang komunikatibo naman ay itinumbas na kahulugan lamang.

Sa kabilang panig, inimungkahi ni Miaomiao (29) sa kaniyang pag-aaral na may pamagat


na ―A Study on Semantic and Communicative Translation of Magical Things in Harry
Potter‖ na sa pagsasalin gamit ang paraang semantiko ni Newmark, isinasalin ang mga salita
nang hindi ipinapalagay ang tamang gramatika at tamang pagtutugma nito. Para naman sa
paraang komunikatibo, mas pinapanatili ang talinhaga at pokus ng isinasalin.

Gamit ang mga nabanggit na teorya at pamantayan, nais punan ng grupo ang kakulangan
sa pag-aaral ng pagsasaling-wika ng mga awiting bayan, dahil panay pagsasatitik pa lamang
ang mga pag-aaral ukol sa mga awiting bayan. Sa partikular, layunin ng grupong mabatid
kung alin sa dalawang pamamaraan ni Newmark ang mas ginagamit sa pagsasaling-wika ng

12
mga piling awiting-bayan, at kung ano ang nagbago sa mga paksa, layunin, mensahe,
estruktura, at mga salitang ginamit sa mga napiling awiting bayan na sinalin sa Ingles.

13
Kabanata III
Metodolohiya ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay may layuning mailahad ang disenyo at mga paraan ng
pangangalap ng datos ng pag-aaral. Nais na maipaliwanag ng mga mananaliksik ang
metodolohiya nang sa gayon ang magiging paraan upang makamit ang layunin ng
pananaliksik.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pananaliksik ng grupo, na ukol sa tekstuwal na pagsusuri sa pagsasa-Ingles ng mga


awiting bayan sa Pilipinas, ay may pagsusuring pampanitikan sapagkat nais nitong ilarawan
ang kaibahan sa orihinal na teksto at tekstong salin ng ilang mga piling kanta. Sa katiyakan,
layunin nitong ilarawan kung ano ang magbabago sa paksa, layunin, mensahe, estruktura, at
mga salitang ginamit sa mga napiling awiting bayan na sinalin sa Ingles.

Ang pag-aaral ay isang ring kwalitatibong pananaliksik, dahil ito ay may layuning
mailahad at maipaliwanag ang penomena ukol sa pagsasaling-wika. Sa katiyakan, mula sa
pamagat nito, ang pag-aaral ay magsisilbing pagsusuri ng nilalaman ng mga awit dahil ito ay
kombinasyon ng gawaing pagbabasa at pananaliksik.

Mga kalahok sa pananaliksik

Para sa pag-aaral, ang natatanging magiging kalahok lamang ay ang limang napiling
awiting bayan na manggagaling sa website na MamaLisa.com. Napili ang limang kanta
gamit ang probability sample na accidental sampling para manggaling na lamang sa isang
mapagkakatiwalaang pinagkukunan ang mga kanta. Ito ay upang masigurong hindi
paghahambing ng iba‘t ibang pinagkukunan ng saling-awit ang mangyari, sapagkat malalayo
na ito sa pokus ng pag-aaral. Ang mga sumusunod ang mga awiting bayan na susuriin: Ang
lobo ko, Tong tong tong tong, Sitsiritsit Alibangbang, Pen Pen de Sarapen at ang Magtanim
ay ‗di biro.

14
Instrumento sa pangangalap ng datos

Ang teorya ni Newmark na Dual Theory of Semantic and Communicative Methods of


Translation ang magiging pangunahing instrumento sa pangangalap na gagamitin ng
pangkat. Kasama rin sa pagsusuri ang mga pamantayan ni Miaomiao sa pagtukoy kung ang
salin ba ay semantiko o komunikatibo.

Ayon kay Miaomiao (29), ssa semantikong mga salin, isinasaalang-alang ang mga
sumusunod: literal na pagsalin sa mga salita nang hindi ipinapalagay ang tamang gramatika,
at pagbalewala sa pagtutugma. Samantala, sa komunikatibong mga salin ay isinasaalang-
alang ang mga sumusunod: paggamit ng mga talinhaga sa halip ng orihinal na parirala, at ang
pagiging matapat sa pokus ng teksto sa kabila ng wika nito.

Paraan ng pagsusuri ng datos

Ang datos na makakalap ay susuriin gamit ang obhektibong pamamaraan. Dito,


pagsusuring pampanitikan ang gagamitin, at ang datos na makakalap ay sa tekstwal na
pamamaraan ilalahad.

15
Kabanata IV
Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos

Ang kabanatang ito ay may layuning ihayag ang mga nakalap at naitalang datos ng mga
mananaliksik. Nais din nitong bigyan ng interpretasyon ang mga datos upang masagot
ang mga suliranin sa pag-aaral.

“Ang Lobo Ko”/”My Balloon”

Tagalog Ingles
Ako ay may lobo I have a balloon
lumipad sa langit That flew to the sky
di ko na nakita I did not notice
pumutok na pala It already popped.
Sayang ang pera ko I wasted my money
pambili ng lobo To buy a balloon
kung pagkain sana If I bought food instead
nabusog pa ako. I would have been full.

“Tong tong tong tong”/”Tong tong tong tong”

Tagalog Ingles
Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong
Alimango, sa dagat Crabs from the sea,
malaki at masarap So big and tasty,
mahirap It's difficult to catch,
mahuli sapagkat nangangagat 'Cause it bites.
tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong. Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong.

16
“Sitsiritsit Alibangbang”/”Yo! Yo! Butterfly!”

Tagalog Ingles
Sitsiritsit, alibangbang Yo! Yo! Butterfly,
Salaginto, salagubang Goldbug, june bug
Ang babae sa lansangan The woman on the block;
Kung gumiri'y parang tandang She struts like a peacock*.

Santo Niño sa Pandacan Holy Child from Pandacan**


Puto seko sa tindahan. Cookies at the store.
Kung ayaw mong magpautang? Why don't you give me credit?
Uubusin ka ng langgam. The ants will devour you.

Mama, mama, namamangka Mister, mister, on the boat,


Pasakayin yaring bata Take this child for a ride.
Pagdating sa Maynila When you get to Manilla,
Ipagpalit ng manika Exchange him for doll.

Ale, ale namamayong, Lady, lady with the umbrella,


Pasukubin yaring sanggol Shelter this baby in the shade.
Pagdating sa Malabon When you get to Malabon,
Ipagpalit ng bagoong. Exchange him for fish paste.

17
“Pen Pen de Sarapen”/”Pen Pen de Sarapen”

Tagalog Ingles
Pen pen de sarapen, Pen, pen from Sarapen,
de kutsilyo de almasen Knife from department store
Haw, haw de karabaw How, how the carabao*
Batutin. Stinks!

Sipit namimilipit, ginto't pilak Pinching tongs, gold and silver


Namumulaklak sa tabi ng dagat. Blooming near the sea.

“Magtanim ay „Di Biro”/”Planting Rice Is Not A Joke”

Tagalog Ingles
Halina, halina, mga kaliyag, Come, dear fellow stewards of the earth,
tayo‘y magsipag-unat-unat. stretching muscles is good for the health.
Magpanibago tayo ng lakas, Let us pause so we can catch our breath,
para sa araw ng bukas. and then tomorrow back to work!

Magtanim ay di biro; Planting rice is not a joke;


maghapong nakayuko. the whole day you‘re bent like an ox.
Di naman makatayo; You cannot stand more than one bit;
di naman makaupo. till you‘re done you cannot sit.

Bisig ko‘y namamanhid; Oh, my arms, the feeling‘s gone;


baywang ko‘y nangangawit. and my waist, its tired and sore.
Binti ko‘y namimintig, My legs feel a thousand pricks,
sa pagkababad sa tubig. soaked in water, six to six.

