You are on page 1of 3

ARALIN 2: PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD NG MGA REGISTER

Gawain

Panuto: Punan ng tamang gamit ng wika batay sa larangan at kahulugan.

Salita Larangan Kahulugan


1. Konposisiyon 1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pagsusuri

➢ Batay sa ibinigay na pagsasanay, ano ang iyong maaring konklusyon hinggil sa


paksa?
➢ Nakatutulong ba ang pagsasanay upang mapalawak ang iyong kaalaman
patungkol sa paksang-aralin? Kung Oo, bakit? Kung hindi, bakit?

Pagbibigay-Diwa

PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD NG MGA REGISTER

Isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng


wika. Mas madalas nakikita/nagagamit sa isang partikular na disiplina. Ginagamit ang register sa
pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit.
Pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:

1. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang nag-
uusap, ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok at nangangahulugang para kanino ito.
2. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa
panahon, nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.
3. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa mga
panuntunan na dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap, tungkol ito sa
paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon.

Paglalapat
Pangalan: __________________________________________________________ Petsa: ___________ Iskor: ________

Halimbawa ng Tekstong Profesyunal

Medisina

Isang Heart-Healthy Diet


Mula sa Medicine & Health (2001)
Sa nakalipas na mga taon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil
sa sakit sa puso. Kung nagkaroon ka na ng heart-to-heart talk sa iyong doctor, marahil ay
sinabihan ka na niya na bawasan ang iyong cholesterol level bago pa lumala ang sitwasyon.

Paano nga ba mapapababa nag cholesterol level? Sa pamamagitan ng heart-healthy


diet, ay mangyayari ito.

Para umabot sa ideyal na anta sang iyong blood cholesterol (mababa sa 20%),
kailangan ang malaking pagbabago sa iyong diet. Ito ay nangangahulugan ng pag-iwas o pag-
alis ng matatabang pagkain sa iyong diet. Nangangahulugan din ito ng pagdaragdag ng ilang uri
ng pagkain na nakakatulong para mapababa ang iyong kabuuang cholesterol count,
mabawasan ang masamang LDLC low density lipoprotein) ccholesterol.

Narito ang ilang natural na cholesterol-busters:

• Oat bran – Simulan ang iyong araw ng isang puswelong oatmeal o oat-bran cereal.
Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga taong may cholesterol level na mahigit sa 229
ay maaaring maibaba sa 8-23 porsyento kapag idinagdag ang pagkaing ito sa kanilang
diet.

• Bean S – Kumain ng isang tasa ng nilutong beans sa isang araw. Hindi lamang
nakakapagpababa ng LDL cholesterol ang beans kundi nakakapagpataas pa ito ng HDL
(high density lipoprotein o good cholesterol) kapag kinain nang regular sa loob ng
mahigit isang taon.

• Sibuyas – Sa mga taong may problema sa cholesterol, kumain ng kalahating piraso ng


hilaw na sibuyas sa isang araw para mapataas ang kanilang HDL (high density
lipoprotein o good cholesterol).

• Bawang – Kung mataas ang presyon ng dugo, kumain ng hilaw o nilutong bawang.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang pagkain ng isang ulo ng bawang sa isang araw ay
epektibong nakakapagpababa sa kabuuang cholesterol level.

• Soy - Sa pag-aaral na nalathala sa New England Journal of Medisine, lumalabas na ang


dietna mayaman sa soy protein na matatagpuan sa tofu, tempeh at soy milk ay
nakakapagpababa sa cholesterol.

• Prutas at Gulay – Ang pagkain ng isang pirasong mansanas sa isang araw ay


nakakapagpababa ng cholesterol. Kumain ng mansanas, carrots at iba pang mga
pagkainna mataas ang taglay na soluble fiber na tinatawag na pectin. Sa pangkalahatan,
ang mga gulay at prutas ay mainam na mapagkukunan ng anti-oxidants na maaaring
maging anti-cholesterol agents.

• Wine – Uminom ng isa o dalawang baso ng red o white wine sa isang araw para
mapataas ang good cholesterol. Ang red wine ay sinsabing mainam sa puso. Ang balat
ng ubas na ginagamit sa paggawa ng red wine ay nakakapigil sa blood-clot formation o
pamumuo ng dugo.
• Grape seed oil – Kung ayaw nang magdagdag ng alcohol sa iyong diet, maaaring
gumamit ng isa pang HDL –booting product na mula sa ubas. Ito ang grape sed oil, isang
mild salad oil na nabibili sa ilang naturang food stores. Ang oil na mataas sa
monouensaturated fats, tulad ng olive at canola ay nakatutulong para mapababa ang
bad cholesterol.

• Isda – Ang salmon, mackerel, herring, sardines at tuna ay pawing matataas sa Omega-3
fatty acids na nakatutulong para madagdagn ang good cholesterol.

• Supplements – Maaaring mainam din sa mga ugat ang anti-oxidant supplements.


Uminom ng 10,000 hanggang 20,000 International Unit (IU) ng beta-carotene, 100-400
IU ng vitamin E at 1-2 gramo ng vitamin C araw-araw.

Pagsusuri sa Teksto

Mga Terminolohiya
A. Ihanay ang mga hiram at bagong salita sa iyong paningin/pandinig. (NRX2)

Mga Hiram na Salita Mga Bagong Salita sa Paningin/Pandinig

B. Reaksyon sa Nilalaman ng Teksto

Ibigay ang sariling reaksyon sa nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ideya
na sa iyong palagay ay may iba’t ibang kategorya. Gawin ito sa pamamagitan ng teknik na PIN
(Positive Interesting-Negative). (15 puntos)

Mga Ideyang Positib Mga Ideyang Kawili-Wili Mga Ideyang Negatibo


(P-Positive) (I-Interesting) (N - Negatibo)

You might also like