You are on page 1of 35

Republika ng Pilipinas

KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata I

INTRODUKSYON

Panimula

Likas nang gawain ng mga ILubuagan ang panlalaga o


paghahabi. Ito ay isang daan upang maipreserba ang Kulturang
Pananamit ng mga taga-Kalinga.

Isa sa mga barangay ng Lubuagan ay ang Mabilong. Ang


Mabilong ang siyang sentro ng gawaan ng Tapis na kung saan isa
ito sa mga pinagkukunan nila ng pang-araw-araw nilang
pangangailangan upang mabuhay.

Si Irene Bawer-Bimuyag, ang founding mother ng art


enterprise na Kalinga Weaving, ay nagsimula ng paghabi noong
siya ay nasa grade three. Mula sa ikatlong henerasyon ng mga
weavers sa kanyang bayan sa Kalinga, tinuruan siya ng kanyang
ina at nagdala sa isang nayon na ngayon ay nagsisilbi pa rin
bilang isang bukal ng mayaman na tradisyon sa bibig. Ayon sa
Bawer-Bimuyag, lahat ng tao sa kanilang mga village ay nag-
iipon, at ang lahat ng mga batang babae ay natututo mula sa
kanilang mga ina. "Lumaki ako sa [isang pamilya ng mga
manghahabi]," sabi niya. "[May anim na sa amin] at lahat tayo
ay mga weaver. Lahat tayo ay aktibo. " Noong 1999, nagsimula
siyang magtrabaho kasama ang artist na BenCab bilang bahagi ng
kanyang mga karanasan sa pagbabago sa Baguio.

Ngunit tila ba’y sa mabilis na paglagas ng oras kasabay


ng matinding pagbabago sa buhay ng mga IKalinga, ay
nakaliligtaan na nila ang tunay na simbolo at kahalagahan ng
tapis na kanilang isinusuot lalo na sa mga kababaihan. Ang

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
1
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Tapis ay isang pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan sa


Kalinga na iniingatan at nirerespeto ng mga ninuno ang mga
ito, ngunit sa panahon ngayo’y makikita na ito sa mga mesa
bilang disenyo, bintana bilang kurtina at dingdig bilang
ornamento at iba pang mga gawaing walang paggalang sa mga
kasuotang ito dahil sa kakulangan ng kaalaman at dahil na rin
sa matinding modernisasyon.

Sang ayon si Diaz (2014) na ang mga tapis ng Kalinga ay


kahanga hanga dahil sa mga sinisimbolo nito ngunit unti-unti
itong nabubura dahl sa mabilis na pagsulong ng modernisasyon.

Gayundin naman ang pagkasabi ng Sunstar (2011) na ang


paghahabi sa Kalinga ay humaharap na ngayon sa isang matinding
problema dahil sa epekto ng teknolohiya at mga pag-aalok ng
mga trabaho sa mga ibang parte ng loob ng ating bansa at sa
mga labas nito.

Sa suliraning ito, nabuo ang kuryosidad ng mga


mananaliksik ng Kalinga National High School na pag-aralan ang
mga ito hanggang sa nakabuo ng isang titulong angkop sa
kanilang kagustuhang aralin ang, Pagsusuri sa mga iba’t ibang
Disenyo ng Tapis ng Mabilong, Lubuagan, Kalinga sa
deskriptibong pamamaraan.

Isa ito sa mga paraan ng mga mananaliksik na ipahatid sa


mga IKalinga lalo na sa mga kabataan ang totoong kahalagahan
at simbolo ng mga tapis sa kanilang pang-araw araw na
pamumuhay at upang panatilihin ang diwa at esensiya ng Tapis
bilang parte ng kulturang Kalinga.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
2
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga disenyo ng


“tapis” ng Mabilong, Lubuagan, Kalinga sa dirkriptibong
pamamaraan sa kabuuan. Ang pananaliksik na ito ay may mga
ispesipikong katanungang nais sikaping bigyan ng mga
kasagutan:

