You are on page 1of 41

2

Modyul sa Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
2
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Kaugnayan ng Komunidad
sa Sarili at sa Pamilya
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Kaugnayan ng Komunidad sa Sarili at sa Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan, EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eira Jane D. Ignacio
Editor: Noel D. Allejos
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Eira Jane D. Ignacio at Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang “Kaugnayan ng
Komunidad sa Sarili at sa Pamilya.” Makikita sa ibaba ang larawan ng komunidad.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Tungkulin at Gawain sa
Komunidad
Aralin 2 – Ugnayan ng Komunidad sa
Sarili at Pamilya

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit


mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad;
2. Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at
sariling pamilya (MELC); at
3. Nasasabi ang mabuting dulot ng mga tungkulin at gawain sa komunidad.
4.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Araw ng Linggo ay may dalang Bibliya ang pamilya Santos. Saan kaya pupunta
ang mag-anak?
a. Paaralan C. Pamilihan
b. Palaruan D. Simbahan

2. Pagtapos magsimba o sumamba, ang mag-anak ay bumili ng pagkain. Sa iyong


palagay, saan nagpunta ang mag-anak?
a. Paaralan C. Pamilihan
b. Palaruan D. Simbahan

3. Tungkulin nito ang magbigay ng kaalaman sa mga batang katulad mo. Anong
lugar sa komunidad na ito?
a. Pagamutan C. Paaralan
b. Palaruan D. Pamilihan

4. Isa sa tungkulin ng komunidad na ito ay mabigyan ng libreng serbisyo sa


kalusugan ang mga tao. Ano ito?
a. Panahanan C. Health Center
b. Pamilihan D. Simbahan

5. Ang sumusunod ay tungkulin at gawain ng paaralan. Alin ang hindi kabilang dito?
a. Nagpapabasa at nagpapasulat sa mga mag-aaral.
b. Nagbibigay ng wastong pagkain at tirahan sa tao.
c. Nagtuturo ng magandang asal sa mga mag-aaral
d. Nagpapaunlad ng kaalaman ng bawat mag-aaral.

1
Modyul
Kaugnayan ng Komunidad
5 sa Sarili at sa Pamilya
Ang komunidad na iyong kinabibilangan ay may tungkulin at gawain na
ginagampanan. Kailangan mong malaman ang iyong kaugnayan sa komunidad.
Gayundin ang kaugnayan ng iyong pamilya at komunidad.

Balikan
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kilalanin ang nasa bawat bilang.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong.

Bakit mahalaga ang komunidad sa iyo at sa iyong pamilya?

Tuklasin
Tingnan ang larawan ng isang komunidad. Unawain ang usapan ng dalawang bata.
Pagkatapos ay sagutin ang kanilang tanong.

2
Suriin
Mga Tungkulin at Gawain sa Komunidad
Ang Komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, simbahan, at pook libangan.
Mayroon din ang komunidad ng ospital, barangay hall at pamilihan. Ang komunidad
na iyong kinabibilangan ay may mga tungkulin at gawain. Kailangan na gampanan
ng mga bumubuo sa komunidad ang mga dapat gawin para sa mga naninirahan
dito. Dapat itong magawa upang maging maayos ang paninirahan sa komunidad.

Unawain ang mga tungkulin at gawain ng mga institusyon sa komunidad.

Pamilya
Ikaw ay kasapi ng pamilya. Tungkulin ng iyong
pamilya na maibigay ang pangangailangan ng
bawat kasapi ng pamilya. Halimbawa nito ay sapat
na pagkain, tirahan damit, at pag-aaral ng mga
anak. Tungkulin din ng pamilya ang magmahalan
ang bawat isa. Inaasahan ang mga magulang at
mga anak na magtulungan upang matapos ang
lahat ng gawain.

Paaralan
Nagpupunta ang mga bata sa paaralan
upang mag-aral. Tungkulin ng paaralan na turuan
ang mga mag-aaral na bumasa at sumulat.
Tinuturuan din sila na bumilang. Ang guro ng mga
bata ay nagtuturo rin ng wastong pag-uugali upang
maging mabait at masunuring bata.
Simbahan o Pook-Sambahan
Sa simbahan o pook-sambahan nagpupunta
ang mga tao upang magdasal. Tahimik na nakikinig
ang mga tao sa mga aral ng pari o pastor. Tungkulin
ng simbahan at mga pook-sambahan ay magbigay
ng mensahe tungkol sa Diyos at kabutihan niya. Dito
nangangaral ang pari o pastor. Siya rin nagtuturo ng
magandang asal upang maging mabuti ang mga tao.

Ospital o Health Center

Ito ay puntahan ng mga tao upang


magpagamot ng kung sila ay may sakit. Tungkulin din
ng ospital o health center ang magbigay ng bakuna
at gamot sa mga may sakit. Dapat nitong tiyakin na
gagaling at muling lulusog ang katawan ng mga tao
sa komunidad.

