You are on page 1of 19

g -a ar

in
a

IP
g
mah
P

I
a

NA
laa

GBI
n
BI
L I
4
Pa I
ND
Filipino
H I

Ikatlong Markahan-Modyul 6:
(Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
Binasang Teksto)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan - Modyul 6: ( Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Teksto)
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang–sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia


Tagapamanihala ng mga Paaralan Rebonfamil R. Baguio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlene D. Berial

Tagapag-edit: Relene V. Llagas


Leah D. Okit

Tagasuri: Emelita F. Rey, PSDS

Tagalapat: Rommel C. Villa


Ma. Gelyn G. Zerna

Illustrador: Madilyn P. Saphlot

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Tagapamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Tagapanimahala ng mga Paaralan
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 6:
(Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa
Binasang Teksto)

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Ang Modyul na ito
Bahagi na ng pang araw- araw na buhay ng mga kabataan ang
pagabasa ng iba’t ibang teksto. Nagiging mas maintindihan ng isang
mambabasa o tagapakinig kung ang tekstong binasa ay may angkop
na pamagat.

Sa modyul na ito, mas mapalawak pa ang iyong kaalaman sa


pagbigay ng angkop na pamagat sa nabasa mong teksto.

Nararapat na pagbutihan at pag-aralang mabuti ang mga aralin,


gawain at mga pagsasanay na inihanda para sa iyo.

Mga Tala para sa Guro


Ang araling ito ay nakasentro kung saan
masusukat ang kakayahang umintindi ng
mag-aaral. Mainam na sa pabibigay ng
puntos ay maghanda ka ng rubric at criteria
na pagbabasehan mo ng katumbas ng puntos
ng kanilang mga sagot. Lalung- lalo na sa
pagsasanay na nangangailangan ng lohikal
na eksplenasyon.

3
Alamin

Pagkatapos gawin ang mga pagsasanay sa modyul na ito, ang


mga bata ay inaasahang :

Layunin:

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto

Paano matuto sa Modyul na ito?

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod mga hakbang:

• Basahin at unawaing mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Subukin

Sa modyul na ito ay nakapagbibigay ka ng angkop na pamagat


sa babasahin mong teksto.
Bilang paunang pagsasanay, alamin mo kung paano magbigay
ng angkop na pamagat sa isang talatang babasahin.

Panuto: Basahin ang isang talata at bigyan ng angkop na pamagat ito.


Isulat ang sagot sa patlang.
___________________________________

Napakasaya ng pistang-bayan sa aming lalawigan. Tatlong araw


bago pa man dumating ang araw ng kapistahan ay pinaghahandaan na
ang pagdiriwang na ito. May mga tugtugan, awitan, sayawan, at iba’t
ibang palaro. May parada pa na pinangungunahan ng banda. Kasama
sa parada ang magagandang dalaga na nakasakay sa karwahe.
Sa ikatlong araw ay may misang-bayan. Ang mga tao ay sabay-
sabay na nagdarasal sa aming Mahal na Patron. Ang bawat tahanan
ay may mga handang iba’t ibang kakanin.
Bawat isa ay may ngiti sa labi sa araw na ito.
Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang teksto? ________________________

2. Ano ang angkop na pamagat sa talata?____________________

5
z

Aralin (Pagbibigay ng Angkop


1 na Pamagat sa
Napakinggang Teksto)
Sa isang talata, tula, kanta o kwento napakahalaga na ang mga
ito ay may angkop na pamagat. Upang makabuo ng angkop na
pamagat, kinakailangan makuha ang paksang diwa, dahil ito ang susi
sa pagbuo ng angkop na pamagat ng isang tekstong babasahin.

Balikan

Panuto: Ibahagi ang iyong sariling opinyon sa isang tekstong


argumentatibo at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel gamit ang
ilustrasyon sa ibaba.

Ano ang mahalaga, araw o ulan?


_____________________________________
____________________________________
____________________________________
_____________________________________
______________________________________
______________________________________
___________________________________
______________________________

6
Tuklasin

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nangunguna sa


larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga
dayuhan ang mga produkto nating gawang-kamay na tulad ng
binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t
ibang larangan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang paksang diwa ng talata? ________________________
Ganito ba ang iyong sagot? Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang
larangan.

2. Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata?


