You are on page 1of 7

K-3 Learner’s Material sa Grade 3 Araling Panlipunan

Markahan 1

Paksa: Mga lugar na sensitibo sa panganib sa sariling lalawigan at rehiyon gami


ang hazard map
Code: K3AP3LAR-Ig-11.1

I. Layunin:
1. Nakapagtutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib sa sariling
lalawigan at rehiyon gamit ang hazard map;
2. Nakagagawa ng mga hakbang ng pagtugon bilang paghahanda sa mga
posibleng sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon

II. Gawain:

CONSEPT MAP

(Punuan mga titik ang mga kahon upang mabuo ang salitang KALAMIDAD)

Sagutin ang mga sumusunod:


· Ano ang ipinahahayag ng mga larawan?
· Aling sa mga kalamidad ang inyong naranasan?
· May kaugnayan ba ang mga kalamidad sa lokasyon at topograpiya ng lalawigan o
rehiyon?
· Aling anyong lupa o anyong tubig ang maiuugnay sa
bawat kalamidad?
Isulat sa kahon ang mga lugar na tinutukoy sa bawat kolum.

Mga lugar na may Mga lugar na may Mga lugar na may mataas
mababang antas ng katamtamang antas ng na antas ng pagguho ng
pagguho ng lupa pagguho ng lupa lupa
Alamin Mo

Bagyong Ondoy Nanalanta sa NCR

Isang Sabado, Setyembre 26, 2009, libo-libong tao ang nakaranas ng


pagbaha dahil sa Bagyong Ondoy. Ang ilan sa mga lalawigan, kasama na ang Metro
Manila ay labis na nakaranas ng pagbaha. Ang mabababang lugar ang may
pinakamaraming nasawi dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig sa mga lugar na ito.
Pati mga karatig rehiyon ng III at IV-Calabarzon ay napinsala din ng bagyo.
Maraming motorista ang naantala sa kalsada at mahigit sa 2,000 pasahero ang hindi
nakauwi ng maaga sa kanilang mga tahanan. Ayon sa National Disaster
Coordinating Council (NDCC) maraming residente sa Provident Village sa Lungsod
ng Marikina ang humingi ng tulong upang sila ay mailikas dahil sa umabot na sa
ikalawang palapag ng kanilang tahanan ang baha. May kalamidad bang nangyari sa
inyong lalawigan? Anong kalamidad ang hindi mo malilimutan?
Bakit?
Ang Panganib Dulot ng Lokasyon at Topograpiya

Kung susuriin ang Lungsod ng Marikina ay isang lambak. Ito ay


napapalibutan ng matataas na lugar katulad ng Lungsod ng Quezon sa kanluran, ng
lalawigan ng Rizal sa hilaga at silangan. Gayundin naman ang Lungsod ng Maynila
kung saan ang malaking bahagi ay nakatutungtong sa tabi ng look. Mababa ang
lugar ng Maynila kagaya ng Marikina, mabilis ang pagtaas ng tubig sa malaking
bahagi nito. Bukod pa dito, dahil sa urbanisasyon, may ilang lugar sa Manila ay
bahagi ng dagat ngunit tinabunan lamang ng lupa. “Reclamation Area” ang tawag
dito. Hindi lang bagyo ang natural na panganib sa ating rehiyon. Ang buong bansa
ay nakatutungtong sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” kung saan maraming lugar
ang may aktibong bulkan at pagalaw ng mga kontinente. Ang dulot nito ay ang
karaniwang nararanasan nating lindol sa iba’t ibang lugar ng bansa. Anong
paghahanda ang dapat gawin sa mga panahon nang bagyo? Bagaman hindi
malaman kung kailan magkakaroon ng lindol, ano ang paghahanda ang maaring
gawin kapag nagyari na nga ang lindol?

