You are on page 1of 2

Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at

malayo-layo sa bahay. Humukay ng may dalawang


metro ang lapad, limang metro ang haba at isang
metro ang lalim.

Pagsama-samahin ang mga natutuyong dahon,


nabulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang
nabubulok na bagay.

Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay


hanggang sa umabot ng 30 sentimetro ang taas.

Patungan ito ng mga dumi ng hayop.

Patungan ito muli ng lupa, abono o apog.

Upang mapabilis ang pagpapabulok ng mga ito


Haluan ito ng isa hanggang dalawang kilo ng Urea
ang basurang inilagay sa hukay.

Patungan ng dumi ng hayop hanggang umabot ng


15 sentimetro ang kapal dahil ito ang magsisilbing
activator na magbibigay ng init o umido.
Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang
mapuno ang hukay.

Diligin ang Compost pit araw-araw upang


manatiling mamasa-masa ang hukay. Kung tag-
ulan takpan ito ng dahon ng saging upang di-
bahain. Maaaring gumamit ng lumang yero kung
mayroon.

Lagyan ng ilang piraso ng kawayan na inalisan ng


buko at binutasan sa gilid upang mahanginan ang
compost at nang mabulok agad ang basura.

Pagkalipas ng tatlong linggo maaari ng bunutin


ang pasingawang kawayan at haluin ang tambak.
Ipailalim ang basura na nasa ibabaw upang
maging pantay ang pagkabulok ng mga basura.
Pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ayon sa
uri ng basurang ginamit maaari ng gamiting ang
abono o pataba sa mga halaman.

You might also like