You are on page 1of 6

TTTTHKL

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

IKAAPAT NA MARKAHANG PANREHIYONG PAGTATAYA SA


ARALING PANLIPUNAN 2

Pangalan:_________________________________________________Iskor:_____________

Baitang at

Pangkat:_________________________________________Petsa:____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin ang titik
ng sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng


karapatan ng isang kasapi ng komunidad?
A. mahalin ang mga magulang at tumulong sa mga gawaing bahay
B. maisilang, magkaroon ng pangalan at pagkamamamayan C.
irespeto ang opinyon o paniniwala ng iba
D. lumahok sa mga gawain sa pamayanan na makatutulong sa pag-
unlad nito

_____2. Masdan ang mga larawan sa ibaba, alin ang nagpapakita ng


pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao sa komunidad?

A. B. C. D.

_____3. Bakit mahalaga ang serbisyo o paglilingkod na ibinibigay ng bawat


kasapi ng komunidad?
A. para walang maging tamad
B. para may trabaho ang lahat
C. para sa mga mayayaman na miyembro ng komunidad D.
para sa kaayusan at kaunlaran ng pamumuhay

_____4. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng karapatan ng isang kasapi ng


komunidad na pumili ng sariling relihiyon na kabibilanagn A. Oo
B. hindi
C. hindi tiyak
D. siguro

_____5. Alin sa mga larawan sa ibaba ang serbisyo na ginagawa upang


matugunan ang ating pangangailangang pangkaligtasan?

A. B. C. D

_____6. Anong tungkulin ang dapat mong gawin kapag nakita


mong maraming nakakalat at nakatambak na bote at lata sa may likod bahay
ninyo na maaring pamahayan ng iba’t-ibang insekto?
A. magalang na sabihin kay nanay o tatay na maaaring irecycle o ibenta
ang mga ito at tumulong sa paglilinis
B. takpan ng dyaryo upang hindi makita ng iba ang kalat
C. Imbitahan ang mga kalaro na linisin ang likod bahay ninyo.
D. huwag pansinin at magkunwaring walang nakita

_____7. Sino sa mga sumusunod na manggagawa ang tumutugon sa


pangangailangang pangkaligtasan o seguridad ng komunidad? A. mga guro
at punong-guro C. mga barangay tanod at pulis B. mga nars at doktor D.
mga mangingisda at magsasaka

_____8. Tukuyin kung anong karapatan ang ipinapakita sa


larawan.
A. karapatang isilang at magkaroon ng pangalan
B. karapatang makapag-aral
C. karapatang makapaglaro at makapaglibang
D. karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga

_____9. Sa ilalim ng madilim at maruming tulay naninirahan ang buong pamilya


ni Mang Fred. Gawa ito sa mga pinagtagpi-tagping sako, kahon at plastik.
A. tamang gawain B. maling gawain C. hindi tiyak D. siguro

_____10. Nakasulat sa babala ang “Bawal manigarilyo dito” ngunit nakikita


mong naninigarilyo ang kuya mo at mga kaibigan nito. Ano ang marapat
mong gawin?
A. paalalahanan sila patungkol sa nakasulat na babala
B. hayaan sila sapagkat alam na nila ang kanilang ginagawa
C. iwan sila upang hindi madamay sa mali nilang gawain
D. ayos lang dahil wala namang nakakakita

_____11. Anong serbisyo ang ibinabahagi sa pamayanan ng


taong nasa larawan?
A. pagkukumpuni ng sirang linya ng kuryente
B. pagkukumpuni ng mga sirang linya ng tubo ng tubig
C. pagkukumpuni ng mga sirang ngipin
D. pagkukumpuni ng mga sirang bombilya sa bahay

_____12. Masustansiya ang pagkain na inihahanda at ipinapakain ni Aling Merba


sa kaniyang mga anak na si Merla at Micko. Ano ang magiging epekto nito sa
kanila?
A. magiging mapili sila sa pagkain
B. magiging sakitin at mahina ang kanilang mga katawan
C. magiging gutumin at palakain sila
D. magiging malusog at malakas ang pangangatawan nila
_____13. Ang tungkuling pumunta sa bahay sambahan tuwing araw ng Linggo
upang manambahan ay pagpapakita ng __________________. A.
pagmamahal sa kapwa
B. pagmamahal sa bayan
C. pagmamahal sa Diyos
D. pagmamahal sa magulang

