You are on page 1of 14

EDUKASYON SA

Kabutihang
PAGPAPAKATAO
Grade 9

Panlahat
Aralin 1
(Unang Markahan)
Ang Papel ng
Lipunan sa Tao:
Unawain
Natutukoy ang mga elemento
ng kabutihang panlahat;
Layunin
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng
pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat
sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan;

Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na


makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa
lipunan; at
Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa
isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
Panuto: Sagutin ang tanong ibaba.

1. Magbigay ng ideya ukol sa larawan na nasa itaas.


2. Ano-ano ang problemang kinahaharap ng isang
lipunan?
Isaisip
Ang lipunan ay isang malaking pangkat. Ito ay maraming
kinahaharap na suliranin gaya ng kahirapan, korapsiyon, iligal
na droga at marami pang iba. Lahat tayo ay naghahangad
ng kapayapaan ngunit hindi natin ito makakamit kung hindi
tayo magtutulungan at magkakaisa dapat nating isipin ang
kabutihan para sa lahat at hindi lamang ang ating mga
sariling kapakanan.
Ang kabutihang panlahat ay isang pantay na nakapagbibigay
ng kapakinabangan sa lahat ng kasapi ng lipunan. Ito ay hindi
lamang sumisentro sa isang indibidwal kundi upang
makatulong o makapagbigay ng solusyon sa isang suliranin.

Isaisip

● Paggalang sa ibang tao
●Kapayapaan
Kapakanang panlipunan

Ang pamilya, paaralan, kapwa ay maituturing din na


isang lipunan dahil ito ang mga unang gumagabay sa
isang indibidwal upang makisangkop sa gawaing panlahat.
Sa araling ito, matututuhan mo ang pagpapaunlad sa
iyong kabutihang panlahat
Isaisip

● Paggalang sa ibang tao
●Kapayapaan
Kapakanang panlipunan

Ang pamilya, paaralan, kapwa ay maituturing din na


isang lipunan dahil ito ang mga unang gumagabay sa
isang indibidwal upang makisangkop sa gawaing panlahat.
Sa araling ito, matututuhan mo ang pagpapaunlad sa
iyong kabutihang panlahat
Isagawa
Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang.
Ihanay ito sa wasto nitong kinabibilangan.
kabutihang pampamilya, kapwa, paaralan
o lipunan.
1. pagbibigay payo sa nakababatang
kapatid
2. paglulunsad ng oplan bakuna sa isang
barangay
3. pagbibigay ng tulong sa iba
4. pakikinig sa magulang
5. pakikipagbayanihan
pamilya kapwa paaralan lipunan

     

     

     

     
Isabuhay
Panuto: Ikaw ay tumatakbong kapitan sa inyong
barangay. Nais mong alamin ang mga bagay na
maaari mong gawan ng malaking pagbabago
upang lalong maging maganda, maayos at
mapayapa ang inyong lugar. Magbigay ng mga
programang nais mong ilunsad para sa layunin na
kabutihang panlahat.
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na tumatalakay sa
suliraning panlipunan. Sumulat ng solusyon upang maibalik
ang pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
1. Nagkaroon ng kumakalat na sakit sa bansang Pilipinas na
tinatawag na Covid-19. Hindi maaaring lumabas ng tahanan na
walang face mask, nabalitaan mo na ang iyong kapitbahay ay
nagbebenta nito ngunit mataas ang presyo.

2. Nagkaroon ng malaking sunog sa inyong baranggay, nangako ang mayor ng


inyong bayan na magbibigay siya ng malaking suporta sa mga nasunugan.
Lumipas ang 6 na buwan ngunit wala pa ring tulong na dumarating, nabalitaan
na lamang ng isa sa inyong kabaranggay na ito ay nagpadala na ng tulong sa
kapitan ng barangay ngunit inilagay lamang sa sarili niyang bulsa.
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na tumatalakay sa
suliraning panlipunan. Sumulat ng solusyon upang maibalik
ang pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
3. Dahil sa pandemya maraming mga Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay
kung kaya’t ang mga kawani ng pamahalaan ay naglunsad ng isang programa
na magbibigay ng 10 libo kada pamilya. Ipinarating nila ito sa bawat
baranggay ngunit ang mga opisyal ng barangay na nasilaw sa pera. Kung
kaya’t hindi nakarating sa taumbayan.

4. Alam ni Jinny na may kakayahan ang kaniyang pinsan na maging


isang mahusay na doctor. Kung kaya’t sinabi niya sa kaniyang ina na
ito ay pag-aralin ngunit pagdating ng ikalawang taon, binalewala na
niya ang kaniyang pag-aaral.
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na tumatalakay sa
suliraning panlipunan. Sumulat ng solusyon upang maibalik
ang pagkakaroon ng kabutihang panlahat.

5. Si Ginoong Francisco ay bagong halal na alkalde ng


inyong bayan. Umasa ang mga tao na magiging maganda
ang kaniyang termino ngunit matapos siyang maihalal
napag-alaman nilang kinakamkam nito ang pera ng bayan.
Maraming Salamat!
MAY NAIS KA BANG LINAWIN?

You might also like