You are on page 1of 32

33333

4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Modyul 6
Panuntunang Pangkalusugan
at Pangkabuhayan
( Industrial Arts)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Modyul 6: Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugan
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EPP 4

Authors: Maria Luisa G. Sanchez

Editor: Ronald I. Flores, HT-I

Reviewers: Fortunato R. Ocaya Jr. – EPS, MTB-MLE


Rocelyn G. Garcesa
Susan C. Sabacajan
Mae Hope S. Develos

Illustrator: Juniver Kris B. Jimeno


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Sarah Jane A. Valdez, EPS – EPP/TLE/TVL
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Zaldy G. Ampong, PSDS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Evaluator: Mary Joy R. Tymico, Lanao del Norte

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia CityOffice Address: Lapu-lapu Street, Poblacion,
Website: deped-valencia.org
Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615

2
4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Modyul 6
Pangkaligtasan at Pangkalusugang
Panuntunan Sa Paggawa
( Industrial Arts )

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay


magkatuwang na inihanda ta sinuri ng mga guro mula
sa mga pampubliko na paaralan, hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon
na mag-email ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

3
Panimula

Isang panibagong kaalaman na naman ang iyong matutuklasan sa


linggong ito. Ang modyul na ito ay sadyang ginawa upang matuto ka kahit
na nasa bahay lamang. Ang mga gawain at pagsubok na napapaloob dito
ay idinisenyo batay sa iyong kakayahan at angking talino.

Makikilala mo ang ibat- ibang materyales na matagpuan sa ating


pamayanan. Tatalakayin din ang ibat-ibang paraan ng pagbibigay ng
pagpapahalaga o pagtataya sa proyektong nabuo na siyang magsisilbing
batayan kung pagbubutihin o pagagandahin pa ang proyektong
naisagawa sa pamamagitan ng paggamit ng ibat-ibang instrumento sa
pagpapahalaga. Pag-aaralan mo rin ang mga panuntunang pang
kaligtasan at pangkalusugan sa paggawa ng proyekto.

Nawa’y makakatulong ang mga araling ito sa iyong pag-unlad.

Mga tala para sa Guro

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng


mga panuntunang Pangkaligtasan at
Pangkalusugan sa paggawa. Gabayan nang
mabuti ang mag – aaral sa kanilang Gawain.
Paalalahan sila sa mga alituntunin sa tamang
paggamit sa mga kagamitan sa paggawa.
Siguraduhin ligtas ang ginagawa at may
nakatandang gumagabay sa kanila.

4i
Alamin

Naglalayon ang modyul na ito na makakagawa ng sariling disenyo


ang bawat mag-aaral sa pagbuo o pagbabago ng isang produktong gawa
sa kahoy, ceramics, karton o lata na makukuha sa pamayanan.
Matutunan din ang pagsusuri sa nabuong mga proyekto gamit ang
rubriks.

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nakikilala ang mga materyales na maaaring irecyle sa pagbuo


ng naidesenyong proyekto.
a. Nababatid at nakikilala ang mga materyales na
matatagpuan sa pamayanan.
b. Nakakapili ng mga materyales na matatagpuan sa
pamayanan sa paggawa ng kapakipakinabangang na
proyekto
c. Nakabuo ng plano sa paggawa ng proyekto.
2. Nasusuri ang nabuong proyekto batay sa sariling puna at
ng ibang tagasuri gamit ang rubrics.
3. Napahalagahan ang nabuong proyekto batay sa puna at
suhestiyon ng iba.
4. Nalalaman ang mga panuntunang pangkaligtasan
kaugnay ng mga gawain
5. Nakakasunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan habang gumagawa.
6. Napahalagahan ang mga panuntunang pangkaligtasan
at pangkalusugan.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na mga hakbang:
• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.
• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
5
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat


sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay tamang gawain MALI kung
hindi dapat gawin.

______1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa bawat gawain.

______2. Makipaglaro habang gumagawa.

______3. IIagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapang


matulis at matatalas na kasangkapan.

4. Ingatan ang paggamit ng matutulis at matatalas na


Kasangkapan.