1. Ano-ano ang mga disenyo ng tapis?

2. Ano ang isinisimbolo ng mga disenyo ng bawat tapis?

3. Ano ang tradisyunal na proseso sa paghahabi ng tapis?

Saklaw at Limitasyon

Ang maisasagawang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa


pagpapayaman ng kaalaman patungkol sa mga disenyo ng tapis ng
Mabilong, Lubuagan, Kalinga. Ito ay gagawin sa loob ng isang
semester lamang mula Enero at aasahang matatapos hanggang
Marso 2019.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
3
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kahulugan at mga Katawagan

Tapis-pang ibaba na kasuotan ng babae sa Kalinga

Ipitan- ginagamit para sa gilayan

Puuyan- ginagamit ito para paghiwalayin ang mga kulay ng


mga sinulid tuwing naglalaga

Lipkilan- ginagamit para pang-ipit sa mga sinulid.

Papattayan- dito pinagpapatungan ng mga tela.

Pitipit- pagrorolyo ng mga sinulid

Pakan- rolyo na sinulid

Silaksakaw-Karaniwang ginagamit ito bilang silong sa mga


selebrasyon

Pongan- stripe

Ilaglis-Ito ay karaniwang disenyo ng blanket

Kapos- bulak

Silugwid- Isang disenyo ng tapis

Pilakpak-Ang Pilakpak ay hango sa salitang pakpak o


isipi. Ito ay may simpleng tahi na kulay dilaw.

Gililing-ang gililing ay nagmula sa salitang giling na


nangangahulugang clean stripes.

Silanbituwon- Isang disenyo ng tapis.Ang uri ng tapis na


ito ay tanging mayayaman at mga miyembro ng
kajangyan/pangat

Lilaktob-Ang disenyong ito ay may pagkapareha sa tapis


ng tribo ng Naneng ng Tabuk City.

Lilay- token/regalo

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
4
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kajangyan/Pangat- marangal na pamilya


Atod-

Gabbok- selebrasyon para sa panganay na anak na babae o


lalaki

Oben- ginagamit ng mga matatanda upang kargahin ang


kanilang mga sanggol

Allap- uri ng tapis na ginagamit sa pananayaw sa


tradisyunal na sayaw

Kabodngan- ka-bodong

Matagoan- pangkabuhayan

Sapayong- ginagamit bilang proteksyon sa sikat ng araw


tuwing nagtatanim o nagtatrabaho

Billalikted-disenyong pareho ang likurang bahagi sa


harap na parte.

Gilamat- Isangdisenyo ng tapis.Ito ay binubuo ng mga


kulay pula, itim,dilaw,at berde.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
5
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang lahat ng mga publikasyon,


libro, web page na may kinalaman sa pananaliksik na ito.
Gayundin ang mga kaugnnay na literatura na pag-aaral tulad ng
tesis, desertasyon at ba pang sanggunian na magagamit bilang
batayan sa pagsusuri.

Kaugnay na Literatura

Sa Lubuagan, ang paghahabi o panlalaga ay isa sa mga


tradisyunal na gawaing naisalin-salin mula sa mga ninuno
patungo sa mga anak nito at nanatili parin ito sa buhay ng mga
Ikalinga hanggang ngayon nakung saan sa mga manghahabi o
manlalaga, isa ito sa pinagkukunan nila ng kanilang pang araw-
araw na pangangailangan upang mabuhay lalo na sa mga baryo ng
Lubuagan tulad ng Mabilong.

Ang tradisyunal na paghahabi ay kumakatawan ng malaking


gampanin sa Socio-cultural at buhay pang-ekononiya ng mga
ILubuagan. Para sa kanila ito ay isa sa mga epektibong paraan
upang panatilihin ang kulturang Ikalinga lalo na sa larangan
ng sining.

Kilala ang Baranggay Mabilong sa kanilang mga natatanging


disenyo ng mga tapis na tinuturi nilang tradisyong sagrado
dahil ang paghahabi ay gawaing minana ng mga ito sa kanilang
mga apo na nararapat nalang na ipreserba upang mananatili
parin ang diwa nito sa mga taong dadaan.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
6
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Halos nasa 90 porsyento sa mga kababaihan rito ay alam na


ang paghahabi ng iba’t ibang uri ng tela na gagawing tapis na
kung saan ang mga mabubuong proyekto mula sa tradisyong ito ay
naging One Town One Product (OTOP)na ng kanilang baryo, Diaz
(2014).

