You are on page 1of 17

5

EPP – ICT and


Entrepreneurship

Modyul 3:
Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa
Pangangalap ng Impormasyon

ii
EPP-ICT & Entrepreneurship– Ikalimang Baitang
Self-Learning Module
Modyul 3:Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon –SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ


SDS SALVADOR O. OCHAVO, JR., EdD, CESO V
ASDS NICASIO S. FRI, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: ROBERTO O. NAELGAS
Editor/ Tagasuri:
Maria Leah F. Gilbaliga, Herlen A. Oquendo, Gemmalyn D. Olano, Cecilia
EstialboTamon, Joesie Bustamante Brillantes, Paul B. Jimenez,
Glenn C. Betita
Tagaguhit: Julius E. Ubas
Tagapamahala:
SALVADOR O. OCHAVO, Jr.
NICASIO S. FRIO
SEGUNDINA F. DOLLETE
SHIRLEY A. DE JUAN
ROLANDO B. JAMORA

Inilimbag sa Pili pinas ng


Department of Education – Region VI, Schools Division of CAPIZ
Office Address: Banica, Roxas City
Telephone No.: (036) 6210-974

ii
5
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

ICT and Entrepreneurship


Modyul 3:
Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa
Pangangalap ng Impormasyon

ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 – ICT and Entrepreneurship ng Self-Learning Module (SLM) para
sa araling Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 – ICT and Entrepreneurship ng Self-Learning Module (SLM) para
sa araling Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon.

Ang modyul na ito ay ginawabilanasg tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o

iii
kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
a

ALAMIN

Sa modyul na ito, tutulungan kang matukoy ang mga angkop na search


engine sa pangangalap ng impormasyon. Maraming mga search engine ang
maaaring gamitin kung nais mangalap ng mga impormasyon o datos mula sa
internet. Ganun paman, may iba’t-ibang kakayahan ang mga search engine na ito
na dapat nating alamin at subuking gamitin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:

1. Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangaap ng impormasyon


(EPP5IE-0d-11)

SUBUKIN

A. Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

A. Yahoo B. Google C. Bing D. search engine

1. Ito ay kilalang dating yellow page directory.

2. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.

3. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa


pinaka- popular o pinaka-madalas dalawin na websites.

4. Ang search engine na ito bunga ng kolaborasyon


ng Microsoft at Yahoo.

5. May kakayahan ang search engine na ito na


magsagawa ng advanced search

1
B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at


Yahoo.

A. B C. D.

2. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine. May kakayahan ang


search engine na ito na magsagawa ng advanced search.

A. B C. D.

3. Ang __________ kilalang dating yellow page directory. Mas kilala ito bilang
isang email provider site.

A. B C. D.

4. Ito ay isang web-based tool na nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang


makahanap ng impormasyong kailangan.
A. browser B. search engine C. world web D. yahoo

5. Mas kilala ito bilang isang email provider site. Ang mga resultang inilalabas nito
ay ayon sa relevance o kahalagahan ng nais hanapin.

A. B. C. D.

2
Aralin Natutukoy ang Angkop na Search

1 Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon

BALIKAN

Panuto: Kompletuhin ang puzzle ayon sa pangalan ng icon.

E
1.

H M
2.

3. D

4. P R

5. A M

S C K
6.
3
7. E

8. W S

9. P W T

10. M T

TUKLASIN

Ang Ibat-ibang Search Engine


Isinulat ni: G. Roberto O. Naelgas

Si James ay nasa ika-limang baiting. Dahil sa pandemya, hindi niya na tapos


ang mga takdang gawain sa paaralan. Isa sa mga takdang gawain nila ay ang
paggawa ng talambuhay ng mga bayani. Dahil wala siyang aklat sanggunian naisip
niya na gawin ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng internet. Dagli
niyang kinuha ang kanyang kwaderno sa EPP-ICT at doon nakita niya na isa sa
kanilang naging aralin ay tungkol sa paggamit ng ibat-ibang search engine. Ayon sa
kanilang guro, ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap
ng dokumento gamit ang isang keyword o salita. Sa pamamagitan ng computer at
internet, maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang
impormayon sa mabilis na paraan.