18
Sa umaga pagkagising, Mornings when I wake and rise;
lahat ay iisipin. I tell myself to think, be wise
Kung saan may patanim, and pray to find some land to till,
may masarap na pagkain. so I can have a tasty meal.

Ay, pagkasawimpalad What a cruel destiny


ng inianak sa hirap. to be born in poverty
Ang bisig kung di iunat, If I don‘t work with my two arms,
di kumita ng pilak I won‘t earn a single dime.

Paksa

Ayon sa Tagalog Dictionary, ang paksa ang ideyang ―pinag-uusapan‖ o


―pagtatalakayan‖.

Talahanayan 1.1 Ang mga nabago sa paksa ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles.

Mga Kanta Tagalog Ingles


1. Ang Lobo Ko Ang paksa ng awiting bayang Tulad ng orihinal na teksto,
―Ang Lobo Ko‖ ay tungkol sa ang Ingles na salin ng ―Ang
batang nanghinayang sa Lobo Ko‖ ay
paggastos niya ng kaniyang pumapatungkol din sa
pera para sa isang lobong batang nanghinayang sa
lumipad, imbis na sa pagkaing kaniyang pabayang
binusog pa sana siya. paggastos.

19
2. Tong tong tong Pinag-uusapan sa ―Tong tong Tulad ng orihinal na teksto,
tong tong tong‖ ang pagkakita at ang Ingles na salin ng
pagkalasap ng nakanta sa ―Tong tong tong tong‖ ay
isang alimango sa tabing pumapatungkol din sa isang
dagat. alimango sa tabing dagat.
3. Sitsiritsit Ang ―Sitsiritsit Alibangbang‖ Tulad ng orihinal na teksto,
Alibangbang ay tungkol sa kahirapan ng tungkol pa rin sa kahirapan
buhay noong unang panahon. ng buhay ng mga Pilipino
Ang pagkahirap ng buhay noong unang panahon ang
noon ay umabot sa punto kung naisaling ―Sitsiritsit
saan ang mga bata‘t sanggol Alibangbang‖.
ay ipinagpapalit sa manika‘t
bagoong, ngunit sa halip na
dibdibin ito ng mga Pilipino
ay ginawan na lamang nila ito
ng kanta.
4. Pen Pen de Walang partikular na paksa Tulad ng orhinal na teksto,
Sarapen ang awiting ―Pen Pen de ang ―Pen Pen de Sarapen‖
Sarapen‖ sapagkat ang mga ay wala pa ring partikular
salitang ginamit sa awiting ito na paksa sapagkat wala
ay walang kabuluhan. muling kabuluhan ang mga
salitang ginamit dito.

20
5. Magtanim ay Ang awiting ―Magtanim ay ‗di Tulad ng orihinal na teksto,
‗di Biro Biro‖ ay naglalarawan sa ang Ingles na salin ng
araw-araw na pamumuhay at ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ay
paghihirap ng mga magsasaka pumapatungkol din sa
sa Pilipinas, isang bansang paghihirap ng mga
nakasalalay ang ekonomiya sa magsasaka sa araw-araw.
agrikultura.

Inilahad sa Talahanayan 1.1 ang mga nabago sa paksa ng mga piling awiting
bayang isina-Ingles. Para sa paksa ng awiting ―Ang lobo ko,‖ ang Ingles at Tagalog na
salin ay parehas pa ring ukol sa isang batang nanghinayang sa paggastos ng kaniyang
pera sa isang lobong lumipad, sa halip na sa pagkaing binusog pa sana siya. Para naman
sa awiting ―Tong tong tong tong‖, ang paksa ng Tagalog at Ingles na salin ay parehas
lamang muling ukol sa pagkakita at paglarawan sa isang alimango sa tabing dagat. Ganito
rin ang kaso para sa sa ―Sitsiritsit Alibangbang‖, sapagkat parehas pa ring
pumapatungkol ang Tagalog at Ingles na salin sa paghihirap ng mga Pilipino dati.
Samantala, sa ―Pen Pen de Sarapen‖ naman ay parehong walang saysay ang paksa ng
awitin sa orihinal at naisaling teksto. Para naman sa awiting ―Magtanim ay ‗di Biro,‖ sa
kabila ng pagsalin nito ay nanatili pa rin ang orihinal na paksa nito na tungkol sa
pangaraw-araw na karanasan at paghihirap ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Ang paksa ng ―Ang Lobo Ko‖ ay makikita sa panlima at pang-anim na linya ng


kantang nagsasabing ―Sayang ang pera ko, pambili ng lobo‖ at ―I wasted my money to
buy a balloon‖. Para naman sa ―Tong tong tong tong‖, makikita ang paksa sa pangalawa
at pangatlong linya ng kantang nagsasabi ng ―Alimango, sa dagat malaki at masarap‖ at
―Crabs from the sea, so big and tasty‖. Para sa ―Sitsiritsit Alibiangbang‖, makikita ang
paksa sa huling linya ng pangalawa hanggang pang-apat na saknong: ―Kung ayaw mong
magpautang? Uubusin ka ng langgam‖; ―Pagdating sa Maynila, ipagpalit ng manika‖; at

21
―Pagdating sa Malabon, ipagpalit ng bagoong‖. Sa Ingles na salin: ―Why don‘t you give
me credit? The ants will devour you‖; ―When you get to

Manila, exchange him for a doll‖; at ―When you get to Malabon, echange him for
fish paste‖. Ang kantang ―Pen Pen de Sarapen‖ naman ay walang saysay ang paksa
sapagkat gumamit lamang ito ng mga salitang may tugmaan. Sinusuportahan ito ng
website na IlocandaTreasures na nagsasabing counterpart ng kantang ―Eeny Meeny Miny
Mo‖ ang ―Pen Pen de Sarapen‖. Ang ―Eeny Meeny Miny Mo‖, ayon sa website, ay para
lamang sa pagpili ng taya. Para sa huling kanta naman, ang ―Magtanim ay ‗di Biro,‖
makikita ang paksa sa unang linya ng pangalawang saknong nagsasabing ―Magtanim ay
‗di biro‖ at ―Planting rice is not a joke‖.

Sa kalahatan, walang nag-iba sa paksa ng mga piling awiting bayan pagkatapos


ng pagsasalin. Nanatiling matapat sa orihinal na paksa ang naisaling mga kanta sapagkat
kapareho pa rin ng mga Ingles na bersyon ang paksa ng mga Tagalog na awiting bayan.
Nanatili pa rin ang orihinal na nilalaman at sensibilidad ng mga teksto, na ayon kay Nida
(123) ay kailangan sa isang salin.

Layunin

Ayon sa Tagalog Dictionary, ang layunin ay ang ―pakay‖ o ―sadya‖ ng isang bagay.

Talahanayan 1.2 Ang mga nabago sa layunin ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles.

Mga Kanta Filipino Ingles


1. Ang Lobo Ko Nais ng awit na bigyang-diin Nais pa ring bigyan-diin ng
ang halaga ng pera. Ingles na salin ang halaga
ng pera.

22
2. Tong tong tong Layunin ng awit na ilarawan Layunin pa rin ng Ingles na
tong ang pagkumpas ng isang salin ang ilarawan ang isang
malaking alimango sa tabing- malaking alimango sa
dagat. tabing-dagat.
3. Sitsiritsit Layunin ng awiting ito na Layunin pa rin ng Ingles na
Alibangbang ipakita kung paano salin ng ―Sitsiritsit
namumuhay ang mga Alibangbang‖ ang ipakita
mahihirap na Pilipino. Ang ang panunudyo ng mga
kultura ng paghihirap ng mga Pilipino sa kanilang sariling
Pilipino noon ay binubuo ng mahirap na pamumuhay
paghabilin at pagsanla ng mga noong unang panahon.
magulang sa kanilang mga
anak, para sa isang munting
kapalit.
4. Pen Pen de Ang awit na ito ay ginagamit Layunin pa rin ng Ingles na
Sarapen upang makapili ng taya sa ―Pen Pen de Sarapen‖ ang
isang laro. mamili ng taya sa isang
laro.
5. Magtanim ay Nais iparating ng awitin na Nais pa ring iparating ng
‗di Biro hindi madaling trabaho ang Ingles na salin ng
pagtatanim o pagsasaka, lalo ―Magtanim ay ‗di Biro‖ na
na‘t dahil maghapon nakayuko hindi madaling trabaho ang
ang mga nagawa nito. pagsasaka.

