You are on page 1of 6

Learner Activity Sheet (LAS)

Pangalan: _____________________________Baitang:__________
Seksiyon: _______________________________Petsa: ___________

Health Quarter 1 Week 1


KARAPATAN NA MAGKAROON NG TAMANG NUTRISYON

Panimula (Susing Konsepto)

Ginawa ko ang Learning Activity Sheet na ito para sa iyo dahil


gusto kong malaman mo ang iyong mga karapatan sa pagkakaroon ng
tamang nutrisyon.

Ang tamang nutrisyon ay mahalaga para sa ating kalusugan.Bilang


bata, ikaw ay may mga karapatan na dapat matamasa.

Sa araling ito, matututuhan mo kung paano mo makakamit ang


mga karapatang ito. Huwag kang mag-aalala, sa tulong ng iyong
magulang o nakatatandang kapatid na kasama sa tahanan ay tiyak kong
kayang-kaya mo itong gawin.
Kasanayang Pagkatuto at Koda

1. Nasasabi na ang mga bata ay may karapatan na magkaroon ng tamang


nutrisyon.
2. Natutukoy ang mga karapatan sa pagkakaroon ng tamang nutrisyon.
3. Nasasabi ang mga paraan kung paano ang mga karapatan sa
pagkakaroon ng tamang nutrisyon ay makakamtan.
H2N-Ia-5

Panuto

Handa ka na ba?

Halika! Simulan mo nang gawin ang lahat ng gawaing inihanda ko


para sa iyo. Paalala ko lamang na basahin mong mabuti ang panuto bago
mo gawin ang bawat gawain.

Pamamaraan

Sa pamamagitan nito ay madali mong masasagot ang mga


katanungan sa mga gawaing aking inihanda para sayo.
Simulan mo na ang iyong pagsasagot. Maaari kang humingi ng
gabay sa iyong magulang o nakatatandang kapatid kung kinakailangan.

Gawain 1: Karapatan Mo, Tukuyin Mo!


Isulat ang titik ng tiyak na karapatan sa pagkakamit ng tamang
nutrisyon sa iyong sagutang papel na tinutukoy sa bawat bilang.

______1. Si Lito ay may sakit na polio. Siya ay ginagamot ng


libre sa pagamutang malapit sa kanilang bayan.

______2. Malusog na isinilang si Nina. Habang siya ay


ipinagbubuntis, ang kanyang ina ay regular na
ginabayan ng doktor sa kanilang barangay.

______3. Pinabakunahan si Badong ng kanyang Nanay sa


health center upang maging ligtas sa
nakakahawang sakit sa mga bata.

______4. Malinis at maganda ang barangay kung saan


nakatira si Ebong. Ang kanilang kapitan ay
nagpapatupad ng programa sa kalinisan at
kaayusan ng pamayanan.

______ 5. Ipinanganak si Jojo nang may kapansanan. Ang


mga impormasyon tungkol sa kanyang kondisyon
ay pribado at hindi ginagamit sa kanyang
kapahamakan.

a. karapatan na isilang nang malusog at ligtas


b. karapatan na maipagamot nang walang bayad sa mga
pampublikong ospital
c. karapatan na mamuhay sa ligtas at malinis na pamayanan
d. karapatan na mabigyan nang libreng bakuna laban sa mga
nakahahawa at nakakamatay na sakit
e. karapatan na magkaroon ng pribadong pamumuhay

Mahusay! Bilang isang bata, ngayon ay alam mo na ang iyong mga


karapatan na makatutulong upang lumaking malusog at ligtas.

Ang susunod na gawain ay makatutulong upang higit mong


maunawaan kung paano makakamtan ang mga karapatang ito na may
kaugnayan sa iyong kalusugan.

Gawain 2: Like o Dislike?

Isulat ang like sa sagutang papel kung wasto ang isinasaad na


hakbang upang magkaroon ng wastong kalusugan at dislike kung hindi.

______1. Tumatanggi na magpabakuna laban sa mga


nakahahawang sakit dahil natatakot at naniniwalang masakit ito.
______2. Kumakain ng masustansiyang prutas at gulay upang
maging malusog at ligtas sa sakit.

______3. Umiiwas sa pagkain ng junk foods at iba pang pagkain


na masama sa kalusugan.

______4. Umiinom ng bitamina na libreng ipinamimigay ng health


center upang maging malakas ang pangangatawan.

______5. Iniiwasan na magkaroon ng regular na pagkonsulta sa


pinakamalapit na health center dahil natatakot sa doktor.

Gawain 3: I Want To Be Complete!

Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipang


ipinahahayag sa bawat bilang tungkol sa pagkakaroon ng malusog na
pangangatawan. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa
sagutang papel.

Si Tonton

Si TonTon ay nasa Ikalawang Baitang ng Paaralang Elementarya


ng Mabini. Siya ay kumakain ng (1)___________ prutas at gulay na
mayaman sa (2)_________ na nakakatulong upang siya ay lumaking
malusog.
Sa paaralan, tuwing recess, umiiwas si TonTon sa pagkain ng
(3)_______________ na masama sa kalusugan dahil alam niyang wala
itong magandang benepisyo sa kanyang katawan.
Hindi rin takot si Tonton sa (4)__________. Sa katunayan,
niyayaya niya ang kanyang Nanay na bumisita sa kanilang health center
sa tuwing mayroong libreng gamutan para sa mga batang tulad niya.
Mahalaga kay TonTon ang maging (5)_________ upang maabot
niya ang pangarap ng maging isang magaling na doktor.

malusog junk foods bitamina bakuna


masustansiya
Gabay na Tanong (kung kailangan)

1. Ano ano ang mga karapatan na natutunan mo sa araling ito upang


magkaroon ng malusog na pangangatawan?
2. Magtala ng limang hakbang kung paano magkakaroon ng malusog
na pangangatawan?

Pangwakas

Magaling, mahal kong mag-aaral!


Binabati kita sa husay na ipinakita mo sa pagsagot sa Learning
Activity Sheet na ito.

Mga Sanggunian

Article 24 of the UN Rights of the Child


MAPEH 2

Inihanda ni:

MARY GRACE B. ARANEL


Guro I, Mangino Elementary School
TANDAAN: Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa
Lahat ng Oras.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. b

2. a

3. d

4. c

5. e

Gawain 2

1. dislike

2. like

3. dislike

4. like

5. dislike

Gawain 3

1. masustansiya

2. bitamina

3. junk foods

4. bakuna

5. malusog

You might also like