Sa paghahabi ng mga ito, nakabubuo sila ng mga iba’t


ibang disenyong tinatawag na Tapis: mala-telang tradsiyunal na
kasuotang pang-ibaba ng mga babaeng Ikalinga na karaniwang
isinusuot sa mga okasyon sa loob at labas ng Kalinga. Ang
paghahabi rin ng tapis ang isa sa mga sining na ipinagmamalaki
ng mga taga Lubuagan.

Sa mga ginagawang mga disenyo ng mga ito, karaniwan ay


insperado sa kalikasan, nariyan ang mga bundok, hayop, araw at
mga materyal at mga hugis ng tao na nagiging dahilan sa
pagiging sagrado nito na iniingatan at pinapahalagahan ng mga
ILubuagan gayundin ang mga bawat detalye at kulay nito ay may
mga ispesipikong kahulugan. Sinisigurado nilang buhay parin
ang mga pula at itim nilang kombinasyong kulay ng kanilang
ginagawa.

Tunay na kahanga hanga ang kulturang paghahabi sa


Mabilong, Lubuagan dahil ayon sa mga manghahabi ng Mabilong
2018, sa mga bawat disenyo ng mga ginagawa nilang Tapis ay may
iisa lamang ang layunin, yun ang panatilihin ang tunay na
simbolo ng bawat disenyo ng mga Tapis at mga simbolo nito
tulad ng pagrespeto sa inang kalikasan, simbolo ng
katahimikan, paggalang sa mga diyos-diyosan na sa makatuwid ay
nakasentro sa mga Core Values ng Kalinga, ang Biin (Paggalang

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
7
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

sa kapwa tao), Ngilin (Paggalang sa Kalikasan), at Paniyao


(Paggalang sa Diyos).

Nakasaad saKalingafornia.laga.com/mabilongweavers.html na
may mga pitong uri ang ginagawang tapis ng mga taga-Mabilong,
tulad ng gililing, gilamat, ilaglis, silugwid, pillakpak,
lilaktob at billaliktad at iba pa tulad ng silaksakaw at
silambituwon. Bawer, MC. (2009)

Sa mga tapos ng proyektong habi ng mga taga-Mabilong


karaniwa’y makikita rin ang mga ito sa mga pista di lamang sa
kanilang lugar kundi sa buong Kalinga tulad ng nakaraang 24th
Anibersaryo at 3rd Bodong Festival ng probinsya na kung saan
ginamit ang mga ito bilang kostyum sa mga Street Dancing,
Cultural Dance, Salip di Tupayya at mga disenyo ng mga taga-
Mabilong rin ang naging atraksyon sa nakalipas na Laga Show.
(Para sa mga larawan, kumonsulta sa Apendiks B. Pahina)

Hindi lamang sa Probinsya ng Kalinga nakikilala ang


kanilang mga disenyo ngunit pati narin sa buong Pilipinas
dahil isa sa mga miyembro ng Product Development and Design
Center of the Philippines na si Riza Cabalo (2010) ay nag-
asista sa mga taga-Lubuagan upang bumuo ng mga produktong
inspirado sa mga disenyong gawa ng mga ito tulad karamihan sa
mga Featured designs, ang kulay asul na may simbulong
kayamanan na kananiwang makikita sa Gilamat. Sa mga bag ng mga
ito’y insipirado rin sa mga disenyo ng mga ILubuagan tulad ng
berdeng zigzag na mag kahulugan bulubunduki na tirahan ng mga
ito na makikita sa Ilaglis. Gayundin naman, makikita sa mga
disenyo ng mga ito ang bitwin na sumusimbulo ng Fertility na

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
8
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

karaniwa’y inilalagay sa Silambituwon. Lahat ng mga produktong


ito na inspirado sa mga disenyo ng mga Ilubuagan ay naisalang
rin sa nakalipas na National Trade Fair (2006).

