You are on page 1of 11

2

MAPEH (Arts)
Unang Markahan – Modyul 1
Sining na Kay Ganda:
Still Life
MAPEH (Arts) – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Sining na Kay Ganda: Still Life
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Khristel Gae Tamondong

Editor: Myrna T. Parakikay

Tagasuri: Myrna T. Parakikay

Tagalapat: Jobelle M. Partido

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali
lalong-lalo na ngayong panahon ng “New Normal.” Bilang isang tugon sa
edukasyon, ang modyul na ito tungkol sa Sining na Kay Ganda”Still Life ay
naghahamon sa iyo upang ikaw ay maging isang malikhain, mapamaraan, at
malayang mag-aaral. Ang saklaw ng modyul ay magbigay ng iba-ibang
gawain upang mapasigla at mahikayat ang malaya at pansariling gabay sa
kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa modyul na ito ay maayos na
sumusunod sa naaayong pamantayan ng asignatura upang matiyak ang
pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat
gawain, at maiugnay sa pang araw-araw na buhay.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga aralin at kasanayan tungkol sa:


• Iba’t-ibang pamamaraan ng mga Pilipinong pintor sa paglikha ng
kanilang mga pinta at still life.
• Elemento at principles ng sining tulad ng linya, hugis at kulay, proportion
at contrast
• Pagbibigay-halaga sa mga likhang sining sa pamamagitan ng iba’t
ibang elemento at principles ng sining.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


• Nakikilala at nabibigyang halaga ang iba’t-ibang pamamaraan ng mga
Pilipinong pintor sa paglikha ng kanilang still life.
• Niasasalarawan ang pang-unawa sa linya, kulay at hugis bilang elemento
ng sining
• Nabibigyang halaga ang mga likhang sining at istilo ng mga Pilipinong
pintor sa pagpinta.

Subukin

Mahilig ka ba sa mga bulaklak?

Magbigay ng mga uri ng bulaklak na nakikita mo sa iyong paligid?

1. _________________________________

2. _________________________________

3. _________________________________

1
Pagmasdan ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay
sa nakikita sa larawan.

1. Anong pangkat ang nakikita mo sa larawan?


_______________________________________________________________
2. Anong mga hugis ang nakikita mo sa larawan?
_______________________________________________________________
3. Ano-anong mga linya ang nakita mo sa larawan?
_______________________________________________________________

Aralin
Sining na Kay Ganda:
1 Still Life
Pagmasdan ang ating kapaligiran. Iba’t ibang uri ng pangkat sa ating
kapaligiran ang ating makikita. Mayroong pangkat ng mga tao, pangkat ng
mga hayop, bagay, bulaklak, mga pangkat ng prutas at maging ng mga
kagamitan sa bahay.

Balikan
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Nais ng iyong guro na kayo ay magpinta. Pinakuha ka niya ng inyong


mga gamit sa pagpipinta. Alin ang ilalabas mong gamit sa pagpipinta?

A. C.

B. D.

2
2. Pinagpipinta kayo ng guro ninyo ng larawan ng kalikasan gamit ang
inyong mga materyales. Alin sa mga larawan ang halimbawa ng
kalikasan?

A. C.

B. D.

3. Kung papalikhain kayo ng mga larawan na matatagpuan sa paaralan,


alin sa mga ito ang inyong iguguhit?

A. B. C. D.

4. Nais ninyong ipinta ang inyong bahay. Alin sa mga larawan ang ipipinta
mo?
A. B. C. D.

5. Anong hugis ang mabubuo kapag pinagsama-sama ang dalawang


linyang pahilis at isang linyang pahiga?
A. parihaba B. tatsulok C. parisukat D. hugis bituin

Tuklasin
Marami tayong uri ng pintor. May mga pintor na gumuguhit ng
mukha ng tao. May mga pintor na gumuguhit ng kapaligiran. Iba-iba rin ang
istilo nila sa pagguhit. Tignan mo ang larawan sa ibaba.

Anong masasabi mo sa likhang sining na ito?


_____________________________________________________________________
Anong pangkat nabibilang ang mga nasa larawan?
_____________________________________________________________________
Nakatikim ka na ba ng mga prutas na katulad ng mga ito? _______________

3
Alin sa mga prutas na ito ang pinakagusto mong kainin? Bakit?
______________________________________________________________________

Suriin
Ang pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o ipininta ay tinatawag sa
sining na Still Life.

Maaaring gumamit ng mga prutas, mga bulaklak, mga kagamitan sa paaralan


at sa bahay o iba pang mga bagay sa kapaligiran sa paggawa ng still life.

Bigyan mo ng pansin ang mga larawang iginuhit ng mga tanyag na Pilipinong


pintor.

Ito ay likhang sining ni Fernando Amorsolo.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fkahimyang.com%2Fkauswagan%2Farticles%2F1372%2Fa-small-
collection-of-fernando-amorsolos-paintings&psig=AOvVaw287oS-
oLyjPl6oxzcPgvEH&ust=1592368241051000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjW1JKMwIXqAhXlI6YKHfmoDJ4Qr4kDe
gUIARDRAQ

Ang mga paksang iginuhit ni Fernando Amorsolo ay tumatalakay sa buhay sa


lalawigan.Nais niyang ipagmalaki ang katangian ng Pilipina kaysa sa larawan
ng mga kababaihang kanluranin.

Makikita sa kanyang mga larawan ang babaeng naglalaba sa ilog, namimitas


ng prutas, nag-aani ng palay, nag-iigib ng tubig at iba pa.