4
May iba’t ibang search engine na ginagamit sa internet. Ilan sa mga ito ay ang
Google, Yahoo, Bing, Baido Yandex at marami pang iba. Narito ang ilang uri ng
search engine at ang mga katangian nito ayon sa kanilang guro.

Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng


Microsoft at Yahoo. Ang mga resultang inilalabas nito ay
nakabatay sa kalidad ng artikulo o website. Ang paghahanap ay
nakabatay sa titulo ng artikulo. Nakapaghahanap ito ng mga produkto, balita, music,
video at iba pa.

Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine. May


kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng advanced
search. Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng
mga pang-akademiko at mas siyentipikong akda gamit ang
Google Scholars. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-popular o
pinaka-madalas dalawin na websites. Ito ay maaaring magsalin-wika ng mga pahina
batay sa atomatikong wika na itinakda sa setting. May kakayahan din itong maghanap
ng mga video dahil isa rin sa kanilang produkto ang Youtube.

Ang Yahoo Search ay kilalang dating yellow page directory.


Mas kilala ito bilang isang email provider site. Ang mga resultang
inilalabas nito ay ayon sa relevance o kahalagahan ng nais
hanapin. Wala itong kakayahang magsalin-wika ng mga pahina.
Isa sa mga tampok na puna dito ay ang hindi organisadong ayos nito at ang mga pop-
up ads na lumalabas gamit ang search engine na ito. Ang mga ginamit na salita bilang
keywords sa paghahanap ay makikita sa titulo ng artikulo. Ito ay may kakayahang
maghanap ng mga lokal na resulta dahil mayroong mga lokalisadong bersyon.

SURIIN

Nabasa mo na ba ang kuwento ni James sa itaas?


Kung ikaw si James anong search engine ang gagamitin mo? Bakit? Para gabayan
ka sa pagpili, narito pa ang dagdag na kaalaman.

Ang isang search engine ay isang tool na batay sa web na nagbibigay-daan sa


mga gumagamit upang makahanap ng impormasyon sa World Wide Web. Ayon sa
mga istatistika mula sa netmarketshare, statista at statcounter, ang nangungunang
limang mga search engine sa buong mundo ay ang Google, Bing, Yahoo, Baidu, at
Yandex.

5
Bawat website ay may layunin. Maaari itong magbigay ng mga impormasyong,
makatutulong sa iyong pagkatuto, at maging daan sa mas mabilis na komunikasyon.
Bagaman, may iba-ibang mga feature ang mga search engine, makakatulong pa rin
ang pagkuha ng impormasyon gamit ang isa o dalawang search engine upang
masala at mahusay na makapangalap ng mga datos na kakailanganin. Marami pa
ring mga search engine na pamimilian tulad ng ask.com, DuckDuckGo at iba pa.

Narito ang hakbang sa paggamit ng search engine sa pananaliksik.


1. Para magsaliksik sa internet, i-tayp ang search engine sa Address bar ng
web browser mo.
2. Itapat ang mouse pointer mo sa search bar, i-klik ito, i-type ang anumang
hinahanap mong impormasyon, saka diinan ang Enter.
3. Ang pahina ng mga search result ay lilitaw. Bibigyan ka ng search engine ng
mga pahinang iniisip nitong pinakamakabuluhan sa mga termino ng iyong
saliksik.
4. Kung ang isang pahina ng web ay tila tama para sa iyo, itapat ang iyong
mouse pointer sa asul na link at i-klik ito. Makakabalik ka rito sa
pamamagitan ng pag-klik sa arrow na Back sa browser mo.
7. Makakakita ka ng mas maraming mga resulta sa pamamagitan ng pag-iskrol
pababa at pag-klik sa Next.
8. Maaari kang bumalik anumang oras para sa panibagong pagsaliksik.

PAGYAMANIN

Panuto: Pagsunod-sunurin ang larawan ayon sa tamang pagkasunod-sunod nito


tuwing gumagamit tayo ng search engine. Isulat ang bilang ng larawan sa
kahon.

1 2
6
3 4

ISAISIP

Ayon sa ating aralin ngayon ano ang search engine?


____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Anong silbi o tulong ng search engine para sa atin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ISAGAWA

Gamit ang iyong kasanayan sa pagsasaliksik o pangangalap ng


impormasyon, pumili ng search engine na gusto mong gamitin at hanapin ang
impormasyon tungkol sa mga sumusunod na paksa.