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
9
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata III

METODOLOHIYA

Sakabanatang ito ipapakita ang disenyo ng pag-aaral,

instrumentong gagamitin, paraan ng pangangalap ng datos o

impormasyon pati narin ang lokal at populasyon ng

pananaliksik.Nakapaloob rito ang mga tagatugon sa paksang

sinisiyasat at dito rin makikita ang tradisyunal na proseso at

mga materyales sa paggawa ng tapis.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyongginamitngmgamananaliksik ay ang anyong


deskriptibo.Naaayonitosapananaliksiksamgadisenyongtapis
ngMabilong, Lubuagan, Kalinga.
LingidsakaalamanngkaramihangIKalingaangmgatunaynapangalan at
kung saandapatginagamitangmgatapispatinaangmgasimbolonito.
Susuriinngpag-aaralnaitoangiba’tibangdisenyongtapis at
mgasimbolonitosa pang-araw-arawnapamumuhayngmgataga-Kalinga

Respondante at Populasyon

Angpananaliksik ay

isinagawasaMabilong,Lubuagannakungsaanang munisipalidad

ngLubuagan ay angpangunahing kontributor ngmga tapis.

MulasawalongMunisipalidadngKalinga. AngLubuagan ay nag

mula sasalitang “lubuangon” na kung saanangmaliitna barangay

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
10
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

ngPoblasyon ay may mgalumalabasnabatis o tinatawagnang mga

Ilubuaganna “jegsi” mulasalupa, at ito

angnagsisilbingpinagkukunannginuminngmganinunongLubuagan.

Gayundin naman angmgakalahok ay apat na pawang mgaekspert


na manghahabingbabaengMabilong, Lubuagan, Kalinga.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginawang hakbang ang pakikipanayam bilang pinaka


lehitimong pangangalap ng mga impormasyon. Ang pakikipanayam
ay ang direktang pakikiusap ng mga mananaliksik sa mga
respondante upang makuha ang mga kasagutan sa mga tanong ng
mga ito. Sa kabilang dako, gumamit rin ang mga mananaliksik ng
kamera upang idokumenta ang mga pakikipanayam, mga proseso sa
paggawa ng tapis at ang mga produkto nito.

Hakbang sa Paglikom

Sa paglilikom ng mga datos, ang mga mananaliksik ay


humingi ng permiso sa punong barangay ng Mabilong, Lubuagan sa
pamamagitan ng pagpre-presenta ng liham. Matapos
maaprubahan,ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa mga
kababaihang manghahabi ng Mabilong na may mga kaalaman ukol sa
mga tapispati na ang pagtalakay sa mga layuning isinasagawang
pag-aaral.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
11
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Mga Materyales na Kailangan sa Paggawa ng tapis

Belliga

Tubungan

Ipitan at Saklyotan

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
12
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Ipitan

Sisingngatan

Pili at Laptilan

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
13
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Papattayan/pangtapin

Mga Sinulid

Mga Beads

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
14
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Tradisyunal na Proseso sa paggawa ng tapis

Paghahanda sa sinulid

Pagsasalang ng mga Kapos


sa tapat ng araw o
manviyeg

Manpitipit

Mga sinulid nanapitipit

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
15
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Paghahabi ng Tapis

Manggalay

Manlaga o paghabi

Kilaw

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
16
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Man gamat

Pagdidisenyo sa tapis

Mga tapos na produkto


mula sa paghahabi

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
17
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ipapakita ang mga datos na nakalap


kauganay sa pagsusuri sa mga disenyo at uri ng mga tapis ng
Mabilong, Lubuagan, Kalinga.

Fig. 1. Gililing

Ayon kay (Bawer, MC et.al 2009) ang gililing ay nagmula


sa salitang giling na nangangahulugang clean stripes. Taglay
nito ay kombinasyon ng mga kulay pula, itim, puti, dilaw at
berde. Ang gililing ay ginagamit bilang lilay pagtapos isagawa
ang Bodong na sumisimbolo ng bawat myembro ng tribo ay may
angking bagay mula sa kanilang kabodongan.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
18
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Fig. 2. Ilaglis

Makikita sa larawan ang Ilaglis. Ito ay karaniwang


disenyo ng blanket hanggang nagkaroon ng iba pang bagay na
inspirado sa disenyong ito tulad ng damit ,bag at tapis .(Diaz
2014 pp42, para 2)

Makikita na ang kombinasyon ng mga kulay ay


pula,dilaw,puti,berde at kayumanggi.ang kulay pula at dilaw ay
sumisimbulo sa katapangan, kayumanggi sa lupa,puti bilang
simbulo ng kalinisan at berde na sumisimbulo sa puso ng
bulubunduking tirahan ng mga taga Lubuagan na siyang
pinagkukunan ng mga kanilang (Matagoan) pangkabuhayan.