3
Pook-libangan o Pasyalan

Ito ang paboritong puntahan ng pamilya lalo na


ang mga bata. Dito sila naglalaro at naglilibang.
Tungkulin ng mga nangangasiwa dito na ligtas at laging
masaya ang mga bata kapag bumibisita dito.

Barangay Hall

Ang barangay hall o bahay-pamahalaan ay


lugar kung saan makikita ang mga pinuno ng
komunidad. Dito sila tumatanggap ng mga tao sa
komunidad na kailangan ng tulong. Tungkulin nito na
laging maayos at mapayapa ang komunidad. Ang
mga pinuno dito ay gumagawa ng mga patakaran
para sa komunidad. Sa lugar na ito rin inaayos ang mga
suliranin ng mga residente ng komunidad.

Pamilihan

Dito tayo bumibili ng mga pangangailangan ng


mga pamilya. Tungkulin nito na maging malinis at
maayos ang mga pagkain at ibang produkto.
Inaasahan ng mga tao na tama ang presyo ng mga
bilihin at wasto ang laman at timbang ng kanilang
itinitinda.

Ugnayan ng Komunidad sa Sarili at Pamilya

Magandang Araw! Ako si Anna at ito ang aking Pamilya.

Ako at ang aking pamilya ay nakatira sa komunidad. Ang


aming tahanan ay napakasaya dahil kami ay sama-sama at
nagmamahalan.

Sa paaralan kami nag-aaral ni bunso upang matuto ng


iba’t ibang kaalaman. Sa tuwing kami ay nagkakasakit dinadala
kami ni Inay sa ospital o health center upang magpagamot.

4
Tuwing Sabado ay pumupunta kami ni bunso sa pook-libangan upang maglaro
at maglibang. Tumutulong din kami sa paglilinis ng lugar.

Ang araw ng Linggo ang pinakamasaya sa lahat.


Ang aking pamilya ay pumupunta sa simbahan o pook-
sambahan upang magdasal. Nagpapasalamat kami sa
mga biyaya na aming natatanggap. Pagkatapos
magsimba, kami ay pumupunta sa pamilihan. Dito
naming binibili ang aming pangangailangan tulad ng
pagkain at gamit. Masaya kaming uuwi sa aming
tahanan.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kaugnayan ng


Komunidad sa Sarili at Pamilya”, sagutin ang mga gawain. Simulan mo na.

Gawain 1
Isa-isahin ang mga tungkulin at gawain ng mga tao sa komunidad. Iguhit ang
masayang mukha ☺ kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tungkulin at gawain
ng bumubuo ng komunidad at malungkot na mukha  kung hindi.

_____ 1. Sina Miya at Layla ay nanonood ng TV habang nagwawalis


ng sahig ang kanilang nakakatandang kapatid.

_____ 2. Maagang pumupunta si Binibining Ignacio sa paaralan para


turuan ang mga bata sa pagsulat at pagbasa.

_____ 3. Tuwing Linggo ay pumupunta sa simbahan ang pamilya ni


Lorna upang magpasalamat sa Diyos.

_____ 4. Ginagamot ni Doktor Mendez si Aling Alita dahil ito ay may


sakit sa mata.

_____ 5. Masayang naglilinis ng pook-libangan ang mga tao sa


Barangay Poblacion.

Gawain 2
Tukuyin ang titik ng wastong tungkulin at gawain na ipinakikita sa larawan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
A. Tungkulin nito na magmahalan ang bawat isa at tumulong sa gawaing bahay.
B. Tungkulin nito na laging naririyan ang mga dapat bilihin ng mga tao.
C. Tungkulin nito na laging maayos at ligtas ang mga pamilya sa komunidad
D. Tungkulin nito gawing madasalin ang mga tao
E. Tungkulin nito na bigyan ng gamot ang may sakit at libreng bakuna sa mga bata.

5
1 2 3

4 5

Isaisip
Kamusta ka, aking mag-aaral? Sagutin ang
Gawain 3 mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang mga bumubuo sa


komunidad?
2. Ano-ano ang mga tungkulin at gawain na
bumubuo sa komunidad?
3. Nakakatulong ba ang mga bumubuo ng
komunidad sa iyong sarili? Bakit?
4. Nakakatulong ba ang komunidad sa iyong
pamilya? Bakit?
5. Anong lugar sa iyong komunidad ang lagi
mong pinupuntahan? Bakit?

Isagawa
Gawain 4
Tingnan ang mga larawan. Iguhit sa mga bilog ang dalawang masayang mukha ☺ ☺
kung madalas mong puntahan ang nasa larawan. Lagyan mo naman ng isang
masayang mukha ☺ kung hindi mo bihirang puntahan ang nasa larawan. Iguhit
naman ang malungkot na mukha  kung hindi mo napupuntahan ang nasa larawan.

6
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ibinibigay ng pamilya ang mga pangangailangan ng bawat kasapi nito. Sino


ang may tungkulin nito?
A. Ang barangay tanod na nanghuhuli tuwing gabi.
B. Ang doktor na gumagamot sa may sakit.
C. Ang magulang na siyang gumagabay sa mga anak.
D. Ang nanay ang siyang nagtatrabaho sa pamilya.

