You are on page 1of 8

4

Activity Sheet sa MAPEH


Health
Quarter 3 – MELC 4
Sa Oras ng Karamdaman, Wastong
Preskripsyon ang Kailangan

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Health 4
Gawaing Pampagkatuto Blg. 5 at 6
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Health 4

Manunulat: Niña Maer P. Quimpo, Juan O. Salazar


Editor:
Tagasuri: Rebecca R. Ibarreta, Ma. Mia B. Iscala, Marie Joy Q. Remola
Tagaguhit: Tagalapat:
Division of Aklan Management Team:
Miguel Mac D. Aposin, EdD
Samuel J. Malayo
Dobie P. Parohinog, PhD
Rebecca R. Ibarreta
Mahnnie Q. Tolentino
Regional Management Team: Dr. Ramir B. Uytico, CESO IV
Dr. Pedro T. Escobarte, Jr., CESO V
Dr. Elena P. Gonzaga
Pambungad na MensaheDr. Athea V. Landar
Mr. Donald T. Genine
MABUHAY!

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng SDO - Aklan sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Health 4 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________
Grado at Seksiyon:____________________________Petsa:___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA HEALTH 4 Blg. 5 at 6


Sa Oras ng Karamdaman, Wastong Preskripsyon ang Kailangan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nailalarawan ang tamang paraan ng paggamit ng gamot. (H4S-IIIfg-5)

II. Panimula

Sa inyong palagay mahirap ba ang magkasakit? Ngayon, humanap ng preskripsiyon


ng isang doctor sa loob ng bahay. Tawagin ang bawat miyembro ng pamilya para
matingnan ang mga halimbawa ng aktwal na preskripsiyon ng isang lisensiyadong doctor.
Tingnang mabuti ang aktwal na preskripsiyon mula sa lisensiyadong doktor,
gayundin ang nakasulat sa pakete o lagayan ng gamot.

Mga tanong:

1. Bakit kailangan ng preskripsiyon ng doktor bago uminom ng gamot?


____________________________________________________
____________________________________________________

2. Ano-ano ang mababasa ninyo sa nakasulat sa pakete ng gamot o medicine label?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

III. Mga Sangguinian


 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4
Kagamitan ng Mag-aaral, ph 356-360

IV. Mga Gawain

1. Mga Panuto

Pag-aralan Natin

Basahin ang dayalogo at pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na


tanong.
(Sa silid-aralan, aktibong nakikisali sa talakayan sina Rona, Ben,
Belen at Roy…)
Gng. Castro: Magandang araw sa inyong lahat. Gusto kong malaman
mula sa inyo kung ano ang ginagawa ninyo bago
uminom ng gamot.
Rona: Sinasamahan ako ng Nanay ko sa klinika upang magpatingin sa
doktor. Sinusunod ko ang preskripsiyon mula sa doktor sa gabay
ng aking mga magulang.
Gng. Castro: Tamang gawi ang ginagawa mo Rona. Ikaw naman, Ben.
Ben: Sinusuri kong mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot upang
malaman ko kung kailan mawawalan ng bisa.
Belen: Hindi kami bumibili ng gamot ng Nanay ko kung saan-saan lang.
Bumibili kami sa mapagkakatiwalaang botika upang hindi kami
makabili ng pekeng gamot.
Gng. Castro: Tama ang mga ginagawa ninyo mga bata. Ano naman ang
maibabahagi mo sa amin Roy?
Roy: Ipinaghihiwalay namin ang lalagyan o taguan ng mga gamot namin
sa mga panlinis sa bahay at pamuksa sa mga insekto. Sinisigurado
namin na hindi kayang abutin ng aking mga nakababatang kapatid
ang imbakan ng mga gamot upang hindi nila paglaruan.
Gng. Castro: Magaling! Ako ay nalulugod sa inyong ibinahagi ngayon.
Oras na para sa susunod niyong asignatura. Paalam
mga bata.
Mga Bata: Paalam din po Gng. Castro.

Mga tanong:

1. Ano-ano ang ibinahagi nina Rona, Ben, Belen at Roy sa kanilang


kaklase at guro?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Bakit kailangan nating kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Bakit kailangang bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Nasiyahan ba si Gng. Castro sa mga ibinahagi ng kaniyang mga mag-
aaral? Bakit?
____________________________________________________________
________________________________________________________
Pagyamanin Natin

Kaya Natin!