______5. Maghintay ng pagkataon sa paggamit ng kasangkapan


kapag ito ay kulang.

6
Aralin Panuntunang Pangkaligtasan
1 at Pangkalusugan sa Paggawa
Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mga panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa. Mahalagang magkaroon
ka ng kaalaman tungkol dito upang makaiwas sa anumang sakunang
maganap sa oras ng paggawa.

Balikan

Panuto: Kilalanin ang bawat kagamitan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. barena a. pamputol ng tabla

2. plier b. pamputol ng alambre

3. cutter c. ginagamit na panukat sa gilid ng mesa

4. lapis d. pambutas sa kahoy

5. eskwala e. pamputol ng mga styro foam

f. ginagamit na panglinya

7
Tuklasin

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na kagamitan at kasangkapan sa


paggawa. Kopyahin ang talaan sa sagutang papel at ilagay sa tamang
hanay ang pangalan ng mga ito ayon sa gamit.

Gamit Pansukat Gamit Pamputol Gamit Pambutas

8
Pag-aralan Natin

Ang bawat gamit ay may angkop na kagamitan. Nakasalalay ang


ating kaligtasan sa ating kaalaman sa hitsura at gamit ng mga ito.

Narito ang ilan sa mga panuntunan para maka-iwas sa sakuna.

1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at


kagamitan sa paggawa.
2. Gamitin ng buong ingat ang mga de-kuryenteng kasangkapan
at kagamitang matatalas at matutulis gaya ng kutsilyo.
3. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang
gagamitin.
4. Iwasan ang paggamit ng kagamitang kinakalawang, mapurol,
maluwag ang turnilyo o may bahaging sira.
5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang
de-kuryente bago gamitin ang mga ito.
6. Maglagay ng pantakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga
kasangkakapan tulad ng welding machine, mga kemikal at
ibang makapinsala sa katawan.
7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron at helmet at
magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
8. Maghugas ng mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.

Suriin

Panuto: Subukang sagutin ang gawaing nasa ibaba sa abot ng


kakayahan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Saan natin ilalagay ang mga kasangkapan pagkatapos gamitin?


2. Paano natin gagamitin ang mga matatalas at matutulis na
kagamitan?

3. Bakit kailangang basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga


kasangkapang de-kuryente?
4. Pagkatapos gamitin ang welding machine, ano ang dapat gawin?

5. Ano ang gagawin bago at matapos sa paggawa?

9
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang L sa sagutang papel kung ito ay ligtas, HL kung Hindi
ligtas.

1. Hawakang mabuti ang kasangkapan habang ginagamit.


2. Iwanan ang gamit na nakakalat sa pinagawaan.
3. Subukin ang talas ng mga kagamitan sa kahoy o papel.
4. Mag-ingat habang ginagamit ang kasangkapan.
5. Iayos ang mga kagamitan ayon sa uri nito.

Isaisip

Panuto: Gumawa ng dalawa o tatlong pangungusap na nagpapahayag


ng iyong natutunan sa aralin na ito. Gamitin ang mga gabay na pahayag
sa pagbuo ng iyong talata. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Mahalagang malaman ang panuntunang pangkaligtasan para


makaiwas sa
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Upang ligtas sa paggamit ng kasangkapang de-kuryente at iba pang


gamit ay dapat
_________________________________________________________
_________________________________________________________

10
Isagawa

Panuto: Batay sa natutunan sa modyul na ito, bumuo ng panuntunan o


patakaran para sa kaligtasan sa mga gawain. Sundin ang halimbawa sa
ibaba. Isulat ito sa malinis na papel.

Pakaligtasan at Pangkalusugan Panuntunan sa Paggawa

Mga dapat gawin:

1._______________________________________________

2. ______________________________________________

3._______________________________________________

4.________________________________________________

5.________________________________________________

Mga Hindi Dapat Gawin:

1. _______________________________________________

2. _______________________________________________

3. _______________________________________________

11
Tayahin

Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod na pahayag ay ligtas at


responsableng paggamit ng mga kagamitan sa paggawa. Lagyan ng tsek
( / ) kung ang pahayag ay dapat gawin at ekis (x) naman kung hindi.

