You are on page 1of 8

5

1
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
Aralin 6: Pamamahagi ng mga Dokumento at Media Files

Pagkatapos ng aralin, matututunan mo ang Most Essential Learning


Competencies (MELC) sa ibaba:

● Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon


(EPP5IE-0d-11)
● Nakagagamit ng mga basic Function at formula sa electronic spreadsheet
upang malagom ang datos (EPP 5IE-0f-16)
● Nagagamit ang word processing tool (EPP5IE-0j-21)

Bago simulan ang modyul na ito,tiyaking walang anumang makakasagabal sa


inyong pagsagot at pagaaral sa itinakdang gawain para dito.
Narito ang ilang paalalang dapat mong tandaan.
1. Basahin at unawain ang bawat aralin .
2. Sundin ang mga panuto upang makasagot ng tama sa lahat ng tanong sa
bawat pagsasanay
3. Siguraduhing matapos at masagutan ang lahat ng pagsasanay sa takdang
oras.
4. Isagawa at isapuso ang mga natutunan sa mga aralin .
5. Magenjoy at matuto!

Aralin: Pamamahagi ng mga Dokumento at Media files


Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang :
● Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng
2
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
impormasyon.
● Mapabilis ang pangangalap na mga impormasyon.
● Nagagamit ng mga basic Function at formula sa electronic spreadsheet.
● Malaman ang paggamit ng word processing tool.

I. Buuin ang mga letrang sumusunod na tinutukoy ng bawat bilang .


____________1. Isang programa para mapabilis ang paghanap ng mga
impormasyon. HRCSAE GNEENI
____________2. Ito ay itinuturing na pinakakilalang search engine. G G L E O O
____________3. Dito matatagpuan ang advance features ng google. T T S I E N G
____________ 4. Ito ang ginagamit upang maging mabilis ang pangangalap ng
impormasyon gamit ang isang keyword.
DADVCEAN SUFTEARSE
____________5. Ito ang kailangan para mapabilis ang paghanap na impormasyon
na hinahanap mo. N I T E R E T N

Isulat ang salitang TAMA kapag ito ay nagpapakita ng ligtas at responsable


sa Pamamahagi ng Dokumento o Media File sa Internet at MALI naman at sa
pagiging hindi responsible sa pamamahagi ng dokumento .

____________1. Hindi pag-iingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon.


____________2. Kahit hindi nakikita ang kausap,dapat bigyan pa rin ng
paggalang at respeto.
____________3. Sa mga magulang o tagapag-alaga marapat lamang bantayan ang
mga bata o anak sa paggamit ng media file sa Internet .
____________4. Iwasan ang paggamit ng mga salitang di nakakalugod katulad ng
pagmumura sa media .
____________5. Pagsunod sa mga alintuntunin sa pakikipagchat.

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap ng


dokumento gamit ang isang salita.

3
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
Ang isang search engine ay isang sistema ng software na idinisenyo upang
maghanap para sa impormasyon sa World Wide Web.
May iba’t ibang search engine na ginagamit sa internet. Ilan sa mga ito ang
mga icons na nasa loob ng kahon .

Ang mga halimbawa ng search engine ay tinatawag na Advanced Features.


Ginagamit ito upang mas mapabilis ang paghahanap ng mga impormasyon.

Ilan sa mga advanced Features na may kahulugan:

Ang search engine na ito ay bunga ng


kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo.
Nakapaghahanap ito ng mga produkto,
balita , music, video at iba pa.

Ito ang itinuturing na pinakakilalang


search engine.
May kakayahan ang search engine na ito na
magsagawa ng pagsasaliksik.
Ang Yahoo Search ay kilala sa pigiging
orihinal na ginagamit sa pananaliksik.
Mas kilala ito bilang isang email provider site.

4
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
https://ricohprinters.ru/tl/poisk/search-in-other-search-engines-how-does-
the-search-engine-work.html
https://simple.wikipedia.org/wiki/Bing
https://www.google.com/doodles/googles-new-logo
https://techcrunch.com/2013/08/18/yahoo-shuts-down-its-email-service-in-
china/
Word Processing Tools
- Ito ay ginagamit sa paglay-out ng pahina, pag-highlight sa text, paglagay ng
watermark sa isang dokumento, pag eedit ng dokumento , at marami pang iba.
- Ito ay karamihan ginagamit ng mga estudyante, guro at ito din ay ginagamit
ng mga entrepreneur sa pag ulat ng kanilang kinikita .
- Ang MS Word, Word Perfect, Text Maker, Write, Google Docs, Kingsoft Writer,
Ability Write, at Ragtime ay mga halimbawa ng mga word processing software.

