4
EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN (EPP)
QUARTER 2 – MODULE 6
“ANG TATLONG PANKAT NG PAGKAIN AT
ANG FOOD PYRAMID”
Magandang umaga mga bata. Narito na naman ang
inyong lingkod para talakayin ang panibagong
Hello
H aralin na tiyak ninyong kagigiliwan.
Inyong basahin ang nasa ibaba.
A. Panimula
Ang isang batang tulad mo ay nangangailangan ng malusog na pangangatawan, upang
magampanan ang mga pang-araw-araw na gawain. Ang mga masusustansiyang pagkain ang
makapagbibigay nito sa iyo. Magiging masigla at malakas ang iyong katawan at ito ang paraan
upang ikaw ay makaiwas sa sakit. Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay malakas at malusog,
madali nilang magagawa ang kani-kanilang tungkulin nang masaya.
Alam mo ba na ang
mga pagkain ay
napapangkat sa tatlo?
B. Pagtatalakay
Tatlong Pangkat ng Pagkain
Pangkat I – Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla o Go Foods.
Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng mga sustansiyang carbohydrates, taba, at
langis. Nagbibigay ang mga ito ng enerhiyang nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan.
Kapag kumakain ka ng mga ito, ikaw ay magiging masigla at malakas. Ikaw ay makapaglalaro,
makapag-aaral, at makagagawa ng iba’t ibang gawain.
Ang sumusunod ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates: kanin, kakaning gawa
sa bigas tulad ng puto, suman, kalamay, kutsinta, lugaw, tsamporado, at ginataang mais.
Kasama sa pangkat ang mga pagkaing gawa sa arina tulad ng keyk, tinapay, at biskwit.
Ang mga bungang-ugat tulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, taro, yakon, sugar
beets, at ube ay kasama din dito. Kabilang din ang mga matatamis na pagkain gaya ng asukal,
tubo at pulot o honey. Sa pangkat na ito kasama ang mantikilya, mantika, at niyog.
Pangkat II – Mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan o Grow Foods.
Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito. Ang protina ay responsable sa pagpapalaki
ng mga kalamnan at ng buong katawan. Ito ay nagpapalakas din ng mga buto at nakatutulong
sa pagpapalakas ng katawan, kung ang isang tao ay galing sa pagkakasakit. Ang protina ay
makukuha sa sumusunod na pagkain tulad ng karne ng baboy, baka at manok, isda, itlog, at
gatas. Pinagkukunan din ng protina ang mga pagkaing galing sa butil, tulad ng monggo, mani,
kadyos, sitaw, bataw, at sitsaro. Mayaman din sa protina ang mga lamang dagat gaya ng
alimango, alimasag, hipon, dilis, halaan, tulya, tahong, talaba, at talangka. Kasama din sa
pangkat na ito ang hamon, bacon, tocino at longganisa.
Pangkat III – Mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon o Glow Foods
Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang mga bitamina A,
B-1, 6, 12, C at mga mineral tulad ng iron, calcium, yodo (iodine), phosphorus, at potassium
ang mga sustansiyang nagsisilbing pananggalang sa sakit at impeksiyon. Ang mga prutas at
gulay na mayaman sa bitamina at mineral ay nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan. Makukuha ang
bitamina at mineral sa mga sumusunod na pagkain:
1. Madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay, malunggay, talbos ng kamote, talbos
ng sayote at kalabasa. Ang saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrot, at kangkong ay
mayaman sa bitamina A, calcium, at iron.
2. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad ng dalanghita, suha, bayabas, kamyas,
mangga, pipino, at kamatis ay mayaman sa bitamina C. Ito ay nagpapalakas ng katawan laban
sa impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa ngipin at gilagid.
3. Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito, langka, saging at mga gulay na
tulad ng okra, sitaw, talong, at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa
pagbawas ng dumi. Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang maging laging maayos at
mahusay ang mga ito.
TANDAAN NATIN
Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubay sa pagpaplano
ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian
at hapunan ay dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat.
