You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Schools Division of Capiz
District of Panitan
Panitan, Capiz

GAWAING PAGKATUTO
LEARNING STRAND 1: Nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
personal na karanasan.

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Lebel:____________________________________________________Petsa:________________

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan.

II. Panimulang Pagtataya


PANUTO: Salungguhitan ang wastong anyo ng pandiwa.
1. Siya ang (nagwalis , nagwawalis , magwawalis) ng sahig kanina.
2. (Nagsulat , Nagsusulat , Magsusulat) ako ng isang liham ngayon.
3. Si ate ay (naglakad, naglalakad, maglalakad) bukas.
4. (Nagbasa, Nagbabasa, Magbabasa) ako ng aklat mamayang gabi.
5. (Nasira, Nasisira, Masisira) ng nakaraang bagyo ang aming bubong.
6. Berto, (lumabas, lumalabas, lalabas) ka ng aking kwarto!
7. (Nagbilang, Nagbibilang, Magbibilang) mamaya si Ben ng mga paninda bukas.
8. Ang niluluto niya ay (nasunog, nasusunog, masusunog) kanina.
9. (Nakita, Nakikita, Makikita) ko pa kaya ang aking pitaka.
10. Mataas (tumalon, tumatalon, tatalon) ang palaka.

PANDIWA
Ano ang Pandiwa?
Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng
pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang katumbas ng
pandiwa ay verb.

Mga Aspekto ng Pandiwa


1.) Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay
tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng
pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina,
noong isang taon, nakaraan at iba pa.

Mga halimbawa ng aspektong naganap o perpektibo:


 Naaalala ko pa ng unang beses kong makita ang Maynila.
 Kahapon ako kinasal.

2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging


ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o
aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.

Mga halimbawa ng Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan:


 Mamaya na tayo mag-usap dahil nagmamaneho ako ngayon ng kotse sa NLEX.
 Teka, kumakain pa po si mama.
 Naglalaro kami ni bantay sa labas ng bahay.
3.) Kontemplatibo o Aspetong Naganap na – Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos o
galaw ay hindi pa nagagawa o nangyari. Ito ay plano pa lamang na gawin. Tinatawag itong
pandiwa ng panahunang panghinaharap o aspektong magaganap pa lamang. Ito ay ginagamit
ng mga salitang tumutukoy sa panahon na darating pa lamang. Halimbawa ng mga salitang
ginagamit bago ang pandiwang ito ay sa susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng panahon,
balang araw at iba pa.

Mga halimbawa ng Kontemplatibo o Aspetong Naganap na:


 Papunta kami sa party ni Eric mamayang gabi.
 Sa darating na sabado, walang makakapigil sakin lumangoy buong araw sa dagat.
 Balang-araw, papakasalan kita.

III. Mga Sanggunian


https://www.myph.com.ph/2013/11/halimbawa-ng-pagsasanay-sa-
pandiwa.html#.YE4NoJ0zbIU
https://philnews.ph/2019/01/12/ano-ang-pandiwa-kahulugan-pandiwa-halimbawa/
https://takdangaralin.ph/aspekto-ng-pandiwa/

IV. Mga Gawain


Gawain 1
Panuto: Piliin ang wastong pandiwa upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang titik sa
inyong sagutang papel.

1. ____________ ako ng buhok sa pagligo ko mamaya.


A. Nagbasa B. Magbabasa C. Nagbabasa
2. Ang grupo nina Mrs. Gomez ang _____________ ng silid-aralan ngayon.
A. gagamit B. gumamit C. gumagamit
3. ____________ ka ba sa opisina mamaya?
A. Papasok B. Pumapasok C. Pumapasok
4. ____________ kami nina Tita Helen noong isang lingo.
A. Nagkita B. Nagkikita C. Magkikita
5. Ako ay _____________ ng sapatos araw-araw.
A. Naglinis B. Naglilinis C. Lumilinis
6. Sa Biyernes, ______________ kami ng aking mga kaibigan.
A. nagkikita B. nagkikita C. magkikita
7. ____________ si Noli ng maraming saging kahapon.
A. Kumain B. Kumakain C. Kakain
8. ____________ kami ng badminton sa labas ng bahay kahapon.
A. Naglaro B. Naglalaro C. Maglalaro
9. Si nanay Coring ay ___________ ng adobo sa Linggo.
A. nagluto B. nagluluto C. magluluto
10. Mamaya na ako __________.
A. nag-aral B. nag-aaral C. mag-aaral

Gawain 2
Panuto: Magtala ng sampung salitang kilos/pandiwa.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Pumili ng sampung pandiwa at gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysay ng
sariling karanasan sa pag-aaral sa ilalim ng Modular Distance Learning. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

A. Organisasyon ng mga ideya 35 puntos


B. Kawastuan ng mga kaisipan 35 puntos
C. Orihinalidad 30 puntos
KABUOAN 100 puntos

Pangwakas na Pagtataya
PANUTO: Salungguhitan ang wastong anyo ng pandiwa.
1. Siya ang (nagwalis , nagwawalis , magwawalis) ng sahig kanina.
2. (Nagsulat , Nagsusulat , Magsusulat) ako ng isang liham ngayon.
3. Si ate ay (naglakad, naglalakad, maglalakad) bukas.
4. (Nagbasa, Nagbabasa, Magbabasa) ako ng aklat mamayang gabi.
5. (Nasira, Nasisira, Masisira) ng nakaraang bagyo ang aming bubong.
6. Berto, (lumabas, lumalabas, lalabas) ka ng aking kwarto!
7. (Nagbilang, Nagbibilang, Magbibilang) mamaya si Ben ng mga paninda bukas.
8. Ang niluluto niya ay (nasunog, nasusunog, masusunog) kanina.
9. (Nakita, Nakikita, Makikita) ko pa kaya ang aking pitaka.
10. Mataas (tumalon, tumatalon, tatalon) ang palaka.

V. REPLEKSYON
Bakit mahalagang matutunan natin ang paggamit ng tamang salitang kilos/pandiwa sa
pangungusap?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO

Panimula at Pangwakas na Pagtataya Gawain 2


1. nagwalis Maaaring iba-iba ang sagot.
2. Nagsusulat
3. maglalakad
4. Magbabasa Pagtataya
5. Nasira Maaaring iba-iba ang sagot.
6. lumabas
7. Magbibilang
8. nasunog
9. Makikita
10. tumalon

Gawain 1
1. B 6. C
2. C 7. A
3. A 8. A
4. A 9. C
5. B 10. C

Repleksyon
Mahalagang matutunan natin ang paggamit ng tamang salitang kilos/pandiwa sa
pangungusap dahil sa pamamagitan nito madaling maunawaan ang iyong mga nais ipahayag.

You might also like