Ang ilaglis ay ginagamit ng mayayamang tao bilang silong


tuwing nagkakaroon ng Bodong(peaceopact) na selebrasyon.
Dagdag pa rito,ito rin ginagawang token sa mga atod
(tradisyunal na bawtismo) ng mga panganay na anak na lalaki at
babae.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
19
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Tinalakay rin ito ni Maming Guzman , sinasabing ang


pangalan ng naturing disenyo ng tapis na ilaglis ay nakuha
mula sa pangalan ng isang guro ng Lubuagan Central School sa
nakaraang World War II na si Aglis ( WW II Aglis came from
the Ilocos), Diaz (2014).

Fig. 3. Billalikted

Ang larawan ay isang uri ng tapis na pinangalanang


Billalikted, disenyong pareho ang likurang bahagi sa harap na
parte. Ito’y may kulay na pula, itim, dilaw, berde, at puti.
Ang mas dominanteng kulay na nakikita ay pula at itim na
nangangahulugang katapangan ang pula at mga paghihirap naman
ang simbolo ng itim. Ang billalikted ay nagawa lamang sa extra
stick ayon sa deskripto ni Minoy Tocuno.

Ayon kay (Bawer, MC. 2009) ang pangalan ng disenyo ay


hango sa salitang balikted na may ibig sabihing baliktaran.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
20
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang Billalikted ay hindi pangkaraniwang ginagamit dahil


karamihan mayayaman lamang ang may taglay ito. Ito ay
makikita sa mga lamay ,blanket ng patay at gayundin , bilang
silong sa mga Bodong (peacepact) na selebrasyon.

Fig. 4. Lilagtob/Lilaktob

Kapansinpansin sa larawan ang hindi masyadong kilalang


uri ng tapis, ang Lilaktob o Lilagtob. Ang disenyong ito ay
may pagkapareha sa tapis ng tribo ng Naneng ng Tabuk City.
Taglay nito ang kombinasyon ng mga kulay tulad ng itim,
dilaw, berde, puti, at pula. Nakikitang halos pula ang
dominante dahil ayon kay Pacita Cawi, ang pula ay may malaking
bahagi sa paniniwala at tradisyon ng taga-Lubuagan. Dagdag pa
niya na ang pula ay pwedeng maging mabuti o masama (good or
bad) depende kung saan ginamit.

Ang Lilaktob , sa kabilang kabilang dako, gumagamit rin


ang mga babaeng kapapanganak, inilalagay ito sa kanilang mga

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
21
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

beywang bilang proteksyon sa mga masasamang nilalang na


nagdudulot ng mga sakit.

Tulad rin ng ilaglis at billalikted ang lilaktob ay


ginagamit rin bilang silong sa mga selebrasyon tulad Bodong
(peacepact) at ito rin ay giangawang lilay o regalo sa mga
dumalo sa naturing na selebrasyon na nagmula sa magkabilang
tribo. (Diaz 2014).

Fig. 5. Gilamat

Ito ang mas ginagamit na uri ng tapis ng mga kababaihan


sa Kalinga ang Gilamat. Ito ay binubuo ng mga kulay pula,
itim,dilaw,at berde. Ang gilamat ay ginagamit bilang ‘’lilay”
sa-oy at gabbok (selebrasyong alay para sa mga panganay na
anak na babae o lalake) at bilang allap sa pagsasayaw ng
salidsid sa pagselebra sa bodong, kasal, pista, at iba pa.
Ginagamit rin ito bilang sapayong ng mga kababaihan (Bawer,MC.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
22
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Et.al 2009). Ang zigzag na dekorsasyon ay hango sa pataas at


pababang bulubunduking tirahan ng mga ILubuagan.