Ang larawan ng food pyramid guide na makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay kung
gaano karami ang pagkain na mangngagaling sa bawat pangkat. Ito ang patnubay tungo sa isang
Balanced Diet na nagtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.
Handa na ba kayo sa ating mga
pagsasanay. Subukang sagutin ang nasa
susunod na pahina.
C. Pagsasanay
A. Panuto: Tingnan ang dayagram sa ibaba, magsulat sa dulo ng bawat guhit ng mga
pagkain na kabilang sa bawat pangkat.
GO
FOODS
GROW
FOODS
GLOW
FOODS
B. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at Mali kung
hindi ito wasto.
_______1. Ugaliing ihanda lahat ng kakailanganing gamit sa pagluluto.
_______2. Punuin ng pagkain ang pinggan upang matiyak na hindi mauubusan.
_______3.Ilagay kaagad sa refrigerator ang mga gulay at prutas nang hindi hinuhugasan.
_______4. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay gaya ng kutsilyo.
_______5. Iwasang iwanan ang niluluto.
C. Panuto: Kilalanin ang sumusunod na pagkain. Isulat ito sa pangkat na kaniyang kinabibilangan.
gatas kalabasa dalandan kamote saging
lugaw itlog mantikilya isda manok
Pangkat I Pangkat I Pangkat I
(Go Foods) (Grow Foods) (Glow Foods)
SUSI SA PAGWAWASTO
A. Teacher’s Discretion
B. 1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
C.
Pangkat I Pangkat I Pangkat I
(Go Food) (Grow Food) (Glow Food)
Gatas Dalandan
Lugaw
kamote Karne Kalabasa
mantikilya Itlog saging
isda
Ayos ba mga bata?
Mahusay!Handang-handa
na kayo sa iba pang mga
pagsasanay.
D. Pagtataya
A. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng masayang mukha () ang
patlang kung ito ay mga alituntuning pangkalusugan at pagluluto ng pagkain.
Malungkot na mukha () kung hindi.
_______1. Hayaang nakakalat ang mga gamit pagkatapos nitong gamitin.
_______2. Hayaang nakabukas ang gas cylinder.
_______3. Iluto nang mabuti ang mga gulay hanggang sa madurog ang mga ito.
_______4. Maglagay lamang ng sapat na pagkain sa pinggan.
_______5. Gumamit ng pot holder upang hindi mapaso.
_______6. Hugasang mabuti ang mga kamay bago lamang maghanda ng pagkain.
_______7. Timplahan ng tama ang pagkain.
_______8. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto.
_______9. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basura.
_______10. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto.
B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Upang maging malusog ang ating mata kailangan nating kumain ng madidilaw, mabeberde at
madahong gulay. Ano ang sustansyang makukuha dito?
a. Bitamina A b. Bitamina B c. Bitamina C d. Bitamina D
_____2. Paano ang gagawin mong pagluluto at paghahain ng pagkain?
a. Iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagkasunog nito.
b. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at ihain ito.
c. Timplahan ng maraming pampalasa ang pagkain.
d. Maghugas ng kamay bago lamang magluto.
_____3. Ano ang una mong gagawin sa paghahanda ng pagkain?
a. Lutuin kaagad ang mga pagkain
b. Huwag gumamit ng apron sa pagluluto.
c. Huwag ng huhugasan ang mga pagkaing lulutuin
d. Hugasan mabuti ang mga kamay bago maghanda ng pagkain.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa pagbawas ng
dumi?
a. okra b. pipino c. bayabas d. dalanghita
_____5. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa _________________ay nagsasaayos ng
mga bahagi ng katawan.
a. carbohydrates b. protina c. bitamina at mineral d. taba
C. Panuto: Gumawa ng isang simpleng resipi, isulat ang mga nakatakdang sangkap at
kagamitan sa pagluluto. Idikta ang mga proseso habang isinasagawa ang pagluluto.
___________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
References:
LM EPP 4 (Home Economics) pp. 301-309
MELC EPP 4
www. [Link] (images)
www. [Link] (cliparts/images)