_____14. Tukuyin kung alin ang nagpapakita ng tungkulin sa mga sumusunod na


pahayag.
A. maisilang, magkaroon ng pangalan at pagkamamamayan
B. makinig sa guro at mag-aral ng mabuti
C. maglaro at maglibang
D. maipagamot kapag may sakit

_____15. Alin sa mga sumusunod ang kaakibat na tungkulin ng karapatang


magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan? A. Ingatan ang
mga kagamitan sa paaralan
B. panatilihing malinis ang tahanan
C. isumbong sa kinauukulan ang mga nanggugulo sa pamayanan
D. kumain ng masustansiyang pagkain

_____16. Masayang lumahok ang buong mag-anak ni Mang Gabor sa


programang “Tapat ko, Linis ko”. Ito ay pagganap sa kanilang
tungkulin sa kanilang _____________________.
A. sarili
B. pamayanan
C. simbahan
D. paaralan

_____17. Ang pagbibigay ng libreng seminar patungkol sa “Pag-iwas sa


Dengue” sa pamayanan ay pagtugon sa anong uri ng pangangailanagn? A.
pangkalusugan
B. pangkabuhayan
C. pang-edukasyon
D. pangkalikasan

_____18. Ano ang tungkulin na ipinapakita sa larawan?


A. Pagtapon ng basura sa tamang tapunan
B. Pagtawid sa tamang tawiran
C. Pakikilahok sa programa ng pamayanan
D. Pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng
kagipitan

_____19. Bawat isa sa atin ay may mga tungkulin. Bakit nararapat nating
ganapin ang ating mga tungkulin?
A. upang tayo ay purihin ng iba
B. para ipaalam na tayo ay mabuting tao
C. dahil ito ay obligasyong moral at nakabubuti
D. upang kilalanin at maging tanyag

_____20. Nang mapansin ni Aling Salve na may talento sa pagpipinta ang anak
na si Albert ay pinaturuan pa siya nito kay Mang Nilo na kilalang pintor sa
kanilang lugar. Anong karapatan ang tinamasa ni Albert? A. karapatang
malinang ang kakayahan
B. karapatang makapaglibang
C. karapatang makapag-aral
D. karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
_____21.Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagkakaisa at pagtutulungan.
A. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao sa pamayanan
patungkol sa kung sino ang magsasabit ng mga banderitas para sa
padating na pista.
B. Nagturuan ang mga kalalakihan kung sino ang tutulong sa
pagbubuhat sa bahay kubo ni Lolo Goryo na ililipat malapit sa
kaniyang taniman.
C. Nanalo ang barangay Sta. Cruz sa paligsahan ng pinakamalinis na
komunidad dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa D. Hindi
nagpapasinan ang mga magkakapit bahay dahil sa maliit na away
bata ng kanilang mga anak.

_____22. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng karapatang


magkaroon ng pamilyang mag-aaruga?

A. B. C. D.
_____23. Sino sa mga kasapi sa pamayanan ang inaasahan na tumugon sa
ating pangangailangang pangkaligtasan o seguridad na mapuksa ang mga
sunog na hindi inaasahan?
A. karpintero B. guro C. bumbero D. tubero

_____24. Sino ang katulong natin upang makamit ang ating karapatan na
magkaroon ng wastong edukasyon?
A. simbahan B. pamayanan C. komunidad D. paaralan
_____25. Alin ng dapat iwasan kaugnay ng karapatan nating magpahayag ng
sariling opinyon o paniniwala?
A. makasakit at makasira sa kapwa
B. magsabi ng mahalagang impormasyon na makatutulong sa
nakararami
C. magsalita ng may paggalang
D. maglabas ng saloobin na maaring makatulong o kapaki-
pakinabang sa iba

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

IKAAPAT NA MARKAHANG PANGREHIYONG PAGTATAYA SA


ARALING PANLIPUNAN 2

SUSI SA PAGWAWASTO:

1. B
2. B
3. D
4. B
5. D
6. A
7. C
8. C
9. B
10. A
11. B
12. D
13. C
14. B
15. D
16. B
17. A
18. B
19. C
20. A
21. C
22. A
23. C
24. D
25. A

You might also like