Inilahad sa Talahanayan 1.2 ang mga nabago sa layunin ng mga piling awiting
bayang isina-Ingles. Nanatili sa lahat ng awitin ang kanilang orihinal na layunin sa kabila
ng pagsasalin sa mga ito. Ang ―Ang lobo ko‖ ay nais pa ring bigyang-halaga ang pera;
ang ―Tong tong tong tong‖ ay nais pa ring ilarawan ang mga alimango sa tabing dagat;

23
ang ―Sitsiritsit Alibangbang‖ ay nais pa ring isalamin ang pamumuhay ng mga mahihirap
na Pilipino noon; ang ―Pen Pen de Sarapen‖ ay pampili pa rin ng taya sa isang laro; at
ang ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ay nais pa ring iparating na hindi madaling trabaho ang
pagsasaka.

Sa kalahatan, walang nagbago sa isinaling awiting bayan kung ikukumpara ang


layunin ng mga ito sa orihinal. Pareho ang layunin ng mga orihinal na awiting bayan sa
layunin ng kanilang mga Ingles na salin. Gaya ng Talahanayan 1.1, nanatiling mahusay at
matapat ang salin sa orihinal na teksto.

Nasusuportahan ni Nida (123) ang kahusayan ng salin sapagkat ayon sa kaniya,


mahusay ang isang salin kung kaparehong-kapareho ng layunin nito ang layunin ng
orihinal na teksto. Samantala, masusuporta ni Miaomiao (29) ang pagiging matapat ng
salin sa orihinal na teksto sapagkat napanatili ng salin ang pokus ng teksto.

Mensahe

Ayon sa Tagalog Dictionary, ang mensahe ay ang ―pahatid,‖ ―pasabi,‖ o ―bilin‖


ng isang bagay.

Talahanayan 1.3 Ang mga nabago sa mensahe ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles.

Mga Kanta Filipino English


1. Ang Lobo Ko Masasabing ang mensahe o Ang mensahe ng Ingles na
nais ipahatid ng awiting ―Ang salin ng ―Ang Lobo Ko‖ ay
Lobo Ko‖ sa mga tagapakinig nanatiling ukol sa
nito ay ang pangangailangan pagpapaalam sa mga
sa pagiging maingat sa pera. tagapakinig nito ang
Taglay ng mensahe nito na pangangailangan sa
ang paggastos ng pera, kung pagiging maingat sa pera.

24
hindi gagawin sa tamang
paraaan, ay maaaring
magdulot sa panghinayang
nang tulad ng naranasan ng
lalaki sa awitin.
2. Tong tong Mensahe ng ―Tong tong tong Ang mensahe ng Ingles na
tong tong tong‖ na lahat ng bagay na salin ng ―Tong tong tong
kapakipakinabang ay mahirap tong‖ ay nanatiling: lahat
matamo sa una. ng bagay na kapaki-
pakinabang ay mahirap
matamo sa una.
3. Sitsiritsit Masasabing ang mensahe ng Nanatiling ukol sa
Alibangbang ―Sitsiritsit Alibangbang‖ ay pangangailangang
ang pangangailangang matutunan ng tao kung
matutunan ng tao kung paano paano magpautang at
magpautang at magpayaman, magpayaman ang
upang hindi maranasan ang mensahe ng Ingles na
mga pinagdaanan ng mga salin ng ―Sitsiritsit
tauhan sa awitin. Alibangbang‖.
4. Pen Pen de Walang malalim na mensahe Nanatiling walang
Sarapen ang ―Pen Pen de Sarapen,‖ mensahe ang Ingles na
sapagkat ang mga salitang salin ng ―Pen Pen de
ginamit dito ay walang Sarapen‖ sapagkat ang
direktang relasyon sa isa‘t isa, mga salitang ginamit ditto
at binase lamang sa tugmaan ay walang relasyon sa
ng mga tunog. isa‘t isa at magkakatugma
lamang.

25
5. Magtanim ay Dala ng awitin ang mensaheng Nanatiling mensahe ng
‗di Biro huwag ibalewala ang mga Ingles na salin ng
magsasaka ng bansa. ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ang
Nakapaloob sa mensahe nito dapat na pag-iwas sa
na huwag dapat ibalewala ang pagbabalewala sa mga
mga magsasaka dahil araw- magsasaka sapagkat sila
araw silang kumakayod sa ang mga trabahador na
bukiran sa kabila ng kasakitan araw-araw kumakayod.
at pagkangalay na kanilang
nararanasan.

Inilahad sa Talahanayan 1.3 ang mga nabago sa mensahe ng mga piling awiting
bayang isina-Ingles. Muling nanatili sa lahat ng mga awitin ang mga mensaheng dala ng
mga ito, sa kabila ng pagsasa-Ingles. Para sa ―Ang Lobo Ko,‖ mensahe pa rin nitong
maging maingat sa paggastos ng pera; ang ―Tong tong tong tong‖ ay mayroon pa ring
mensaheng lahat ng bagay na kapakipakinabang at mahirap kunin sa una; ang ―Sitsiritsit
Alibangbang‖ ay ukol pa rin sa kahalagahan ng pagpapautang at pagpapayaman; ang
―Pen Pen de Sarapen‖ ay wala pa ring malalim na mensahe; at ang ―Magtanim ay ‗di
Biro‖ ay may mensahe pa ring huwag ibalewala ang mga magsasaka ng bansa.

Mahihinuha ang mga mensahe ng mga awiting bayan pagkatapos basahin ang
mga ito at pagkatapos isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang posibleng mga
simbolismo sa kanta. Walang partikular na mga linyang agad na nagpahiwatig ng
mensahe ng mga awitin. Halimbawa na rito ang sa awiting ―Ang Lobo Ko‖. Sinabi sa
orihinal na awitin na ―Sayang ang pera ko, pambili ng lobo, kung pagkain sana, nabusog
pa ako‖. Samantala, sinabi sa Ingles na salin na ―I wasted my money to buy a balloon, If I
bought food instead, I would have been full‖. Mula sa mga linyang ito, mahihinuhang
mensahe ng kanta ay ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pera sapagkat sinasabi ng

26
kumakanta na kung bumili nalang sana siya ng pagkain ay mas nagkaroon pa sana siya
ng pakinabang doon.

Sa kalahatan, walang pinagkaiba ang mensahe ng orihinal na awitin sa isinaling


awitin. Ito ay dahil gaya ng sa paksa at layunin, nanatiling tapat ang mga salin sa nais
iparating ng mga orihinal na awitin.

Estruktura

Para sa pag-aaral, ang estruktura ay pumapatungkol sa sukat, tugma, at


talinhagang taglay ng mga awitin. Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod,
ang tugma ay ang katangian ng mga awiting magkaroon ng mga taludtod na nagtatapos sa
parehong pantig, at ang talinhaga ay ang maaaring dalang simbolo ng mga piling awiting
bayan.

