Professional Documents
Culture Documents
MAPEH (Health)
Unang Markahan – Modyul 1
Nutrisyon: Masustansiyang Pagkain
at ang Katawan
MAPEH (Health) – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Nutrisyon: Masustansiyang Pagkain at ang Katawan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH
Subukin
Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Nais ni Aling Carmen na lumaking malusog at hindi sakitin ang kaniyang
mga anak. Alin kaya sa mga pangkat ng pagkain sa ibaba ang kaniyang
inihahanda para sa kaniyang mga anak?
a. ice cream, noodles, at itlog
b. noodles, kendi, chocolate
c. gulay, karne, gatas at prutas
d. hotdog, bacon, at juice
2. Ano-ano ang kailangan ng batang tulad mo upang maging malusog at
masigla ang iyong katawan?
a. magagandang laruan
b. masarap na pagkain
c. matulog ng di sapat sa oras
d. masustansiyang pagkain tulad ng prutas, mga luntian at dilaw na
gulay
1
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga pagkaing mayaman sa
carbohydrates?
a. kanin, mais tinapay
b. Itlog, manok, isda
c. tinapay at kamote
d. sopas, bihon, suman
4. Ano ang madalas na dapat ihandang pagkain ng Nanay sa hapag kainan
upang maging malakas at malusog ang katawan?
a. hotdog at karne
b. piniritong manok
c. tinapay at pizza
d. isda, prutas, at gulay
5. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang mayaman sa protina?
a. gatas, karne, itlog, at mani
b. biko, miki, bihon
c. hotdog, barbecue at kikiam
d. cake, pizza, at burger
Aralin
Nutrisyon: Masustansiyang
1 Pagkain at ang Katawan
Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay mahalagang bahagi ng
pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng tamang pagkain, mapananatili mo rin ang magandang
pakiramdam. Ang pagkain ng wasto ay ang ating pundasyon para sa malusog
na pangangatawan. Ang hindi tamang pagkain ay nagdudulot ng pagkahina
nang ating immune system. Ang masusustansyang pagkain ang
pinanggagalingan ng ating malakas na pangangatawan. Ito ay kailangan
upang makaya ng ating katawan ang mga bagay bagay na tapat isagawa, at
mapanatili ang tamang timbang ng ating katawan.
Balikan
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng masustansiyang
pagkain?
A. C.
B. D.
2
_____ 2. Upang mabuo ang grupo ng di gaanong masustansiyang pagkain, pumili
ng isang larawan na kukompleto dito?
A. C.
B. D.
_____ 3. Bilang isang bata, anong pagkain ang makatutulong sa iyo upang ikaw
ay lumaking malusog?
A. C.
B. D.
A. C.
B. D.
_____ 5. Ano ang maaaring idulot sa atin ng mga pagkaing nasa ibaba?
A. magiging sakitin
B. magiging mahina ang katawan
C. mabagal lumaki at pihikan sa pagkain
D. magiging malusog at aktibo ang katawan
Tuklasin
Basahin ang tulang “Ang Batang Malusog”.
3
Mga Tanong:
Suriin
Ang mga masustansyang pagkain ay itinuturo sa atin sa bahay man o sa loob
ng eskwelahan. Malaki ang kontribusyon ng mga masustansyang pagkain sa
pagkakaroon ng malusog na katawan, kasabay nito ang wastong exercise ay
magkakaroon ka ng malakas na immune system at makakaiwas ka sa mga
sakit.
1. Maging malinis
2. Gumamit ng malinis na tubig
3. Mag ingat sa kinakain
4. Mag-ehersisyo
5. Magkaroon ng sapat na tulog
6. Alamin ang kailangan ng katawan
7. Umpisahan ang pagkahilig sa prutas at gulay
8. Uminom ng maraming tubig.
5. Laman ng baka (lean meat) – Ang lean meat o ang mapulang karne ng
baka na hindi mataba ay mahisay ding pinagkukunan ng protina.
