You are on page 1of 8

SINING

Ika-apat na Markahan –
Aralin 1: Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas

MELC:
1. Differentiates textile traditions in other Asian countries like China, India, Japan,
Indonesia,and in the Philippines in the olden times and presently. (A4EL-lva)
2. Discusses pictures or actual samples of different kinds of mat weaving traditions in the
Philippines. (A4EL-lvb)

Layunin:
1. Naipakikita at natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaibang disenyo sa paghahabi na
karaniwang gamit sa Silangang Asya at Pilipinas.
2. Natatalakay ang mga larawan o tunay na halimbawa ng iba’t ibang mga tradisyon ng
paglalala ng banig sa Pilipinas.

Ang banig ay isang handwoven mat na katulad ng mga tradisyonal na tatami ng mga
Hapon at paay or chatai ng India, gawa ito sa mga pinatuyong dahon tulad ng buri,
pandan, tekog at dagat dahong damo na ginagamit sa pagtulog at pag-upo sa Pilipinas.

Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at pandan.


Madalas tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang
disenyo sa paglalala. Ito ay stripes, square, checkered, at zigzag.

Ang karaniwang mga disenyo ng banig ng taga Basey, Samar naman ay yano (plain),
sinamay (papalit-palit) at bordado o pinahutan (burdado).

Nag iiba-iba din ang laki, may malalapad at malalaki. Ang bayan ng Libertad, Antique
ay kilala sa paglalala ng banig na naging isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan
ng mga taong bayan.

Japan Textile

Yari sa iba’t ibang uri ng fibers, silk, at cotton na pinalamutian ng iba’t ibang
Japanese art and design ang textile ng Japan. Malaki ang naibahagi at impluwensiya ng
kanilang katutubo sa paggawa ng disenyo.
Chinese Textile
Ang karaniwang textile ng China ay yari sa silk, isang materyal na makukuha sa
silkworm sa paggawa nila ng kanilang cocoon. Maaari din itong makuha sa ibang insekto
tulad ng sapot ng gagamba.

India Textile

Kilala ang textile ng India sa buong mundo noon pa man. Ang materyales na
karaniwang ginagamit nila ay ang mga simpleng makikita sa paligid tulad ng cotton. Indigo
ang karaniwang kulay na ginagamit bilang disenyo sa kanilang fabric.

Indonesia Textile

Gumagamit din ng iba’t ibang uri ng fabrics, materials, techniques at kulay ang
textile ng Indonesia. May tatlong uri ito. Ang ikat, songket, at batik. Ang ikat ay
nangangahulugang tied or bind. Nangangahulugan ito na ang disenyo ay patterned cloth or
together. Ang songket ay isang silk cloth na pinalamutian ng silver at gold. Samantalang
ginagamitan naman ng wax at dyeing technique ang batik.

Philippine Textile

Ang karaniwang disenyo ng textile ng Pilipinas ay nakabase sa kultura nito, tulad


ng katutubong disenyo. Isa sa mga mahahalagang materyal at naging bahagi na ng
kasaysayan dahil ginagamit na ito noon pa man sa paggawa ng textile ay ang pinya
fabrics, abaka at jusi. Pagmasdan at pansinin din ang pagkakaiba sa paggawa ng banig
sa ating bansa.
SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 2: Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas

MELC: Discuss the intricate designs of mats woven in the Philippines.


(A4EL-IVc)

Layunin:
1. Nakikilala at natatalakay ang mga iba’t ibang disenyo ng banig sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas.
2. Naipagmamalaki ang mga disenyo ng iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng paglalala
ng banig batay sa disenyo ng mga komunidad sa iba’t ibang rehiyon.

Ang banig ay karaniwang gawang kamay sa pamamaraang paglalala na ginagamit sa


iba’t ibang rehiyon ng ating bansa. Nagsisilbi itong pansapin sa higaan kapag matutulog o
maging sa pag-upo. Ang uri ng banig ay naayon sa kultura, kauglian at materyales na
magagamit sa bawat lugar ng bansa.

Basey, Samar

Ang Samar ay tanyag sa malawakang paglalala ng banig sa bansa.


Matatagpuan sa Basey ang pinakasentro at malaking produksyon ng
kanilang banig. Gumagamit sila ng hilaw na halamang tikog bilang
pangunahing materyales sa paglalala o palalara.

