You are on page 1of 20

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

4
MODYUL UNA HANGGANG IKALAWANG
1 LINGGO

Sa araling ito masasabi mo ang kahulugan ng Sining at


matutunankung paano gumuhit gamit ang linya at hugis.
Ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang:
1. Naibibigay ang kahulugan ng Sining
2. Nakaguguhit ng tao, bagay gamit ang mga linya at
hugis
3. Naiguguhit ang iba’t ibang uri ng linya at hugis.

Iguhit ang iyong sarili gamit ang mga hugis at linya.

Ang ating kapaligiran ay puno ng sining. Ilibot


ang mata sa iyong kapaligiran.
Ano-anong hugis at linya ang iyong nakikita?

1
Iguhit mo sa loob ng kahon ang iyong nakita.

Ang mga linya ay mabubuo sa pamamagitan


ng tuldok. Pagdugtungin ang mga tuldok.
.. .... .
. . .
.. .... .
Ano-anong linya at hugis ang iyong nabuo?
1._____________________
2. _____________________
3. _____________________

⮚ Ang ating mundo ay puno ng sining. Tayong lahat ay


pintor at ilustrador.
⮚ Ang mga linya ay mabubuo sa pamamagitan ng
pagdudugtong ng mga tuldok.
⮚ Patayo, pahiga, pazigzag, pahilis, pakurba ay ilan
lamang sa mga linyang mabubuo mula sa tuldok
⮚ Ang hugis ay nabubuo kapag nagtagpo ang dulo ng
linya.
⮚ Ito ay isang tuloy-tuloy na guhit na walang butas na
bahagi.
⮚ Parisukat, parihaba, bilog, tatsulok ay mga hugis na
mabubuo natin mula sa mga liya.
⮚ Makakagawa ka ng tao, bagay gamit ang mga hugis
at linya.

1. Gumuhit ng iba’t-ibang uri ng linya. Isulat ito sa loob ng


kahon.

Huwag kalimutang Isulat ang iyong pangalan at petsa sa


ibaba .
PANGALAN_________________________________________
PETSA______________________________________________

⮚ Makakabuo tayo ng tao, bagay gamit ang mga


linya at hugis.
⮚ Ang linya ay pinagdugtong-dugtong na tuldok.
⮚ Ang hugis ay mabubuo kapag nagtagpo ang
dulo ng mga linya.
⮚ Ito ay tuloy-tuloy na guhit na walang butas na
bahagi.

1. Gamit ang mga natutunang hugis at linya .


Iguhit ang iyong sarili sa loob ng kahon.

2. Iguhit ang inyong bahay gamit ang mga linya.

Ilan ang miyembro ng iyong pamilya? ____________


Iguhit ito gamit ang mga linya at hugis na natutunan.
Pagmasdan ang mga iba’t ibang uri ng hugis. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
_________ 1. A. bilog
_________2. B. parisukat
________ 3. C. biluhaba
________4. D. rektanggulo
________ 5. E. tatsulok

MODYUL IKATLO HANGGANG IKAAPAT NA


2 LINGGO

PAGGUHIT NG SARILI GAMIT ANG IBA’T IBANG KAGAMITAN SA


PAGGUHIT

Sa pagguhit maaari tayong gumamit ng iba’t ibang


kagamitan tulad ng lapis, krayola, piraso ng uling, stick-
on papers, sinamay, dahon, balat ng puno at iba pang
lokal na materyales.
Halimbawa:
Ano-ano ang iba’t-ibang linya at hugis na ating napag-
aralan na pwedeng gamitin sa pagguhit o pagdrowing?

Linya Hugis
Tuwid na linya Bilog
Pahilis na linya Tatsulok
Pakurba Parisukat
Pazigzag Parihaba
Oblong

1. Gumuhit ng ibat-ibang uri ng linya. Isulat ito sa loob ng


kahon.
Panoorin mo ang video clip na ito.
1.
Reference:
youtube.com/watch?v=5V9dQVTDcH4&t=285s
2. Tungkol saan ang ipinakita sa video clip?
3. Ano ang idinodrowing o iginuhit?
4. Ano ang ginamit sa pagdodrowing o pagguhit
5. Ano ang iba pang kagamitan sa pagguhit?

Pumili ng kagamitan sa pagguhit na nais mong gamitin at


gayahin ang paraan ng pagguhit na ipinakita sa video
clip.

Iguhit ang sarili gamit ang mga bagay na makikita sa


loob ng bahay. Iguhit ito sa oslo paper.

Sa pagguhit ng sarili maaari kayong gumamit ng


iba’t ibang kagamitan tulad ng lapis, krayola, piraso ng
uling, stick-on papers, sinamay, dahon, balat ng puno at
iba pang lokal na materyales.
Iguhit sa iyong kwaderno ang iyong larawan na ikaw ay
masaya.

Iguhit o idrowing sa papel o bond paper ang iyong sarili.


Kunan ito ng larawan o video at i-send o ipadala sa ating
Group Chat.

Pagaralan pang mabuti ang natutuhan upang lalong


humusay sa pag likha ng sining.

Sanggunian
MELCS
Arts Learning Module.
MODYUL IKALIMA HANGGANG IKAANIM NA
3 LINGGO

VARIETY OF SHAPES, LINES AND COLORS.


Nakaguguhit ng iba’t ibang uri ng halaman na nagpapakita ng
iba’t – ibang hugis, linya at kulay.

