You are on page 1of 22

4

Grade 4 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Ikalawang Markahan – Module 5
PAGGAMIT NG COMPUTER FILE SYSTEM

Locally Developed Self-Learning Material

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Locally Developed Self-Learning Material

Quarter 2 - Paggamit ng Computer File System

Development Team of the Module

Writer: Danilo M. dela Rosa,EdD.


Editors: Jonathan A. Bada
Nenita A. Alvarez
Cenon G. Cayabyab, Jr.
Reviewer: Jonathan A. Bada

Management Team:
Leilani S. Cunanan, CESO V
Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala, EdD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan- Baitang 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Information and Communication Technology (ICT) katulad ng computer,
email, at internet.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang


4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Information and
Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email, at internet.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

2
MGA LAYUNIN

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng computer file system. EPP4IE-0d-8

2. Nakikilala ang mga bahagi ng isang computer file system.

3. Nakakagamit ng computer file system sa pagsasaayos at pag-save ng files.

ANO ANG ALAM MO NA?

A. Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek (✔) sa hanay ng thumbs
up icon kung OO ang sagot at ang thumbs down icon kung HINDI.

Kasanayan

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng computer file


system.
2. Nakagagawa ng folder at subfolder.
Nakakapag-save ng file at folder.
3. Nakakapag-delete ng di-kailangang folder o file.
4. Naisasaayos ang files gamit ang computer file
system.

B. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer files at datos para
madali itong mahanap at ma-acces.
A. Filename C. File format
B. Computer File System D. Soft copy
2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at
application software.
A. Soft copy C. Device
B. Folder D. Hard copy
3. Ang bukod-tanging pangalan na ibinigay sa isang computer file na naka – save sa
file system.
A. Filename C. Device
B. File location D. Directory

4. Tumutukoy ito sa uri ng computer file.


A. Filename C. File location
B. File extension D. File host

5. Paraan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para madali itong
ma-acces kung kinakailangan.
A. Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder.
B. Bigyan ng filename na madaling tandaan at kaugnayan sa dokumentong nagawa.
C. Buksan ang folder upang siguradung nai-save ang file.
D. Lahat ng nabanggit.

ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

ANO ANG COMPUTER FILE SYSTEM ?


Ang COMPUTER FILE SYSTEM ay ang pagsasaayos ng files at datos sa
computer sa paraan na madali itong mahanap at ma–access.
Ang mga harddisk, CD-ROM/DVD-ROM, flash drives, at iba pa ay mga storage
device imbakan na maaring gamitin upang maingatan ang kopya ng mga files. Mga soft
copy ng files ang inaayos at iniimbak sa Computer File System.

ANO ANG DALAWANG URI NG FILES?

1. SOFT COPY- ito ang elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at
application software. Maari itong maging word document, spread sheet, presentation, mga
litrato, at mga audio at video files.

2. HARD COPY- ito ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta sa papel.

ANO ANG IBIG SABIHIN NG FILE NAME ?


ANO ANG COMPUTER FILE ADDRESS AT FILE EXTENSION ?
ANU-ANO ANG MGA BAHAGI NG COMPUTER FILE ADDRESS?

• DEVICE- ito ang hardware device o drive ( local disk, Universal Serial Bus –USB flash drive
atbp.) kung saan naka save yung file.
• DIRECTORY O FOLDERS – ito ay partikular na lalagyan ng mga files. Maari itong
magkaroon ng mga subfolders, base sa uri ng file.
• FILE NAME- ang natatanging pangalan ng isang computer file.
• FILE EXTENSION – tumutukoy sa uri ng computer file, halimbawa : Microsoft word file
(.doc o .docx ) Microsoft excel file (.xls o .xlsx ) at Microsoft Power Point Presentation (.ppt
o .pptx ).

ANU-ANO ANG IBA’T IBANG URI NG FILES?

1. DOCUMENT FILES – mga file na gawa sa pamamagitan ng software para sa word


processing, electronic spreadsheets, desktop publishing, at iba pang productivity tools.