Talahayanan 1.4 Ang mga nabago sa sukat ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles

Mga Kanta Filipino Ingles


1. Ang Lobo Ko 6-6-6-6-6-6-6-6 5-5-6-6-6-6-6-6
2. Tong tong tong tong 4-5-7-7-6-7-4-5 4-5-4-5-6-3-4-5
3. Sitsiritsit 8-8-8-8-8-8-8-8-8-8-8-8-8- 5-4-6-6-7-5-7-6-7-6-7-5-
Alibangbang 8-8-8 9-8-7-6
4. Pen Pen de Sarapen 6-8-6-3-11-11 6-7-6-1-7-5
5. Magtanim ay ‗Di 7-7-7-7-7-7-7-8-7-7-7-8-7- 7-8-6-8-6-7-7-8-7-7-7-7-
Biro 8-8-7 7-7-7-7

27
Inilahad sa Talahanayan 1.4 ang mga nabago sa sukat ng bawat kanta. Natukoy
ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapantig ng bawat linya. Halimbawa na rito ang sa
awiting ―Ang Lobo Ko‖: Ang unang linya ay mahahati sa A-Ko- ay may lo-bo, at kung
bibilangin, anim ang pantig nito. Ganito rin ang naging paraan sa pagbilang ng sukat ng
ibang mga linya ng lahat ng awiting bayan. Kaya naman, sa unang kantang ―Ang Lobo
Ko‖, mayroong tig-aanim na sukat bawat linya. Samantala, ang Ingles na salin naman
nito ay mayroong 5-5-6-6 na sukat sa unang saknong at 6-6-6-6 sa ikalwang saknong.
Bilang patunay, makikita ang limang pagpapantig sa 5-5-6-6 na sukat sa Ingles na salin
sa linya ng kanta na ―I have a ba-lloon‖. Para naman sa Tagalog na bersyon ng ―Tong
tong tong tong‖, mayroong 4-5-7-7 na sukat sa unang saknong. Makikita sa unang linya
na ―Tong tong tong tong‖ ang tig-aapat na pantig sa 4-5-7-7 na sukat sa unang saknong at
ang lima pagpapantig ay makikita mula sa linyang ―Pakitong-kitong‖. 6-7-4-5 naman ang
sukat para sa ikalawang saknong. Para sa Ingles na salin ng ―Tong tong tong tong‖,
gumamit ito ng 4-5-4-5 na sukat sa unang saknong. Makikita ang apat na pagpapantig sa
linyang ―Crabs from the sea‖ at ang tig-lilima na pagpapantig sa ―So big and tas-ty‖. 6-3-
4-5 naman ang sukat sa ikalawang saknong.

Para naman sa Tagalog na bersyon ng ―Sitsiritsit Alibangbang‖, ang sukat ay


wawalong pantig sa bawat linya. Mapapatunyan ito gamit ang unang dalawang linya ng
awit na ―Sit-si-rit-sit A-li-bang-bang‖ at ―sa-la-gin-to, sa-la-gu-bang‖. Kung bibilangin
ito ay tig-wawalong pantig ang bawat bilang. Ang Ingles na salin naman nito ay naging
5-4-6-6 ang sukat sa unang saknong, at mapapatunayan gamit ang linya na ―Yo! Yo! Bu-
tter-fly, June bug, gold bug‖ at ―The wo-man on the block, struts like a pea-cock‖.
Samantala, 7-5-7-6 naman ang sukat sa ikalawa, 7-6-7-5 sa ikatlo, at 9-8-7-6 sa ika-apat
na saknong. Sa Tagalog na bersyon ng ―Pen pen de Sarapen‖, ang mga linya na ―Pen pen
de sa-ra-pen, de kut-sil-yo de al-ma-sen, haw haw de ca-ra-bao, ba-tu-tin‖ ay mayroong
6-8-6-3 na sukatan. Sa ikalawa naman na saknong ay mayroong 11-11 na sukat.
Pagdating sa Ingles na salin nito, gumamit ito ng 6-7-6-1 na sukat sa unang saknong at
bilang patunay, makikita ito sa linya na ―Pen pen from Sa-ra-pen, knife from the de-part-

28
ment store, how how the ca-ra-bao, stinks!‖ Sa ikalawang saknong, meron itong 7-5 na
sukat. Para naman sa Tagalog na bersyon ng ―Magtanim ay ‗Di Biro‖, mayroong 7-7-7-7
na sukat sa unang saknong. Mapapatunayan ito gamit ang unang saknong na ―Mag-ta-
nim ay di bi-ro, mag-ha-pong na-ka-yu-ko, di -man ang ma-ka-ta-yo, di man lang ma-ka-
u-po‖. Sa ikalawang saknong naman ay mayroon itong 7-7-7-8 na sukat, 7-7-7-8 sa
ikatlo, at 7-8-8-7 sa ika-apat. Samantala, sa Ingles naman na salin nito, ang saknong na
―Plan-ting rice is ne-ver fun, bent from morn ‗til the set of sun can-not stand, can-not sit,
can-not rest for a lit-tle bit‖, 7-8-6-8 na sukat sa unang saknong, 6-7-7-8 sa ikalawa, 7-7-
7-7 sa ikatlo, at 7-7-7-7 muli sa ika-apat.

Kung susundin ang pamantayan ni Miaomiao (29) na nagsasabing mas semantiko


ang naisaling teksto kung ibinabalewala nito ang tugmaan, masasabing ang mga teksto ay
nagtataglay ng semantikong aspeto.

Talahayanan 1.5 Ang mga nabago sa tugmaan ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles

Mga Kanta Filipino Ingles


1. Ang Lobo Ko A-B-C-C-A-A-C-A Walang tugmaan
2. Tong tong tong A-A-B-B-C-B-A-A A-A-B-B-C-D-A-A
tong
3. Sitsiritsit A-B-A-B-B-A-B-C-C-C-C- Walang tugmaan
Alibangbang D-D-D-D
4. Pen pen de A-A-B-A-C-D Walang tugmaan
Sarapen
5. Magtanim ay A-A-A-A-B-B-B-B-C-C-C- A-A-B-B-C-D-E-E-F-F-G-G-
‗Di Biro C-D-D-D-D H-H-I-J

29
Inilahad sa Talahanayan 1.5 ang mga nabago sa tugmaan ng bawat awitin.
Natukoy ang tugmaan sa bawat kanta sa pamamagitan ng pagtatalaga ng letra sa bawat
linyang nagtatapos sa parehong tugma. Halimbawa na rito ang sa awiting ―Ang Lobo
Ko‖. Sa Tagalog na awitin, ganito ang naging tugmaan:

Ako ay may lobo


Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala

Masasabing ang tugmaan sa mga linya ay A-B-C-C sapagkat ang natatanging


magkakatugma ay ang pangatlo at pang-apat na linya, kung kaya‘t parehas sila ng letra sa
pagtatalaga ng tugmaan. Masasabi namang walang tugmaan ang isang kanta kung wala sa
mga dulong pantig ng kanilang mga linya ay magkatunog. Kaya naman, sa unang
kantang ―Ang Lobo ko‖, sinasabing mayroon itong A-B-C-C-A-A-C-A na tugma.
Samantala, ang Ingles na salin naman nito ay nawalan ng tugma. Makikita ito sa unang
saknong:

I have a balloon
That flew to the sky
I did not notice
It already popped

Mula sa unang linya patungo sa huling linya ng saknong, makikita na walang


nakatalaga na tugmaan sa huling letra ng mga salita. Dahil dito, masasabi na walang
tugmaan ang Ingles na salin ng ―Ang Lobo Ko‖. Para naman sa Tagalog na bersyon ng
―Tong tong tong tong‖ ay mag A-A-B-B-C-B-A-A na sukat. Makikita ito sa unang
saknong:

30
Tong, tong, tong, tong
pakitong-kitong
Alimango sa dagat
malaki at masarap!

Makikita na sa una at ikalawang linya na parehas ang huling letra na pagtatalaga


ng tugmaan, habang ang sumunod naman na dalawang linya ay magkaparehas rin ang
huling letra na pagtatalaga ng tugmaan. Para sa Ingles na salin ng ―Tong tong tong tong‖,
A-A-B-B-C-D-A-A naman ang naging tugmaan ng salin. Ito ay makikita sa unang na
saknong:

Tong, tong, tong, tong,


pakitong-kitong
Crabs from the sea,
So big and tasty

Kung saan ang A-A na tugma ay makikita sa unang dalawang linya at ang B-B na
tugma ay makita sa hulang dalawang linya ng awit. Para naman sa Tagalog na bersyon ng
―Sitsiritsit Alibangbang‖, ito ay:

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri‘y parang tandang

Makikita na mayroon itong tugmaan na A-A-B-A-B-A-B-C-C-C-C-D-D-D-D. Sa


una at ikalawang linya ay magkaparehas ang pagtatalaga ng tugmaan. Sa kabila ng
pagkaroon ng kaunting pagbabago sa tugmaan mula sa naunang tugmaan sa ikatlomg
linya, muli naman ginamit ang talaga na tugmaan na mula sa naunang dalawang linya ng
awit para sa huling linya. Ang Ingles na salin naman ay karamihan na nawalan ng
tugmaan. Makikita ito sa unang saknong:

31
Yo! Yo! Butterfly,
Goldbug, june bug
The woman on the block
She struts like a peacock

Kung saan ag unang dalawang linya ay walang talagang tugmaan sa huling letra
ng mga salita, habang ang huling dalawang linya ay mayroong magkaparehas na
tugmaan. Sa Tagalog na bersyon ng ―Pen pen de Sarapen‖, ang tugmaan nito ay A-A-B-
A-C-D. Kung titignan ang unang saknong:

Pen pen de sarapen,


de kutsilyo de almasen
Haw, haw de karabaw
Batutin.

Ang A-A na tugmaan ay makikita sa unang dalawang linya habang ang B-A na
tugmaan ay makikita sa huling dalalwang linya. Pagdating sa Ingles na salin nito, nawala
rin ang tugmaan. Makikita ito sa unang saknong ng Ingles na salin:

Pen, pen from Sarapen,


Knife from department store
How, how the carabao*
Stinks!

Kung susuriin, makikita na walang talaga na tugmaan sa kahit anong linya. Para
naman sa Tagalog na bersyon ng ―Magtanim ay ‗Di Biro‖,‖, and tugmaan nito ay A-A-A-
A sa unang saknong, B-B-B-B sa ikalawa, C-C-C-C sa ikatlong, at D-D-D-D sa ika-apat.
Bilang patunay, nakalahad ang unang saknong sa susunod:

32
Magtanim ay 'di biro
Maghapong nakayuko
'Di man lang makatayo
'Di man lang makaupo.

Samantala, sa Ingles naman na salin nito, ang tugmaan ng unang saknong ay A-B-
C-D, sumunod ang E-F-G-G, ang H-H-I-I sa ikatlo, at ang J-J-K-K naman sa ika-apat, L-
L-M-M naman sa ika-lima. Makikita ito sa unang saknong ng awit:

Planting rice is never fun


Bent from morn 'til the set of sun
Cannot stand, cannot sit
Cannot rest for a little bit.

Kung saan ang A-A-B-B na tugmaan ay makikita sa huling letra ng mga linya sa
unang saknong habang ang mga natitira na saknong ay mayroong C-D-E-E-F-F-G-G-H-
H-I-J na tugmaan sa huling letra.

Talahayanan 1.6 Ang mga nabago sa talinhaga ng mga piling awiting bayang isina-
Ingles

Mga Kanta Filipino Ingles


1. Ang Lobo ko Walang talinhaga Walang talinhaga
2. Tong tong tong Walang talinhaga Walang talinhaga
tong

33
3. Sitsiritsit Gumamit ng talinhagang Gaya ng nauna, mayroon
Alibangbang pagtutulad sa linyang ―parang itong talinhaga na pagtutulad
tandang,‖ na sa linyang ―parang tandang‖
nangangahulugang parang na ibig sabihin ay parang
isang tandang kung isang tandang kung
kumumpas ay malandi. kumumpas ay malandi.
4. Pen pen de Walang talinhaga Walang talinhaga
Sarapen
5. Magtanim ay Gumamit ito ng metonymy sa Gumamit ito ng talinhagang
‗Di Biro ika-18 na linyang ―nang pagtutulad sa ika-6 na linyang
inianak sa hirap‖ sapagkat ―The whole day you‘re bent
hindi tuwirang iniugnay nito like an ox,‖ sapagkat
ang pagiging magsasaka sa inihalintulad sa baka ang
pagiging mahirap. pagkayukong nararanasan ng
isang magsasaka.

Mayroon ding isa pang


talinhaga sa ika-12 na linyang
nagsasabi ng ―six to six‖
sapagkat nagpapakita ito ng
pagmamalabis.

Inilahad sa Talahanayan 1.6 ang mga talinghaga ng bawat kanta at ang nagbago sa
mga ito nang isinalin ito sa Ingles. Sa unang kantang ―Ang Lobo Ko‖, walang talinhaga
na nagamit para sa Tagalog na bersyon. Samantala, ang Ingles na salin naman niyo ay
nanatili ang kawalan ng talinghaga. Para naman sa Tagalog na bersyon ng ―Tong tong
tong tong‖, hindi rin ito gumamit ng anumang talinhaga. Para sa Ingles na salin ng ―Tong
tong tong tong‖, nanatili rin ang kawalan ng talinhaga. Para naman sa Tagalog na bersyon

34
ng ―Sitsiritsit Alibangbang‖, gumamit ito ng pagtutulad na talinhagang makikita sa
linyang ―parang tandang‖ na ibig sabihin ay malandi kung gumalaw. Nang isalin ito sa
Ingles, nanatili ang pagtutulad na talinhaga nito, dahil sa linyang ―She struts like a
peacock‖. Sa Tagalog na bersyon ng ―Pen pen de Sarapen‖, hindi dito gumamit ng
talinhaga. Pagdating sa Ingles na salin nito, nanatili parin ang kawalan ng talinhaga. Para
naman sa Tagalog na bersyon ng ―Magtanim ay ‗Di Biro‖, gumamit ito ng talinhagang
metonymy sa ika-18 na linya nang iniugnay nito ang pagiging magsasaka sa pagiging
mahirap sa linyang ―nang inianak sa hirap‖. Samantala, sa Ingles naman na salin nito,
nawala ang orihinal na talinhaga nito, ngunit makikitang nagkaroon ito ng pagtutulad sa
ika-6 na linya nang inihalintulad sa baka ang pagyuko ng mga magsasaka sa maghapon.
Mayroon din itong isa pang talinhagang nagsasabi ng ―six to six‖ sa ika-12 na linya.
Nagpapahiwatig ito ng pagmamalabis sa mga magsasaka, dahil sinasabi nitong buong
araw nagtatrabaho ang mga ito nang walang tigil.

Sa kalahatan, maraming pinagkaiba sa estruktura ang orihinal at isinaling bersyon


ng mga kanta. Makikitang pinakanag-iba ang pagtutugma ng mga kanta sapagkat panay
nawala ang pagtutugma nang isinalin ang mga awit sa Ingles. Maaaring ito ay dahil mas
isinaalang-alang ng tagasalin sa pagsasa-Ingles ang pagpapanatili sa orihinal na wikang
ginamit sa kanta, kahit na isinasakripisyo nito ang pagtutugma. Ang pagbabalewala sa
tugma ay isang tanda ni Miaomiao (29) sa semantikong pagsasalin.

Tamang paggamit ng Salita

Para sa pag-aaral, ang tamang paggamit ng salita ay pumapatungkol sa angkop na


paggamit ng gramatika sa mga piling awiting bayan.

35
Talahanayan 2 Ang mga salita sa awiting bayan na hindi angkop sa tamang
paggamit ng mga salita.

1. Ang Lobo Ko Ika-4 na linya: Walang maling gamit ng


―Pambili‖ ang ginamit sa halip salita sa naisaling ―Ang
na ―pinambili‖. Lobo Ko‖.
2. Tong tong tong Walang maling gamit ng salita Unang linya:
tong sa orihinal na ―Tong tong tong ―Tong tong tong tong,
tong‖. pakitong-kitong‖ ang
ginamit sa halip ng mas
angkop na tunog gaya ng
―click‖ o ―clack‖.