2. Ang Pamilya Ignacio ay pupunta sa simbahan sa araw ng Linggo. Ano ang


dapat nilang gawin?
a. Gumamit ng cellphone habang nagdarasal.
b. Kumain dahil nagugutom.
c. Makinig sa sinasabi ng pari o pastor.
d. Tingnan ang mga damit ng mga taong nakaupo.

3. Ang mga tao ay bumibili ng mga pangangailangan sa pamilihan. Sino sa mga


ito ang nagpapakita ng tamang gawain ng mamimili?
a. Ang batang si Sam na nanghihingi ng bulok na gulay.
b. Ang kapatid ni Marta na pumipili nang maayos na produkto bago bilhin.
c. Ang nanay ni Rex ay nakikipag-unahan sa pagbili.
d. Si Carlo na itinatapon ang mga tindang pagkain.

4. Ang guro ay nagtuturo sa mga bata na bumasa at sumulat. Ano ang dapat
mong gawin habang nagtuturo ang guro?
a. Huwag kang makinig sa sinasabi ng guro.
b. Magpaalam lumabas habang nagtuturo ang guro.
c. Makinig at gumawa ng mga gawain na sinabi ng guro.
d. Makipagdaldalan habang nagsasalita ang guro.

5. Ang inyong barangay ay may “clean and green project”. Ano ang dapat mong
gagawin?
a. Yayain ang iba na sumali sa gawain.
b. Humingi ng pagkain pagkatapos maglinis ng paligid.
c. Huwag sumali sa programa.
d. Magkunwari na hindi alam ang proyekto.

7
Karagdagang Gawain

Gawain 5
Sa iyong kuwaderno ay iguhit ang larawan ng sorbetes at sundin ang ipinagagawa na
nasa apa.

Isulat kung
Iguhit ang
Iguhit ng ano ang
iyong dapat
larawan ng
nararam- gawin
pook-
libangan ng daman upang
habang maging
iyong
komunidad. nasa pook- malinis ang
libangan. pook-
libangan.

Gawain 6
Kung may pagkakataon, kumuha sa internet ng iba pang bumubuo sa komunidad.
Maaaring magpatulong sa iyong magulang. Pagkatapos ay itala ang mga tungkulin at
gawain na may kaugnayan sa sarili at iyong pamilya. Ilagay ito sa iyong kuwaderno.

8
2
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6
Pagguhit ng Mapa ng
Aking Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pagguhit ng Mapa ng Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gellaine R. Garejo
Editor: Noel D. Allejos
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang pagguhit ng


mapa ng isang komunidad. Mahalaga ang paggamit ng mapa dahil ito ang
nagtuturo kung nasaan ang isang lugar. Makikita sa mapa ang iba’t ibang lugar sa
komunidad. Mayroong simbolo ang mapa na tumutukoy sa lugar.

Ang modyul na ito ay mayroong


isang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mapa ng Komunidad
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral
sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto (most essential learning
competency – MELC) at mga kaugnay na
layunin:

1. Natutukoy ang mga lugar at estruktura sa isang komunidad; at


2. Nakaguguhit ng payak na mapa ng komunidad mula sa sariling tahanan o
paaralan, na nagpapakita ng mahahalagang lugar at estruktura, anyong
lupa, anyong tubig at iba pa (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Nahihirapan ang iyong kapatid na matukoy ang mga lugar at estruktura ng


inyong komunidad. Ano ang ibibigay mo sa kaniya upang madali niyang
matukoy ang mga estruktura ng inyong komunidad?
a. diyaryo
b. globo
c. mapa
d. telebisyon

2. Ano-ano ang mga estrukturang maaaring matagpuan sa isang komunidad?


a. Barangay hall
b. bulkan
c. paaralan
d. simbahan

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng simbolong nasa ibaba?

a. bahay
b. pamilihan
c. plaza
d. ospital

1
4. Bakit mahalagang gumamit ng mapa ng sariling komunidad?
a. Upang madaling makita ang mga lugar.
b. Upang makaiwas sa mga tao.
c. Upang masagot ang tanong ng guro.
d. Upang masanay na gumuhit ng mapa.

5. Anong estruktura ang nasa ibabang bahagi


ng pook-libangan at katabi ng paaralan?
a. barangay hall
b. mga tirahan
c. simbahan
d. ospital

Modyul

1 Konsepto ng Komunidad
Bago mo alamin ang iyong pag-aaralan sa modyul na ito, balikan ang iyong
natutuhan noong nakaraang linggo.

Balikan
Tukuyin ang sinasabi ng mga bata tungkol sa mga lugar ng kanilang komunidad.
Kulayan ang larawan na iyong sagot.

Tuklasin

Nakapunta ka na ba sa ibang
komunidad?
Basahin nang malakas ang tula
tungkol sa komunidad ng isang
bata.