2. IMAGE FILES

3. AUDIO FILES
4. VIDEO FILES

5. PROGRAM FILES
ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

A. PAGGAWA NG FOLDER
1. I-on ang computer.
2. I-click ang start button na makikita sa task bar at piliin ang DOCUMENTS.

Ito ang
Makikita ang start DOCUMENTS
button sa TASKBAR FOLDER kung
sa ibaba at kaliwa saan maaring
ng desktop mag-save ng files

3. Katulad nito ang makikita kapag binuksan ang Documents Folder.

4. I-click ang Organize button na makikikita sa toolbar sa itaas, at kaliwa sa screen.


I-click ang New Command na makikita sa ilalim ng share with New Command, at
I-click ang Folder Command sa kaliwang bahagi ng New Command
File option ng
Documents
Folder

New Command sa
ilalim ng File option
ng Documents Folder

Folder Command
sa kanan bahagi ng
New Command ng
Documents Folder

5. Katulad nito ang makikita kapag naclick ang Folder button


6. I-type sa kahon sa ilalim ng Folder ang iyong pangalan o pangalan ng inyong grupo. Ito ang
magiging Folder Name. Halimbawa Juan dela Cruz o Group 1.

7. I-press ang enter sa keyboard. Meron ka na ngayon ng Folder kung saan pwede ka na mag-
save ng FILES.
B. PAGGAWA NG SUBFOLDER
1. Buksan ang ginawang Folder sa pamamagitan ng double click o pag - click dito nang 2
beses.

I-click ang nagawang


FOLDER nang 2 beses
para ito ay mabuksan.

2. Gawin ang hakbang 4 sa Gawain A upang makagawa ng subfolder sa loob ng Folder na


una mong ginawa.
Tingnan magkakaroon muli ng bagong folder. I-type ang Mga Gawain bilang mga pangalan
nito.

Unang Folder na
ginawa

Subfolder na
ginawa sa loob ng
unang folder

3. I-press ang ENTER sa keyboard. Ngayon, mayroon ka ng Subfolder sa loob ng inyong folder.
Makakatulong ang folders at subfolders upang madaling mahanap ang mga na i-save na files.

4. Gumawa pa ng isang folder sa loob ng unang folder na ginawa. Sundan ang mga hakbang na
nabanggit sa itaas. Pangalanan ito ng Mga Larawan. Magkakaroon ka ng 2 subfolders sa loob
ng iyong Main Folder ( maaaring nakapangalan sa iyo o sa iyong pangkat).
C. PAGSAVE NG FILE SA FOLDER AT SUBFOLDER
Matapos matutunan ang paggawa ng Folder at Subfolder, ating gawin ang Pagsave
ng File sa Folder at Subfolder na ginawa ninyo. Sundan ang mga sumusunod na pamamaraan.

1. I-click ang Start Button na makikita sa Task Bar at piliin ang All Programs.
2 . I-click ang All Programs
upang bumukas ang mga
Folder.

3. I-click ang Accessories Folder at piliin ang Notepad

Piliin ang
Notepad
Program
at i-click

4. Magbubukas ang Notepad Application gaya ng nasa larawan. Ang Notepad ay Text Editing
Tool na kasama sa Microsoft Windows. Ito ay puwedeng gamitin sa paggawa ng Text File.

5. I-type ang sumusunod sa binuksang Notepad Application. Ako si / Kami sina

____________________________.

Masaya ako dahil / Kami ay masaya dahil__________.

6. I-click ang File Option na makikita sa Menu Bar ng Notepad Window.


7. Piliin ang Save as Command.

8. Bubukas ang Save as dialog box. I-type sa Filename box ang Sample file.

9. Sa kanang bahagi ng Dialog Box hanapin ang sariling folder na naka- save sa Documents
Folder. I-double click ang folder at i-double click ang Mga Gawain upang mabuksan ito tulad
ng nasa larawan.

10. I-click ang Save Button.


11. Tiyaking na-isave nang tama ang File. Maari mo itong tingnan sa folder na iyong ginawa.

Ang sample file na ating na i-save

TANDAAN MO

Ang computer file system ay isang sistema na dapat matutuhan upang maisaayos ang
mga nagawang dokumento at ang impormasyong nakokolekta.

Ang files sa computer ay dapat na maisaayos at mai-save upang madali itong ma-
access. Kailangang bigyan ng isang angkop at natatanging filename ang bawat isa at mai-
save ito sa tamang folder o file na hindi na kailangan upang makatipid ng espasyo sa ating
storage device.