________1. Gumamit ng angkop na kagamitan sa paggawa.

________2. Patayin ang mga de-kuryenteng kasangkapan matapos


gamitin.

________3. Makipaglaro at makipag-usap habang gumagawa.

________4. Ibigay ang buong atensyon sa paggawa.

________5. Hugasang mabuti ang kamay bago at pagkatapos


gumawa.

________6. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapan na


matutulis.

________7. Ingatan ang paggamit ng matatalas na kagamitan at


kasangkapan.

________8. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng kasangkapan


kapag ito ay kulang.

9. Ilagay ang mga kagamitan sa ilalim ng mesa o kahit


saan.

_______10. Sa paggawa, maglagay ng pantakip sa mata kung


kinakailangan.

12
13
Suriin
Tuklasin 1.cabinet
2.buong ingat sa paggamit
Gamit Gamit sa Gamit sa
Panukat Pamputol Pambutas 3. para tama ang paggamit
nito
Eskwala lagare Barina 4.Gumamit ng pantakip sa
Medida Electric mata
Drill 5.maghugas ng kamay
Pagyamanin Balikan:
1.L 1. d
2.HL 2. b
3.L 3. e
4.L 4. f
5. L 5. c
Tayahin Subukin
1./ 6.x 1. tama
2.mali
2./ 7./
3.mali
3.x 8./
4.tama
4./ 9.x 5.tama
5./ 10. /
Talaan sa Pagkatuto
Subukin

Set A.
Panuto: Itambal ang mga pahayag na nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Uri ng halaman na nahahawig sa puno A. buri


ng saging na ginagamit sa paggawa ng
basket,tsinelas, at iba pa
2. Ang magugulang na dahon ay ginagamit
na pang-bubong ng bahay B. rattan
3. kilala sa tawag na yantok at ginagamit
sa paggawa ng mga muwebles C. abaka

4. Isa sa pinakamalaking palmera na


tumutubo sa bansang Pilipinas D. niyog

5. Kilala sa tawag na Puno ng Buhay dahil


mahalaga at nagagamit ang bawat
bahagi nito. E. nipa

14
z

Aralin Materyales na Matatagpuan


2 sa Pamayanan
Nababatid sa araling ito ang ibat-ibang materyales na matatagpuan
sa pamayanan. Sa pamamagitan ng mga materyales na nasa iyong
paligid lamang ay maaari kang makagawa ng kapakipakinabang na
proyekto. Tuklasin kung ano-ano ang mga materyales na ito at kung ano
ang maaring gawin sa mga ito.

Balikan

Panuto: Sagutin ng Tama kung ang pahayag ay dapat gawin at Mali


naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Gumamit ng angkop na kagamitan sa paggawa.


2.Ibigay ang buong atensyon sa paggawa.
3. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapan na
matutulis.
4. Patayin ang mga de-kuryenteng kasangkapan matapos
Gamitin.
5. Hugasang mabuti ang kamay bago at pagkatapos
gumawa.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kasunod na rap at pagkatapos ay itala ang limang


(5) mga materyales na matatagpuan dito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

15
Yo, yes,yes yo!

Tingin dito, tingin doon,


Sa paligid nating bigay ng Poon
Maraming bagay na mayroon
Sa proyektong naiisip
Materyales na tugon

Niyog,buri,dahon at kawayan
Abaka, damo, kahoy o talahib man
Kapaki-pakinabangang silang tunay
Halina’t gamitin nang buong husay
Yo, yes yes yo!

Pag-aralan Natin

Ang ating bansa ay sagana sa materyales na makikita sa mga


pamayanan. Ito ay maaring halamang-tanim o halamang-dagat.

Narito ang ilan sa mga halimbawa at ang mga proyektong mabubuo:

Materyales Proyekto

1. tabla/kahoy Ang mesang kinakainan, silyang upuan, aparador,


dingding ng bahay ay ilan lang sa mga proyekto na
gawa sa kahoy.

2. Abaka Ito ay isang uri ng halaman na kahawig ng saging.


Ang hibla nito na mula sa puno ang siyang hinahabi
upang makagawa ng basket, basahan, tsinelas
sinturon , palamuti at lubid.