2
ANG AKING KOMUNIDAD
Tayo nang mamasyal
Ang aking komunidad ay malayo man
Ngunit ito ay maganda at tahimik naman
Makikita dito ay malalawak na palayan
Hindi rin papatalo ang mga sagingan

Sa aming tahanan ay malapit ang pamilihan


Kung saan makikita ang bigasan at gulayan
Kung ikaw naman ay sasamba sa aming simbahan
Matatagpuan mo ito malapit sa amin lamang

Kung gusto mo namang maglaro at umikot sa pasyalan


Halika sa aming plaza at palaruan
Doon lang ito sa harapan ng mga tindahan
Katabi ng aming munisipyo o bahay-pamahalaan.

Suriin
Mapa ng Komunidad
Katulad ng iyong natutuhan sa nakaraang aralin, ang komunidad ay binubuo
ng mga institusyon. Mahalaga ang mga institusyong ito upang mapabuti ang
kalagayan ng mga pamilya sa komunidad.

Maliban sa pamilya bilang nangungunang institusyon ng komunidad, binubuo


ng paaralan, simbahan o pook-sambahan at barangay hall ang komunidad. Kabilang
din ang ospital o health center, pook-pasyalan o palaruan, at himpilan ng pulisya.

Ang mapa ay isang patag na paglalarawan sa isang lugar tulad ng komunidad.


Makikita sa mapa ang mga institusyon at estruktura ng isang lugar o komunidad. Ang
mga ito ay ipinakikita sa pamamagitan ng mga simbolo sa mapa.

Mas madaling maunawaan at matukoy ang isang estruktura o lugar kapag


gumamit ng simbolo. Maliban sa mga estruktura ay makikita rin sa mapa ang mga
anyong lupa at anyong tubig ng isang komunidad. Tingnan ang mga simbolo ng
estruktura ng komunidad.

3
Simbahan o Paaralan
Pook-Sambahan

Bahay-
Pook-Libangan Pamahalaan o
o Palaruan Barangay Hall

Ospital o
Health Center
Pamilihan

Mga bahay o
Tirahan Estasyon
ng Pulis

Makikita sa mapa ang mga estruktura sa komunidad batay sa simbolo nito.


Tingnan ang mapa ng isang komunidad. Hanapin ang larawan ni Bert sa mapa. Ibig
sabihin ay nasa kanilang bahay si Bert ayon sa mapa.

Ang bahay ni Bert at ng kaniyang pamilya ay nasa kanang bahagi ng


komunidad. Nasa gawing ibaba naman ang paaralan kung saan siya nag-aaral. Kung
maglalaro si Bert at kaniyang kapatid ay pupunta sila sa pook-libangan. Ito ay nasa
gawing kaliwa ng kanilang tirahan. Kung may sakit naman ang kaniyang kapatid ay sa
ospital siya dinadala. Ang ospital ay malapit sa barangay hall at sa paaralan.

Nakatutulong ang mapa ng


komunidad upang
madaling matukoy ang
kinaroroonan ng isang lugar
o estruktura sa komunidad.

4
Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa mapa ng komunidad at
mga simbolo nito, ihanda ang iyong sarili upang sagutin ang mga gawain. Simulan mo
na.

Gawain 1
Tukuyin ang simbolo ng mga institusyon sa Hanay B. Isulat sa papel ang titik ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B

1. paaralan

2. ospital

3. pamilihan

4. palaruan

5. mga tirahan

Isaisip

Gawain 2
Kamusta, aking mag-aaral? Sagutin
ang mga tanong sa pisara.

1. Ano ang mga lugar, o estruktura ang


makikita sa iyong komunidad?

2. Ano ang mapa? Ano mga makikita sa


isang mapa?

3. Ano-ano ang mga simbolo at


kahulugan nito sa mapa ng isang
komunidad?

4. Bakit mahalagang gamitin ang mapa?

5
Isagawa
Gawain 3
Tukuyin mo ang mga institusyon o
estruktura na makikita sa iyong
sariling komunidad. Pagkatapos ay
iguhit mo ang mapa ng sariling
komunidad.
Gumamit ng hiwalay na bond
paper o papel sa pagguhit ng
mapa. Kulayan ito.

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito ay ginagamit upang mabilis na matukoy ang isang lugar o estruktura

A. diyaryo
B. globo
C. mapa
D. telebisyon

2. Ano-ano ang mga estrukturang maaaring matagpuan sa isang komunidad?

A. paaralan
B. ospital
C. mga tirahan
D. Lahat ng nabanggit

6
3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng simbolong nasa ibaba?

A. Bahayan
B. Palengke
C. Plasa
D. Simbahan

4. Bakit mahalagang gamitin ang mapa ng sariling komunidad?


A. Upang maging tahimik at ligtas ang komunidad.
B. Upang madaling matukoy ang mga lugar.
C. Upang makapamasyal tuwing gabi.
D. Upang makasagot sa tanong ng guro.

5. Anong estruktura ang nasa itaas na


bahagi ng pook-libangan at katabi ng
pamilihan at plaza?
A. barangay hall
B. mga tirahan
C. simbahan
D. paaralan

Karagdagang Gawain

Gawain 4
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang sinasabi ng bawat bilang.