Ika-4 na linya:
Ang paggamit nito sa
panghalip na ―it‖ sa
pagtukoy ng mramihang
pangngalan.

36
3. Sitsiritsit Walang maling gamit ng salita Unang linya:
Alibangbang sa ―Sitsiritsit Alibangbang‖. Ang ―sitsiritsit‖ ay naging
―yo! yo!‖ sa halip na
maging ―pssst!‖ o ―hey!‖.

Ika-4 na linya:
Ang ―tandang‖ ay naging
―peacock‖ sa halip na
maging ―rooster‖.

Ika-5 linya:
Ang ―Santo Niño‖ ay
naging ―Holy Child‖ sa
halip na manatiling ―Santo
Niño‖.

Ika-6 na linya:
Ginamit ang salitang
―cookies‖ sa halip na
panatilihin ang ―puto seko,‖
isang pagkaing natatangi sa
bansa.

Ika-7 linya:
Ang linyang ―Kung ayaw
mo magpautang‖ ay dapat
―If you don‘t give me
credit?‖.

37
4. Pen Pen de Walang maling gamit ng salita Ikalawang linya:
Sarapen sa ―Pen pen de Sarapen‖ Ang ―almasen‖ ay naging
sapagkat wala naman itong ―department store‖ sa halip
partikular na paksa, layunin, at na maging ―warehouse‖.
mensahe.
5. Magtanim ay Walang maling gamit ng salita Pamagat:
‗di Biro sa orihinal na ―Magtanim ay Ang ―Magtanim ay ‗di
‗di Biro‖. Biro‖ ay naging ―Planting
Rice Is Not A Joke‖.

Ika-6 na linya:
Ang ―maghapong
nakayuko‖ ay naging ―the
whole day you‘re bent like
an ox!‖ kahit na walang
―ox‖ o bakang nabanggit.

Ika-12 na linya:
Ang ―sa pagkababad sa
tubig‖ ay naging ―soaked in
water, six to six,‖ kahit na
walang oras na nabanggit.

Inilahad sa Talahanayan 2 ang mga salita sa orihinal at isinaling awiting bayan na


hindi angkop sa tamang paggamit. Una, sa orihinal na ―Ang Lobo Ko,‖ mayroong isang
maling gamit ng salita, at makikita ito sa pang-anim na linyang nagsasabing ‗Pambili ng
lobo‘. Mayroon itong pagkakamali sapagkat dapat palitan ng ‗pinambili‘ ang ‗pambili‘

38
upang sumang-ayon sa naunang linyang nagsasabing ‗Sayang ang pera ko‘. Samantala,
walang maling gamit ng salita sa naisaling ―Ang Lobo Ko‖.

Sa orihinal naman na ―Tong tong tong tong,‖ walang maling gamit ng salita,
ngunit sa naisaling bersyon nito ay mayroong dalawang maling gamit. Una, sa linyang
―Tong tong tong tong, pakitong-kitong‖; at pangalawa, sa paggamit nito sa panghalip na
‗it‘ sa pagtukoy sa maraming alimango. Mali ang linyang ―Tong tong tong, pakitong-
kitong‖ kahit na paggaya lamang sa tunog ng mga sipit ng alimango, sapagkat kung
isasalin ito sa Ingles, mas naaayong gamitin ang ‗click‘ o ‗clack‘ upang maging katugon
ng wikang Ingles. Samantala, ang paggamit ng panghalip na ‗it‘ imbis na ‗they‘ sa
pagtukoy ng mga alimango ay isa pang pagkakamali sa naisaling awitin. Sa halip na ―It‘s
difficult to catch, ‗cause it bites,‖ dapat ay ―They‘re difficult to catch, ‗cause they bite‖.

Ang pangatlong awiting ―Sitsiritsit Alibangbang‖ naman ay panay mali ang salin,
ngunit sa orihinal na bersyon ay wala namang pagkakamali. Isa na sa mga maling salin ay
ang ―puto seko‖. Makikita sa pang-anim na linya ng kanta, ang puto seko ay isang
pagkaing Pilipino, ngunit para maintindihan ng mga taong Ingles ang kanta, isinalin ang
puto seko sa ―cookies‖. Bunsod nito, nawala ang taglay na kultura ng kanta. Dagdag pa
sa nasabi, ang mga sumusunod ay ang mga nagtataglay ng maling paggamit ng salita: 1)
ang ―sitsiritsit‖ sa unang linya ay naging ―yo! yo!‖ sa halip na maging ―pssst! pssst!‖ o
―hey! hey!‖; 2) ang ―tandang‖ sa pang-apat na linya ay naging ―peacock‖ sa halip na
maging ―rooster‖; 3) ang ―Santo Niño‖ sa panlimang linya ay naging ―Holy Child‖ sa
halip na manatiling ―Santo Niño‖; at 4) ang pampitong linyang nagsasabing ―Kung ayaw
mo magpautang?‖ ay naging ―Why don‘t you give me credit?‖ sa halip na maging ―If you
don‘t give me credit?‖.

Para naman sa awiting ―Pen Pen de Sarapen,‖ mayroon itong pagkakamali sa


pagsalin nito ng ―almasen‖ sa pangalawang linya sa ―department store,‖ sa halip na
maging ―warehouse‖. Wala pa ring kabuluhan ang kanta, kung kaya‘t hindi
mahuhusgahan kung tama ba o mali ang taglay na gramatika nito.

39
Ang huling awiting ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ay walang mali sa orihinal na
bersyon nito, ngunit maraming mali pagdating naman sa isina-Ingles na bersyon. Isa na
rito ang pamagat mismo ng awitin. Mula sa ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ay ginawa ng
tagasaling ―Planting Rice Is Not A Joke‖ ang pamagat kahit walang salitang ―kanin‖ o
―bigas‖ sa orihinal na teksto. Ito ay dahil ―rice‖, na sa Tagalog ay ―kanin‖, ang
pinakamabentang ani ng mga magsasaka sa Pilipinas, at sa paggamit nito ay mas naging
buo ang diwa ng pamagat. Samantala, ang mga sumusunod ay ang iba pang mga
pagkakaibang makikita sa orihinal at naisaling teksto: 1) sa pang-anim na linya, ang
―maghapong nakayuko‖ ay naging ―the whole day you‘re bent like an ox!‖ kahit na
walang ―ox‖ o ―baka‖ ang nabanggit sa taludtod; at 2) ang panlabindalawang linyang ―sa
pagkababad sa tubig‖ ay naging ―soaked in water, six to six.‖ Nadagdagan ng pariralang
―six to six‖ ang salin kahit na walang partikular na oras na nabanggit sa orihinal na
awitin, sapagkat ipinapahiwatig ng ―six to six‖ na mula umaga hanggang gabi ay
nakababad sa tubig ang mga magsasaka.

Sa kalahatan, walang pinagkaiba ang paksa, layunin, at mensahe sa orihinal at


naisaling teksto sapagkat itinumbas ng tagasalin ang nais na ipahiwatig ng bawat kanta.
Ngunit, pagdating naman sa estruktura at angkop na gamit ng salita sa kanta ay maraming
nag-iba. Kung susundin ang pamantayan ni Miaomiao (29), ito ay dahil mas isinaalang-
alang ng tagasalin ang pagpapanatili ng komunikatibong aspeto ng mga piling awiting
bayan, kung saan mas binibigyang-halaga ang layunin ng isinasalin. Ang semantikong
aspeto ng mga awitin, kung saan mas binibigyang-halaga ang tamang gramatika, ay hindi
gaanong ipinalagay. Ngunit, ang pagbabalewala sa pagtutugma na isa muling
semantikong aspeto ay isinaalang-alang naman.