3. Niyog Ito ay tinatawag na puno ng buhay dahil lahat ng


bahagi nito may kapakinabangan. Halimbawa ang
hibla ng bunot ay gawing lubid, bag, at pahiran ng paa.

4. Pandan Ginagawang banig, sapin sa plato, sombrero, bag


tsinelas at iba pa ang dahon ito.

16
5. Buri Isang palmera na ang murang dahon ay ginagawang
banig sombrero, pamaypay, bag ,lubid ,basket at
marami pa.

6. Nipa Ang mura at hindi nkabukang dahon ay pinatutuyo sa


araw at ginagawang kapote at pamaypay. Ang gulang
na dahon ay ginagamit na pangbubong ng bahay.

7. Rattan Kilala ito sa tawag na yantok na ginagamit sa paggawa


ng muwebles, bag, basket, duyan, at mga palamuti.

8. Kawayan Ginagawang basket, upuan at marami pa.

Suriin

Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

1. Ang kawayan ay ginagawang____________.


2. Ang mesang pinagkainan ay kalimitang gawa sa___________.
3. Kinukuha sa abaka ang hibla at hinahabi upang makagawa ng
basket, palamuti at ______ .
4. Ang pamilya ni Jenjen ay gustong gumawa ng itlogan ng mga
manok. Maaari niyang gamitin ang ______________.
5. Tinatawag na puno ng buhay ang niyog dahil_______________.

Pagyamanin

Panuto: Sa tulong ng mga larawan, alamin kung sa anong


materyales gawa ang mga bagay na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

17
1. 2.

3. 4.

5. 6.
5

Isaisip

Panu
Panuto: Pumilli ng limang halimbawa ng materyales na nakikita sa inyong
lugar at magsulat ng tig-iisang halimbawa sa proyektong mabubuo nito.

Materyales Proyektong mabubuo

1.________________ _________________

2.________________ _________________

3.________________ _________________

18
4.________________ _________________

5.________________ _________________

Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang halimbawa ng plano na nasa ibaba. Pagkatapos


ay gumawa ng isang plano sa isang proyektong maaaring gawin sa
bahay. Gamitin ang pormat sa dulo ng halimbawa. Isulat ang plano sa
malinis na papel.

Plano ng Proyektong Pamunas ng Kamay

I. Pangalan ng proyekto: Pamunas ng Kamay

II. Layunin: Makakagawa ng Pamunas ng kamay

III. Talaan ng materyales:


30x50 sentimetrong tela
Karete ng sinulid

IV. Disenyo:

V. Pamamaraan:
Dito ilista ang mga paraan kung paano isagawa ang
proyekto. Halimbawa:
1.Maghanap ng lumang damit/mga damit
2. Putulin ang isang bahagi na may sukat na 30x50 sentimetro
3. Tupiin at tahiin ang mga gilid ng tela.
4. Gumawa ng disenyo sa isang dulo nito. Maari itong
dagdagan ng palamuti at pangkabit sa dingding.
5.Linisin ang mga hibla at sinulid sa ginawang proyekto
at labhan ito.

19
EPP IV

Pangalan:___________________ Petsa:
_______________
Seksyon: __________________ Iskor:________________

Plano ng Proyekto sa Kwarter 3

I. Pangalan ng proyekto:
II. Layunin:
III. Talaan ng Materyales:
IV. Disenyo
V. Pamamaraan:

Tayahin

Set A
Panuto: Kilalanin ang mga materyales na inilalahad sa ibaba. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang hibla ay ginagawang lubid.
a. pandan b. rattan c. nipa d. abaka
2. Anong produkto ang maaaring magawa sa rattan?
a. lubid b.sombrero c.basket d. pamaypay
3.Tinatawag itong puno ng buhay dahil sa halos lahat ng parte ay
may gamit.
a. niyog b. pandan c.abaka d. rattan
4.Ang tanim na pinagkukunan ng walis tingting?
a. niyog b.rattan c.pandan d.abaka
5 Ang parte ng nipa ang maaaring gawing pang-atip ng bahay?
a. bunga b.dahon c.puno d.sanga

20
Set B
Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

___1. Kilala sa tawag na puno ng A. abaka


buhay dahil mahalaga at
nagagamit ang bawat bahagi
nito.