________ 1. Iba-iba ang kinabibilangang komunidad ng mga bata.


________ 2. Magkakatulad ang kinalalagyan ng komunidad ng
mga bata.
________ 3. Ang pamilihan ay hindi kabilang sa mga bumubuo ng
komunidad.
________ 4. Ang isang komunidad ay dapat panatilihing malinis at tahimik upang
maging maayos ang pamumuhay ng mga naninirahan.
________ 5. Mahalaga sa isang bat ana marunong gumamit ng mapa.

7
Gawain 5
Iguhit ang simbolo na tinutukoy sa bawat kahon. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mga Tirahan Ospital Plaza

Himpilan ng
Bahay Pamahalaan Pamilihan
Pulisya

Simbahan Paaralan Palaruan

8
2
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7
Panahon at Kalamidad
sa Aking Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Panahon at Kalamidad sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricel P. Beltran
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Anne Keithlyn P. Guingab at Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang panahon at


kalamidad sa iyong komunidad. Makikita sa mga larawan ang iyong nararanasang
panahon sa komunidad. Gayundin ang mga kalamidad na maaaring mangyari sa
lugar.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Mga Nararanasang Panahon sa Komunidad
Aralin 2 – Mga Nararanasang Kalamidad sa Komunidad
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit
mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng panahon at kalamidad;
2. Nailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad
(MELC); at
3. Nasasabi ang epekto ng kalamidad sa sariling komunidad.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Alin sa sumusunod na panahon ang tamang pagkakataon na magpunta sa


beach at mag-swimming?
A. Tag-ulan
B. Tag-init
C. May bagyo
D. May baha
2. Paggising mo sa umaga ay malakas ang ulan at hangin. Walang pasok at hindi
ka makalabas ng bahay. Ano ang nangyayari sa iyong komunidad?
A. May lindol sa iyong komunidad.
B. May bagyo sa iyong komunidad.
C. May kasiyahan sa iyong komunidad.
D. Nagbabakasyon na ang mga bata.

3. Ito ay paglalarawan sa pang-araw-araw na kalagayan ng himpapawid. Ano


ito?
A. kalikasan
B. panahon
C. kalamidad
D. klima

1
4. Ito ay kalamidad na iyong nararanasan kung gumagalaw o yumayanig ang
lupa. Maaaring maging dahilan ito ng pagbagsak ng mga gusali at pagbitak ng
mga daan. Ano ito?
A. bagyo
B. lindol
C. pagputok ng bulkan
D. baha

5. Alin sa sumusunod na pangyayari ang epekto ng pagbaha?


A. Lalago ang mga halaman.
B. Magkakaroon ng maraming ani ang mga magsasaka.
C. Mapipinsala ang mga bahay, pananim, at alagang hayop.
D. Makakahuli ng maraming isda ang mga mangingisda.

Modyul
Panahon at Kalamidad
7 sa Aking Komunidad
Ang bawat komunidad sa ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang panahon.
Maliban dito, may mga pagkakataon na nararanasan natin ang mga kalamidad.
Bago mo pag-aralan ang mga panahon at kalamidad sa komunidad, muling
alalahanin ang nakaraang aralin.

Balikan

Bibisitahin si Ryan ng kaniyang


kaibigan na si Marie. Makikita sa mapa si
Ryan na nasa kaniyang bahay. Si Marie
naman ay malapit sa pamilihan.
Ikuwento sa iyong magulang o guro
kung ano ang mga estruktura na
dadaanan ni Marie papunta sa bahay ni
Ryan.

Tuklasin

Kamusta ka? Gusto mo bang


makabasa ng tula tungkol sa
panahon? Simulan mo na.
Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.

2
KAIBIGANG ARAW AT ULAN
ni Binibining Nelaine C. Flaviano
I.
Kaibigan ko si Araw kasama ang langit nitong bughaw,
Dahil sa masayang maglaro ng patintero't habulan,
Dahil makaiinom na rin ng palamig at gulaman,
Dahil presko sa balat ang shorts at sando,
Habang nagpapaypay at nagpupulbo.

II.
Kaibigan ko si Ulan kasama ang mga ulap nitong kulay uban,
Dahil sa mga patak nitong dumidilig sa halaman,
Dahil sa musika nitong humehele sa ulo kong nasa unan,
Dahil maaari ko na ring isuot ang dyaket,
Habang humihigop ng sopas at pakbet.

III.
Sa labis na init ni Araw, kumakati ang balat, natutuyo ang lupa, at
nalalanta ang mga pananim.
Sa labis na lakas ni Ulan, lumalaganap ang ubo't sipon,
Bumabaha sa kalsada, at nasasalanta ang komunidad namin.
Sina Araw at Ulan?
Opo, maliligalig silang kaibigan!
May kalamidad man ang kahapon,
Bukas sana'y may bahaghari sa likod ng ambon.

