You are on page 1of 7

4

Sining
Kwarter 2 – Modyul 1:
Mga Katutubong
Kasuotan:Pahalagahan at Isagawa

1
Aralin Mga Katutubong
1 Kasuotan:Pahalagahan at
Isagawa
Isang maganda at makabuluhan ng araw sa iyo kaibigan!

Sa modyul na ito ay nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong


kasuotan. Makikita ang iba’t ibang hugis,kulay at disenyo.

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag aaral ay inaasahang makakalikha


ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan.

Ating Alamin at Tuklasin

T’boli

2
Ang mga T’boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao. Pangangaso,
pangingisda at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan ang kanilang
ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng
tela para sa damit na ang tawag ay t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka.
Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at palamuting kuwentas, pulseras, at
sinturon na yari sa metal at plastik. Ang kuwentas ay yari sa maliit na butil na
tinuhog.

Karaniwang kulay ng mga butil ay pula, Itim at puti. Ang kuwentas na


ito ay nilalagyan ng palawit na yari sa tanso. Nangingibabaw sa mga kulay na
ginagamit ng T’boli ang pula, itim at puti.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin kung


maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng sining tulad ng linya, hugis,
at kulay. Ang paggamit ng overlapping technique ay nakatutulong upang
makatawag pansin ang isang disenyo.

Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan at


makatotohanan sa pamamagitan na tamang proporsiyon.

Ang overlap ay ang pagpapatong-patong ng mga linya, hugis, at bagay sa


larawan.Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan at
maging makatotohanan ang sining. Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa
kagandahan ngdisenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang
mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang linya, hugis o bagay
sa larawan.

Written Work #1 (Week 1-2)

GAWAIN SA PAGKATUTO 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa activity sheet.

1. Saan matatagpuan ang mga T’boli?


A. Mindanao C. Luzon
B. Ifugao D.Visayas

3
2. Ano ang sistema ng pagsasaka ng mga T’boli?
A. Kaingin C. Pag-aalaga ng hayop
B. Pagtatanim ng palay D. Pagtatanim ng gulay

3. Ano ang tawag sa telang hinahabi ng mga T’boli para sa damit?


A. t’nalak C. Seda
B. Satin D. Katsa

4. Nakakatulong din ang pili ng ________ sa kagandahan ng disenyo.


A. Kulay C. Disenyo
B. Linya D. Bagay

5. Ang paggamit ng __________ ay nakatutulong upang makatawag pansin ang


isang disenyo.
A. Lapis C. Proporsiyon
B. Overlap D. Background

6. Anong element ng sining ang ginagamit sa pagdisenyo ng kasuotan?


A. Hugis at kulay C. Proporsiyon
B. Espasyo D. Linya

7. Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit kung maganda ang


A. Disenyo C. Hugis
B. Linya D. Porma

8. Ang pagpapatungpatong ng mga hugis at bagay sa larawan tinatawag na


_______.
A. Proporsiyon C. Value
B. Overlap D. Balanse

9. Sa paanong paraaan nakakalikha ng isang papusyaw na kulay?


A. Pagkuskus ng pintura C. Paglagay ng ibang kulay
B. Paghalo ng putting kulay D. Pagpapatuyo ng kulay

10. Ano ang katangian ng mga bagay sa larawan na mas malapit sa mga
manunuri?
A. Mapupusyaw C. Malalaki
B. Matitingkad D. Maliliit

4
Performance Task #1 (Week 1-2)

Kasuotan at Palamuting Etniko

Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, acrycolor, brush, lalagyan ng tubig,


at basahan

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Mag-isip ng disenyo at tabas ng kasuotang maaring isuot para sa nalalapit


na pagdiriwang. Maaaring gumamit ng simbolo ayon sa gawain o pamumuhay
tulad ng pangingisda, pagsasaka, pangangaso o pangunguha ng prutas.

2. Igawa ng pattern sa manila paper at gupitin na parang kasuotan.

3. Lagyan ng disenyo ang pattern ayon sa napag-aralan sa kasuotan ng


pangkat-etniko. Gumamit ng ibat ibang hugis. Maaaring lagyan ng mga
disenyong kuwintas at iba pang palawit.

5
4. Pintahan gamit ang acry color. Gumamit ng natural o walang halo na kulay
para maging matingkad at dagdagan naman ng puti kung gustong maging
malamlam ang isang kulay. Patuyuin.

5. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

• Ang paggamit ng pagpapatong-patong (overlap) ng mga linya, hugis, at


matitingkad na kulay ay nakatutulong upang maging kaakit-akit ang
kasuotan.

Para masuri ang iyong gawain narito ang mga pamantayan

Nakakasunod Nakakasunod Hindi nakasusunod


Mga Pamantayan sa sa sa
pamantayan pamantayan pamantayan
nang higit sa subalit may
inaasahan ilang (2)
(4) pagkukulang
(3)
1. Natukoy ko ang
iba’t ibang disenyo
na nagtataglay ng
mga element at
prinsipyo ng

6
sining sa mga
gawa.

2. Nalaman ko ang
paggamit ng
overlapping
technique.

3. Nakakalikha ako
ng sariling disenyo
ng isang
katutubong
kasuotan.
4. Makikita ang iba’t
ibang hugis,kulay
at disenyo ng isang
katutubong
kasuotan.

5. Naipamalas ko
nang may
kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

Sanggunian
Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p.182

Musika at Sining 4, Kagamitan ng Guro p. 203

You might also like