Komunikatibo o semantikong salin

Sa pamamagitan ng talahanayan, susuriin ng mga mananaliksik kung ang


pagsasalin ng mga piling awiting bayan ay mas sumunod ba sa komunikatibo o
semantikong pagsasalin. Ang teoryang gagamitin ay batay sa Dual Theory of Semantic

40
and Communicative Methods of Translation, na siya namang gagamitan din ng mga
pamantayan ni Miaomiao (29). Sa semantikong mga salin, isinasaalang-alang ang mga
sumusunod: literal na pagsalin sa mga salita nang hindi ipinapalagay ang tamang
gramatika, at pagbalewala sa pagtutugma. Samantala, sa komunikatibong mga salin ay
isinasaalang-alang ang mga sumusunod: paggamit ng mga talinhaga sa halip ng orihinal
na parirala, at ang pagiging matapat sa pokus ng teksto sa kabila ng wika nito.

Talahanayan 3 Pag-uuri sa mga piling isinaling awiting bayan base sa teorya ni


Newmark at mga pamantayan ni Miaomiao.

Mga Isinaling Kanta Komunikatibo Semantiko


Paggamit ng Pagiging Literal na Pagbabalewala
mga talinhaga matapat sa pagsasalin sa sa tugma
pokus ng mga salita
teksto
1. Ang Lobo Ko
  
2. Tong tong
  
tong tong
3. Sitsiritsit
  
Alibangbang
4. Pen Pen de
  
Sarapen
5. Magtanim ay
 
‗di Biro

Ang mga kantang ―Ang Lobo Ko‖, ―Tong tong tong tong‖, ―Sitsiritsit
Alibangbang‖, at ―Pen Pen de Sarapen‖ ay pare-parehong nagpakita ng mas
nangingibabaw na semantikong aspeto. Ito ay dahil ang apat na awiting bayan ay

41
nagpakita ng literal na pagsasalin sa mga salita, at pagbabalewala sa tugma. Napanatili
rin ng mga kanta ang pagiging tapat sa pokus ng teksto, ngunit hindi napanatili ng mga
ito ang pagkakaroon ng talinhaga, kung kaya‘t mas nangibabaw ang pagiging semantiko.
Makikita sa mga nakaraang talahanayan ang patunay rito, sapagkat ang pagiging tapat sa
teksto ay may kinalaman sa pagpapanatili ng paksa, layunin, at mensahe ng orihinal na
teksto. Lahat ng mga piling awiting bayan ay nagpakita ng parehong paksa, layunin, at
mensahe, sa orihinal na teksto. Samantala, ang kantang ―Magtanim ay ‗di Biro‖ ay naiiba
naman sapagkat mas nangibabaw rito ang pagiging komunikatibo. Gumamit ito ng
talinhaga at naging tapat ito sa pokus ng orihinal na teksto, habang hindi ito nagpakita ng
literal na pagsasalin at pagbabalewala sa tugma. Mababakas sa mga nakaraang
talahanayan ang patunay rito, sapagkat mayroon itong tugmaan, at gumamit ito ng
talinhaga sa linyang ―nang inianak sa hirap‖ at ―the whole day you‘re bent like an ox‖.

Base sa nakalap na impormasyon, masasabing sa paghahalaw ng mga piling


awiting bayan ay mas isinasaalang-alang ang semantikong pagsasalin. Ito ay dahil apat sa
limang kanta ay nangibabaw sa pagkakaroon ng literal na pagsasalin sa mga salita at
pagbabalewala sa tugmaan, na ayon kay Miaomiao (29) ay dalawang tanda sa
semantikong pagsasalin na unang inimungkahi ni Newmark (3). Taliwas ito sa
panimulang haka ng grupo na nagsasabing mas naisasaalang-alang ang komunikatibong
pagsasalin sa paghahalaw ng mga awiting bayan tungo sa ibang lengguwahe.

42
Kabanata V: Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Layunin ng kabanatang itong mailahad ang buod, konklusyon at rekomendasyon


ng mga mananaliksik matapos nilang suriin ang kanilang mga nakalap na datos.

Buod

Ang pag-aaral ay ukol sa isang pagsusuri sa pagsasa-Ingles ng mga piling awiting


bayan: una, ang awit na ―Ang Lobo ko‖; ikalawa, ang awit na ―Tong tong tong tong‖;
ikatlo, ang ―Sitsiritsit Alibangbang‖; ikaapat, ang awiting ―Pen Pen de Sarapen‖; at
ikalima, ang awit na ―Magtanim ay ‗Di Biro‖. Sa partikular, layunin ng pag-aaral na
matukoy kung mayroon bang pagbabago sa paksa, layunin, mensahe, at estruktura ng
mga piling awiting bayan na isina-Ingles, at kung alin sa dalawang teorya ng pagsasalin
ni Newmark ang mas sinusunod sa pagsasalin ng mga awiting bayan.

Nalaman ng pag-aaral na sa mga piling awiting bayan, walang nagbago sa


kanilang mga paksa, layunin, at mensahe. Nangangahulugan itong nanatiling tapat ang
mga salin sa nais pag-usapan ng mga orihinal na bersyon ng mga awiting bayan, isang
patunay na mayroon ang mga kanta ng komunikatibong pamamaraan ng pagsasalin na
inimungkahi ni Newmark (3). Ito ay batay na rin sa pamantayan ni Miaomiao (29) na
nagsasabing ang isang salin ay komunikatibo kung naging tapat ito sa pokus ng
isinasaling teksto.

Samantala, pagdating naman sa estruktura, marami ang nagbago, lalo na sa sukat


at tugmaan ng mga salin. Patunay naman ito na ang mga salin din ay isinaalang-alang din
ang semantikong pamamaraan ni Newmark, sapagkat ayon kay Miaomiao (29), ang isang
salin ay semantiko kung ibinabalewala nito ang tugmaan. Kaunti naman ang nag-iba sa
talinhaga dahil iilan lang din sa mga Tagalog na awiting bayan ang mayroon nito. Para
naman sa pagpapanatili ng angkop na gamit ng mga salita, marami muli ang nag-iba sa
Ingles na salin.

43
Nalaman ng pag-aaral na bagama‘t nanatili ang orihinal na paksa, layunin, at
mensahe ng mga naisaling kanta, mas isinaalang-alang pala sa pagsasalin ang
semantikong pamamaraan ni Newmark dahil apat sa limang kanta ang nagpakita ng
literal na pagsasalin ng mga salita at pagbabalewala sa tugmaan. Ang dalawang
pamantayang nabanggit ay ang mga pamantayan ni Miaomiao sa pagtukoy kung ang
isang salin ba ay semantiko.

Konklusyon

Base sa mga nakalap na mga datos mula sa metodolohiya, natuklasan ng mga


mananaliksik ang mga sumusunod:

 Madalas ay napapanatili ng mga pagsasalin ang pokus ng mga orihinal na teksto sapagkat
kapag hindi ay mawawalan ng saysay ang salin.
 Pinakanag-iiba ang estruktura ng mga salin, partikular na ang kanilang mga sukat at
tugmaan, sapagkat hindi parating mayroong tiyak na katumbas ang paghahalaw ng mga
salita.
 Kumpara sa komunikatibong pamamaraan, mas isinasaalang-alang sa pagsasalin ng mga
piling awiting bayan ang semantikong pamamaraan ng pagsasalin ni Newmark.