Mga Tanong:

1. Ano ang nangyayari kapag tag-araw at tag-ulan?


2. May kinalaman ba ang tag-araw at tag-ulan sa iyo bilang bata? Ano ito?

Suriin
Mga Nararanasang Panahon sa Komunidad
Ang panahon at kalamidad ay mga pangyayaring nararanasan ng mga
komunidad. Malaki ang epekto ng panahon at kalamidad sa pamumuhay ng mga tao
sa komunidad. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba.

Ang panahon ay paglalarawan sa pang-araw-araw na kalagayan ng


himpapawid. Ito ay nararanasan ng iba’t ibang komunidad. Nagbabago-bago ang
panahon sa bawat komunidad.

Sa mga komunidad sa Lungsod Makati ay may dalawang panahon na


nararanasan. Ito ay ang tag-araw o mainit na panahon at tag-ulan o maulang
panahon.

3
Tag-araw o Mainit na Panahon
Ang tag-araw ay mainit na panahon na nararanasan ng mga komunidad.
Karaniwang sinasabi na maganda ang panahon kapag tag-araw dahil mainit ang
sikat ng araw.

Nararanasan ng mga tao sa komunidad ang mainit na panahon sa halos buong


taon. May pagkakataon na malamig ang panahon lalo na kapag buwan ng
Nobyembre hanggang Enero. Ngunit ang mainit na panahon ay nararanasan pa rin ng
mga tao sa mga buwan na ito.

Mas mainit ang panahon o tag-araw sa mga buwan


ng Marso, Abril at Mayo. Maraming pamilya ang
nagpupunta sa mga paliguan tulad ng swimming pool at
beach resort upang maligo. Ito ang pagkakataon upang
magsaya ang pamilya.

Kapag mainit ang panahon, madalas na itinitindang pagkain ay halo-halo at


ice candy. Mayroon ding naglalako ng ice cream.

Nagsusuot naman ng manipis na damit at nagdadala ng pamaypay ang mga


tao upang hindi gaanong mainitan.

Tag-ulan o Maulang Panahon

Ang tag-ulan ay ang panahon kung kailan


nararanasan ang malalakas na pagbuhos ng tubig-ulan.
Madalas ay madilim ang langit at mas malakas ang hangin.

Nararanasan ang malalakas na ulan sa huling


linggo ng Mayo at mga buwan ng Hunyo at Hulyo.
Gayundin sa mga buwan ng Agosto, Setyembre, at
Oktubre.

Kapag tag-ulan, ang mga tao ay nananatili sa loob ng


bahay. Hindi madaling lumabas ng bahay lalo na kung malakas ang patak ng ulan at
mahangin.

Nararanasan din tuwing tag-ulan ang bumaha sa ibang komunidad lalo na sa


mabababang lugar. Gayundin sa mga komunidad na malapit sa ilog at creek.

Nagsusuot naman ng jacket o kapote ang mga tao kapag tag-ulan.


Gumagamit din sila ng bota at payong. Kailangang mag-ingat upang hindi mabasa
ng ulan at maiwasan ang magkasakit.

Ang bawat panahon na iyong nararanasan ay may epekto sa iyong kalusugan


at pamumuhay. May mga sakit na nakukuha sa maulang panahon. Dapat na iwasan
ang paglusong at paglalaro sa baha. Maaaring magdala ng iba’t ibang sakit tulad ng
leptospirosis o karamdaman na mula sa daga. Ang sakit na ito ay mapanganib dahil
maaaring lumubha ang sakit at ikamatay ng isang tao.

Mga Nararanasang Kalamidad sa Komunidad


Ang kalamidad ay pangyayari sa komunidad na nagdadala ng malawak na
pinsala sa lugar. Apektado ng kalamidad ang mga tirahan, ari-arian, at pamumuhay
ng mga tao. Nagdudulot din ang kalamidad ng malungkot at mahirap na kalagayan
sa mga tao.

4
Ang sumusunod ay mga nararanasang kalamidad ng mga komunidad:

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa panahon at kalamidad sa


iyong komunidad, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Iguhit sa kahon ang kung ang inilalarawan ay tungkol sa mainit na panahon
o tag-araw. Iguhit naman ang kung tag-ulan.

5
Gawain 2
Tukuyin ang sagot sa pamamagitan ng pagpuno ng titik sa bawat kahon upang mabuo
ang inilalarawang salita.

1. Ito ang kalamidad kung saan gumagalaw o yumayanig ang lupa o sahig na
iyong inaapakan.

2. Umiihip nang malakas ang hangin. Maingay ang bubong ng bahay. Malalim na
rin ang tubig sa kalsada.

3. Tumutukoy ito sa pangyayari na nagdudulot ng malaking pinsala sa komunidad.

4. Maganda ang panahon at mainit ang sikat ng araw. Marami ang namamasyal
sa kapag ito ang panahon.

-
5. Ito ang hayop na pinagmumulan ng leptospirosis kapag tag-ulan.

Isaisip

Gawain 3
Kamusta, aking mag-aaral? Sagutin
Tanong-Sagot.
ang mga tanong sa pisara.