_______________________________________________________

3. Ang pamagat ng talata ay: “Ang Pilipino: Likas na malikhain”


Magkatulad ba tayo ng pamagat?___________________________

4. Nakatulong ba sa iyo ang paksang diwa ng talata sa pagbibigay ng


angkop na pamagat? ___________________________________

5. Anong salita sa pamagat na “Ang Pilipinas: Likas na Malikhain”, ang


sinimulan sa malaking titik? __________ __________ __________
__________
6.Bakit sinimulan sa malalaking titik ang mga ito?
_______________________________________________________

7
Dahil ang mga ito ay mahahalagang salita. Ang Ang ay simula
ng pamagat. Alin naman ang hindi sinimulan sa malaking titik?
_____________________ Ang salitang na ay hindi isinulat sa
malaking titik dahil hindi ito mahalagang salita.

Suriin

Panuto: Basahin ang isang maikling talata, piliin ang angkop na


pamagat sa ibaba at isulat sa sagutang papel.

Pamagat:_________________________________

(1) Nasa Unang Baitang pa lamang ako, naranasan ko na ang

pagtitipid na ginagawa ni Inay sa amin. (2) Bagaman hindi

kami naghihirap, nakita ko kung paano bumili si Inay ng mga

mura ngunit masustansiyang pagkain.(3) Sa kaunting kinikita

ni Itay ay nakakain kami ng tatlong beses.(4) Nagtayo rin si

Inay ng munting tindahan sa silong ng bahay namin.

(5)Tumutulong kami sa pagtitinda at gawaing-bahay hanggang

ngayon.

a. Paglalakbay ng Pamilya
b. Mayabang na Pamilya
c. Pagtitipid ng Pamilya

8
Suriin ang angkop na pamagat sa isang talatang nabasa mo sa
itaas. Pansinin ang bawat salitang binilugan at ito’y makatutulong sa
paggawa ng angkop na pamagat.
Ang bawat talata sa isang katha ay may pangunahing kaisipan na
kailangan mong alamin. Ito ang paksang pangungusap na nagbibigay
ng ideya sa pagpili ng pamagat. Inuugnay dito ang iba pang
pangungusap. Ang pamagat ng katha ay inaangkop sa pinapaksa ng
talata. Ginagamitan ng malaking titik ang mahalagang salita sa
pamagat ng talata o kwento.

Halimbawa:

1. Basahing muli ang talataan o magkakaugnay na pangungusap


na may bilang 1, 2, at 3.
2. Ano ang paksang pangungusap sa talata?_____________
_______________________________________________

3. Ano ano ang mga salitang binilugan?____________________

4. Makatutulong ba ang mga salitang binilugan sa pagbuo ng


isang pamagat?___________________________________

5. Ano ang angkop na pamagat sa talatang binasa mo?

9
Pagyamanin

Ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata ay madali


lang kung makukuha mo ang paksang diwa ng isang talata.

Gawain A: Ihanay ang angkop na pamagat sa bawat kwento,


tugma o awit.

1. Masunurin ako pagkat sinusunod ko ang


lahat na ipinag-uutos sa akin. *Tandang Sora :Ina ng
Maawain ako pagkat inihahandog ko ang mga Katipunero
lahat ng tulong na ipinagkakaloob.

2. Leron, leron, sinta, buko ng papaya


Dala-dala’y buslo sisidlan ng bunga. *Ako’y Batang Uliran
Pagdating sa dulo nabali ang sanga,
Kapus-kapalaran, humanap ng iba.

3. Itong kalikasa’y may handog na yaman, * Ang Puso


Tubig at ang metal, lupa’t kagubatan;
Ang lahat na ito’y may kahalagahan
Sa buhay ng ating mga mamamayan.

4. Ang puso ang pinakamahalagang bahagi *Leron-leron Sinta


ng ating katawan. Ito ang humihithit at nagbubuga
ng dugo sa loob ng katawan natin. Ito’y walang
hinto nang pagbuga ng dugo na nagdadala sa
iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga sustansyang
nanggaling sa kinakain natin at ng oksihinada na
nagmula sa hanging ating nilalaghap.

5. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong *Likas na Yaman


ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga
magulang ay sina Juan Aquino at Valentina
Aquino. Noong kabataan niya ay madalas
siyang maimbitahan sa kanilang parokya
upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng
pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng
Santakrusan. Kahit na walumpu’t tatlong

10
taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi
naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan.
Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong
may sakit at nagugutom.