44
Rekomendasyon

Ang pag-aaral ay may praktikal na aplikasyon sapagkat magsisilbing gabay ito sa


mga estudyanteng nais malaman ang tamang pamantayan sa pagsasalin. Ito ay sa
pamamagitan ng pagbase sa mga natagpuan ng pag-aaral ukol sa pagsasalin ng mga
awiting bayan. Dagdag pa rito, ang pag-aaral ay makatutulong sa hinaharap na mga
mananaliksik na nagnanais mag-aral pa ukol sa pagsasalin. Bagama‘t may praktikal na
maidudulot na ang pagsusuri sa pagsasa-Ingles ng mga piling awiting bayan, mayroon pa
ring natukoy na pagkukulang ang mga mananaliksik na nais nilang kilalanin para sa
ikabubuti ng hinaharap pang mga pag-aaral. Ang mga sumusunod ay ang rekomendasyon
ng mga mananaliksik upang mas magkaroon pa ng mas mahusay na pag-aaral:

 Maaaring magdagdag pa ng mas maraming kaugnay na literatura bilang basehan


para sa pananaliksik, upang mas mapabuti pa ang pag-aanalisa ng pagsasa-Ingles
ng mga piling awiting bayan.
 Maaaring damihan pa ang bilang ng susuriing mga awiting bayan upang makita
kung ang resulta ng pag-aanalisa ay mananatili bang semantiko, at kung hindi, ay
masagot kung bakit.
 Maaaring ibahin naman ang pokus ng pag-aaral upang makita kung parehas din ba
ang kalalabasan kapag isina-Filipino na mga awiting bayan ang susuriin.

45
Dahon Dagdag

“Ang Lobo Ko”/”My Balloon”

Tagalog Ingles
Ako ay may lobo I have a balloon
lumipad sa langit That flew to the sky
di ko na nakita I did not notice
pumutok na pala It already popped.
Sayang ang pera ko I wasted my money
pambili ng lobo To buy a balloon
kung pagkain sana If I bought food instead
nabusog pa ako. I would have been full.

“Tong tong tong tong”/”Tong tong tong tong”

Tagalog Ingles
Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong
Alimango, sa dagat Crabs from the sea,
malaki at masarap So big and tasty,
mahirap It's difficult to catch,
mahuli sapagkat nangangagat 'Cause it bites.
tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong. Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong.

46
“Sitsiritsit Alibangbang”/”Yo! Yo! Butterfly!”

Tagalog Ingles
Sitsiritsit, alibangbang Yo! Yo! Butterfly,
Salaginto, salagubang Goldbug, june bug
Ang babae sa lansangan The woman on the block;
Kung gumiri'y parang tandang She struts like a peacock*.

Santo Niño sa Pandacan Holy Child from Pandacan**


Puto seko sa tindahan. Cookies at the store.
Kung ayaw mong magpautang? Why don't you give me credit?
Uubusin ka ng langgam. The ants will devour you.

Mama, mama, namamangka Mister, mister, on the boat,


Pasakayin yaring bata Take this child for a ride.
Pagdating sa Maynila When you get to Manilla,
Ipagpalit ng manika Exchange him for doll.

Ale, ale namamayong, Lady, lady with the umbrella,


Pasukubin yaring sanggol Shelter this baby in the shade.
Pagdating sa Malabon When you get to Malabon,
Ipagpalit ng bagoong. Exchange him for fish paste.

47
“Pen Pen de Sarapen”/”Pen Pen de Sarapen”

Tagalog Ingles
Pen pen de sarapen, Pen, pen from Sarapen,
de kutsilyo de almasen Knife from department store
Haw, haw de karabaw How, how the carabao*
Batutin. Stinks!

Sipit namimilipit, ginto't pilak Pinching tongs, gold and silver


Namumulaklak sa tabi ng dagat. Blooming near the sea.

“Magtanim ay „Di Biro”/”Planting Rice Is Not A Joke”

Tagalog Ingles
Halina, halina, mga kaliyag, Come, dear fellow stewards of the earth,
tayo‘y magsipag-unat-unat. stretching muscles is good for the health.
Magpanibago tayo ng lakas, Let us pause so we can catch our breath,
para sa araw ng bukas. and then tomorrow back to work!

Magtanim ay di biro; Planting rice is not a joke;


maghapong nakayuko. the whole day you‘re bent like an ox.
Di naman makatayo; You cannot stand more than one bit;
di naman makaupo. till you‘re done you cannot sit.

Bisig ko‘y namamanhid; Oh, my arms, the feeling‘s gone;


baywang ko‘y nangangawit. and my waist, its tired and sore.
Binti ko‘y namimintig, My legs feel a thousand pricks,
sa pagkababad sa tubig. soaked in water, six to six.

48
Sa umaga pagkagising, Mornings when I wake and rise;
lahat ay iisipin. I tell myself to think, be wise
Kung saan may patanim, and pray to find some land to till,
may masarap na pagkain. so I can have a tasty meal.

Ay, pagkasawimpalad What a cruel destiny


ng inianak sa hirap. to be born in poverty
Ang bisig kung di iunat, If I don‘t work with my two arms,
di kumita ng pilak I won‘t earn a single dime.

49
Mga Sanggunian

Armalio, Virgilio. Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa Baguhan.


Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2016.
Bell, Tony. ―Champion of the study of translation.‖ The Guardian, 28 September 2011,
https://www.theguardian.com/education/2011/sep/28/peter-newmark-obituary.
Buban, Raquel. ―Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga‖,
Pamantasang De La Salle, Tomo 26, Blg. 2, pp. 117-127, 2014. De La Salle
University, http://0-
eds.b.ebscohost.com.lib1000.dlsu.edu.ph/eds/pdfviewer/pdfviewer?vid=3&sid=87
707c5-a99f-4471-8812-af124d884315%40sessionmgr102. Nakuha Oktubre 23,
2018.
Coroza, Michael. "Ang Pampanitikan sa pagsasalin", n.d., http://panitikan.ph/wp-
content/uploads/2018/03/ANG-PAMPANITIKAN-SA-PAGSASALIN-2018.pdf.
Correa, Ramilito.‖ Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda-
dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo:
Mga Patunay na 'Moog' ng Pagka-Pilipino‖, Pamantasang De La Salle, Tomo 25,
Blg. 2, 2013. De La Salle University, http://0-
eds.b.ebscohost.com.lib1000.dlsu.edu.ph/eds/pdfviewer/pdfviewer?vid=3&sid=87
707c59-a99f-4471-8812-af124d884315%40sessionmgr102. Nakuha Oktubre 23,
2018.
Eugenio, D."Folk song", n.d., National Library of the Philippines,
http://nlpdl.nlp.gov.ph:81/CC01/NLP00VM052mcd/v4/v17.pdf. Nakua
Nobyembre 5, 2018.
Griffifth, Charles. "Folk music in the Philippines", Music Supervisors' Journal, Tomo 10,
Blg. 4, pp. 26-64, 1924,
https://www.jstor.org/stable/3383136?seq=1#page_scan_tab_contents. Nakuha
Nobyembre 7, 2018.

50
Kroulek, Alison. ―Why translation is important in a world where English is everywhere.‖
K-international, 2016, https://www.k-international.com/blog/why-translation-is-
important/.
Miaomiao, Wang. "A Study on Semantic and Communicative Translation of Magical
Things in Harry Potter", Studies in Literature and Language, Tomo 8, Blg. 2,
pp.26-31, 2014. CSCanada, DOI:10.3968/4353.
Newmark, Peter. "Approaches To Translation", Polytechnic of Central London, New
York: Prentice HaH International vUIO Ltd, 1988.
Peña, Romeo Palustre. ―Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa‖,
Research Gate, 2014,
https://www.researchgate.net/publication/317234596_Wikang_Filipino_Hininga_
Kapangyarihan_at_Puwersa. Nakuha Oktubre 23, 2018.
Sebastian, Federico at Nicasio, Paz. Sariling panitikan: Pahapyaw na kasaysayan, 1965,
https://books.google.com.ph/books?id=cg8OAAAAMAAJ&focus=searchwithinv
olume&q=kabuuan. Nakuha Nobyembre 05, 2018.
Villafuerte, Patrocinio V. Introduksyon sa Pagsasaling-wika. Metro Manila: Grandbooks
Publishing, Inc., 2012.

51

You might also like