Ang tikog ay isang uri ng damo na karaniwang tumutubo kung


saan-saang bahagi ng kanilang lugar. May sarili silang pamamaraan
sa paghahanda ng tikog bago ito maaring gamitin sa paglalala ng
banig. Bukod tangi ang desenyo ng hangganan at gitnang motibo
nito na kadalasan ay may istelo na hango sa bulaklak ng
sampaguita, gumamela, rosas at orkidya. Kadalasan ay gumagamit
sila ng pangunahing kulay kasalungat nito ang karaniwan o natural
na kulay ng tikog kapag tuyo na ito. Higit na mataas ang halaga ng
banig kapag ito ay may komplekadong kulay at disenyo.
Iloilo
Kapansin-pansin naman ang tradisyonal na banig
mula sa lalawigan ng Iloilo. Tinatawag nila itong bamban
mat na gawa mula sa Bamban Reed Plant.
Ang halamang ito ay tumutubo sa tabi ng tubigan sa
kanilang nayon. Naibibinta lamang sa murang halaga ang
kanilang produkto dahil sa ordinaryong pagkakayari nito
mula sa makintab at natural na kulay ng pinatuyong
tangkay ng halaman. Ang bamban mat ay kasalukuyan pa
rin na ginagamit sa ilang kanayunan ng Iloilo.

Tawi-Tawi Badjao at Samal


Ang Badjao at Samal naman ay may kakaibang disenyo ng
banig na ipinagmamalaki sa buong bansa. Matatagpuan sila
sa lalawigan ng Tawi-Tawi, kapuluan ng Sulu. Gumagamit sila
ng dahon ng halaman na tinatawag na pandan. Sagana sa
halamang pandan ang kanilang lugar dahil tumutubo ito sa
mabato at mabuhanging baybayin ng isla. Makikita sa
kanilang mga likha ang matitingkad na kulay berde, kahel,
pula, indigo, asul, at dilaw na magkakaiba sa disenyo at
motibo ang bawat pangkat.
Badjao mat ay nagpapakita ng buhay na kulay at
pagkakasunod-sunod na geometric pattern bilang simbolo at
sumasalamin sa uri ng kanilang pamumuhay tulad ng
alimasag, alon ng dagat, bangka at iba pang elemento ng
karagatan. Samal mat ang desinyo ng kanilang banig ay may
pagkakasunod-sunod na pattern ng mga strip,
magkakahalong kulay na hugis parisukat at zigzag.
Romblon
Ang isla ng Romblom ay may bukod tanging tradisyon
sa paglalala ng banig kung saan mapapansin ang
dekalidad at mabusising pagkakagawa na parang lace
ang mga gilid. Dahon ng buri o Palm Plant ang kanilang
ginagamit sa paglalala.
Bukod sa paggamit bilang higaan, may natatangi rin
silang gamit sa kanilang banig. Nagiging kasangkapan
nila ito sa tradisyunal na sayaw ng bagong kasal bilang
patungan habang ang mag-asawa ay sinasabitan ng
salapi sa damit ng bawat kamag-anak na
nagpapaunahan sa paglalagay o paghahagis ng barya sa
mag-asawa.

Palawan
Ang paglalala ng banig ng mga Tagbanua at Batak sa Palawan ay minana pa nila
mula sa mga ninuno at nagpasalin salin hanggang sa
kasalukuyan. Sa murang edad ay sinasanay na ang mga batang
babae kung paano gumawa ng banig. Tagbanua mat ay
gumagamit ng dahon ng pandan bilang panguhing materyales sa
paglalala. Mula sa ordinaryong banig ay nakakabuo sila ng
handbags, baskets, place mats at iba pang palamuti sa tahanan.
Nagkaroon sila ng mga pagsasanay sa tulong ng pribadong
organisasyon upang lalong mapaunlad ang kanilang kasanayan
sa paglalala.
Batak mat ay may dalawang uri ng paglalala ng banig ito ay
ang isahang daan ng paglalala at dalawahang daan ng paglalala
o may pattern at disenyo na sinusunod. Barasan ang kanilang
tawag sa dahon ng halaman na pangunahing materyales sa
paglalala ng banig. Ito ay nakukuha sa gitna ng kagubatan na
kinaroroonan ng kanilang tribo. Minsan ay gumagamit din sila ng
Balitbit.
Ito ay uri ng halaman na makukuha sa tabing dagat na nauuri sa halamang
pandan. Tulad ng tagbanua sa Coron Palawan hindi lamang
banig ang kanilang produkto sa kasalukuyan. Natuto na rin
silang gumawa ng baskets, handbags, place mats at samot-saring
palamuti at kagamitan sa tahanan ng mga sinaunang tribo.

SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 3: Mga Hakbang sa Paggawa ng Tie-dyeing

MELC: Explains the steps to produce good tie-dye designs. (A4PL-Ivd)

Layunin:
1. Natatalakay ang mga hakbang sa paggawa ng pagtinali-tali o tie-dye sa pagbuo ng
magandang disenyo
2. Napagsusunod-sunod ang mga hakbang sa paggawa ng magandang desinyo ng
pagtitina-tali o tie-dyeing
3. Napapahalagahan ang tamang paraan sa pagbuo ng isang disenyo sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga hakbang nito

Ang pagtina-tali o tie-dye ay isang uri ng disenyong pantela na simple at


nakawiwiling paraan upang gawing bago ang mga lumang tela tulad ng mga damit,
tuwalya, panyo at iba pa.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Pagtitina-tali o Tie-dyeing

SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 4: Pagbibigay Kahulugan sa Disenyo,
Kulay at Anyo ng Likhang-Sining

MELC: Explains the meaning of designs,colors,and patterns used in the artworks.