Piliin sa kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng mga


sumusunod na pangungusap.

nakasulat bisa
doktor preskripsiyon
kaibigan mapagkakatiwalaang
1. Kumonsulta sa ______________ bago uminom ng gamot.
2. Bumili ng gamot sa __________________ botika.
3. Suriin kung kailan mawawalan ng _______________ ang gamot.
4. Sundin ang ___________________ na ibinigay ng doktor.
5. Basahin at suriing mabuti ang _________________ sa pakete ng gamot.

Pagsasanay

Pagsikapan Natin

Sagutan ang tseklist. Lagyan ng tsek ang inyong sagot.


Mga Tanong Oo Hindi

1. Nagpapakonsulta ba ako sa
doktor bago uminom ng gamot?

2. Sinusuri ko ba ang nakasulat sa


pakete ng gamot?

3. Sinusuri ko ba ang mga nakasaad


sa preskripsiyon ng doktor?

4. Umiinom ba ako ng gamot na


may gabay ng magulang o
nakatatanda?

5. Inaalam ko ba ang expiration


date ng gamot na iinumin ko?

Mahal Kita Kaibigan!


Sumulat sa iyong kaibigan upang ipaalam o ipaalala sa kaniya ang
tamang paraan ng paggamit ng gamot. (Sumangguni sa Rubrik na nasa
ibaba para sa pagbibigay puntos)

____________________
____________________
____________________
______________________,
_____________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________

_____________________,
_____________________
Rubriks

RUBRIK SA PAGGAWA NG TALATA


MGA 5 4 3 2 PUNTOS
KRAYTERYA
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto May ilang Maraming
komprehensi ang kakulangan sa kakulangan sa
bo ang nilalaman nilalaman ng nilalaman ng
nilalaman ng ng talata/sulat. talata.
talata/sulat. talata/sulat.
Organisasyon Malinaw ang Malinaw May bahaging Maraming
daloyat ang daloy hindi gaanong bahagi ang
organisado ang ng malinaw hindi malinaw
paglalahad ng paglalahad ang
kaisipan ng paglalahad ng
kaisipan. kaisipan
Presentasyon Malikhaing Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos
nailahad ang nailahad maayos na na nailahad
nilalaman ng ang nailahad ang ang nilalaman
talata/sulat nilalaman nilalaman ng ng talata/sulat
ng talata/sulat
talata/sulat
Kabuuang Puntos

V. Repleksiyon

Isulat sa “House Organizer” ang lahat ng inyong natutuhan tungkol sa tamang


paraan ng paggamit ng gamot. (Sumangguni sa Rubrik na nasa ibaba para sa pagbibigay
puntos)

ANG MGA NATUTUHAN KO


VI. Susi sa Pagwawasto

Panimula

1. Upang malaman ang angkop na gamot, dosage o dosis ng gamot na dapat


inumin, tamang oras ng pag-inom nito, at malaman ang mga dapat at
ipinagbabawal(espesyal na tagubilin ng doktor) bago inumin ang gamot.
2. Pangalan ng gamot, dosage o dosis,tagagawa ng gamot, tatak o brand

Pag-aralan Natin(Maaaring magkakaiba ang mga sagot)

1. Ang kanilang ginagawa bago uminom ng gamot


2. Upang malaman ang angkop na gamot, dosage o dosis ng gamot na dapat
inumin, tamang oras ng pag-inom nito, at malaman ang mga dapat at
ipinagbabawal(espesyal na tagubilin ng doktor) bago inumin ang gamot.
3. Upang makasigurado na hindi peke ang nabiling gamot
4. Opo, dahil alam ng kanyang mga mag-aaral kung ano ang mga dapat
gawin bago uminom ng gamot.

Pagyamanin Natin

Kaya Natin!

1. doktor
2. mapagkakatiwalaang
3. bisa
4. preskripsyon
5. nakasulat

Pagsikapan Natin (Maaaring magkakaiba ang sagot)

Repleksiyon(Maaaring magkakaiba ang sagot)

You might also like