Gumuhit ng bagay na nagsasaad ng hugis na isinasaad sa


kahon.

BILOG TATSULOK

PARIHABA PARISUKAT
Pag- masdan ang bawat larawan. Anu – anong hugis, linya at
kulay ang nakikita niyo?

1.

2.

Ang hugis ay ang mga nakikita at napipisil na mga anyo, korte,


porma, pigura o tabas ng anumang mga bagay atb
naglalarawan ng panlabas, na katangian ng isang bagay.
Ang Linya ay itinuturing na pinakasimple, pinakanuno
at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal.

Ang mga Pangunahing Kulay ay ang pula, dilaw at


bughaw. Nagmula sa mga ito ang iba pang mga kulay, sa
pamamagitan ng pagsasama ng dalawang pangunahing kulay.

Gumuhit ng halaman gamit ang iba’t – ibang hugis, linya at


kulayan ito sa loob ng kahon.

Base sa iyong mga karanasan, iguhit ang naaalala mong bulaklak sa


isang oslo paper. Kulayan ang gawa.

MGA URI NG HUGIS

Bilog Tatsulok Parihaba


Biluhaba Hugis Puso

MGA URI NG LINYA

Pahiga Tuwid Paalon – alon

Pasigsag Pahilis

Putol- putol Pakurba

MGA PANGUNAHING KULAY

Pula Dilaw Bughaw

1. Ano – ano ang mga iba’t – ibang hugis?

2. Ano – ano ang mga uri ng linya?

3. Ano – ano ang mga pangunahing kulay?

Gumuhit ng halaman gamit ang mga hugis at linya na nasa


ibaba at kulayan ito.

Biluhaba Hugis Puso


Pahilis Pahiga Tuwid

Umikot sa loob ng inyong tahanan, gumuhit ng halaman na makikita


mo sa loob ng bahay. Iguhit ito sa iyong kwaderno at kulayan.

Sanggunian:
MELCS
Arts Learning Module
MODYUL IKAPITO HANGGANG IKAWALONG
4 LINGGO

ARALIN: PAGGUHIT
Makakaguhit ng iba’t – ibang halaman na matatagpuan
sa paligid gamit ang iba’t – ibang kulay, hugis, at linya.
• Nakakagamit ng iba’t – ibang kulay, hugis, at linya sa
pagguhit ng mga
halaman na makikita sa paligid.
• Nakakagawa ng leaf rubbing (pagbakat sa dahon).

Anong halaman ito? ______


Anu – anong mga kulay ang makikita sa
larawan? _________
Anong mga hugis at linya ang inyong
makikita? ________

Anong halaman ito? ______


Anu – anong mga kulay ang makikita sa
larawan? _________
Anong mga hugis at linya ang inyong
makikita? ________
Anong halaman ito? ______
Ano – anong mga kulay ang makikita sa
larawan? _________
Anong mga hugis at linya ang inyong
makikita? ________

Pagkabitin ang Hanay A sa Hanay B

A B
Malapad, pabilog at kulay berde

Namumulaklak na palumpong, may


kulay pula at puti

May matingkad na kulay at


paboritong laruin ng mga bata

Mabango, maliliit at mapuputing


bulaklak
[

Malalambot at may tinik ang


tangkay at kulay berde
May mga iba’t-ibang halaman sa paligid. Sa
pagguhit nito kailangan nating gumamit ng iba’t-ibang
hugis,kulay, at linya.
Ang leaf rubbing (pagbakat sa dahon) ay isang
paraan upang mabuo natin ang iba’t-ibang disenyo ng
dahon.

. Gumuhit ng isang dahon sa loob ng kahon gamit ang


iba’t-ibang kulay, hugis, at linya.

Kumuha ng isang dahon ng halaman at gawin ang leaf


rubbing gamit ang krayola. Paghambingin ang iginuhit na
dahon at ang leaf rubbing. Alin sa dalawa ang mas
mukhang tunay na dahon? Bakit?
Sa pagguhit natin ng halaman o isang bagay ginagamitan
natin ito ng iba’t-ibang hugis, kulay, at linya.

Balikan ang natapos mong gawang sining. Lagyan ng


kapag OPO ang sagot at kung ang iyong sagot ay HINDI
PO.

Nakapagguhit ka ba ng halaman gamit ang iba’t-


ibang kulay,hugis, at linya.
Nagawa moba ang leaf rubbing?
Masaya kaba sa iyong ginawa?

Gumuhit ng isang uri ng halaman na makikita sa


paligid, gamit ang iba’t-ibang kulay, hugis, at linya
Development Team

WRITERS
JOCELYN DELA D CRUZ
SILVANA L. GAYO
MARIA NELITA E. SERRANO
ANNA SUZANNE B. MANALILI
ROSE ANN P. LLAMERA
SIMMY M. TAMPAHAN
VILMA A PACULAN

EDITORS & EVALUATORS


MICHAELA BUENAOBRA
JOHN EDWARD P. DEGAMON
RAISSA TORRENTE

LAYOUT ARTIST & ILLUSTRATORS


MA. CRISTINA M. JAVIER
JOHN EDWARD P. DEGAMON
CAMILLE JEWEL L. GARCIA
MELANIE D. GATANELA

MANAGEMENT TEAM
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
SHOJI GERONA, EPS – MAPEH
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

PRINTING SPONSOR
CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like