Gawain ng Tao at ang Panganib Dulot ng Lokasyon at Topograpiya

Sa panahon ng pananalanta ng Bagyong Ondoy naipakita ng mga


mamamayan ang pagtutulungan at pagdadamayan sa panahon ng kalamidad.
Maraming mamamayan ang tumulong upang ilikas ang mga nasalantang
kababayan. May mga nagbigay din ng mga donasyon upang maiabot ang kanilang
tulong at pagpapahalaga sa apektadong residente. Ang ibang karatig lalawigan sa
rehiyon III katulad ng Pampanga at Bulacan na apektado din ng nasabing bagyo ay
dahil sa kalapit ang mga ito ng Ipo, La Mesa at Angat Dam na pawang umapaw dahil
sa matinding pag-ulan. Upang mapigilan ang tuluyang pagsira ng mga naturang diki
ay nagpakawala ng ilang milyong galong tubig na naging sanhi ng matinding
pagbaha sa mga naturang lalawigan. Bukod pa dito, maalalang ang malawak na
lugar ng Pampanga ay nabalot ng lahar o ang tumigas na nagbabagang putik dulot
ng pagputok ng Bulkang Pinatubo noong taong 1991. Hindi nasisipsip ng ganitong
klaseng lupa ang tubig ulan na siyang nagaambag sa pagbaha sa mga naturang
lugar. At kahit na lumagpas sa isang dekada na ang nakalipas buhat ng pumutok
ang Bulkang Pinatubo, dama pa rin ng mga taga-Pampanga ang epekto nito sa
kanilang pamumuhay katulad nga ng pagbaha sa mga bayan tuwing matinding pag-
ulan. Gayunpaman, ayon sa NDCC maraming mamamayan na naninirahan sa Metro
Manila ang labis na naapektuhan ang pamumuhay at kabuhayan dulot ng pagbaha
dahil sa Bagyong Ondoy. Bukod sa natural na panganib na idinulot ng pisikal na
anyo ng lugar, may mga gawain din ang mga tao na nakakaambag sa epekto ng
Bagyong Ondoy. Pagkatapos ng bagyo ipinakita ng Metro Manila Development
Authority(MMDA) ang dami ng basura nahakot nila sa mga kanal at estero hindi
lamang sa Manila kung hindi sa iba pang lungsod ng Metro Manila. Mahalagang
mapaghandaan ang mga panganib na maaaring idulot ng kalamidad. Pansinin ang
Flood Hazard Map at ang Landslide Prone Area Map sa ibaba. Sa mga mapa na ito
makikita ang mga antas ng maaring magkaroon ng sakuna sa iba’t ibang lugar na
ipinapakita sa mapa. Saang lugar sa NCR ang hindi gaanong babahain kapag
malakas ang pag-ulan? Saan naman ang kaya mataas ang pagkakataon ng
pagguho ng lupa sa tag-ulan? Bakit mo nasabi ito? Ano anong mga impormasyon
ang maaring pang makita sa mga mapang ito?

FLOOD HAZARD MAP


Pangkalahatang Dami ng Bagyo sa Ibat ibang
Bahagi Pilipinas sa Buong Taon

Sagutin
Pag-aralan ang Mapa ng Tinatayang Bagyo sa bawat Taon. Tukuyin ang mga lugar
na maaaring maapektuhan ng bagyo.

1. Aling mga lugar ang mataas ang antas na maapektuhan ng bagyo?


________________________________________________________
2. Aling lugar ang katamtamang antas na maaaring na maapektuhan ng bagyo?
________________________________________________________
3. Aling mga lugar ang mababa ang antas na maapektuhan ng bagyo?
Gawin mo;

Punan ng impormasyon ang “Data Retrieval Chart.” Itala ang pangalan ng


purok o area sa inyong barangay sa unang kolum, ang katangiang pisikal nito sa
ikalawang kolumn at ang mga panganib na maaaring maranasan dito dahil sa
topograpiya at lokasyon ng naturang lugar. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Aming Barangay

Purok/Area Pisikal na Katangian Sensitibo sa Anong Panganib?


(lindol/bagyo/landslide)

Itambal ang mga pangungusap sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
Pagtugon sa mga Kalamidad Mga Kalamidad

1. Iwasang lumusong sa tubig A. bagyo

2. Isagawa ang “dock, cover B. baha


and hold”
C. lindol
3. Lumikas na ng tirahan kung
malakas na ang agos ng tubig D. pagguho ng lupa
mula sa bundok
E. ulan
4. Kung malakas na ang ihip ng
hangin manatili na lamang sa
loob ng bahay.
Isulat ang mga impormasyon sa Data Retrieval Chart.

Mga Tamang dapat gawin sa Panahon ng Kalamidad


Lindol Baha Bagyo Pag guho ng lupa
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.

Pamantayan sa Pag Iiskor PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


Nilalaman ng Sagot 3
Pagkamalikhain 3
Pagkakabuo 4
KABUUAN 10

KAHULUGAN NG PUNTOS NA NAKUHA


10 – NAPAKAHUSAY MO
9- MAGALING KA
8 – BAYANI KA
7 – HUWARAN KA
6 PABABA – Kailangan mag ensayo

Mga litrato at larawan mula sa:


Source 1: Adopted from DepEd TG’s and LM’s

Sinulat ni:
Name: ROWELL B. SERRANO
School: BUHATAN ELEMENTARY SCHOOL
Division: ALBAY

You might also like