Fig. 6. Pillakpak

Ang Pillakpak ay hango sa salitang pakpak o isipi. Ito ay


may simpleng tahi na kulay dilaw.

Binibigay ito pagkatapos ng Bodongbilang lilay,


ginagamit bilang sa-oy tuwing gabbok at allap tuwinmg
nagkakaroon ng sayawan sa mga kasal, pista at iba pang mga
selebrasyon.

Makikitang mas dominante ang kulay na pula, itim dilaw at


berde

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
23
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Fig. 7. Silaksakaw

Ang larawan ay ang representasyon ng Silaksakaw.


Karaniwang ginagamit ito bilang silong sa mga selebrasyon
tulad ng bodong at bilang bulig at oben.

Pinaka dominanteng kulay ang itm at pula. Ang itm ay may


kahulugang pmga pagsubok sa buhay at pula bilang kumakatawan
sa malaking bahagi ng paniniwala ng mga taga rito tulad ng
pagigiong matapang na mandirigma. Mayroon di itomng halong
berde at dilaw.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
24
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Fig. 8. Silambituwon

Ang disenyong Silambituwon. Ang uri ng tapis na ito ay


tanging mayayaman at mga miyembro ng kajangyan/pangat(noble
families) lamang ang dapat na magkaroon at gumamit nito. Ito
ay nagsisilbing lilay tuwing nagkakaroon ng Bodong o peacepact
at binibigay tuwing may atod o kapanganakan ng panganay ng
anak na babae o lalaki.

Ang Silambituwon ay binubuo ng kombinasyong mga kulay na


pula, itim at dilaw na may kahulugan pareho sa iba pang mga
uri ng tapis.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
25
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata V

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Taglay ng kabanatang ito ang Konklusyon at rekomendasyon


matapos tapusing suriin ang mga uri at disenyo ng mga tapis.

Konklusyon

Sa paglalapat ng mga impormasyon bilang tugon sa mga


katanungan ng mga manaliksik, humantong ang mga ito sa mga
sumusunod na konklusyon:

1.Ayon sa mga impormasyong nakalap, kahang-hanga ang


kulturang paghahabi nga mga Ilubuagan sapagkat ito ay
pinapanatiling buhay sa mga diwa ng mga tao rito sa
pamamagitan ng pagpupunyagi at pagpapanatili nito.

2. Sa paghahabi ng mga ito, nakabubuo sila ng iba’t ibang


mga uri ng mga tapis na mayroon ding iba’t ibang kahulugan at
simbolo na karaniwang hango sa kalikasan at kanilang matagoan.

3. Kaugnay nito, natuklasan rin ng mga mananaliksik na


karamiha’y kulang sa kaalaman ukol Indigeneous People
Education lalo na sa mga tapis.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
26
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Rekomendasyon

Sa pagtatapos ng mga ginawang pananaliksik ng mga mag-


aaral at natuklasan ang mga sagot sa kanilang kuryosidad,
buong pakumbaba at pusong inirerekomenda ang mga sumusunod:

1. Kinakailangang bumuo ang mga personalidad ng gobyerno


lalo na ang NCIP o National Comission on Indigeneous People ng
mga batas na pumoprotekta sa mga tapis.

2. Gagamitin ang pananaliksik na ito bilang basehan at


reference sa mga gagawa pa ng pananaliksik na may kaugnay
rito.

3. Maaari itong gamitin upang tasahin ang mga imbak na


kaalaman ng mga mag-aaral ng Mabilong patungkol sa mga tapis
lalo na sa mga uri at disenyo nito pati na sa mga simbulong
nais ng mga itong ipahiwatig

3.1. Maaari itong gamitin ng mga guro upang mapaunlad ang


mga kaalaman ng mga mag-aaral ng Mabilong satapis.

4. Papalawakin ang sakop ng pananaliksik na ito ng mga


susunod pang mananaliksik sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
implikasyon ng mga tapis sa mga tao rito, pananaliksik hindi
lamang tungkol sa tapis kundi pati na ang mga pang-itaas na
kagamitan ng mga babaeng Ikalinga.

