You are on page 1of 17

Filipino

Ikatlong Markahan– Modyul 7:


Pagbibigay ng Sumusuportang
Kaisipan
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Sumusuportang Kaisipan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Relialyn A. Ramos


Editor: Ramon S. Gravino Jr., Maylen F. Sardido Tagasuri:
Tagawasto: Merla S. Silva
Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Lee Wilson C. Precellas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines Mary Jane M.
Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Pagbibigay ng Sumusuportang
Kaisipan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Maligayang pagdating sa isa na namang panibagong modyul na iyong pag-
aaralan.

Sa modyul na ito, matututuhan mo kung paano magbigay ng mga


sumusuportang detalye mula sa pangunahing kaisipan ng tekstong iyong binasa.

May iba’t ibang gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kakayahan at madali mong maintindihan ang modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa. (F3PB- IIIe - 11.2)

Subukin

Sa iyong pagsisimula, basahin at unawain ang talata.

Galit na Langit

2
Galit na galit ang langit. Ang buhos ng ulan ay napakalakas na para bang wala nang
bukas. Ang kulog na maririnig ay parang Mula sa iyong binasa, sagutin anmalakas
na pagsabog. Ang matatalim at nakatatakot na kidlat ay g mga sumusunod na
tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwaderno. makikita sa madilim na
papawirin.

1. Tungkol saan ang binasang talata?


a. galit na langit
b. malakas na ulan
c. matatalim na kidlat
d. nakabibinging kulog

2. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?


a. Ang kulog na sumasabog.
b. Galit na galit ang langit.
c. Ang kidlat na matatalim sa papawirin.
d. Ang napakalakas na buhos ng ulan.

3. Alin ang nagpapatunay na galit na galit ang langit?


a. ang malakas na buhos ng ulan
b. ang kidlat na matatalim ang nakikita sa papawirin
c. ang kulog na maririnig ay parang malakas na pagsabog
d. lahat ng nabanggit

4. Ano naman ang makikita sa madilim na papawirin?


a. ulan
b. kidlat
c. kulog
d. buwan

5. Ano ang tawag sa mga pantulong na impormasyon sa pangunahing


kaisipan?
a. unang kaisipan
b. pangwakas na kaisipan
c. sumusuportang kaisipan
3
d. wala sa nabanggit

Pagtalakay sa Leksiyon

Balikan
Dugtungan ang pangungusap upang makabuo ng isang talata batay sa larawan.
Isulat ito sa papel.

4
Sina Alyssa at Arky ay mababait na anak………

Tuklasin
Basahin ang talata

Mga Dakilang Magulang

Si Nanay Martha at Tatay Berto ay mga dakilang magulang.


Sila ay nagsisilbing ilaw at haligi ng aming munting tahanan. Magkatuwang sila
sa pagsisikap upang kaming apat na magkakapatid ay mabuhay nang
matiwasay. Araw -araw silang nagtatrabaho upang maibigay ang aming
mga pangangailangan.

5
Suriin
Batay sa nabasang talata, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa papel.
1. Sino ang mga tauhan sa akda?
2. Paano inilarawan sina Nanay Martha at Tatay Berto sa talatang
binasa?
3. Bakit kaya nagsilbing ilaw at haligi ng kanilang tahanan sina Nanay Martha
at Tatay Berto?
4. Ano ang pangunahing ideya sa talata?
5. Ano ang mga kaisipang sumusuporta sa pangunahing ideya?

Pagtalakay sa Leksiyon Balikan

6
Ang pangunahing kaisipanay ang
pangunahing ideyasa talata. Kadalasan itong
makikita sa unahan, gitna, at hulihan ng
pangungusap.

Ang mgasumusuportang kaisipan


naman
ay mga pangungusap na nagbibigay ng
karagdagang detalye na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan.

Pangunahing Kaisipan
:
Si Nanay Martha at Tatay
Berto ay ang aming mga dakilang
magulang.

SumusuportangKaisipan: Sumusuportang
SumusuportangKaisipan
::
Kaisipan
Magkatuwang sila sa
Sila ang nagsisilbing pagsisikapupang kami
ilaw at haligi ng aming ay mabuhay nang
munting tahanan. matiwasay.

SumusuportangKaisipan:
Araw - araw silang
nagtatrabaho upang
maibigay ang aming
mga pangangailangan.

Pagyamanin
Basahin at unawain ang talata. Punan ng sumusuportang kaisipan ang grapikong
pantulong. Gayahin ang pormat sa kuwaderno.
7
Diyaryo
Ang diyaryo ay pinagkukunan ng iba’t ibang impormasyon. Ito ay

nagbibigay sa atin ng kaalaman kung ano ang nangyayari sa ating lipunan.

