You are on page 1of 7

Araling Panlipunan Ikalawang Baitang Q4

(Pagsasanib ng Climate Change Adaptation)

Paksa: Mga Alituntunin sa Komunidad


Code: AP2PKK-IV-5

I. Layunin:
1. Natutukoy ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi sa komunidad
(ei. pagsunod sa mga babala, batas, atbp)
2. Naisasabuhay ang mga alituntuning ipinatutupad sa sariling komunidad.

II. Gawain:

Hulaan mo, Larawan Ko!

__________________ ___________________ _________________

Nahulaan Mo! Magaling!


Basahin Mo!

Sa Aming Nayon
Sinulat ni: Diana Barandon-Britanico

Doon sa aming nayon


Mga tao ay lagging nagtitipon-tipon.
Basura ay nakalagay sa kahon
Upang ito ay itapon sa balon

Bata man o matanda ay masaya


Sama-samang umaasa.
Bata man o matanda asam ay iisa
Ngayon ay malinis at maganda.

Bulaklak ay huwag pitasin


Puno ay huwag putulin.
Magandang kapalibutan ating asamin
Nang tayo ay maging masayahin.

Sa aming nayon mga mamamayan


Ay nanawagan
Pamayanan ay linisin
Malakas na isipan
Ating makakamtan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang ginagawa ng mga tao sa kanilang nayon?
______________________________________________________
2. Ano ang kanilang ginagawa sa mga basura?
______________________________________________________
3. Bakit kaya nila itinatapon sa balon?
______________________________________________________
4. Bakit nais nilang malinis at mapaganda ang kanilang nayon?
______________________________________________________
5. Ano ang kanilang panawagan?
______________________________________________________
6. Bakit sila nananawagan?
_______________________________________________________
Mahusay! Naintindihan Mo!

Para sa kaalaman mo….

Ang mga alituntunin ng komunidad ay dapat na sundin ng


bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga ito.

Halimbawa ng alituntunin ng barangay:

Sa aking mga minamahal na kabarangay:

Mula sa araw na ito ang mga sumusunod ay mga alituntunin na


ating susundin:

1. Ang pangongolekta ng basura ng trak ay mula sa ika anim


hanggang ikawalo ng umaga.

2. Ang mahuling magtapon ng basura sa kalsada ay may multang


P500.00.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga plastik na


basura.

4. Ang pagpuputol ng mga puno ay mahigpit ding ipinagbabawal.

5. Oras ng “curfew” sa mga bata ay mula ikasampu ng gabi hanggang


alas singko ng madaling araw.
Ano ang mga alituntunin sa barangay?
1.
2.
3.
4.
5.

Sitwasyon: Paano kung ang mga tao sa pamayanan ay hindi sumusunod sa


alituntunin?

Bilugan ang larawan ng tamang sagot.


Nagawa Mo!

Pagmasdan ang larawan. Magsulat ng isang slogan batay sa nakikita mo sa


larawan.
Gawin ito…

Direksyon: Magsulat ng tatlong dapat mong gawin kung paano maisasabuhay


ang mga tuntunin sa komunidad.

Alituntunin sa
Alituntunin sa Kalinisan
Pagtatapon ng basura

Sagutin Mo!

Direksyon: Iguhit ang kung ang mga pangungusap ay isa sa mga tuntuning
ipinapatupad ng isang komunidad at kung hindi.

________ 1. Ihiwalay ang mga nabubulok sa di-nabubulok na basura.


________ 2. Putulin ang mga punong-kahoy para mapalitan ng mga bagong
pananim.
________ 3. Umuwi sa tamang oras ang mga anak na may edad 18 pataas.
________ 4. Ang pagkuha ng trak ng basura ay simula ika-anim ng umaga
hanggang ikawalo ng umaga.
________ 5. Ipinagbabawal ang pasugalan sa komunidad.
Binabati kita sa iyong ginawa!

Mga larawan mula sa: Sanggunian:


Tzuchi.org.ph Araling Panlipunan 2 Patnubay ng Guro
Filipino.cri.cn Kagamitan ng Mag-aaral
Naiccavite.wordpress.com
www.youtube.com
ipanthropologists 123.blogspot.com
lupaprobs.blogspot.com
Filipino.cri.cn

Sinulat ni:

MARY SHYRE B. MATIAS


San Jose Elementary School
Malilipot District
Division of Albay

You might also like