You are on page 1of 9

SELF-LEARNING MODULE

GRADE 1
N
QUARTER 1

WEEK 6
arts

• Uses different drawing tools or materials- pencil, crayons, piece of charcoal, stick
MOST -on different papers, sinamay, leaves, tree bark and other local materials to
ESSENTIAL create his drawing about oneself, one’s family, home and school, as a means of
LEARNING self-expression. (Code: A1EL-Id)
COMPETENCIES • Draw different kinds of plants showing a variety of shapes, lines and color.
(Code: A1PR- 1F)

TOPICS • TANAWIN MULA SA PAARALAN O TAHANAN


• ANG KULAY, LINYA AT HUGIS

INAASAHAN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga batang mag-aaral na


nasa Unang Baitang. Ang layunin ng modyul na ito ay maibigay ang
kahulugan ng mga salitang ginagamit sa art, makaguhit ng tanawin
sa isang pamayanan at mapahalagahan ang pagkakaiba ng
cityscape at landscape.

Layunin din ng modyul na ito na makilala ang mga pangunahin


at pangalawang kulay, mga linya at iba’t-ibang hugis.

1
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN

Ang larawang ito ay pinamagatang “Sunset

over Malabon fishponds” na nilikha ng isang

mahusay na Pilipinong pintor na si Fernando

Amorsolo.

Siya ay kilala sa kanyang mga naipintang tanawing pambaryo ng

Pilipinas at ito ay tinatawag na landscape.

Ano nga ba ang landscape? Ito ay mga tanawin sa

isang pamayanan. Nagpapakita ito ng likas na

tanawin tulad ng mga puno at bundok.

Ang cityscape naman ay tanawin na nagpapakita ng mga gawa


ng tao (man-made).

Ang kulay ang nagbibigay liwanag, ganda, at saya sa sining. Ito din

ang nagbibigay buhay o ganda sa ating paligid tulad ng mga

halaman, bundok, at dagat. Madilim at malungkot ang paligid

kapag walang kulay.

PULA DILAW ASUL

Ito ang tatlong pangunahing kulay. Sa tatlong kulay na ito

2
nagmula ang ibat-ibang kulay na ating nakikita. Kapag ang
mga ito ay ating pinagsama maaari tayong makabuo ng
panibagong kulay tulad ng:

PULA + DILAW = DALANDAN

ASUL + DILAW = BERDE


=

PULA ASUL LILA


+ =
Ang dalandan, berde at lila ay tintawag na pangalawang kulay.

Ang linya ay ang pinagdugtong-dugtong na mga tuldok. Ito ay


maaring makita sa ating paligid tulad ng mga nasa dahon ng
halaman. Nagbibigay ito ng ganda tulad ng mga disenyo sa halaman,
at sa iba pang mga bagay sa ating paligid. Makikita sa larawan sa
ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng linya.

Ang hugis ay nabubuo sa pinagtagpong dulo ng mga linya. Ito


ay tuloy tuloy na guhit at walang butas na bahagi. Makikita rin ang
mga hugis na ito sa paligid gaya ng sa mga dahon ng halaman.
Ilan sa mga halimbawa ng hugis ay ang sumusunod.

Bilog= ito ay hugis na walang sulok.

Biluhaba=walang sulok ang hugis na ito, bilog na


pinahaba.

Parisukat=hugis na may magkaparehong gilid at


sulok.

Tatsulok=hugis na may tatlong gilid at sulok.

Parihaba=hugis na may 2 mahabang dilid at


may 2 maiksing gilid. Ito ay may apat na sulok.
3
Hugis puso=hugis na sumisimbulo sa puso.
GAWAIN 1

Pagmasdan ang larawan. Sagutan at isagawa ang hinihingi ng


bawat katanungan.

Tingnan ang manipis na tuwid na linya. Ito ang Guhit Tagpuan na


nagpapakita kung paano nagtagpo ang langit at lupa.
1. Aling puno ang malayo? _______________________________
2. Aling puno ang malapit? ______________________________
GAWAIN 2
Panuto: Kulayan ang mga halaman gamit ang ibat-ibang kulay.

4
GAWAIN 3
A. Kulayan ang larawan na ginamitan ng linya na kagaya ng nasa
hanay A

A. B.

1.

2.

3.

4.

5.

Gumuhit ng iba’t ibang dahon sa sanga ng halamang nasa


paso. Kulayan ito.

5
GAWAIN 4

A. Isulat sa loob ng kahon kung anong hugis ang makikita sa mga


larawan ng dahon.

1. 2. 3.

4. 5.

6
TANDAAN

Landscape -ay mga tanawin sa isang pamayanan.


Nagpapakita ito ng likas na tanawin tulad ng mga puno at bundok.

Cityscape - ay tanawin na nagpapakita ng mga gawa ng tao


(man-made).

Guhit Tagpuan o Tagpuang linya- ay isang tuwid na linya na


nagpapakita kung paano nagtagpo ang langit at lupa.

Fernando Amorsolo- isang mahusay na Filipinong pintor at


kilala sa kanyang mga naipintang tanawing pambaryo ng Pilipinas.

Ang kulay ay isa sa pinakamahalagang elemento sa isang


disenyo ng kahit na anong bagay. Nagbibigay ito ng kasiyahan,
kapayapaan na pakiramdam, at ganda sa isang bagay.

Ang hugis ay ang mga pinagdugtong dugtong na dulo ng mga


linya, wala itong butas na bahagi. Ito ang bumubuo sa mga bagay sa
paligid. Ang lahat ng nakikita mo sa iyong paligid na mga bagay ay
may mga hugis. Gaya ng hugis ng dahon ng halaman. Hindi mabubuo
ang dahon kung walang hugis.

7
PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN

Lumikha ng isang makabuluhang sining gamit ang mga ibat-


ibang kulay. At idikit sa isang malinis na papel.

Mga kagamitan

✓ Gunting

✓ Art or color paper (ibat-ibang kulay)

✓ Lapis

✓ Glue/pandikit

✓ ruler

Mga paraan ng paggawa

✓ Gumupit ng maraming hugis gamit ang ibat-ibang kulay ng


inyong art o color paper.

✓ Gumawa ng disenyo o larawan gamit ang inyong ginupit gupit na


hugis.

✓ Idikit ito sa malinis na papel.

(HALIMBAWA)

8
Isulat sa patlang ang linyang ipinapakita ng dahon na
nakalarawan.

__________1.

__________2.
__________2.
__________2.

__________3.

__________4.

__________5.

You might also like