1. Ano ang ibig sabihin ng panahon?


2. Ano ang sitwasyon sa komunidad
kapag mainit ang panahon?
3. Ano ang sitwasyon sa komunidad
kapag tag-ulan?
4. Ano ang nangyayari sa komunidad
kapag may bagyo at baha?
5. Ano ang nangyayari sa komunidad
kapag may lindol?

6
Isagawa
Gawain 4
Kuwento ng mga Kaibigan. Ipagpalagay mo na ang mga bata sa ibaba ay iyong mga
kaibigan. Iguhit sa mga kahon ang mga bagay na dapat nilang gamitin batay sa
sitwasyon. Maaaring gumamit ng hiwalay na bond paper. Maaaring guntingin ang mga
larawan at idikit sa papel. Magpatulong sa nakatatanda.

7
Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.

1. Ang pamilya Santiago ay naghahanda para sa kanilang family outing. Pupunta


sila sa isang beach resort upang maligo. Ano ang panahon sa araw na iyon?
A. Tag-ulan B. Tag-init C. Taglamig D. May bagyo
2. Maraming bata ang hindi makapasok sa paaralan. Baha sa kanilang
komunidad. Anong panahon ang kanilang nararanasan?
A. Tag-ulan B. Tag-init C. Taglamig D. Tag-araw
3. Laging nagtatapon ng basura ang mga bata sa ilog at creek. Ano ang
maaaring mangyari sa kanilang komunidad kapag tag-ulan?
A. Magkakaroon ng lindol.
B. Magiging mainit ang panahon.
C. Maaaring bumaha sa komunidad.
D. Marami ang mananatili sa bahay.
4. Nagising si Amir dahil gumagalaw ang sahig ng kanilang bahay. Ano ang
nararanasan ni Amir?
A. Bagyo B. Baha C. Lindol D. Mainit na panahon
5. Ano ang dapat gawin kapag ang iyong panahon ay katulad sa larawan?
A. Maligo sa ulan kahit may baha.
B. Mamasyal ang pamilya sa beach.
C. Magsuot ng kapote at bota.
D. Laging matulog sa loob ng bahay.

Karagdagang Gawain

8
2
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8
Mga Dapat Gawin Tuwing
may Kalamidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Mga Dapat Gawin Tuwing may Kalamidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricel D. Salcedo
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Chelsy Jeanne A. Cobico at Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga dapat


gawin tuwing may kalamidad. Makikita mo sa larawan na ikaw ay may magagawa
upang maging ligtas sa panahon ng kalamidad.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Mga Dapat Gawin sa Tahanan at Paaralan Tuwing may Lindol
Aralin 2 – Mga Dapat Gawan Tuwing may Bagyo at Baha
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit
mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga dapat gawin sa tahanan tuwing may kalamidad;
2. Natutukoy ang mga dapat gawin sa paaralan tuwing may kalamidad; at
3. Naisasagawa ang mga wastong gawain o pagkilos sa tahanan at paaralan sa
panahon ng kalamidad (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Habang ikaw ay kumakain sa bahay ay naramdaman mo na lumilindol. Ano ang


dapat mong gawin?
a. Hihingi ako ng saklolo sa kapitbahay.
b. Tatapusin ko agad ang aking pagkain.
c. Isasagawa ko ang drop, cover at hold.
d. Tatakbo ako nang mabilis palabas ng bahay.
2. Umuulan nang ikaw ay pumasok sa paaralan. Habang ikaw ay nag-aaral ay
nagsabi ang guro na pinauuwi na ang mga mag-aaral dahil sa bagyo. Ano ang
iyong gagawin?
a. Uuwi akong mag-isa.
b. Sasabay ako sa kaklase ko sa pag-uwi.
c. Hihintayin ko ang aking sundo.
d. Sasama ako sa hindi ko kakilala.
3. Ano ang tawag sa gawain sa paaralan kung saan nagsasanay ang mga mag-
aaral sa dapat gawin kapag may lindol?
a. Earthquake Drill c. Book Month Program
b. Fire Drill d. Hand Washing

1
4. Napansin mo ang mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa labas at malapit na itong
pumasok sa inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
a. Gagawa ako ng bangkang papel at ipapaanod ito sa tubig-baha.
b. Tatawagin ko aking mga pinsan upang maglaro sa tubig-baha.
c. Panonoorin ko ang pagtaas ng tubig-baha sa labas ng aming bahay.
d. Sasabihin ko ito sa aking magulang upang maitaas namin ang mga gamit
na maaaring Mabasa.
5. Ano ang tawag sa uri ng bag na naglalaman ng mga pangangailangan gaya
ng tubig, pagkain, gamot, damit, at flashlight na kailangan natin kung sakaling
magkaroon ng kalamidad?
a. shoulder bag c. plastic bag
b. Go bag d. paper bag

Modyul
Mga Dapat Gawin Tuwing
8 may Kalamidad
Ang mga komunidad ay nakararanas ng mga hindi inaasahang pangyayari na
sanhi ng kalikasan. Tinatawag itong kalamidad. Malaki ang nagiging pinsala ng mga
kalamidad na ating nararanasan.

