You are on page 1of 4

PRIMALS 4-6

Pedagogical Retooling in Mathematics, Languages,


and Science for Grades 4-6 Teachers

Session 3.0
Sining at agham ng pagtatanong at
pagtalakay

Learning Action Cell Session Guide


Filipino 4-6

Prepared by:

ARABELLA MAY Z. SONIEGA


Education Program Supervisor
Pangasinan Division Office
Department of Education - Region I
Layunin ng Sesyon

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro ay:


1. Matukoy ang iba’t ibang estratehiya sa pagtatanong at pagtalakay tungo sa
epektibong pagtuturo at pagkatuto;
2. Maipaliwanag ang pagtatanong bilang sining at agham;
3. Maiugnay ang sining at agham ng pagtatanong sa kahulugan at
kahalagahan nito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto; at
4. Makabuo ng iba’t ibang uri, antas, at napapanahong paraan ng
pagtatanong at pagtalakay tungo sa masaya, mabunga at mabisang
proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Susing Pang-unawa o Punto ng Pang-unawa

Ang pagtatanong ay isang sining at agham. Sa masining at makaagham na


pagtatanong, napupukaw ang interes ng mga mag-aaral at naitutuon ang kanilang
kaisipan sa mga paksang pinag-aaralan. Nagbubunga ito para sa mga mag-aaral
ng tiyak na pagkaunawa sa mga aralin at pagkamit ng mga inaasahang
kasayanan.
Kailangang Kagamitan Inaasahang haba

● Power point 1 oras at 35 minuto


● manila paper
● pentel pen
● sipi ng kuwentong Alamat ng
Pinya
Sanggunian

Panimula (5 minuto)

“Magandang umaga! Sadyang napakahalagang sandata na taglay ng isang


guro ang kanyang kasanayan sa pagbibigay ng tanong. Nagagamit ito upang
maging kawili-wili ang pagtalakay sa aralin at maging epektibo ang proseso ng
pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Sa sesyong ito, ibabahagi sa atin ng
tagapanayam ang ilan sa mga makabagong estratehiya sa pagtatanong at
pagtalakay.”

Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC: Ilahad ang mga layunin ng sesyon (Slide 2).

GAWAIN (15 minuto)

Hatiin ang grupo sa limang pangkat. Ipasagot ang tanong sa Slide 3. Ipasulat ang
kanilang sagot sa Manila paper. Bigyan sila ng limang minuto para mag-usap at
tig-dalawang minuto bawat pangkat para sa pag-uulat. Sa pagpapangkat, hindi
dapat bababa sa tatlong miyembro ang isang pangkat.

PAGSUSURI (10 minuto)

2
Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat. Maaring itanong:
1. May pagkakatulad at pagkakaiba ba ang mga estratehiya na ginagamit
ninyo? Paano?
2. Aling estratehiya ang may pinakamaraming gumagamit?
3. Pang-ilan ang pagtatanong sa pinakamadalas ninyong ginagamit na
estratehiya? Bakit kaya ito nasa ganitong puwesto?
4. Ginagamit din ba ang pagtatanong sa iba pang estratehiya na nabanggit ng
pangkat? Ano ang ipinapahiwatig nito?

ABSTRAKSIYON (45 minuto)

“Napatunayan sa gawain ang kahalagahan at kainaman ng pagtatanong sa


pang-araw-araw na pagtuturo. Ngayon, lalo pa nating palalimin ang ating
kaalaman at kasanayan sa masining at makaagham na pagtatanong at
pagtalakay.”

Unang Video. Sining at Agham ng Pagtatanong at Pagtalakay


Resource Person: Dr. Voltaire Villanueva, PRIMALS 4-6 National
Training of Trainers

REPLEKSIYON (10 minuto)

“Dugtungan ang mga sumusunod na kataga upang ipahayag ang inyong


naunawa tungkol sa video na napanood. Ipakita ang Slide 12 (Dugtong-
Kaalaman). Hangga’t maaari, hayaang magkusang-loob ang mga kalahok na
sagutin ang mga tanong. Maaari rin namang lumapit sa isang kalahok na gustong
pasagutin kung sakaling walang magkusa.”

1. Kung hindi magagamit ang sining at agham ng pagtatanong …


2. Sa tulong ng pagtatanong, ang pagtuturo at pagkatuto ay….
3. Walang sining at agham ng pagtatanong kung…
4. Sa pagtatanong ang pagtuturo ay…
5. Kaugnay ng pagtatanong ang gampanin ng guro na…

Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC: Ipapansin sa mga kalahok na ang gawain


ay isang paraan ng pagbubuo (synthesis) na maaring panghahali sa nakagawiang
patanong na pamamaraan. (Hal. Ano ang natutuhan sa kuwentong binasa?)

APLIKASYON (20 minuto)

Panatilihin ang naunang pangkat ng grupo. Bigyan sila ng kuwentong babasahin


at pagkatapos ay gagawan ito ng mga tanong upang ipanunawa ang kuwento sa
mga mag-aaral. (Maaaring gamitin ang kuwentong “Ang Alamat ng Pinya.”)
Isusulat ang mga tanong sa Manila paper. Maglaan ng 10 minuto para dito.

Sundan ang mga mungkahing tanong:


1. Pukaw interes
2. Literal (Ano…)
3. Pagtuklas (Bakit…, Paano…)
4. Paglikha (Kung ikaw…)

3
Ipapaskil ang gawa ng bawat grupo sa harapan at magkaroon ng talakayan
tungkol sa kaangkupan at kahusayan ng mga ginawang tanong. Hikayatin ang
bawat grupo na magbigay ng puna sa gawa ng ibang grupo. Gabayan ang bawat
grupo na ituwid ang kanilang ginawa kung kinakailangan.

Pampinid (2 minuto)

“Sa mga natapos na gawain ay napatunayan natin na isang


napakahalagang kasanayan para sa ating mga guro ang makaagham at masining
na pagtatanong sapagkat sa tamang pagtatanong nailalabas ng mga bata ang
tamang kasagutan. Sabi nga ni Vanessa Redgrave…”

Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC: Ipakita ang pahayag sa Slide 13 (sinipi) at


basahin.

You might also like