Pangunahing
Lugar Festival Tourist Spot
Produkto
Baguio
Nueva Ecija
Aurora
Bohol
Pampanga

7
TAYAHIN

A. Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Yahoo B. Google C. Bing D. search engine

_____ 1. Tool na batay sa web na nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang


makahanap ng impormasyon sa world wide web.
_____ 2. Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo.
_____ 3. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka popular o
pinakamadalas dalawin na websites.
_____ 4. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.
_____ 5. Ito ay kilalang dating yellow page directory.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Mas kilala ito bilang isang email provider site. Ang mga resultang inilalabas nito
ay ayon sa relevance o kahalagahan ng nais hanapin.
A. B. C. D.

2. Ito ay isang web-based tool na nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang


makahanap ng impormasyong kailangan.
A. browser B. search engine C. world web D. yahoo

3. Ang __________ kilalang dating yellow page directory. Mas kilala ito bilang
isang email provider site.
A. B C. D.

4. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine. May kakayahan ang


search engine na ito na magsagawa ng advanced search.
A. B C. D.

8
5. Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at
Yahoo.
A. B C. D.

KARAGDAGANG
GAWAIN

Magsagawa ng isang panayam sa isang propesyonal tulad ng guro o


tagapagsiyasat na gumagamit ng internet. Gamitin ang mga katanungan upang
magawa ng maayos ang panayam.

1. Ano ang madalas mong gamiting search engine?


2. Ano ang halimbawa ng paksa na karaniwan o madalas mong
hinahanap?
3. Naging angkop ba ang napili mong search engine sa pangangalap ng
impormasyon?
4. Ano ang magandang naidudulot ng paggamit ng angkop na search
engine?

SUSI SA
PAGWAWASTO

SUBUKIN
A. B.
1. A 1A
2. B 2. C
3. B 3. D
4. C 4. B
5. B 5. D

BALIKAN
1. Excel 6. Spellcheck
2. Chrome 7. Save
3. Word 8. Windows
4. Publisher 9. Powerpoint
5. Autosum 10. Microsoft
9
PAGYAMANIN

1-2-3-4

ISAISIP
1. Ang isang search engine ay isang tool na batay sa web na nagbibigay-
daan sa mga gumagamit upang makahanap ng impormasyon sa World
Wide Web.
Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap
ng dokumento gamit ang isang keyword o salita.

2. Ito ay nagbibigay ng mga impormasyong, makatutulong sa iyóng


pagkatuto, at maging daan sa mas mabilis na komunikasyon.

ISAGAWA
Iba-iba ang maaaaring kasagutan

TAYAHIN
A.
1. D 2. C 3. B 4. B 5. A

B.
1. D 2. B 3. D 4. C 5. A

10
Mga Sanggunian

MELC 1.2 EPP5IE-0d-11

Learning Materials EPP 5 Entrepreneurship & ICT (Author/Developer: Marvin R.


Leano & Edison Garcia) Division of Cabanatuan City Pages: 51

Para sa mga larawan:

https://www.google.com.ph/search?q=yahoo+images&biw=1366&bih=657
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiw7LDj2qbOAhVJjZQKHRF
2C4oQ_AUIBigB#imgrc=hPGE6Ffmq4z9cM%3A

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=657&noj=1&tbm=isch&
sa=1&q=children+clip+art&oq=children+clip+art&gs_l=img.3...1289.6759.0.69
31.29.16.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1.64.img..29.0.0.2dYdglgzjXI#imgrc=w_2k2RV
cTQE-eM%3A

DISCLAIMER

This Self-Learning Module (SLM) was developed by DepEd, Schools Division of Capiz
with the primary objective of preparing for and addressing the new normal. Contents
of this module were based on DepEd’s Most Essential Learning Competencies
(MELC). This is a supplementary material to be used by all learners of Schools Division
of Capiz in all public schools beginning SY 2020-2021. The process of LR
development was observed in the production of this module. This is version 1.0. We
highly encourage feedback, comments, and recommendations.

For in quiries or feedback, please write or call:

Department of Education-SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ


Learning Resource Management System (LRMS)
Address: Banica, Roxas City
Telephone NO: (036) 6210-974

11

You might also like