Ito naman ang mga likhang sining ni Mauro “Malang” Santos.

Si Mauro Santos o mas kilala bilang “Malang” ay nakilala muna bilang isang
cartoonist at Abstract painter bago siya naging isang mahusay na pintor. Ang
kanyang mga likhang sining ay ginagamitan niya lamang ng mga iba’t ibang
hugis, kulay at linya upang makagawa ng mga larawan mula sa kapaligiran.

4
Pagyamanin
Gawain A. Gamit ang mga elemento ng sining, isulat ang
pagkakaiba ng likhang sining ni Fernando Amorsolo at Mauro “Malang” Santos.

Elemento ng Sining Fernando Amorsolo Malang Santos

Linya

Hugis

Tema ng likhang sining

Gawain B. Suriin ang larawan sa ibaba.

Lagyan ng  kung nakita mo ito sa larawan.

_____1. Nakikita ang kapusyawan at kadiliman ng kulay na nagpaganda ng


larawan.

_____2. Madami ang mga hugis sa larawan.

_____3. Magkakasama sa iisang pangkat ang mga larawan.

_____4. Kakaiba ang pagkakaguhit sa larawan.

_____5. Higit na makatotohanan ang mga bagay sa larawan.

5
Isaisip

Tandaan na sa pagguhit ng Still Life dapat na:

Itulad ang kulay sa kulay ng tunay na bagay.


Itulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.
Ayusin ang mga bagay: ang iba ay sa harap; ang iba
ay sa likod.
Si Fernando Amorsolo ay isa sa mga
pinakamahalagang alagad ng sining sa PIlipinas. Si
Amorsolo ay pintor ng mga larawan ng mga tao at
tanawing pambaryo ng Pilipinas.

Isagawa

Gawain A Tumingin ka sa inyong sala o hapag kainan. Pumili ka ng tatlong


bagay na magkakapangkat sa ibabaw ng inyong mesa at iguhit ito sa loob ng
kahon na makikita sa ibaba. Kulayan ang mga napiling bagay na iginuhit.
Ang pamantayan sa paggawa ng Still life painting na gagawin mo ay nasa
ibaba.

6
Lagyan ng check (✓) ang bawat bilang kung ito ay nagawa mo o hindi.

Hindi
Pamantayan Oo Hindi
Masyado
1. Kahawig ba ng tunay na bagay ang naiguhit
ko?
2. Naipakita ba ang tunay na kulay ng bagay
na
ginaya ko?
3. Magkahugis ba ang larawan at ang iginuhit
ko?
4. Kaaya aya bang tingnan ang natapos kong
likhang sining?
5. Nakaramdam ba ako ng pagmamalaki sa
natapos kong gawain?

Tayahin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa sining sa pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o


ipininta?
A. Painting B. Still Life C. Live painting D. Drawing
2. Ano ang iyong ipinamamalas kung maiguhit mo ang pagkakahawig ng
mag-ina sa isang larawan?
A. ang pagiging malikhain C. ang pagiging malinis
B. ang pagiging masunurin D. ang pagiging malikot

3. Sino ang tanyag na Pilipinong pintor na mayroong mga likhang sining na


ginuhit mula sa mga tao at tanawin sa baryo?
A. Fernando Amorsolo C. Eduardo Castillo
B. Mauro Malang Santos D. Cesar Legaspi

4. Paano mo maipagmamalaki ang mga likhang sining ng mga Pilipinong


pintor bilang isang mag-aaral?
A. Hindi ako guguhit ng anumang likhang sining kahit alam ko na ako ay
ay talento dito.
B. Pag-aralan ang kanilang obra at gawing modelo ang kanilang mga
likha.
C. Makikipag away sa mga kalaro.
D. Susuwayin ang guro at huwag nang mag-aral.

5. Paano ang pagguhit ng still life?


A. binabakat
B. iginuguhit ng nakapikit
C. iginuguhit sa pamamagitan ng imahinasyon
D. iginuguhit tulad ng isang tunay na bagay

7
Karagdagang Gawain
Gumuhit ng isang fruit bowl na may iba’t ibang prutas. Kulayan
ang iyong obra. Nagamit mo ba ang iba’t ibang elemento at
prinsipyo ng sining tulad ng linya, hugis at kulay?

8
Susi sa Pagwawasto

pakurba
Pahiga, 4.
D 5. B 5. bilohaba
B 4. C 4. Pabilog, 3.
A 3. C 3. berde, lila
A 2. D 2. Dilaw, kahel, 2.
B 1. A 1. Mga bulaklak 1.
Tayahin Balikan Subukin

Sanggunian
1. Arts MELC week 1
2. Grade 2 MAPEH_LM (Sining- Aralin 6 at Aralin 8)
3. Mga larawan – www.google.com, kimyang.com, pinterest.ph
Mga larawan at table charts sa G2 MAPEH Leraners Manual- aralin 6 at 8
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fkahimyang.com%2Fkauswagan
%2Farticles%2F1372%2Fa-small-collection-of-fernando-amorsolos-
paintings&psig=AOvVaw287oS-
oLyjPl6oxzcPgvEH&ust=1592368241051000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjW1J
KMwIXqAhXlI6YKHfmoDJ4Qr4kDegUIARDRAQ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmikaelarectocurie.wordpress.co
m%2F2017%2F10%2F10%2Ffernando-amorsolos-paintings%2F&psig=AOvVaw287oS-
oLyjPl6oxzcPgvEH&ust=1592368241051000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjW1J
KMwIXqAhXlI6YKHfmoDJ4Qr4kDegUIARDnAQ

You might also like