 
GAWAIN BILANG 1

PAG-COPY AT PASTE NG FILE SA FOLDER


Sundan ang sumusunod na proseso sa pag-copy at paste ng file sa inyong folder.

1. I-click ang start button na makikita sa Taskbar .

2. I-click ang Pictures Folder

3. Bumukas ng Pictures Folder. Pumili ng larawan


sa sample Pictures Folder nito.

4. I-click ang Organize Button na makikita sa Menu Bar ng Folder.


5. Piliin ang Copy. Gamitin ang Copy Command upang makagawa ng iba pang kopya ng isang
file.

6. Buksan ang Folder ng Mga Larawan na ginawa mo sa Gawain 2 sa loob ng inyong Main
Folder. I-click muli ang Organize sa Menu Bar at piliin ang Paste. Ang Paste Command ay
ginagamit upang ilagay ang kinopyang file sa folder na nais mong paglagyan.

7. Magkakaroon ngayon ng kopya ng larawan sa loob ng Subfolder ng Mga Larawan.


PAG-DELETE NG FILES
Maari ring mag-delete o magtanggal ng files o folders na hindi na kailangan .
Sundan ang mga sumusunod na proseso:

1. Buksan ang Subfolder ng Mga


Larawan

2. May lalabas na dialog box na may tanong na “Are you sure you want to remove this file to
Recycle Bin?”. I-click ang YES kung sigurado ka na o ang NO kung hindi mo pala gusto
itong burahin.

3. Kapag na delete na ang mga larawan, mawawala ito sa Folder at mapupunta sa Recycle
Bin kung saan maari mo itong i-restore kung nais mo itong ibalik.
GAWAIN BILANG 2

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Computer File System ay ang pagsasaayos ng files sa computer upang madali itong mahanap at
ma-access.
a. Tama c. Pwede
b. Mali d. Hindi
2. Ang mga sumusunod ay mga storage devices na maaring gamitin upang maingatan ang kopya ng mga
files maliban sa ISA.
a. CD/DVD c. Flash Drive
b. External Hard Drive d. RAM
3.  Ito ay mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application software.
a. Hard Copy c. Soft Copy
b. Duplicate d. Photo Copy
4.  Ito ay dokumento na naka-print na sa papel.
a. Hard Copy c. Soft Copy
b. Duplicate d. Photo Copy
5. Pangalan na ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na naka-save sa computer.
a. Folder c. File Extension
b. Filename d. Directory
6.  Alin sa sumusunod ang tamang hakbang sa paggawa ng Folder?
a. left click New, right click, i-type ang filename, press Enter
b. right click, left click New, i-type ang filename, press Enter
c. right click, press Enter, left click New, i-type ang filename
d. right click, left click New, press Enter, i-type ang filename,

7. Alin ang tamang hakbang sa pag-save ng file?


a. left click FILE, left click SAVE AS, left click ang FOLDER kung saan ito i-save, i-type
and FILENAME, left click SAVE
b. left click FILE, left click SAVE AS, left click ang FOLDER kung saan ito i-save, i-type
and FILENAME, left click CANCEL
c. left click FILE, left click SAVE AS, left click SAVE
d. left click FILE, left click SAVE AS

8. Ano ang tawag sa icon na ito?


a. Microsoft excel c. audio file
b. Microsoft word d. video file

9. Ano ang tawag sa icon na ito?


a. Microsoft excel c. Microsoft word
b. Microsoft PowerPoint d. Audio File

10. Mahalaga ang pagsasaayos at pagsave ng files sa computer upang madali itong ma-access.
a. Tama c. Pwede
b. Mali d. Hindi
 
MGA SAGOT PARA SA PAGWAWASTO

Ano ang alam mo na?


B
1. B
2. A
3. A
4. B
5. D

Ano ang iyong natutuhan


-nasa pagpapasya ng guro

Gawain Bilang 1
-nasa pagpapasya ng guro

Gawain Bilang 2
1. A
2. D
3. C
4. A
5. B
6. A
7. A
8. B
9. A
10. A

20
MGA SANGGUNIAN

Mga Sangguniang Aklat

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Kagamitan ng Mag-aaral)


(page/s 59-73)

Internet
https://www.academia.edu/39986862/EPP4_TG_U

21

You might also like