7. Mga beans – Kilala ring pinagkukunan ng protina ang mga beans gaya ng
sitaw, bataw, patani at munggo.
8. Tokwa – Ang tokwa na produkto mula sa soy beans ay may taglay din na
protina.
9. Mani at butil – Ang mga mani at mga buti gaya ng almonds, butong
pakwan at butong kalabasa ay mapagkukuna din ng protina.
10. Soymilk – Gaya rin ng tokwa, ang soymilk na produkto mula sa soy beans
ay kilalang pinagkukunan ng protina.
Ang Carbohydrates ay tumutulong upang
mapalakas ang katawan at dito din nagmumula ang
iba't-ibang source ng bitamina at minerals hindi
lamang ang katawan ang binibigay ng
carbohydrates maging ang isipan ay binibigyan din
nito ng bitamina upang makapag-isip ng maayos.
Ang carbohydrates ay itinuturing na gasolina ng
katawan. Kung ang sasakyan ay may gasolina ang
tao ay may gasolina na carbohydrates.
Mga Pagkaing Mayaman sa Carbohydrates
1. Kanin ,mais,tinapay,kakanin(suman,biko,palitaw,maha)
2. Pancit (miki,bihon,canton)
3. Pagkaing mayaman sa taba(Mantika,Langis/gata ng niyog at mantikilya
4. Lamang-ugat(gabi,kamote,ube at kamoteng kahoy)
5
Ang fats/taba ay mahalaga para sa pag-unlad
ng utak at nervous system Malaking bahagi rin ito
ng isang malusog na diyeta. Fats at oils ang sama-
samang pinanggagalingan ng lakas. Sila ay
mahalaga sa magandang kalusugan. Mga
kadalasang pinagkukunan ng fats/taba: karne,
langis ng gulay, abokado at dairy products.
Pagyamanin
Gawain A: Iguhit ang ☺ kung ito ay dulot ng masustansiyang pagkain.
Iguhit ang kung ito ay dulot ng hindi gaanong masustansiyang pagkain.
___________3. Pagtangkad
_______ 4. ______ 5.
6
Isaisip
Isagawa
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓) ang kolum ng
iyong sagot.
Paminsan- Hindi
Mga Gawaing Pangkalusugan Palagi
minsan ginagawa
1. Kumakain ako ng gulay at prutas.
2. Umiinom ako ng gatas araw-araw.
3. Natutulog ako ng sapat at sa
tamang oras.
4. Nag-eehersisyo ako tuwing umaga.
5. May sapat na pahinga ako
pagkatapos ng mga gawain.
Tayahin
Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na grupo ng pagkain ang mga pagkain na
mayaman sa protina?
a. isda, monggo, itlog, at gatas
b. cake, salad, pizza, at burger
c. coke, tinapay, kanin
d. miki, bihon, spaghetti
2. Aling “nutrient” ang mahalaga para sa pag-unlad ng utak at nervous
system at isang mahalagang bahagi rin ito ng isang malusog na diyeta?
a. protina
b. fats/taba
c. bitamina at mineral
d. carbohydrates
7
3. Si Jack ay isang manlalaro ng basketbol at futbol. Anong sustansya ang
pinaka kailangan ng kanyang katawan?
a. protina b. bitamina c. carbohydrates d. mineral
4. Si Karen ay apat na taong gulang. Bakit kailangan niya ng protina sa
kanyang pagkain?
a. sapagkat kailangan niya ng lakas upang makapag laro
b. upang maging makinis ang kanyang balat
c. upang tulungan siya na makapagbawas ng dumi ng katawan
d. sapagkat si Karen ay nasa mahalagang taon ng paglaki at pag-
unlad.
5. Anong sustansya ang kailangan upang lumaki at maayos ang tissue ng
katawan?
a. bitamina b. protina c. mineral d. fats at oil
Karagdagang Gawain
Isulat sa tsart ang mga pagkaing angkop ayon sa iyong natutunan.
Protina
Carbohydrates
Fats o Oil
Bitamina at Mineral