___2. Nahahawig sa puno ng saging B. buri


ginagamit sa paggawa ng basket
tsinelas, at iba pa.

___3. Ang magulang na dahon nito ay C. niyog


ginagamit na pangbubong ng
bahay.

___4. Isa sa pinakamalaking palmera D. nipa


na tumutubo sa buong Pilipinas.

___5. Kilala sa tawag na yantok at


ginagamit sa paggawa ng muwebles. E. rattan

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng dalawang disenyo ng mga proyektong maaaring


gawin mula sa mga materyales na matatagpuan sa loob ng bahay lamang
o sa pamayanan. Iguhit ito sa malinis na papel at ibigay sa guro.

21
22
Suriin
1.basket,upuan,atbp.
2.kahoy/tabla
3.hibla
4.dahon ng niyog Subukin
5.lahat ng parte may gamit 1. c
Tuklasin 2.e
Niyog 3.b
Buri 4.a
Kawayan 5.d
Abaka Balikan
Damo 1.Tama
Tayahin 2.Tama
1.C 3.Mali
2.A 4.Tama
3.D 5.Tama
4.B Pagyamanin
5.E 1.plastic bottle
6.C 2.yantok/nito
7.C 3.recycle na kagamitan
8.A 4.yantok
9.A 5.lumang regadera
10.B 6.latang walang laman
Talaan sa Pagkatuto
Subukin

Tama o Mali

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap at


sabihin kung tama o mali ang isinasaad nito. Isulat ang (T) sa sagutang
papel kung tama at (M) kung mali.

1. Ang pagpapahalaga ay isinasagawa bago simulan ang


gawain o proyekto.

2. Ang pagpapahalaga sa ginagawa ay maaaring sariling gawa


o ipinagawa sa iba.
.
3. Ang pagiging matapat ay mahalaga sa pagmamarka ng
natapos na gawain.

4. Huwag nang ulitin ang paggawa kung mababa ang


nakuhang marka.

5. Ang scorecard ay may layuning malinang ang kakayahan.

23
Z

Aralin Pagpapahalaga sa
3 Natapos na Proyekto

Sa araling ito ay matutuhan mo ang ibat-ibang paraan ng pagbibigay


ng pagpapahalaga o pagtataya sa proyektong nabuo na siyang
magsisilbing batayan kung pagbubutihin o pagagandahin pa ang nabuong
proyekto.

Balikan

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat


ang tamang sagot sa sagutang papel.

Ano ang dapat gagawin bago


magsagawa ng isang proyekto?

Tuklasin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Ano ang karaniwang ginagamit sa pagtataya at


pagpapahalaga ng isang proyekto?
2. Ano ang ibig sabihin ng rubric?
3. Ano ang iba’t-ibang uri ng rubric?

24
Pag-aralan Natin:

Ano ang nakikita mo sa larawan? Maganda ba? Nasisiyahan ka ba


sa iyong nakita? Paano natin masasabi na ang ating proyekto ay
maganda at naayon sa panuntunan?

Ang pagtataya sa proyekto ang pinakahuling hakbang sa


pagsasagawa nito. Magagamit ang mga puna at suhestiyon ng iba upang
higit na mapahusay ang proyekto. Magagawa ito gamit ang evaluative
instruments.

Malaking tulong ang pagsusuri ng gawaing natapos maganda man


o hindi ang naging resulta. Kung mataas ang marka, magsisilbing
inspirasyon ito upang higit kang maganyak na bumuo pa ng magaganda
at kapuri-puring proyekto. Kung mababa naman ang marka, hindi Ito
dapat ikalungkot sa halip gawin itong hamon upang pagbutihin pa ang
paggawa.

Ang iyong mga nagawang proyekto, may kalidad man o wala ay


patunay pa rin na may kakayahan ka na bumuo ng isang proyektong
lilinang ng iyong galing sa paggawa. Sa pamamagitan nito dapat
pinapahalagahan mo ang iyong mga nagawa. Lalo mo pang husayan at
gawing maayos at maganda ang mga proyekto sa susunod na aralin.