Electronic Spreadsheet
-Ito ay nakakatulong sa pagsusuri ng impormasyon, paggawa ng mga graph at
tsart, paggawa ng mga formula para sa pagtutuos, at pag-aayos ng mga
impormasyon.

Paggamit ng basic Function at Formula sa Electronic Spreadsheet


Ang formula ay nagpapakita ng relasyon ng iba’t ibang variable sa isang
mathematical expression.
Ilan sa mga sumusunod na Basic Functions na maari mong magamit sa
electronic spreadsheet.
1.Sum function-ginagamit sa pagkuha ng kabuuang bilang ng mga numerical
na datos.
2. Average Function—ginagamit sa pagkuha ng average o karaniwang halaga .
3. Max Function- Ito naman ang nagbibigay ng pinakamalaking bilang.
4. Min Function-ito naman ang nagbibigay ng pinakamaliit na bilang.
5.Count Function –ito naman ang nagbibigay ng bilang ng mga itinalang
halaga sa mga piniling cells.

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan ng bawat pangungusap.

Google Bing Yahoo


5
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
_______________1. Ito ay kilalang orihinal sa pagsasaliksik.
_______________2. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.
_______________3. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-popular o
pinaka-madalas dalawin na websites.
_______________4. Ang search engine na ito bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at
Yahoo.
_______________5. May kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng
pagsasaliksik.

B. Tama o Mali. Isulat ang / kung tama ang diwa na isinasaad ng


pangungusap at x naman kung hindi.
________1. Ang Sum Function ay kinukuha ang average o karaniwang halaga .
________2. Ang Electronic Spreadsheet ay nakakatulong sa pagsusuri ng
impormasyon ,paggawa ng mga graph at tsart.
________3. Ang Max Function ay ibinibigay ang pinakamalaking bilang.
________4. Ang Word processing tool ay ginagamit sa paglay-out ng pahina, pag-
highlight sa text, paglagay ng watermark sa isang dokumento, pag eedit ng
dokumento, at marami pang iba.
________5. Ang Count Function ay ginagamit sa pagbibigay ng pinakamaliit na
bilang.

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap ng


dokumento gamit ang isang salita.
Ang isang Search Engine ay isang sistema ng software na idinisenyo upang
maghanap para sa impormasyon sa World Wide Web.
Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang
web browsers at search engines mapapabilis ang paraan ng paghanap ng
impormasyon.
Ang paggamit ng Word Processing Tool o Spreadsheet ay malaking tulong
para mapabilis ang mga trabaho o gawain.

A. Gumawa ng liham ng pasasalamat sa iyong magulang at sa iyong guro

6
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
gamit ang word Processing Tools.
B. Gamitin ang spreadsheet tool, magpatulong sa iyong magulang sa isang
linggong badyet sa pagkain. Gamitin ang formula at basic function upang
malagom ang kabuuang halaga ng gastusin sa pagkain sa pamilya .

Panuto:Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon batay sa paglalarawan gamit ang
mga pangungusap.

Search Engine Internet Google Advanced Features Word Processing Tool

________1. Pinakakilalang search engine sa kasalukuyang panahon.


________2. Isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento
gamit ang isang keyword o salita.
________3. Dito matatagpuan ang advanced features ng google.
________4. Ito ay karamihang ginagamit ng mga estudyante at guro sa paggawa
ng kanilang gawain.
________5. Ito ay kasalukuyang napakaimporatante sa panahon natin,ito ay
ginagamit natin para tayo ay makapagsaliksik.

Panuto: Ano ang iyong natutuhan sa ating aralin? Sagutin ang tanong sa
ibaba at isulat sa kuwaderno.

Bilang isang
Ano ang kahalagahan
magaaral, paano
ng paggamit ng
makakatulong ang
Search Engine? Word Processing Tool
o Spreadsheet sa pag-
aaral mo?

7
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
ICT-ENTREPRENEURSHIP - GRADE 5
Pangalan: _______________________________ Baitang & Pangkat ______________
Guro: ________________________________________Petsa: ______________________
Answer Sheet

Unang Balik- Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


Pagsubok Tanaw
1
2

3
4

5
6
7
8
9
10

Gawain 4 Gawain 5 Pag-alam sa Pangwakas na Pagninilay


Natutunan Pagsusulit
1
2
3
4
5
6
7
8

9
10

8
EPP 5 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 8

You might also like