(A4PL-lve)

Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng bawat kulay, disenyo at ayos na ginamit sa likhang-sining
2. Nailalarawan ang kahulugan ng bawat kulay, disenyo at ayos ng likhang-sining

Ang paglalala ay isang halimbawa ng sining na paraan ng pagsasalit-salit ng


materyal gaya ng buli o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang
makabuo ng kahanga-hangang disenyo. Iniuugnay nito ang kaangkupan ng kulay ayon sa
disenyo.

Narito ang ilang halimbawa ng mga likhang-sining tulad ng nilalang banig (woven
mat), ipininta na disenyong bundok at kapaligiran, mangkok, palayok at banga na iginuhit
ng ating mga Pilipinong artist.

Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining, nakapagpapahiwatig ito ng


iba’t ibang kahulugan. Ang mga mainit na kulay tulad ng pula, kahel at dilaw ay
nagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan. Ang mga kulay na malalamig tulad ng bughaw
at lila ay nagpapagaan ng pakiramdam.

Ang disenyo sa mga kasuotan at palamuti ng ating mga ninuno ay mayroon ding
pagpapakahulugan. Kapag sila ay nagsuot ng kasuotan na may disenyong ahas, butiki
bituin at sibat ito ay nangangahulugang may mataas na antas ng kabuhayan. Ang
paglalagay ng putong sa ulo na may kasamang hornbill ay nagpapakilala rin ng antas ng
kabuhayan, sapagkat katumbas nito ng hari sa Inglatera. Simbolo rin ito ng pagiging
mapagbigay. Mayroon din silang kasuotan na kung tawagin ay Ampuyao,
nangangahulugan ito na sila ay magtatanim ng palay, gumawa ng gawaing bahay o
magbebenta ng mga produkto o ani.

Kapag ikakasal naman, ang dekorasyon na nilalagay sa mukha ay may disenyong


bilog, tuldok, at pahugis diamond gamit ang pinatulis na patpat ng kawayan at ang puting
pintura na gawa sa giniling na bigas o harina na may tubig.

Narito ang mga kulay at ang kahulugan nito:


 Pula o Red – ito ay kulay na nagpapahayag ng pag-ibig ganun din ng kasiglahan sa
damdamin, kilos at isip. Ginagamit din ang kulay pula sa pagbibigay babala o hudyat.

 Kahel o Orange – kulay ng pakikipag-kaibigan, pag-asa at kababaang-loob. Ito ay kulay


ng positibong pananaw, pagkamasiglahin at pagkamalikhain.

 Dilaw o Yellow – kagaya ng kahel, ito ay kulay na nagpapahiwatig ng masiglang kaisipan


at damdamin kagaya ng katalinuhan at kumpiyansa.

 Berde o Green – kulay ng katarungan, pag-unlad, kasaganaan, ganun din ng


pagkakaisa at kalusugan. Ito ay nakakarelaks na kulay. Sinasabi na ang berde ay
nagbabalanse ng emosyon at nagbibigay sigla at pag-asa.

 Asul o Blue – kulay ng kapayapaan, kaligtasan, tiwala, katapatan, karangalan, at


kapahingahan ng diwa o isip.

 Lila o Violet – kulay na may kaugnayan sa spiritwalidad at imahinasyon ganun din


nang pagiging mapamaraan at idealistiko. Ito ay madalas na nauugnay sa kaharian at
karangyaan.

 Kayumanggi o Brown – kulay nang pagiging palakaibigan at kababaang-loob. Ito ay


“earth color” o kulay ng kalikasan Dahil dito, ito ay sumisimbolo ng katatagan at
katapatan.

 Itim o Black – kulay ng lihim o anumang misteryoso. Ang itim ay karaniwang


nakakatakot at kadalasang naiuugnay sa kababalaghan. Minsan, ito ay nangangahulugan
ng pagiging elegante at maganda.

 Puti o White – kulay na sumisimbolo ng kadalisayan o kalinisan. Nagbibigay kaaliwasan


sa isipan.

Narito ang mga halimbawa ng linya at kahulugan nito:


 Linyang Patayo (Vertical) – katatagan at dignidad

 Linyang Pahalang (Horizontal) – kapayapaan at katiwasayan

 Linyang Pahilis/pahilig (Diagonal) – walang katiyakan, panganib o peligro

 Linyang Kurbado (Curve), Maalon (Wavy) o Zigzag – umuusbong o namamayaning


damdamin

You might also like