Narito ang isang halimbawa ng instrumento sa pagtataya na


maaaring magamit sa pansarili o pampangkat na pagpapahalaga ng
proyekto:

25
Suriin ang isang halimbawa ng proyekto na paggawa ng dust pan.

Plano ng Proyekto sa paggawa ng Pandakot (Dustpan)

I. Pangalan ng proyekto: Pandakot/Dustpan


II. Layunin: Makagawa ng improvised na pandakot
III. Kagamitan:
1 x 2 x 3 ft. na kahoy
Lumang galon katamtaman ang laki
Pako, lagare at martilyo
IV. Disenyo (ayon sa iyong nais)
V. Pamaraan
1. Maghanap ng lumang galon upang gawing dust pan.
2. Gupitin ang dulong bahagi ng galon na malapit sa hawakan
nito.
3. Gawan ng sariling desinyo ang dust pan at markahan ang
galon ayon sa desinyong ginawa.
4. Gupitin ang galon ayon sa marka.
5. Ikabit ang nagawang dust pan sa 1x2x3 ft na kahoy.

Paano susuriin at pahahalagahan ang ginawang dust pan?

Isang paraan ay ang paggamit ng rubric.

Ang rubric ay nangangahulugang isang set ng mga pamantayan sa


pagmamarka ng nagkakaibang antas ng produkto at proseso. Ito ay
nagsisilbing patnubay sa pagmamarka na nagtataglay ng mga patunay o
ebidensya sa kung anong lapit at pagproproseso ang ginagawa ng isang
mag-aaral para sa pagsasagawa ng isang proyekto.

Mga Uri ng rubric:

1. Holistic – Naglalarawan ng kabuuang kalidad ng isang


pagsasagawa, pagtatanghal o produkto. Ang pagsasagawa ay
karaniwang sinusulat sa isang talata na may kumpletong
pangungusap.

2. Analytic – Naglalarawan ng kalidad ng isang pagsasagawa,


pagtatanghal o produkto na may kaugnayan sa isang tiyak na
kraytiryon. Karaniwang ginagamit sa maramihang pagtataya
gamit ang score card o table form.

26
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng rubric.

Rubric Para Sa Oras Ng Paggawa


Kraytirya 5 3 1 Marka
Kasangkapan Kumpleto May kulang di-kumpleto
angkop angkop di-angkop
wasto ang ngunit di at mali ang
gamit Wasto ang paggamit
Paggamit
Paggawa Sinunod ang Sinunod ang di-nasunod
hakbang hakbang ang hakbang
natapos sa natapos sa di- natapos
takdang takdang Sa oras
oras oras ngunit di-maaayos
maayos di- ang gawa
ang gawa maaayos
ang gawa
Gawi/kilos May di-gaanong Maingay
mabuting nagpakita di-nakilahok
asal, ng maturing at iniwang
mangling asal marumi any
nakilahok pakikilhok, at silid
at iniwan malinis
malinis any na silid
silid
Equivalent Rating:
15=100% 12=80% 9=60% 6=40% 3=20%
14=93% 11=73% 8=53% 5=33%
13=86% 10=66% 7=46% 4=26%

Isa pang paraan ay ang paggamit ng score card. Makikita sa ibaba


ang isang halimbawa nito.

Scorecard
Mga Batayan Katampatan Bata Guro
1. Wastong pagsunod sa plano 25%
2. Wastong paggamit ng 20%
kagamitan/kasangkapan
3. Gamit ng proyekto 15%
4. Kabuuang Anyo 25%
5. Pagkamalikhain 15%

27
Suriin

Panuto: Gamit ang kasunod na score card, sagutin ang mga tanong sa
kasunod nito sa sagutang papel.