Gawain B: Piliiin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na


kasunod ng bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. ______________________________________________
Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro
o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi
nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at iba pa.

a. ang niyog
b. Ang Niyog
c. Ang mga Gamit ng Niyog
d. ang mga gamit ng Niyog

2. ____________________________________________
Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue)
ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng
buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang
Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis
na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa
pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

a. Ang kawanihan ng Rentas Internas


b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas
c. Ang kawanihan ng internas rentas
d. ang kawanihan ng internas rentas

3. ____________________________________________
Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang
bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang

11
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay
ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para
sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa
ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

a. Tradisyon ng mga Pilipino


b. Kapistahan ng mga Pilipino
c. Ang Bayanihan
d. Mga Kapistahan sa lalawigan

4. _____________________________________________
Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa
gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan,
pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan
ng isa’t isa. Anumang problema ang dumating, kailangang mapanatiling
buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating
pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

a. Ang Pamilyang Pilipino


b. Ang Pamilya
c. Ang Problema sa Pamilya
d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

5. ______________________________________________
Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni
Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari
ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa
pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si
Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.

a. Lapu-lapu, Bayaning Kano


b. Lapu-lapu, Bayaning Insik
c. Lapu-lapu, Bayaning Pilipino
d. Lapu-lapu, Bayaning Hapon

12
Isaisip

Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang


paksang diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng
ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod
ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap
ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing
diwa ng talata o kuwento. Ginagamit ang malaking titik sa
mahahalagang salita sa pamagat ng talata o kuwento. Ang unang salita
sa pamagat ay sinimulan din sa malaking titik.

Isagawa

Panuto: Ilagay sa bubong ng bahay ang angkop na pamagat ng isang


talata.

Pamagat ________________________

Magkakapatid sina Precious at Princess. Pareho


silang matalino. Masipag mag-aral si Preciuos
ngunit si Princess naman ay mahilig manood ng TV.
Minsan, habang si Precious ay gumagawa ng kani-
yang mga aralin, si Princess naman ay laro nang laro
lamang.
Maagang matulog si Princess kahit na may
eksamen kinabukasan. Subalit si Precious ay
nagpupuyat sa kaniyang pag-aaral. Nang magbigyan
ng card, si Precious ang nanguna sa kaniyang klase.
Matataas ang nakuha niyang mga marka. Mababa
ang natamong mga marka ni Princess. Dahil sa
nangyari, nalungkot siya.

13
Tayahin

N
Narito ang isa pang talata. Basahing maigi at hanapin ang angkop
na pamagat. Ito ay maaring matagpuan sa una, sa gitna o sa hulihang
pangungusap.

Pamagat ________________________________

Malinis at maituturing na kahanga-hanga ang aming pamayanan.


Kayraming turista ang nagaganyak na pasyalan ang aming lugar upang
doon magpalipas ng gabi. Sa gabi kasi ay laging may pagtatanghal sa
plasa. Iba’t iba ang mga mang-aawit at artistang inaanyahan ng aming
Punong Barangay upang pawiin ang lungkot ng mga mamamayan.
Marami rin kaming mga kababayan na may kani-kaniyang talino sa iba’t
ibang larangan sa sining, sa edukasyon, at sa palakasan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang


papel.

1. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People


Power ay si Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom ng
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga

14
kay dating Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo
bilang bagong Pangulo ng bansa. Nakamit din niya ang Ramon
Magsaysay Award para sa paglilingkod sa pamahalaan noong
2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo.

Ano ang angkop na pamagat ng talata?__________________

2. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang


tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang
kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo
ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay
atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na
gulay at prutas.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

3. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap


sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng
Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng
Mayo para sa mga hindi nakadadalo sa Setyembre. Bago ang
mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa
Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen
at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga
bangka.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

15
4. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang
Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130
kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila.
Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga
beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang
laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ____________________

5. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya


ang nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na
isang tipid-gas na gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan.
Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang
Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang
nagpapatunay ng kanyang hangaring makatulong sa ating bayan.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

16
17
Tayahin Isagawa
1. Ang aming Pamayanan 1.Ang Magkakapatid
Gawain A
1.b
2. b
3. a
4.a
5. c
Karagdagang Gawain
1. Hilario G. Davide Jr, kilalang Punung-hukom Gawain A
2. Bitamina A 1.Ako’y Batang Uliran
3. Ang Kapistahan ng Our Lady 2. Leron Leron Sinta
4. Sa Puerto Galera 3. Likas na Yaman
5. Pablo Planas, isang Peñafrancia 4.Ang Puso
5. Tandang Sora: Ina ng mg Katipunero
Subukin Tuklasin
Pistang Bayan 1.Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan
2. Ang Pilipino Likas na malikhain
3. Oo
4.Oo
5. Ang Pilipinas Likas Malikhain
6.ito ay mahalagang salita
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:

Jabines, A.D. (2015) Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4 Patnubay ng


Guro Sunshine Interlinks Publishing House Inc.

Lalunio P. Ph.D et al, (2010) Hiyas sa Pagbasa Ikaapat na Baitang


LG&M Corporation.

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17757

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6854

Para sa mga katanungan at mungkahi, maaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Valencia

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like