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
27
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

APENDIKS A

LIHAM SA PUNONG BARANGGAY NG MABILONG, LUBUAGAN, KALINGA

GAYAMTO MATALAO
Punong Baranggay
Brgy. Mabilong
Lubuagan, Kalinga

Ginoo:

Isang malugod na pagbati.

Ang mga mananaliksik ng Kalinga National High School


Senior High School Department ay kasalukuyang nagsasagawa ng
isang pag-aaral hinggil sa Pagpapayaman ng Kaalaman tungkol sa
mga Disenyo ng Tapis ng Mabilong, Lubuagan, Kalinga bilang
tugon sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik.

Kaugnay nito, hinihingi ng mga mananaliksik ang inyong


pahintulot na isagawa ang mga ibang parte ng kanilang
pananaliksik upang makumpleto ang buong pag-aaral sa
pamamagitan ng magdokumento sa mga pakikipanayam sa mga
manghahabi ng tapis sa inyong lugar. Asahan ninyo na ang lahat
ng mga datos na makakalap ay magiging kumpidensyal.

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa


kahilingang ito.

Mabuhay at maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
28
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

APPENDIKS B

MGA DISENYO AT URI NG TAPIS SA IBA’T IBANG KAGANAPAN

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
29
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
30
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

APPENDIKS C

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Wandagan,Cromwell C.
Edad: 17
Tirahan: Purok 7,Bulanao,Tabuk City, Kalinga
Petsa ng kapanganakan: Oct. 17, 2001
Lugar ng kapanganakan: Mangali
Elementarya: Tanudan Central School
Junior High: Kalinga National High School
Lagda:

Pangalan:Ameling,Bradley p.
Edad:16
Tirahan: Purok 3,Bulanao,Tabuk City
Petsa ng kapanganakan: July 4, 2002
Lugar ng kapanganakan: Lubuagan
Elementarya: Bulanao Central School
Junior High: Kalinga National High School
Lagda:

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
31
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Ramos ,Mark Davies


Edad:17
Tirahan: Purok 6, Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: June 26, 2001
Lugar ng kapanganakan:Balinciagao, Pasil
Elementarya: Balinciagao Elementary School
High : Kalinga National High School
Lagda:

Pangalan:Cawilan ,Francis Jr. G.


Edad:17
Tirahan: Purok 6, Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: June 8,2001
Lugar ng kapanganakan: Lubuagan, Kalinga
Elementarya: Bulanao East Elentary School
Junior High: Kalinga National High Schooll
Lagda:

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
32
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Caldingon ,Dale


Edad: 19
Tirahan:Purok 6,Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: Nov.1,1999
Lugar ng kapanganakan: Lubuagan, Kalinga
Elementarya: Dangoy Elementary School
Junior High: Kalinga National High School
Lagda:

Pangalan: Purisima ,Riden C.


Edad: 18
Tirahan: Purok 6,Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: Oct.10,2000
Lugar ng kapanganakan: Banneng Calaccad
Elementarya: Banneng Elementary School
Junior High: Calaccad National High School
Lagda:

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
33
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Suyu, Mark Gerald B.


Edad:17
Tirahan: Purok 4,Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: Jan 9,2002
Lugar ng kapanganakan: Bulanao,Tabuk City,Kalinga
Elementarya:Bulanao Central School
Junior High:Kalinga National High School
Lagda:

Pangalan: Tagal, King James E.


Edad: 18
Tirahan: Purok 6, Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan; Bulanao, Tabuk City
Elementarya: STCS - Southern Tabuk Central School
Junior High: Kalinga National High School
Lagda:

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
34
Republika ng Pilipinas
KALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Bonifacio,Bakidan
Edad: 16
Tirahan: Purok 6,Bulanao Tabuk City Kalinga
Petsa ng kapanganakan: Nov.30,2002
Lugar ng kapanganakan: Bontoc
Elementarya: Seventday Aventist School
Junior High: Kalinga National High School
Lagda:

Deskriptibong Pananaliksik sa mga


Disenyo ng Tapis ng Mabilong,Lubuagan, Kalinga
35

You might also like