You are on page 1of 8

GRADE 2 - Ikaapat na Markahan: Pamumuhay sa Komunidad

ARALIN 5.1 NATUTUKOY ANG MGA TUNTUNING SINUSUNOD NG BAWAT


KASAPI SA KOMUNIDAD

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad
(pagsunod sa mga batas, babala atbp.) (AP2PKK-IVf-5)
2. Naisasabuhay ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad.
============================================================
II. Mga Gawain

Kumpletuhin natin ang mga tuntuning madalas ipinatutupad sa komunidad.

Bawal
Bawal magtapon
___________
ng ____________
usok
dito.
nakamamatay.

M ____________
para sa
kalamidad.
Gawin Natin: Magsulat ng limang tuntuning pinapatupad tuwing may
kalamidad.

Isa sa mga tuntuning mahalagang tandaan natin ay ang mga tungkol sa kalamidad.
Isa na rito ang lindol.

Ang paggalaw ng mga patong na bato sa ilalim


na bahagi ng lupa ay isa lamang sa mga
pinagmumulan ng lindol. May mga ginagawa rin
ang mga tao na direkta o hindi direktang
pinagmumulan ng lindol.

Basahin ang mga tuntunin tuwing may lindol at


isulat sa mga bilang ang titik ng mga dapat gawin
kapag may lindol. Pumili mula sa kahon.
A. Huwag tatakbo.
B. Humanap ng ligtas na lugar tulad ng mesa.
C. Takpan ang ulo para maiwasan ang mga nahuhulog
na bagay.
D. Pagkatapos ng lindol, mahinahon na lisanin ang
lugar.
E. Kung nasa kalsada habang lumilindol, huminto sa
paglalakad.
F. Kumapit sa matibay na bagay kung may makakapitan
G. Maging mapagmasid sa paligid upang makaligtas sa
anumang maaaring bumagsak.
H. Maging aktibo sa pag-alam kung may mga dapat
tulungan pagkatapos ng lindol upang maireport ito sa
mga awtoridad.

1 .___________________ 2 .________________________
3. _______________________ 4. ________________________

5._______________________ 6.____________________

7.____________________ 8. ___________________
Magsulat ng isang slogan na nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin tungkol sa
kalamidad tulad ng lindol.
Ano kaya ang mangyayari kung hindi natin sundin ang mga tuntunin ukol sa lindol.
Isulat ito sa mga kahon sa ibaba.

EPEKTO NG LINDOL

Anong tuntunin ng komunidad tungkol sa pag-iwas sa sakuna dulot ng kalamidad


ang nagawa mo na? Iguhit ito sa baba.
Ang lindol ay ang paggalaw ng ibabaw na
bahagi ng mundo, natural man o gawa ng
tao. Nagdudulot ng pinsala ang lindol.

Kulayan ng pula ang puso kung ito ay nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin
tuwing may kalamidad tulad ng lindol.

1. Pagiging mahinahon habang nagaganap ang kalamidad.

2. Tumakbo ng napakabilis kapag nagsimulang lumindol.

3. Humanap ng matibay na bagay upang pagtaguan.


4. Pagkatapos ng lindol tingnan kung may pinsala ang sarili.

5. Kung sakaling nakulong sa isang gusali, sumigaw ng


malakas upang mailigtas ng iba.

Wow ! Tapos ka na sa gawaing


ito. Magaling kang mag-aaral.
Hanggang sa muli. Salamat !

Binabati kita ! Natapos mo ang gawain


kahit maalinsangan ang panahon.
Hanggang sa susunod na aralin.
Maraming salamat, kaibigan!

You might also like