Scorecard sa Proyektong Latang Pencil Case


Mga Kraytirya Ganap na Marka
puntos ng Bata
I . Batang Gumawa
1.Kumpletong kagamitan 5
2.Nasusunod ang mga 5
pangkalusugan at pangkaligtasan.
3.Natapos sa takdang panahon 5
4.Napanatiling malinis ang lugar na 5
Pinagawaan
II. Paggawa ng mga kasanayan
1.Wasto at maingat paggamit ng 15
pamputol sa lata.
2.Tamang tupi ng papel. 15
3.Maayos at magandang paggupit ng
papel. 15
4.Nasunod ng maayos ang mga 15
hakbang.
III Kabuuang anyo
1.Nasunod ang desinyo / hugis ng 10
Proyekto
2.Kaakit-akit 10
Kabuuan 100

1. Ilang kraytirya mayroon ang scorecard na iyong nakita?


2. Magkano ang kabuuang puntos na ibinigay sa kraytirya para sa
batang gumawa?

3. Sa anong parte ng kraytirya may malaking puntos?


4. Ilan sa kraytirya ang nakapaloob sa kasanayan sa paggawa?
5. Anong uri ng papahalaga ang ginamit natin sa latang pencil case?

28
Pagyamanin

Panuto: Tingnan ang larawan ng isang improvised coin bank


Gumawa ng sariling rubric sa malinis na papel at ipakita sa guro
pagkatapos. Sundin ang pormat sa ibaba.

Rubric sa paggawa ng coin bank


Mga Krayterya Ganap na Marka ng
Puntos Bata

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

Paano bibigyang halaga ang isang proyekto?

29
Isagawa

Panuto: Gamit ang latang walang laman, gumawa ng pencil holder. Kunan
ito ng larawan at idikit sa papel. Kopyahin ang scorecard sa ibaba at
makisuyo sa isang kasapi ng pamilya na mas nakakatanda na
pahalagahan ang iyong natapos na proyekto gamit ang scorecard. Hingin
ang kanyang lagda pagkatapos ng ginawa niyang pagtataya. Gagawa din
ng pagtataya ang guro sa oras na maipasa na ang iyong ginawa.

SCORECARD
Mga Batayan Pagtataya
Katampatan Bahagdan Nakatatandang Guro
kapatid
/kapamilya
1.Wastong pagsunod sa 25%
plano
2.Wastong paggamit ng 20%
kagamitan / kasangkapan
3. Gamit ng Proyekto 15%
4.Kabuuang anyo 25%
5. Pagkamalikhain 15%
Kabuuan 100%
Lagda

30
Tayahin

Panuto: Basahing at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat ang tsek [ / ] kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis [x]
kapag ito ay mali.

______1. Ang scorecard ay hindi makatulong upang mapaganda ang


ginawang proyekto.
______2. Ang pagpapahalaga ay isinasagawa pagkatapos ng gawain
o proyekto.

_3. Ang pagpapahalaga ay maaaring ipagawa sa iba.

______4. Ang pagiging matapat ay mahalaga sa pagmamarka ng


natapos na gawain.

______5. Huwag ng ulitin ang ginawa kung mababa ang marka.

______6. Ang pagpapahalaga ay makatulong upang lalo pang


mapaganda ang ginawang proyekto.

7. Ang pagbibigay halaga sa isang proyekto ay mag-sisilbing


batayan upang mapaganda pa ang ginagawang proyekto.

8. Ang scorecard ay naglalaman ng mga kraytirya sa


pagpapahalaga sa isang proyektong natapos.

9. Ipagsawalang bahala o hindi pansinin ang ibinigay na puna


ng mga magulang o kapatid.

10. Tanggapin nang maluwag ang puna at suhestiyon ng mga


magulang at kapatid.

31
Talaan sa Pagkatuto
gawi /kilos
10./ 3.kasangkapan,paggawa,
9.x 2.kraytirya
8./ 1.pagpapahalaga
7./ Tuklasin
6./
5. x 5. Score Card 5. T
4. / 4. 4 4. M
Kasangkapan
3. / 3. Paggawa ng mga 3. T
2. / 2. 20 2. T
1. x 1. 10 1. M
Tayahin Suriin Subukin

Sanggunian:

K-12 Most Essential Learning Competencies


Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4. Gabay sa Pagtuturo pp. 221- 223;238-239;242-
243
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4. Kagamitan ng Mag-aaral pp. 468-470; 512-
515;521-526

DepED Valencia City DLP EPP 4 Quarter 3

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

32

You might also like