Nagsisilbi rin itong pahayagan ng mga saloobin ng mga taong kasapi nito.

Pangunahing Kaisipan:
Ang diyaryo ay pinagkukunan
ng iba’t ibang impormasyon.

Sumusuportang Kaisipan: Sumusuportang Kaisipan:

8
Isaisip
Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo
diwa ng
ang
paksang pinag
-aralan.

1. Ang pangunahing kaisipan


______________________
ay
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________.
2. Ang mga sumusuportang kaisipan naman _ay ______
______________________________________________________
_____________________________________________________
_
____________________________________________________
_.

Isagawa

Isulat sa papel ang √ kung ang pangungusap ay nagsisilbing sumusuportang


kaisipan sa ibinigay na pangunahing kaisipan at × naman kung hindi.
Pangunahing kaisipan:
Napakaganda ng Pilipinas.
__________1. Napapalibutan ito ng luntiang kapaligiran.
__________2. Marami kang makikitang basura kahit saan. __________3. Ang
karagatan ay ipinagmalaki dahil sa pinong mga buhangin at mala kristal
nitong katubigan.
__________4. Ang mga punong kahoy ay pinuputol.
9
__________5. Ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao at
Chocolate Hills sa Bohol ay iilan lamang sa mga
lugar na puwede mong mapuntahan.

Tayahin

Piliin sa kahon at isulat sa papel ang angkop na mga sumusuportang kaisipan


batay sa ibinigay na pangunahing kaisipan.
Mahalaga ang punongkahoy sa ating kalikasan.

Pangunahing kaisipan Pantulong na


kaisipan:
1._________________________________________________________
2._________________________________________________________
3._________________________________________________________
4._________________________________________________________
5._________________________________________________________

Nagsisilbi itong tahanan ng mga ibon at ibang hayop.

10
• Maaari itong putulin nang basta - basta.
• Tayo ay mabubuhay kahit wala ang mga punongkahoy.
• Tumutulong itong sipsipin ang tubig-baha.
• Ito ay nagbibigay ng oxygen upang tayo ay makahinga.
• Nakakukuha tayo ng pagkain mula rito.
• Ginagamit ito bilang materyales sa paggawa ng papel at iba pang
kagamitan.

Karagdagang Gawain
Sa iyong kuwaderno, sumulat ng suportang kaisipan sa pangunahing kaisipan na
ibinigay sa ibaba.

Pangunahing kaisipan:
Napakasaya ng aking bakasyon.
Sumusuportang kaisipan:

• ____________________________________________________
• ____________________________________________________
• ____________________________________________________

11
Susi sa Pagwawasto
pagkukumpuni ng mga gamit.
tumutulong sa kanyang ama sa
kanyang ina sa paglilinis. Si Arky ay
anak.Si Alyssa ay tumututulong sa
a 2. b 3.d 4.b 5.c 1. Sina Alyssa at Arky ay mababait na ⚫
Subukin Balikan

araw silang nagtatrabaho. Araw


- ⚫
√ 4.× 5.√ 3. .×√ 2. 1.
Magkatuwang sila sa pagsasakripisyo. ⚫
Isagawa
5.

dakilang magulang.
pangunahing kaisipan. Si Martha at Berto ay ang aming 4.
karagdagang detalye na sumusuporta sa
ay mga pangungusap na nagbibigay ng upang mabuhay ang kanilang mga anak
Ang mga sumusuportang kaisipan naman ⚫ Magkatuwang sila sa pagsasakripisyo 3.

pangunahing ideya sa talata. dakilang magulang. Sila ay mga 2.


Angang
pangunahing kaisipan ay ⚫ Si Martha at Berto 1.
Isaisip Suriin

kagamitan.
paggawag ng papel at iba pan
saloobin ng mga taong kasapi nito. Ginagamit ito bilang materyales sa •
Nagsisilbi rin itong pahayagan ng mga ⚫
Nakakukuha tayo ng pagkain mula rito. •
ano ang nangyayari sa ating lipunan.
Ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman kung ⚫ tayo ay makahinga.
Ito ay nagbibigay ng oxygen upang •
Sumusuportang kaisipan:
baha.
ibang impormasyon. ng- tubig aipsipin
Tumutulong itong s •
Ang diyaryo ay pinagkukunan ng iba’t ⚫
at ibang hayop.
Pangunahing Nagsisilbi itong tahanan ng mga ibon
kaisipan: ⚫

Pagyamanin Tayahin

Sanggunian
Curriculum Guide sa Filipino 3 pahina 54 ng 190. F3PB- IIIe - 11.2.

12
Sunga Dolores T., et,.al. Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Rizal: Olympia Publishing House, 2013.

13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

14

You might also like