Balikan
Unawain ang usapan ng dalawang magkaibigan. Sagutin ang kanilang mga
tanong.

Tuklasin

Samahan mo akong
basahin ang tula.
Pagkatapos ay
sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Halika. Simulan mo
na.

2
1. Ano ang mga kalamidad na
sinabi sa tula?
2. Ano ang iyong
mararamdaman kung
sakaling maranasan mo ang
mga kalamidad na ito?
3. May dapat ka bang gawin
kapag nangyari ang
kalamidad?

Suriin
Malaki ang nagiging pinsala ng mga kalamidad sa mga komunidad. May
pagkakataon na nasisira ang mga bahay, estruktura, at ari-arian kapag may
kalamidad. Nagiging malubha rin ang pinsala kapag may nasasaktan o namamatay
dahil sa kalamidad.

Sa panahong ito ay mahalaga na maging handa ang bawat isa. Matanda man
o bata, dapat ay alam natin kung ano ang gagawin tuwing may kalamidad sa ating
komunidad.

Mga Dapat Gawin sa Tahanan at Paaralan Tuwing may Lindol

3
Mga Dapat Gawin Tuwing may Bagyo

Mga Dapat Gawin Tuwing may Baha

4
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga dapat mong gawin
tuwing may kalamidad, masasagot mo ba ang mga gawain ? Simulan mo na.

Gawain 1
Tukoy-Larawan. Tukuyin kung ano ang kalamidad na ipinakikita sa larawan. Piliin ang
wastong titik sa loob ng kahon.

A. lindol B. bagyo C. baha

1. 2.

3. 4.

5.

Gawain 2
Maglaro Tayo! Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Gawin ito sa hiwalay na papel.

5
Isaisip

Gawain 3 Kamusta, aking mag-aaral? Sagutin


ang mga tanong sa pisara.

1. Ano ang dapat gawin kapag lumindol


habang ikaw ay nasa bahay?
2. Ano ang dapat gawin kapag lumindol
habang ikaw ay nasa paaralan?
3. Dapat ba na mag-panic kapag
lumindol? Bakit?
4. Ano ang dapat gawin kapag may
bagyo at baha sa inyong komunidad?
5. Ano ang gusto mong sabihin sa kaibigan
o kamag-aral mo tungkol sa kalamidad
na maaari nilang maranasan?

6
Isagawa
Gawain 4
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Ilagay sa wastong hanay ang mga pagkilos
na dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

TAHANAN PAARALAN

1. Susundin ang bawat sasabihin o anunsyo ng guro upang maging ligtas.


2. Hindi lalabas at hindi rin maglalaro sa tubig-baha.
3. Makikinig sa radyo o manonood sa telebisyon upang malaman ang balita tungkol
sa ulat-panahon.
4. Makikilahok sa earthquake drill kasama ng mga kamag-aral at guro.
5. Inihahanda ko ang malinis na tubig at mga pagkaing madaling lutuin.

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.

1. Nakita mo ang iyong kapitbahay na naglalaro sa tubig-baha. Nagpaalam ka sa


iyong nanay na sumali sa kaniyang paglalaro ngunit hindi ka pinayagan. Ano ang
gagawin mo?
a. Tatakas ako palabas ng bahay.
b. Susunod ako kay nanay at mananatili sa bahay.
c. Kukulitin ko si Nanay para payagan akong lumabas.
d. Magpapaalam ako kay tatay para payagan ako.
2. Kasalukuyang lumilindol at nais mo nang lumabas ng bahay para magtungo sa
ligtas na lugar. Kailan ka dapat lumabas ng bahay?
a. Lalabas ako ng bahay kapag tumigil ang pag-uga ng lupa.
b. Lalabas ako ng bahay habang umuuga ang lupa.
c. Lalabas ako ng bahay kapag gabi na.
d. Lalabas ako ng bahay kapag lumakas ang pag-uga ng lupa.
3. Pinalilikas na kayo ng inyong kapitan dahil sa pagtaas ng tubig-baha sa inyong
lugar. Alin sa sumusunod ang hindi mo dapat kalimutang dalhin?
a. aklat, bag at uniporme
b. bagong damit at laruan
c. cellphone, laptop at tablet
d. go bag at emergency kit

7
4. Lahat ng pangungusap ay nagsasagawa ng wastong pagkilos tuwing may lindol
maliban sa _____.
a. maging mahinahon o kalmado.
b. maging alisto at handa.
c. tumakbo palabas ng paaralan.
d. gawin ang drop, cover, at hold.
5. Naramdaman mong lumalakas ang hangin dulot ng bagyo at napansin mo na
bukas pa rin ang inyong pintuan at mga bintana. Ano ang dapat mong gawin?
a. Isasara kong mabuti ang mga bintana at pintuan.
b. Pupunta sa may bintana at hahayaang nakabukas.
c. Lalabas ng bahay at maliligo sa ulan.
d. Pupunta sa may pinto at panonoorin ang mga nangyayari sa labas.

Karagdagang Gawain

You might also like